bc

LUCIFER KINGDOM SERIES 1: GIVE BACK

book_age18+
150
FOLLOW
1K
READ
family
pregnant
badboy
sensitive
drama
city
secrets
like
intro-logo
Blurb

TANGING kaligayahan lamang ni Zayn ang magkaroon ng anak sa kanyang asawa ngunit hindi ito maibigay-bigay ni Roselle sa mababaw na dahilan. Desedido ito sa planong magkaroon ng anak sa ibang babae maibsan lamang ang lungkot na nadarama. At ito ang magiging dahilan kung bakit iiwan siya ni Roselle.

chap-preview
Free preview
Simula
This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, events, locales, and incidents are either the products of fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, Distributing or copying of this story without the author's permission is strictly prohibited. ayieshien "MAMA,huwag mo kami iwan." Dinig kong iyak ni Mommy kay Lola. Masakit para sa isang anak ang mawalan ng magulang pero para sa akin okay nang mamaalam si Lola hindi na siya pahihirapan ng karamdaman. "Master Zayn, pinapatawag po kayo ni Madam sa loob." silip ng katiwala ni Mommy. Pumasok ako sa kwarto. Habang umiiyak ang mga magulang ko naupo ako sa katabing higaan ni Lola. "Zayn, ang Last will and testament ng Lola mo." Wika ni Dad habang nagpupunas ng luha. "Ayon po sa Last will ni Madam Susana lahat ng ari-arian niya ay mapupunta sa isang charity." Bulaslas ni Attorney Gabii "What?!" hindi pa man tapos naghuhurementado na si Mommy. "What the---paano mapupunta sa Charity lahat nang yaman niya samantalang nandito kami, ang mga apo niya!" nagtaas ng boses si Daddy. "Mr and Mrs, ito po ang nakalagay sa Last will kung hindi kayo magkakaroon ng Apo mula kay Master Zayn automatic sa charity mapupunta ang lahat ng ari-arian." "Sa akin? Bakit sa akin? Hindi ba may mga apo na siya sa kapatid ko?" naguguluhan kong usisa. "Sorry pero ayon din sa Last will lahat ng apo niya ay pinartehan ng kanya-kanyang mana dahil halos kalahati ng yaman ay sa anak mo mapupunta." Sa anak ko. Paano mangyayari iyon wala pa naman kaming anak ni Roselle. "Hindi naman magiging mahirap sa inyo ito Master Zayn dahil may asawa kana. Mayroon kayong dalawang taon para magkaroon nang anak at kung lumagpas pa 'ron I'm sorry sa charity papasok lahat ng pera ng inyong Lola. Excuse me, i have to go Bangelio Family." "Pagsikapan mo magka-anak kaagad kayo ni Roselle kundi mawawalan ka ng mana habang ang kapatid mo nagpapakasasa sa pera." Linya ni Mommy. "Gawin mo na ang lahat mas mainam bago mag dalawang taon may apo na kami sainyo. Zayn, alalahanin mo kalahati ng yaman nang iyong lola ay mapupunta sa anak mo." Rinig ko pa sabi ni Daddy. Hinimas ko ang kamay ni Lola. Mukhang kailangan ko nang talagang gawin kung ano gusto niya. Isa pa, kung mangyari iyon mawawalan ako ng karapatan itaguyod ang Kingdom University. Inaasahan pa naman ako ni Cedric kahit may kanya kanya na kaming buhay. I came home to change clothes pagkatapos didiretso ako ng vigil para tulungan sina Mommy sa pag asikaso ng lamay ni Lola. "Aalis ka?" bungad ko sa aking asawa habang naglalagay ng hikaw. "Yes,may kikitain lang akong tao para sa business natin." "Hindi ka man lang ba pupunta sa lamay ni Lola?" "Anong oras ba darating ang abo niya?" Hindi man lang ako matingnan sa mata. "Mamaya pa naman..." "Matatapos kaagad ako bago dumating si Lola." Buntong huminga harap sa akin. "Sa labas na rin ako magdi-dinner." "Hindi ka ba sasabay?" "Abala ka," harap muli sa salamin. "Tingin ko hindi mo kaagad ako mapapansin." "Roselle." "Uuwi kaagad ako kapag na tapos ang dinner meeting namin. I have to go," Halik nito sa pisngi ko bago lumabas ng bahay. Noong araw na ikasal kami napaka saya ko dahil siya ang makakasama ko habang buhay. Pinili kong huwag tutukan ng husto ang trabaho upang maging maganda ang pagsasama namin pero mali ako, siya ang kumuha ng karapatan  upang maging abala sa buhay. Masaya sa kung masaya pero pakiramdam ko kulang pa rin siguro marahil wala pa kaming anak at iyon ang dahilan kung bakit nag-aaway kami. "Nasaan ang asawa mo?" bungad ni Mom. "May dinner meeting." "Bakit lagi na lang wala siya sa mahahalagang araw ng pamilya natin?" Matinding galit ni Mom kahit alam nito nasa lamay kami. "Calm down,mom. Nangako naman siyang pupunta rito after ng meeting." "Calm down? Zayn, simula ng ikasal kayo ng asawa mo lagi na lang siyang wala at dahilan niya hahabol pero sa huli ano? Maghihintay na naman tayo ng ilang oras at aasang ni anino niya magpakita." "Nangako siya." "How many times na nga ba siya nangako sayo?" May pagka sarcastic niyang usisa. "Mom..." "Hindi na ako aasa sa asawa mo." Humarap sa picture frame ni Lola. "Una't-huling lamay ito ng Mama." Buntong hininga akong humarap sa mga taong nakikiramay bago pumasok sa isang kwarto. Tinatawagan ko si Roselle pero pinapatayan lamang ako ng tawag. Kung minsan nakakasawa ang mga ginagawa niya sa pamilya ko. Tama si Mommy, She always promises to do nothing. Gusto ko sana magsawa pero asawa ko siya and I had the right to trust her. "Condolence," "Reign," "Where's Roselle?" "May meeting pero hahabol siya." kahit sa katotohanan hindi ito darating. "Ganoon ba, sige hihintayin ko na lang siya." Kahit huwag na Reign masasaktan ka lang. "Zayn?" Hawak sa kamay ko. "Sorry," yukong sabi ko. "Its okay, alam kong masakit para sayo ang mawalan ng minamahal sa pamilya pero pakatatag ka lang. By the way nasa labas sina Cedric hinahanap ka." "Bakit hindi mo pinapasok dito?" "Lalabas na rin sana ako hinanap lang talaga kita rito." Patayo na sana nang hatakin ko ang kamay. "Bakit?" "May sasabihin sana ako sayo tungkol---" lumangitngit ang pintuan kasabay nang pagpasok ni Cedric nakatingin sa kamay namin. "Ced..." bumitaw ako sa kamay ng asawa niya. "Lumabas ka muna rito hinahanap ka ng mga inaanak mo." Masama ang itsura ni Cedric ng tingnan si Reign. "Sige lalabas ako," sabi ko na lang bago sila maunang lumabas ng room. Alam kong seloso pa rin si Cedric kahit mag-asawa na sila ni Reign. Nakakatakot at the same time nakakasawa na lagi kami mag-away kahit hindi naman dapat pag-awayan. "Condolence," bungad ni Erdem nang makalabas ako ng room. "Zayn, condolence." Sabi naman ni Peps. "Thanks, LK." Inaninaw kong maigi kung sino sino pa mga kasama nila. Nandito rin ang ibang Viper Berus. "Zayn, nakikiramay kami." wika ni Thania habang buhat ang anak ni Peps. "Salamat," humarap ako kay Peps. "Nasaan si Shien?" "Hindi siya makakapunta nasa hospital ang Mama niya." Sagot ni Reign. I know hindi pa okay sina Shien at Peps pero naniniwala ako sa bandang huli sila pa rin ang nararapat. "Huling lamay na rin ito." "Ang bilis naman yata." Si Erdem. "Marami pa kami dapat asikasuhin sa mga naiwan ni Lola." "Baka hindi maglalamay ng matagal ang Viper alam mo na may mga anak silang inaalagaan." Sabi ni Peps. "Ikaw, nauunawaan ko kung hindi ka rin maglamay hanggang umaga." "Its okay, si Thania na muna magbabantay kay Pauline." Pinasadahan ko sila ng tingin ni Thania at sa ibang kasama namin. Mukhang wala naman napapansin ang iba pero para sa akin may kakaiba sa dalawang ito.                               *** "Bakit wala pa rin si Roselle?" Pansin ni Cedric, maghahating gabi na at kaming apat, sina Mom and Dad na lang nandito. "Baka napagod sa meeting nila." "Kahit sumaglit lang hindi niya ginawa, sigurado ba okay lang kayo mag-asawa?" "Oo naman," sip ko sa kape. "Ano balita sa Last will ng Lola mo?" Parinig ni Erdem sa amin. Tumayo sina Mom and Dad para pumunta kung saan. "Meron na." bulong ko. "Ibibigay sayo ang buong pamana niya?" "Kalahati, I mean sa magiging anak namin." "Aba,wala pa kayong anak, paano 'yan?" "Edi gumawa madali lang naman 'yon." "Sus,paano? Baka nga hindi tumatabi sayo asawa mo haha!" Natatawang biro ni Peps. Binato ko nang tinapay sa inis. "Hindi kayo nagtatabi?" naninigurong tanong ni Ced. Tahimik ko silang pinagmasdan lalo si Peps ay nawala ang ngiti sa labi. Marahil ramdam nila ang tensyon at humihingi ng kasagutan sa tanong ni Cedric. "May mag-asawa ba hindi nagtatabi?" Nanginginig kong usisa sa lahat. "Bakit hindi pa kayo nakakabuo kung ganoon?" bakit ba kapag si Cedric ang nagtatanong lagi kumakalabog ang puso ko. "Baka stress lang siya sa trabaho." Depensa ko. "Magbakasyon kasi kayo kahit isang buwan lang nang makabuo kaagad mahirap iyong walang anak sa isang pamilya. Tingnan mo si Master Cedric, nakatatlong na." Sarkastikong sabi ni Erdem. "Hay naku, huwag ninyo pilitin ang mag-asawa sa bagay na 'yan." Tanggol ni Peps. "Nagpla-plano pa lang kami pero ngayong sinabi sa Last Will and Testament ni Lola parang ngayon pa lang sisimulan na namin." Pangiti-ngiti lang ako pero ang totoo isang kalbaryo sa buhay ko na magkaroon kami ng anak kahit na isa. "Hihintayin ko makalipas ng isang buwan naglilihi na siya at titigil sa trabaho para alagaan ang sarili." buwelta ni Erdem. "Mainam magkaroon ng anak nang may panghawakan kayo sa relasyon." Huling sabi ni Cedric. Ang anak nagsisilbing kaligayahan sa pamilya kaya kahit ano man mangyari kailangan namin makabuo ni Roselle alang-alang din sa pamana ni Lola. BINUKSAN ko ang ilaw sa kwarto. Nakadapa ito sa kama. Lumapit ako saka minasahe ang kanyang balikat pababa sa likod. "Hon," tawag ko. Itinigil ko ang ginagawa bago magpalit ng damit. Nahiga ako at nag-isip. Mayamaya dumilat ito at tumihaya. "Kanina kapa ba?" "Hindi naman,bakit hindi ka dumating?" "Sorry ha? Dapat kasi isang tao lang i-me-meeting ko pero dumating 'yong ibang kasama namin para pag-usapan ang gagawing event sa susunod na araw, sorry." "Hinanap ka ng Lucifer at Viper." "Talaga? Mabuti pa sila nagkakaroon ng oras sa ganyang bagay." Tumalikod upang tanggalin ang hook ng bra. Tinulungan ko siya at pagkatapos niyakap ko kahit nakatalikod pa rin sa akin. "Hon, tungkol sa Last Will ni Lola." "Oh bakit?" "May ipapamana raw siya sa magiging anak natin." Humarap nang tuluyan sa akin. "Anak natin? Paano wala tayong anak." "Exactly what I said. Gusto ko nang magka baby tayo." "Patawa ka, alam mo naman dahilan ko kung bakit ayoko pa magbuntis di ba?" "Pero paano naman ang dahilan ko? Paano ang kagustuhan kong magkaanak tayo?" Pareho kami bumangon. "Makakapaghintay ang anak." "Pero ako hindi na makakapaghintay. Minsan naisip ko asawa ba talaga turing mo sa akin?" "Zayn." Mariin tawag nito. "Ang tagal na natin mag-asawa nakatatlo na nga sina Cedric tapos tayo pinagtatalunan pa rin kung kailan ka papayag na magkaanak." "Bakit lagi mo kinukompara ang buhay natin sa ibang tao, respect my decision as your wife iyon ang dapat mong gawin." "And how much do you respect me for having a child from you?" Napatayo sa galit ang Asawa ko. "Kainis naman Zayn! Kung gusto mo palagi tayong magkasundo sana naman magrespetuhan tayo bilang mag-asawa!" "Mag-asawa tayo Roselle, hindi ng kung ano lang." "Tama, mag-asawa tayo sa papel." "Anong sabi mo?" lumapit ako upang hingin ang kasagutan. "What do you mean we just got married on paper?" "Because that's the truth!" "Truth? Roselle,  kinasal tayo dahil mahal natin ang isa't-isa hindi dahil lang sa lintik na papel!" "Talaga? Mahal natin ang isa't-isa o mahal lang kita?" "I don't understand you." "You still love her." "Is that still an issue? hanggang kailan ka ba maniniwala na ikaw ang mahal ko kaya kita pinakasalan." "Hindi kita kayang bigyan ng anak." Sa paulit-ulit niyang sinasabi sa akin parang nabingi ang puso ko sa katotohanan. "Subukan pa natin." Yapos ko sa kamay nito. "Subok lang tayo nang subok hanggang sa magkaroon. Hon, kung inaalala mo ano nararamdaman ko para sayo sana isipin mo ang araw na nagpakasal ka sa akin. Mahal kita, huwag kana mag-isip nang kung ano pa man, asawa kita, asawa na kita."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Master and I

read
136.4K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Taz Ezra Westaria

read
111.0K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.9K
bc

SILENCE

read
393.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook