Kabanata 1

2753 Words
Nag-inat ako bago matanaw ang buong katawan niya na walang saplot pero amoy bagong ligo. "Good morning, may niluto akong breakfast sa kitchen kumain tayo nang sabay bago magpunta sa libing ni Lola." "Why didn't you wake me up before you took a bath?" Yakap ko rito. "Kailangan mo nang pahinga." "Ikaw din naman kailangan mo niyon. Gusto mo ba after malibing si Lola magbakasyon tayo kahit one month lang." "One month?" Silip nito. "Oo, huwag mo alalahanin ang trabaho rito may pinagkakatiwalaan akong tao para mag asikaso ng company natin." "S-sige," "Baka sakaling sa bakasyon na 'yon makabuo na tayo." Bulong ko "Magbibihis muna ako," iwas nito bago pumasok sa walk in closet. Pumasok ako nang banyo para maghilamos matapos 'nun nakabihis na si Roselle ng damit pero naabutan kong may ininom na gamot. "May masakit sayo?" taranta nitong itinago ang lalagyan ng gamot sa bag. "Oo,sumasakit ang ulo ko." "Mag-rest ka baka mamaya niyan lumala 'yang pananakit ng ulo mo." "Mawawala rin ito since nakainom ako nang gamot." "Hindi kapa kumakain,tara na. Mamaya na lang ako maliligo." Tahimik kami lumabas ng kwarto saka sabay kumain. Hindi mawala sa isip ko ang plano namin after nito. Sigurado magiging maganda ang bakasyon at natitiyak ko rin doon pa lang magagawa na namin ang baby namin. Una kasi sa lahat kailangan ko na talaga magka anak at pangalawa madidisappoint ko sina Mom and Dad kapag hindi napunta sa akin ang kalahating Mana ni Lola. Ang tagal nilang pinagpaguran at trinabaho ang kompanya hindi ito makakapayag na ang isang anak lang nila ang maglakamit ng mariwasang buhay. "Saan niyo ba balak magbakasyon para maayos ko na lahat?" Excited na tanong ni Mommy matapos kong banggitin ang plano namin ni Roselle. Nailibang na si Lola pero kaagad din umalis ang Asawa ko dahil may pipirmahan itong documents sa office. "Sa Maldives po." "Talaga? Okay, aayusin ko na lahat tapos ikaw na bahala magsabi sa asawa mo tomorrow night ang alis niyo." "I'm going to the office today." "Good, tawagan mo ako kung okay sa kanya bukas ng gabi." "Sure Mom, I have to go." She kissed me on the cheek before getting into her own car and the same for me going to the office. Pagpasok ko sa office ng asawa ko nagkalat ang mga papel sa lamesa at sahig. May pinagagalitan itong lalaki at sa tingin ko isa sa kanyang Secretary. Natigilan lang ito magsalita ng makita akong nagdadampot ng mga papel sa ibaba. "What are you doing here?" pati yata sa akin magagalit pa. "I think we should talk that your head is not hot. Ano ba nangyari bakit nagkalat ang mga ito?" Pakita ko sa hawak kong papel. Sa lalaki ito tumingin. "Damputin mo lahat nang 'yan saka mo tapusin ang dapat kanina pa tapos napaka simple lang naman ng pinagagawa ko!" "Yes, Maam sorry po." Tarantang pinagpupulot ng lalaki ang mga papel nagkalat tutulungan ko sana pero sinigawan lang ako na huwag akong tumulong. "Bakit ba ang init na naman ng ulo mo? Hindi mo dapat sinisigawan ang mga kasama mo rito." Sumbat ko nang makalabas ang lalaki. "Nagpunta ka ba rito para pagsabi lang ako sa walang kwenta?" "Roselle,hindi kita pagsasabihan kung nakikita kong trinatrato mo sila ng maayos." "At dapat ba maging kalmado ako kahit alam kong kailangan na kailangan iyon?" "Pero hindi basehan 'yon..." "Ewan ko sayo,ano ba pinunta mo rito?" "Tomorrow night ang punta nating Maldives." "Agad-agad??" "Oo, saka sumagot ka naman na after malibing ni Lola hindi ba?" "Buti sana kung walang problema sa office." Bubulong bulong nito. "Sinabi ko naman sayo na sa iba mo na lang ipagawa----" "Ako lang makakagawa nito!" Bulyaw sabay hagis ng ballpen malapit sa kinatatayuan ko. "Ano bang problema mo Roselle ha? Dati naman hindi ka ganyan pero bakit ngayon konting kilos, konting mali galit na galit kana." "Kapag masyado mabait ang isang tao inaabuso." "At sino aabuso sayo? Isa pa, sobra naman ang inuugali mo. Siguro may problema na naman sa Viper Berus kaya nagkakaganyan ka." Tumalikod ito habang pinagmamasdan ang tanawin. Dinig ko ang sunod-sunod na buntong hininga bago ako magsalita. "May problema sa Viper what is it?" "Buwag na ang Viper," masama ang awra nang humarap sa akin. "Wala nang Viper Berus, nagkanya-kanya na silang alis." "Ano? Bakit?" "Ganoon naman talaga hindi ba? Kapag nagkaroon ng sariling buhay saka magsisialis sa grupo." "But we are still Lucifer Kingdoms," depensa ko "Kayo 'yon, iba kami. Kaya nga ba ayokong magkaanak dahil mapapabayaan ko ang mga responsibilidad ko sa grupo kaya ayan, ayan na nga ba sinasabi ko. Paano na lang sasabihin ni Marnelie ngayong buwag na ang grupong itinatag niya." "Marami pwede magbago sa buhay ng tao. Kung dati iniisip lang natin ang away at gulo pero this time sana isipin mo may sariling pamilya---" "May sariling pamilya na ba si Bebsie, Thania, at Nicole?!" "Wala pero syempre iniisip din nila 'yong buhay na papasukin nila matapos ---" "Bakit ba lagi kana lang may dahilan? Bakit hindi mo ipagtanggol ngayon si Reign?" "Na naman?" "At bakit hindi?" Sarcasm niya. "Bakit nadamay na naman dito si Reign ha? Akala ko ba okay na tayong apat bakit nagkakaganyan ka na naman?" "Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?" "Roselle ano na naman ba issue mo?" "Ikaw, baka may issue sa kanya." "Pati ba naman ang nakaraan ibabalik mo pa?" "Oo, at wala kang pakialam kung ibalik ko araw-araw lahat nang ginawa niyo!!!" "Bakit ba!!!" Pakiramdam ko umakyat sa ulo ko ang buong dugo ko sa katawan. "Sinisigawan mo ako?!" "So tell me, where do you think you can't move on para naman makapag adjust ako sa pagiging immature mo. Lahat ba naman issue sayo, sige sabihin mo." "Sa hotspring..." "Ang tagal na 'nun!" "Sa Bar kiniss mo siya..." "Pwede ba hindi ka talaga makakapag move on kung pati nakaraan namin hahalungkatin mo pa." "Yong nag-away ang mag-asawa bago tayo ikasal noon, hindi ba sinabi ng anak nilang lalaki na may relasyon kayo na nililigawan mo si Reign?!" "s**t,walang katotohanan iyon. Mali lang ng pagkakaunawa ang bata." "Mahal mo pa siya bago tayo ikasal..." "Roselle tumigil kana..." "Mahal na mahal mo pa rin siya hanggang ngayon..." "Stop Roselle," pakiusap ko habang lumalapit. "Ginagamit mo lang ako para masabi mo kay Cedric na okay kana na hindi mo na mahal ang asawa niya pero ang totoo---" "TUMIGIL KANA NGA SINABI!!! Hindi ko gustong sigawan siya pero mali naman ginagawa nito at maling pag-isipan pa ako sa bagay na wala nang katotohanan. "Simula ng pagkasalan kita wala na akong nararamdam for her. Kailan ka ba magtitiwala sa akin, kailan mo ba ako mamahalin na walang pagdududa."  pigil na pigil kong huwag magalit sa kanya. Mahal ko si Roselle at ayoko masaktan ko siya dahil lang sa walang kwentang pagbibintang. "Bakit kasi si Reign pa, bakit iyong kaibigan ko pa minahal mo noon. Okay lang sana kung si Christina maging karibal ko kasi patay na 'yon tao pero bakit kasi siya pa, bakit siya pa." "Hindi ko sinasadyang mahalin siya noon at isa pa matagal na 'yon sobrang tagal na. Please, huwag mo na akong awayin. Aalis tayo pero mag aaway ano iyon? Please, honey." "Naiinis ako sa sarili ko." Itong kanina napaka tapang ngayon ay umiiyak sa harapan ko. "Tahan na..." Isinubsob ko ang ulo niya sa aking dibdib. "Huwag na natin dagdagan pa ang problema. Mahal kita may mga bagay lang na mahirap ipaliwanag pero sana lagi mo isipin kahit na ano mangyari mahal kita." "Gusto ko lang naman ako lang mahal mo." hikbi pa rin. "Ikaw lang naman talaga,ah? Gusto mo patunayan ko sayo araw-araw o kahit ngayon?" "Paano?" Hinalikan ko siya bago haplusin ang kanyang likod. Umiwas ito saka tinitigan ako sa mata. Pinaramdam ko gamit sa mga mata ang totoo kong nararamdaman. "Please?" "No, may trabaho pa ako." "Doon tayo sa...sa conference room." "No way, may mga pumapasok doon na ibang empleyado." "Edi doon sa walang pumapasok." Hinatak ko siya at nilock ang doorknob. Hatak ko pa rin ito papasok sa kanyang room. I pushed her to the bed, as I undid my T-shirt before kissing her on the lips and we slowly made our way to the bed. The more our bodies heat up to caress each other. Ginagawa namin ito palagi pero ramdam ko pa rin ang bawat sensasyon. Hindi ko kayang tanggihan o iwanan ang babaeng kasama ko dahil higit pa sa isang diamante ang halaga niya sa akin. Nahubad ko na ang kanyang damit at sisimulan ko na rin tanggalin ang suot nitong pencil skirt nang may marinig kaming nag uusap. Maglalayo sana kami pero huli na nabuksan nila ang pintuan ng  room. "Wow, intense!" si Peps. "Ehem, mukhang wrong timing tayo." Si Erdem. "Hindi okay lang nang makapanuod ako ng LIVE." At si Cedric na sabay-sabay nilang binatukan. "What the hell?!" kaagad kong tinakpan nang jacket ang itaas na bahagi ng Asawa ko. "Magbihis kana bilis." Utos ko. "Bakit kasi nandito kayo?" Usisa ni Cedric. "Kami ba dapat tanungin niyo?" Sarcastic kong balik. "Ibig kong sabihin bakit hindi sa bahay??" "Bakit may oras ba kapag tinamaan ka nang libog?" Hinampas ni Roselle braso ko nang makapagbihis ito. "Swabeeee!!" basag ni Peps. "Kapag ba ikaw tinamaan Cedric uuwi muna nang bahay??" "Hindi syempre!" "Alam ko kasi may ginawa kayong milagro ni Reign sa rooftop hahaha." Basag ni Erdem. "Hoy!" "Ano?" "Paano mo nalaman iyon ha!!" "Si Erdem pa ba? Lahat ng tao kaya niyang hanapin kahit nasaan pa." Bulaslas ni Peps. "Ahhh basta! Hoy, Zayn ano ba balak mo sa birthday ng inaanak mong si Pauline pupunta ka ba o pupunta?" Pumalagitna sa amin si Peps. "Ako dapat magtanong niyan di ba? Ako ang Ama ni Pauline tama?" Ngingisi ngisi niya. "Heto kasi," turo sa akin. "Parang hindi excited sa party." "At ikaw excited ka?" "Aba, oo naman! Dapat natin i-celebrate ang unang bata sa grupo natin." "I forgot, this week na pala birthday ni Pauline paano 'yan may trip kami sa Maldives ng Asawa ko." Akbay ko sa aking asawa. "Ha? Hindi ba pwede sa susunod na linggo na lang 'yan??" "Sorry Peps inayos ni Mommy ang flight namin tomorrow night." "Bukas nang gabi kaagad?" "Oo, at walang magrereklamo." Turo ko sa kanila isa-isa. "Pero inaasahan ni Pauline na darating ang buong LK." "Ipapabigay ko na lang regalo ko." "Kilala mo naman ang inaanak mo hindi niya tinatanggap ang regalo kapag hindi mismong tao ang mag aabot sa kanya." "Edi pag-uwi na lang namin..." "Pwede naman kahit next month tayo magpunta sa Maldives." Siko sa akin ng Asawa ko. "Pero si Mommy..." "Ako na kakausap..." "Magagalit 'yon kapag..." "Basta ako nang bahala kumausap kay Mommy. Magtatampo si Pauline kapag wala tayo sa araw ng birthday niya." "Oh, paano ba 'yan next month na lang kayo umalis para happy na anak ko." Wika ni Peps habang iiling-iling akong humarap kay Cedric. "Iyon lang ba pinunta ninyo rito? Kung wala na kayong sasabihin maaari nang umalis." Taboy ko. "Aba yabang ah? Porque ikaw ngayon ang bida sa kwentong ito." "Cedric, nahithit ka na naman ba ng katol?" biro ko. "Katol? Cheap...." "Ewan ko sa inyo. Umalis na kayo,alis." "Ah basta magandang usapan ito Zayn kapag hindi kayo nagpunta sa birthday ng anak ni Peps magkalimutan na tayo." Batok sa akin ni Cedric habang palabas sila ng kwarto. Susunod sana ang asawa ko nang hatakin ko ang kamay. "Saan ka pupunta?" "Lalabas," "Pero hindi pa tayo nakakatapos," "Sa bahay na lang nawalan ako ng gana." Halik sa labi ko bago umalis. "Badtrip." Bulong ko bago sundan palabas ng kwarto. Nakangisi si Cedric sa akin habang hawak ang kamay ni Roselle may kung ano silang pinag uusapan na dapat sila lamang makaalam. "Bakit hindi ninyo ituloy pinag-uusapan?" "Usapang matino ito..." Buwelta ni Cedric. "Matino naman ako ah?" "Pero mas matino kaming dalawa." "Ano nga pinag-uusapan ninyo." "Honey, about business." "Talaga?" "Wala ka yatang tiwala sa asawa mo." pansin pa rin ni Cedric. "Meron, sobrang laki nang tiwala ko sa kanya." Lapit ko sa Asawa ko. "Kaya hindi ko siya pag-iisipan ng kung ano." Hinagilap ko ang dalawang kaibigan pero wala na sa loob. Muli kong binalikan ang asawa ko at si Cedric ng tingin pero nahuli ko silang nagsusulyapan at nag uusap gamit ang mga mata. Iba kutob ko,parang may sikreto sila na hindi sinasabi sa akin. "Dalaw tayo ngayon sa Kingdom University." Basag ko sa katahimikan. "Kailan?" "Ngayon?" "Sure, ikaw ba Roselle sasama ka?" "Hindi na, marami pa akong gagawin ngayong araw." Tugon nito nang maupo sa sariling bangkuan. "Sigurado ka ba honey?" "Oo, kayo na lang dalawa o kaya isama niyo ang iba pa sa palagay ko mas kailangan kayo sa University." walang lingon nitong tugon. "Okay mag-iingat ka rito tawagan mo ako kapag pauwi kana para masundo kita." "Sige." May kung anong pinipirmahan siya sa mga folder bago kami umalis ni Cedric. Pinili ni Ced siya magmaneho ng kotse. Paminsan-minsan tinitingnan niya ako pero iiwas kapag titingnan ko. "May problema ba? May gusto ka bang sabihin?" "Wala naman, naisip ko kung kumusta ang pagsasama ninyo ni Roselle." "Ang dami dami pwedeng isipin bakit pagsasama pa namin?" "Naisip ko kung nasabi mo na ba sa kanya tungkol sa Last Will ng Lola mo." I sigh, "Sa ngayon hindi pa ayokong isipin niya kaya gusto kong magkaanak kami ay dahil sa mamanahin ng magiging anak namin." "Pero kailan mo balak sabihin? Huwag mo patagalin baka masaktan mo feelings niya lalo kung sa ibang tao pa niya malaman." "Sira ulo ka, sinabi mo?!" He smirk, "Hindi ko ugali makisawsaw sa problema ng ibang pamilya." "Mabuti alam mo, kumukuha lang ako ng tiyempo." "Kailangan pa ba 'nun? Dapat ngayon pa lang kumikilos kana mahirap iyong nasa sitwasyon kana saka kikilos." "Basta kayang-kaya ko na ito. Kayo ba ni Reign, kumusta?" "Actually, sa isang araw dalawang beses na lang kami magbangayan consistent." "Mababa na pala sayo 'yong dalawang beses pero kung sa bagay dati nga higit sa sampung beses kayo mag-away." "Oh 'di ba? Napatino ko si Reign hahaha." "Si Reign nga ba napatino mo o ikaw ang napatino niya?" Halakhak ko rin. "Mas malala  kaya toyo 'nun! Kung alam mo lang." Sabay hampas sa manibela na para bang natatawa pa. "Mukhang happy family kayo." "Dapat lang, at dapat kayo rin ni Rosellw ganoon din. Tandaan mo, nasa ikalawang yugto na tayo nang buhay natin so dapat mas matured at mas may pakinabang ang buhay natin kasama sila." "Iba rin, nagbago na talaga ang Badboy ng Lucifer Kingdom." "Kaya sana magbago kana rin." Dugtong nito. "Matino akong tao noon pa." "Talaga? Oh sige magpapasalamat ako sayo dahil hindi mo pinabayaan si Reign noong marami pang problema." "Love mo siya kaya dapat love ko na rin." Smirk ko. "Hoy!" "Ano?" "Anong love ka riyan!" "Ibig kong sabihin mahalaga sayo si Reign kaya dapat pahalagahan ko rin dahil mahalaga siya saiyo, gets?" "Ah basta. Hindi na tayo mga bata at dapat focus tayo sa mga goal natin sa buhay." "Bakit ano na ba goal mo sa buhay ha Cedric?" "Ang matupad lahat ng GOAL ninyo sa buhay, simple lang pero para sa akin napaka halaga." Touch ako. Sana ganito lahat ng kaibigan, iniisip ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa sarili. "Salamat, sana nga matupad ang goal ko na magkaanak. Basta lagi mo ko tulungan, lagi ka lang nandiyan para makapagsimula akong muli." Tinapik balikat ko,"Anong silbi ng pagiging kaibigan ko kung sarili ko lang ang iisipin ko. Kailangan lahat kayo maging maayos at iyon ang gusto kong mangyari." "The best ang linyahan na 'yon!" Napuno ng tawanan ang loob ng kotse dahil sa linyahan niyang hindi ko makakalimutan. KINGDOM UNIVERSITY... Marami nakakamiss dito sa University at isa na nga rito 'yong na buong samahan ng Lucifer kingdom. Ang sarap balik-balikan ang nakaraan lalo kung may mga tao kang naaalala sa isang lugar. Nandito kami ngayon sa Cafeteria, humihigop ng mainit na kape habang pinapanuod ang mga naglalakaran estudyante sa labas. "Kung totoo lang sana ang time machine baka ginawa ko nang bumalik sa nakaraan." Bakas sa tinig ni Erdem ang pangungulila. "Tama ka, ganito siguro pakiramdam kapag naging maganda ang ala-ala mo sa isang lugar." dugtong ni Peps. "At maging sa kalungkutan," bulaslas ko. "Alam niyo ba?" Lahat kami sumulyap kay Cedric. "Ang pinaka masakit daw balik-balikan ay ang MEMORIES dahil sa mga ala-ala marami kang naiwan. Halimbawa na nga rito iyong apat pa nating kaibigan, namatay sila noong nandito pa tayo." "Ced..." bulong ko. "Tama ka, nawala sila pero pakiramdam ko nandito silang lahat at pinapanuod tayo." Hikbi ni Erdem. "Hey, lalaki ka huwag kang umiyak." Awat ni Peps. "Bakit ikaw hindi mo ba naranasan maalala sila at umiyak? Bato ang puso mo kung hindi mo nararamdaman itong nararamdaman ko ngayon." Nawalan nang kibo si Peps, alam kong isa rin siya sa hindi mapakali kapag pinag-uusapan na ang mga ala-ala namin dito sa KU. "Pero sa mga ala-ala mayroon naman tayong dapat ipagpasalamat iyon ay ang makilala natin si Reign." Nakangiting wika ni Cedric. "Weh, ikaw lang kamo dapat magpasalamat idadamay mo pa kami." "Bakit hindi nga ba binago ni Reign ang takbo ng buhay natin? Kung hindi dahil sa kanya baka until now gangster pa rin tayo na puro gulo ang hanap." Sabay-sabay kami lumingon sa labas at inalala ang mga nangyari sa feeling ni Reign. Napakalaki nga naman talaga nang pinagbago ng Lucifer dahil sa kanya at bukod tanging siya lang ang kumalaban sa LK noong panahon masasama pa ugali namin. Kaya bakit kami magdedeny na hindi siya belong sa buhay namin eh siya nga itong ANGEL namin. "Kahit na ano mangyari at kahit dumating ang araw na tumanda tayo hinding-hindi mabubuwag ang LUCIFER KINGDOM." inilahad ni Cedric ang kamay sa gitna at sunod-sunod namin ipinatong doon ang sariling kamay. "Magkakabarkada pa rin hanggang dulo!!!" **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD