Episode 2. Kumabog ang puso ko dahil kay kumag!

1464 Words
Kakatapos lang niyang maglinis ng buong bahay at sa labas ng kanilang bakuran, kung bakit naman kasi ang lawak ng bakuran nila na namana pa ng Papa niya sa Lolo at Lola niya na matagal ng pumanaw. Tapos wala pa silang katulong kaya sobrang napapagod tuloy siya sa paglilinis dito kapag wala siyang pasok. Wala ngayon ang Mama at Kuya Chris niya dahil may importante silang nilakad. Lumabas siya kanina para bumili ng soft drinks at junk food na sobrang ipinagbabawal ng Mama niya sa kanya. Pero dahil wala ito ngayon ay makakain siya ng lahat ng gusto niyang kainin. Minsan lang naman, reward ko narin ‘to dahil naglinis ako ng buong bahay nakakapagod kayang maglinis. Binuksan niya ang tv para manood ng Korean novela habang nagpapahinga at kumakain. Nagsisimula palang siyang manood ng bigla siyang magulat… Si Achilles bigla bigla nalang itong pumasok ng bahay ng walang sabi sabi. “Hoy… Anung ginagawa mo dito? Paano kang nakapasok?” Nakakunot noong tanong niya kainis nandito na naman ito para manggulo at sirain ang araw niya! “Kasi naman napaka burara mo iniwan mong nakabukas ang gate n’yo! Paano kung may masamang loob na pumasok? Wala ka pa naman kasama ngayon.” Oo nga pala lumabas siya kanina para bumili ng makakain at nakalimutan niyang isara ang gate nakapasok tuloy itong mokong na si Achilles. “ Oh, kaya nga anu pa ang ginagawa mo dito? Wala si kuya hala alis na!” Inis niyang sabi. “ IKaw ang sama talaga ng ugali mo! Concern lang naman ako. Sabi ng kuya mo pakitingnan tingnan kita. Baka kumakain kana naman daw ng junk food. Kaya naman may isusumbong ako mamaya.” Nakangisi nitong sabi. “ Alam mo bwisit ka talaga sa buhay ko no?” “Kalma lang! Hindi na kita isusumbong basta hayaan mo lang ako dito huwag mo akong paalisin .” “ Bakit ba? Para bw*sitin ako ngayon? Wala ka bang magawa sa bahay n’yo? At saka wala akong pakiaalam kahit isumbong mo pa ako! Kailangan ko ngayon ng katahimikan parang awa mo na!” “ Okay sabi mo eh… Pero hindi lang ‘yan may alam pa akong sekreto mo!” “ Anu naman aber?” walang ganang tanong niya. “ Alam ko kung sino ang crush mo!” “ Ah, talaga lang ha?!” Sarkastikong tanong niya. “Oo… Alam ko!” “ At sino naman aber?” “ Walang iba kundi si KHALIL!!!” Napahawak siya sa kanyang bibig “ Kainis ka pano mo nalaman?” Inis niyang tanong parang gusto niya tirisin ‘to sa sobrang inis. Naturingan na lalaki daig pa nito ang mga marites sa lugar nila. “ Nabasa ko lang naman sa likod ng notebook mo, napaka burara mo kasi sa mga gamit mo ayan tuloy nabasa ko!” “ Pakialamero ka talaga ACHILLES!!!” Sinuntok niya ito sa braso ng sobrang lakas hindi na niya napigilan ang sarili sa sobrang inis. “ Tingnan mo nga para kang amasona! Paano ka naman magugustohan non? Saka narinig ko na sexy daw ang gusto non sa babae hindi katulad mo na mukang…” “ Mukang anu? Sabihin mo!” “ Wala… Sobrang takaw kasi!” “ Buti subukang mo lang ituloy ang sasabihin mo makakatikim ka talaga sa’kin! At saka wala kanang pakialam don! Atleast gentleman s’ya sa mga babae hindi katulad mo!” “ Mas gwapo naman ako don no!” “Wow ha? Lakas ng fighting spirit mo!” “Siyempre dami kayang chicks ang nagkakagulo sa’kin!” “ Ah, talaga ba?” “ Oo…Kita mo naman diba?” “ Hindi kasi nila alam ang ugali mo! Nakaka turn off ka kaya!” “ Uy sobra!” “O-o nga, pagnalaman nila wala ng magkakagusto sayo!” “ Sobra ‘to! Oh, anu hindi mo na ba ako papalabasin ng bahay?” Nag isip muna siya ng ilang saglit kung palalabasin niya ito ngayon ay siguradong ipagkakalat nito ang sekreto niya! Ito pa eh, kayang kaya nito gawin iyon dahil sa lakas nitong mang asar sa kanya.“ Sige na nga basta mangako ka na hindi mo ipagsasabi kahit kanino, deal?” nakasimangot na sabi niya. Alam niyang para siyang nakipag kasundo kay hudas na kahit anung oras ay pwedi siyang traydorin. “ Pag-iisipan ko!” “ Bakit na naman?!” “ Nakasimangot ka oh!” Ngumiti siya ng plastic.“ Oh, ayan ha! Huwag kanang umarte pa! Titirisin na talaga kita!” “ Ang tapang naman nito! Okay Deal! Basta maging mabait ka sa’kin you’re secret is safe with me.” nakangisi pa nitong sabi. Kainis alam niyang sa tuwing may gusto itong pabor ay gagamitin nito ang sekreto niya laban sa kanya, para mapapayag siya sa gusto nito. Humanda rin ito sa kanya dahil makakahanap din siya ng sekreto nito. “ Basta huwag kang maingay d’yan at huwag mo akong be-bwesitin! Okay?” “ Okay fine! Ang hilig mo pala sa mga baduy na palabas na katulad niyan! Dati doraemon at Dragon balls lang ang pinapanood mo.” “ EH, anu naman! Shhhh! Huwag kanang maingay d’yan at makinood ka nalang kasi.” “ Fine!” Nagsimula na silang manood, nagsisi siya bigla na ito ang napili niyang panoorin na kasama ito. Dahil may kissing seen napalunok siya, medyo naging awkward ang pakiramdaman niya. Hindi siya sanay na manood ng ganyan ng may kasamang lalaki at kami lang dalawa ang nasa loob ng bahay! Nagkasabay pa sila ng pag kuha ng junkfood at nahawakan pa nito ang kamay niya. Sa pagkabigla niya ay nahampas niya ito ng malakas sa kamay. Dahil parang siyang nakuryente sa paghawak nito sa kamay niya. “ Aray… Sobrang mapanakit ha?” Habang himas himas nito ang kamay na nasaktan. “ Eh… Kasi naman nanggugulat ka!” “ Hindi naman horror ‘yan ah! At saka bakit ka ba nanonood ng mga ganyan siguro gusto mo narin mahalikan no?” nakangising tanong ni Achilles. “ Hoy hindi ibig sabihin na nanonood ako niyan ay gusto ko ng mahalikan!” “ Eh, bakit ka nga nanonood niyan aber?” Tanong nito na biglang nilapit ang muka sa kanya, iyong sobrang lapit na ramdam niya ang hininga nito sa may buhok niya. “ Wala gusto ko lang bakit ba? Pakiaalam mo!” Hindi siya lumingon dito dahil alam niyang mahahalikan niya ito sa sobrang lapit ng muka nito sa kanya. Pakiramdam niya ay pulang pula ang buong muka niya at biglang bumilis ang t***k ng puso niya dali dali niyang ini off ang tv. At hinila niya ang manggas ng damit nito at itinulak niya ito palabas ng pinto. “ Labas na nga!” Hindi niya ito tinitingnan kaya hindi niya Makita ang reaksyon ng muka nito. “ Oh, Bakit? Hindi pa nga tapos ang palabas.” “ May gagawin pa pala ako! Alis na huwag mong kalimutang isara ang gate.” Sabay sarado niya ng pinto. “ Ang daya mo naman may deal tayo… May utang ka pa sa’kin Valentines!” anito sa labas ng pinto. “ Hala uwi na doon kana lang sainyo manood ng tv!” pahabol pa niyang sabi. At dali dali na siyang umakyat ng kwarto at padapa siyang nahiga. Kainis! Bakit ganon ang naramdaman ko kanina? Ang lakas ng t***k ng puso ko muntik ng lumabas. Kahit naman kasi mapang asar itong si Achilles eh… May taglay din naman itong kagwapuhan aminin man niya o hindi crush niya ito noon. Pero ngayon wala na inis nalang at galit ang natira, pero iyon nalang ba talaga? Eh, anu ‘yon naramdaman mo kanina?Hmmp! Tumigil ka nga self wala lang ‘yon! Hindi ka lang sanay na may kasamang lalaki na manood ng may kissing seen iyon lang ‘yon tapos! Crush niya si Achilles dati, mabait naman kasi ito sa kanya noon eh, medyo nahihiya pa nga siya dito dati. Pero simula ng asarin siya nito at pag tripan ay na turn off na siya ng bongga! At ayon naging mortal enemies na sila nito. Lumipat sila dito sa lugar namin ng mag ga-grade six siya, masaya naman siya noon dahil walang bw*sit sa buhay niya. Simula noon ay naging magka klase na sila nito. Hanggang sa tumuntong sila ng high school at doon na nga nagsimula ang pang aasar nito na talaga naman kinaiinisan niya. At ang kinaiinis pa niya lalo ay hindi man lang siya ipagtanggol ng kuya niya sa kaibigan nito. Mas mahalaga na ba ngayon ang kaibigan kaysa kapamilya? Paano na ‘yong kasabihan na blood is thicker than water? Misan tuloy ay hindi niya maiwasang magtampo sa kapatid niya. Maging ang mga magulang niya ay giliw na giliw sa mokong na ‘yon! Siguro ay mas magiging masaya pa sila kung si Achilles ang maging anak nila at hindi ako… ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD