Episode 3. Nilagnat si Achilles dahil sa'kin!

1394 Words
Pauwi na sana siya pero sobrang lakas ng ulan kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang dalhin ang payong. Pabigla bigla naman kasi ngayon ang pagbuhos ng ulan kanina lang ay ang ganda pa ng sikat ng araw. Siguradong nakauwi narin ang kuya niya ngayon sa bahay, dahil siguradong akala nito ay may dala siyang payong. Sisiguraduhin niya na sa susunod ay lagi na niyang bit bit ang kanyang payong kahit anung mangyari. “ Hi Tin! Wala ka bang dalang payong?” Napalingon siya sa nagsalita. Si Khalel! OMG! “ Uy! Ikaw pala Khalel, wala eh. Nakalimutan ko sa bahay kanina.” “ Gusto mo sabay kana sa’kin? Hatid na kita sa sakayan ng tricycle, ang lakas ng ulan oh!” “ Naku huwag na nakakahiya naman sayo, baka tumigil narin naman iyan maya ma’ya.” “ Huwag kanang mahiya Tin, okay lang naman sa’kin. Saka paanu kung hindi pa iyan tumigil? Gagabihin ka niyan sa pag uwi.” “ Sig-“ “ Ahmmm! Saakin na siya sasabay Khalel at binilin na siya ng kuya Chris niya sa’kin.” Ani Achilles na biglang sumulpot sa likuran niya. “ Ah, ganon ba? Buti naman kung ganon. Alam ko magkalapit lang ang bahay n’yong dalawa, para naman safe ng makauwi itong si Tin.” Napaka gentlemen talaga nitong si Khalel. Hindi katulad nitong mokong na si Achilles, kainis naman magkaka moment together na sana kami ni crush. Hmmp! “ Oo akong ng bahala sa kanya!” Ani Achilles. “Sige alis na ako. Ingat kayo Tin…Achilles!” “ Salamat Khalel…mag iingat ka din pauwi!” Tumango lang ito sa kanya at ngumiti kinilig ng very light ang puso niya. Sana ay kasabay na niya ito sa iisang payong habang malakas ang ulan. Kaso panira talaga itong kumag na ‘to! “ Kinilig ka naman? Hindi ka naman talaga gustong ihatid non! Napilitan lang ‘yon dahil naawa sayo!” “ Eh… Pakiaalam mo ba? Bakit ka pa kasi nandito?” “ Nagtext lang naman ang kuya mo na isabay na daw kita pauwi at nakalimutan mong dalhin ang payong mo.” “ Hindi mo nalang sana ako sinabay! Utang na loob ko na naman tuloy ito ngayon sayo!” “ Oo dami mo nang utang sakin mahaba na ang listahan mo!” “ Kaya nga huwag mo nalang kasi akong isabay, hinayaan mo nalang sana ako dito.” “ Eh… Ako naman ang malalagot sa kuya mo!” Siguro kung hindi lang dahil sa pakiusap ng kuya niya ay wala talaga itong balak na isabay siya pauwi. Napaka ungentle man talaga ng mokong na’to! “ Kailan ba siya nagalit sayo? Mas mukang kapatid ka pa niyon kaysa sa’kin eh!” “ Naku huwag ka ng magdrama d’yan Valentines! Tara na at mukang wala balak tumigil itong ulan.” Napipilitan pa siyang lumapit dito. “Tara na! Huwag ng papilit!” “ O-o na! Ayan na nga!” “ Alam mo gusto talaga kitang isabay ngayon… Kasi kapag bumaha may salbabida ako, hindi ako basta basta malulunod.” Nakangising sabi nito. “ Wala ka talagang pinipiling oras at panahon sa pang aasar mo sa’kin no?” “ Bakit kailangan ba may oras?” Sa inis ay naitulak niya ito at nabasa ito ng ulan. Hindi niya ito pinansin at diretso ng lumakad habang hawak ang payong mabilis naman itong naglakad papunta sa kanya. Bakit ka naman ganyan isinabay kita para hindi ka mabasa ng ulan tapos ako naman ‘tong hindi mo pinayungan. Sama talaga ng ugali nito!” “ Huwag mo kasi akong iniinis!” “ Bakit ka ba sobrang napipikon? Ang cute nga ng salbabida life saver ayaw mo non?” “ Isa pang salita!” Hindi na ito nagsalitang muli. Pero napansin niyang nabasa ito ng ulan naawa naman siya dahil baka bigla magkasakit ito. Pero Kasi kagagawan din naman niya ‘yan! Sobra siyang mang asar sa’kin, hindi naman kasi ako mataba eh… Chubby lang! Ayan nabasa tuloy siya ng ulan buti nga! Nakauwi sila ng walang imikan inihatid pa siya nito sa bahay nila. Buti naman at hindi na ito nagsalitang muli kundi makakatikim na naman ito sa’kin! *** Kinabukasan ay hindi pumasok si Achilles kinabahan siya bigla baka nagkasakit na nga ang kumag na ‘yon! Naguilty siya bigla kasalanan din kasi niya ang nangyari dito kung pinabayaan nalang sana niya ito at hindi na niya pinatulan kahapon. Sobra kasing nakakapikon na ito! Wala ba kasi itong magandang sasabihin? Pagkauwi niya ng bahay ay nalaman niya na may sakit nga si Achilles. “ Nak! Pakitingnan mo nga si Achilles sa bahay nila. Dalhin mo narin itong sabaw na ginawa ko kawawa naman ang batang ‘yon inaapoy ng lagnat kanina, at saka mamaya pa uuwi ang Papa niyon.” “Bakit ako pa po Ma?” nakasimangot niyang tanong. “Bakit sino pa ba? Wala akong mautusan umalis ang kuya mo bilis na at may ginagawa ako dito sa kusina.” “Opo!” kakamot kamot nalang siya ng ulo. Kainis naman ako pa talaga ang pupunta sa bahay nila? Pagdating niya sa bahay nito ay hindi na siya kumatok pa. Binuksan niya ang pinto at nakita niyang nasa may sala ito nakahiga sa sofa mukang mahimbing naman itong natutulog pumunta siya sa may kusina para ilagay ang sabaw na bigay ng Mama niya. Lalabas na sana siya ng pinto ng bigla itong magsalita. “ Ma dito ka lang huwag kang umalis!” Ani Achilles. Nilapitan niya ito at tiningnan kung gising nakapikit naman ito. Akala ko pinag titripan na naman ako ng mokong na ‘to! Hinawakan niya ang noo nito jusko sobrang init inaapoy ito ng lagnat. Dali dali niyang kinuha ang maliit na towalya na nasa may mesa na mukang ginamit nito kanina. May nakita siyang alcohol sa malapit agad niyang kinuha iyon at nilagay sa tabo na may kunting tubig. Alam niyang gumawa ng first aid dahil lagi itong ginagawa sa kanila ng Mama niya sa tuwing magkakasakit silang magkapatid. At effective talaga dahil bumababa naman agad ang lagnat nila. “Ma huwag mo kong iwan!” sambit muli nito. Pinunasan niya agad ang muka nito ngayon lang niya ito natitigan ng ganito kalapit, napakaamo ng muka nito kabaliktaran ng ugali lalo na kapag gising! Ang ganda ng kilay ha! Malago iyon pero may kurti. Ang pilik mata ang haba perfect! Ang kinis ng muka n’ya, at ang pula pula ng mga labi ng mokong na ‘to! Mukang ang sarap halikan! Hoy self! Anu ka ba? Pinagpapantasyahan mo na ba ‘yan? EH… Mortal mo ‘yan na kaaway diba? Dapat nga d’yan hinahayaan ng mamatay!... Huwag ka naman ganyan self! Sabi niya sa sarili. Hindi ka naman ganyan kasama, beside ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nagkasakit diba? Umiling iling nalang siya dahil para siyang timang madalas na niyang kinakausap ang sarili ngayon. Pinagpatuloy niya ang pagpunas sa muka nito sa braso, sa mga kamay nito at dapat din sanang mapunasan ang buong katawan nito para bumaba agad ang lagnat. Pero mukang hindi na niya kayang gawin iyon. Tatawagin nalang niya ang Mama niya para ito na ang gumawa. Pero bigla siyang hinawakan nito sa kamay ng akmang tatayo na siya. “ Ma dito kalang huwag mo akong iwan. Please?” Ani Achilles na nakapikit parin ang mga mata. Biglang na naman kumalabog ang puso niya dahil sa paghawak nito sa kanya ang init ng kamay nito. Panu ba ‘to? Kailangan na itong mapunasan para hindi na umakyat ang lagnat nito. Ay bahala na si Batman kaysa naman mamatay ‘to! Baka maging kasalanan ko pa, magi-guilty pa ako nito habang buhay. Itinaas niya ang damit nito at pinunasan niya ang buong katawan nito ng nakapikit. Hindi maiwasan madikit ang kamay niya sa dibdib nito in fairness naman soft ang balat nito at puro muscle! Kita naman niya ng nakahubad ito dati sa may bintana, kahit sa malayo ang ganda ng katawan nito. Dali dali niyang binaba ang damit nito, at pagkatapos ay nilagyan ng towel ang noo. Mukang tulog na tulog parin ito at nabawasan narin ang init, buti naman at makakaalis na siya ngayon. Dahil hindi na niya mapigilan pa ang sarili na humanga lalo sa mortal niyang kaaway… Hindi pwede! Nakaka turn off kaya ang lalaking ito! Walang alam gawin kundi laitin siya pagtripan at bw*sitin ang araw niya!!! ***

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD