Episode 1. Sinisilipan ko daw s'ya? Kumag talaga!

1363 Words
Kainis! Kung ibuhos ko kaya sa kanya itong orange juice? O kaya lagyan ko nalang ng lason ng mamatay na at wala ng bw*sit sa buhay ko! Nakakainis nakakapag isip tuloy ako ng masama sa kapwa. The nerve talaga ang kapal ng mukha niya! Ako pa talaga ang magtitimpla ng juice niya! Ang kumag na ‘yon! Inis na sabi niya sarili habang inihahanda ang inumin ng dalawa. Kung hindi lang siya papagalitan ng kuya niya ay hinding hindi niya ito ipagtitimpla ng kahit na anung inumin dito sa bahay nila, kahit ultimo tubig never niyang itong bibigyan. Ang lapit lang naman ng bahay ng kumag, oo sobrang lapit lang dahil katabi lang naman ng bakuran namin ang bakuran nila pero dito pa dumeretso para makiinom lang ng juice at bw*sitin na naman ang araw ko! Galing sa paglalaro ng basketball ang kuya Chris niya at ang mortal niyang kaaway na si Achilles na best friend naman ng kanyang kuya. “ Tin? Asan na ang juice namin?” sigaw ng kuya Chris niya. “ Sandali lang naman kuya! Ito na po.” Umikot pa ang mata niya bago lumabas ng bahay. Printeng nakaupo at nakangisi pa ang mokong kainis talaga! “ Hi Valentines!” nakangising bati ni Achilles. Tinaasan lang niya ito ng isang kilay at hindi umimik, naiinis siya kapag tinatawag siya nito sa buo niyang pangalan with S pa. Bakit ba naman kasi Valentine pa ang pinangalan sa kanya ng kanyang mga magulang sa dami ba naman ng pangalan sa mundo. At ang galing talaga ng mga magulang nila napaka unique talaga ng pangalan nilang magkapatid ang kuya naman niya ay Chris Max na muntik ng maging Christmas dahil December twenty four ito ipinanganak buti nalang at naging lalaki ito kung hindi baka naging Merry Christmas ang pangalan nito. Ang rason daw talaga ng kanyang mga magulang kung bakit Valentine ang pangalan niya ay sobrang obvious naman diba? Dahil saktong February fourteen s’ya pinanganak. O diba ang galing ng mga magulang niya! Naisip talaga nilang ipangalan sa’kin ang Valentine? Sa dami ba naman ng magiging pangalan ko. Ako naman tuloy ngayon ang tampulan ng tukso lalo na nitong kumag na si Achilles. Kung hindi ko lang talaga mahal ang mga magulang ko ay matagal ko na silang itinakwil dahil lang sa pangalan ko. Pero syempre biro lang ‘yan! Hindi ko naman kayang gawin ‘yon, dahil mabait akong anak at mahal na mahal ko sila. “Asan nga pala si Mama?” Tanong ng kuya niya ng pabalik na sana siya sa loob ng bahay. “ Namalengke nag request kasi si Papa kanina ng adobo para sa hapunan natin mamaya.” “Wow adobo! Pwede bang makikain ako dito mamaya?” Tanong ni Achilles. “ Naku huwag mo ng sirain ang gabi namin!” “Bakit Valentines makikikain lang naman ako… Dapat mapagmahal at mapagbigay ka, naturingan pa naman na araw ng mga puso ang pangalan mo.” Nakangising sabi nito. Ito na nagsimula na naman mang asar ang mokong na ‘to! Nakakainis din ang kuya niya dahil hinahayaan lang nito na asarin siya ni Achilles. Wala na siyang pahinga sa pang aasar nito, sa school pati ba naman dito sa sarili niyang bahay? “ Cheeeh! Valentine ang pangalan ko walang S! At saka family day namin mamaya, hindi ka pwede!” “Bakit kapamilya n’yo narin naman ako. Diba kuya Chris?” Hindi agad nakasagot ang kuya niya dahil busy ito sa hawak na cellphone. “ Ah, oo Achilles siyempre! Hindi kana iba, welcome na welcome ka dito sa bahay namin.” Sabi ng kuya niya at bumalik na ulit ang tingin nito sa hawak na cellphone. “ Sabi ko sayo eh! Ikaw lang naman dito ang may ayaw sa’kin Valentines.” “ Tigilan mo nga ako sa kakatawag sa’kin ng Valentines! Kainis umuwi ka na nga sainyo at hindi ka namin kapamilya!” Umikot pa ang mga mata niya at nagpapadyak siyang pumasok sa loob ng bahay habang malakas na tumatawa ang mokong na si Achilles.” Kapal talaga ng muka ng mukong kainis lakas makapanira ng araw! Sabado ngayon ang akala ko ay walang mambubw*sit sa buhay ko. Umakyat siya ng kwarto niya at binuksan ang laptop gagawa nalang siya ng research paper para sa science. Mamaya ay narinig na niyang nagpaalam si Achilles sa kuya niya sabay ng pagbukas at pagsara ng kanilang gate. Salamat naman at umuwi na ang mokong! Habang busy siya sa pagtipa sa keyboard ay napadaku ang tingin niya sa nakabukas na bintana sa kabilang bahay. Sobrang lapit lang kaya kita niya ang nasa loob ng bahay napalunok siya ng makitang nakahubad baru si Achilles. In fairness naman talagang maganda ang katawan ng mokong na ‘to! Napatigil siya sa ginagawa at hindi napigilan tumingin sa kabilang bintana siguro ay hindi naman siya mapapansin nito dahil nakaharang ang laptop niya at busy naman ito sa ginagawa. Pero dahil sa sobrang bilis ng pangyayari bigla nalang itong napatingin sa may bintana ng kwarto niya, dahil nga sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na siya nakakilos agad para bawiin ang tingin. Kaya mabilis siya nitong nakita dahil naka angat din ng kunti ang muka niya sa laptop kaya nahalata nitong nakatingin siya dito. “ Hoy Valentines! Bakit mo ko sinisilipan ha?” sigaw nito sa kabilang bintana. “ Excuse me? Ang kapal naman ng muka mo gumagawa ako dito ng research paper no! Kasalanan ko ba? Kung bakit kasi nakabukas ang bintana ng kwarto mo habang nagbibihis ka?” Pasigaw din niyang sabi. Sa hiya niya ay dali dali niyang sinara ang nakabukas na bintana. Narinig pa niya ang malakas na pagtawa nito bago niya tuluyang maisara ang kanyang bintana, ramdam niya ang pamumula ng muka. Bakit ba naman kasi nasakto pa ang kwarto niya sa tapat din ng kwarto ng mokong na si Achilles.Oh diba? Wala na talaga akong peace of mind sirang sira na ang buong araw ko buong linggo at ang buong buwan ko. At pati buong taon ko! Kapag minamalas ka nga naman oh! Ang gusto ko lang naman ay mamuhay ng mapayapa. Dahil sa inis ay isinara na niya ang laptop at nahiga, maya maya pa ay hinila na siya ng antok. Nagising siya dahil sa maingay na kaluskus sa baba. Naisip niyang nandito na ang kanyang Mama at nag aayos na ito sa kusina. Pupungas pungas siyang bumaba ng hagdan at pumunta sa may kusina. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Achilles na tumutulong sa kusina. At anu na naman ang ginagawa ng mokong na ‘to dito? Tiningnan niya ito ng masama. “ Hi Valentines, mukang kakagising mo lang ha? Ganda siguro ng panaginip mo no?” bati nito habang nakangisi. Inirapan lang niya ito at humalik sa pisngi ng ina. Naalala na naman niya ang nangyari kanina ang kapal din talaga ng muka nito. Alam niya kung anu na naman ang tinutumbok nito. “ Ma bakit hindi n’yo po ako ginising?” “ Okay lang anak, alam ko naman na kailangan mo din ng pahinga. At saka andito naman si Achilles tinulungan na niya ako magdala ng mga pinamili ko kanina ng bumaba ako ng tricycle. Sabi ko nga sa kanya na dito narin siya mag hapunan dahil panigurado na gabi na naman uuwi ang Papa niya dahil madalas iyon mag overtime kahit sabado. May puto at orange juice d’yan mag meryenda ka muna.” Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ng Ina, wala na ba talaga akong peace of mind? Kahit isang araw lang po Lord! Mahirap po ba ibigay iyon sa’kin? Simple lang naman po ang hiling ko… Tumingin siya dito sabay irap. “ Kumain ka muna mahal na prinsesa, bawal kang magutom baka mangayayat ka niyan sige ka.” Ani Achilles habang nakangisi. Kainis wala talaga itong pinipiling lugar sa pang iinis sa kanya, kahit sa harap ng Mama niya ay inaasar siya nito. Kumuha siya ng puto at Juice at dali dali siyang lumabas ng kusina. The nerve talaga ng mokong na Achilles ang kapal ng muka mas makapal pa sa gilagid niya! Panira ng araw hindi talaga siya nakuntento pati dito sa sarili kong bahay… ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD