Chapter 19

2231 Words
Sign Nagkaroon kami ng hiking s***h camp, mas lalo akong naexcite dahil hindi ko pa ito nararanasan. Nakakatamad maglakad ng matagal pero iba pa rin 'yung masasabi mo na may experience ka sa mga ganitong bagay. Nag-away nung nakaraan sila Cosette at Kael, isa sa pinaka ayaw ko sa lahat. Fights and heartbreaks, nakakasira ng mood at ng araw. I admit that I'm actually afraid to take a risk, as what I'm seeing with Cosette and Kael's relationship, ang hirap para kay Cose na nag-aaway silang dalawa. They needed space whenever there are some conflicts going on between them. I hate that, parang naghiwalay na rin kayo diba? Pakiramdam ko ay mababawasan 'yung nararamdaman niyo kapag nangyari na ang ganoong bagay sa relasyon nyo. Sumakay na kami sa bus, ang napag-usapan ay kami ni Cosette ang magkatabi pero mukhang nag-usap si Zico at Kael. Tumabi si Kael kay Cose at ako naman ang tatabi kay Zico. Nakangisi naman ang intsik habang papalapit ako sa pwesto niya, umupo ako at nakipagpalit sa kanya, gusto ko sa tabi ng bintana naka-upo. “Gusto mo ako katabi 'no?” Nakangisi pa rin ito. “Kunwari ka pa, nag-usap kayo ni Kael diba? Kapal talaga ng kalyo sa mukha mo.” Naiinis na sabi ko. Natawa lang siya sinukbit ang mga braso sa braso ko at sinandal ang ulo sa balikat ko. Paano ako kikilos nito? Aba, sinuswerte siya ah. Pilit 'kong tinatanggal ang pagkakakapit niya pero mas hinihigpitan niya lang. Naiinis na talaga ako, natutulog na siya ngayon. Nakanganga pa at humihilik. Tinitigan ko ang mukha niya habang natutulog, he looks so peaceful. “Paano ako kikilos ha?” Naiinis na sabi ko. Hinayaan ko na lamang siya at makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na rin ako. Nagising ako na parang hinawakan ang mukha ko at inilagay sa balikat ng katabi ko. Dumilat ang kaonti at naabutan ko si Zico na inaayos ang pagkakatulog ko. Tinakpan niya rin ang katawan ko ng hoodie niya, medyo madilim pa sa labas at malamig ang aircon dito sa loob ng bus. Hawak niya pa rin ang mukha ko para hindi dumausos sa pagkakapatong ng ulo ko sa balikat niya. Akala ko ba ay siya ang sasandal sa akin? Mabilis akong magising lalo na't pag hinawakan ako. Kalabitin mo lang ako ay magigising na ako, simula kasi nung nangyari 'yung phone call nung naaksidente si Mommy ay naging mababaw ang pag tulog ko. Umaasa ako bawat gabi na tatabihan niya ako at hindi totoong wala na siya, na panaginip lang ang lahat ng nangyari. Nakatulog ulit ako and this time, ginising na ako ni Zico. Naabutan ko siyang nagliligpit na ng gamit namin dahil palabas na kami ng bus. Binuhat niya rin ang mga gamit ko, binato niya ang hoodie niya sa akin at pinapasuot. Masyadong mainit kaya hindi ko iyon ginawa, nagsuot lang ako ng sports bra, ayoko ng masyadong mahabang sleeves dahil mainit sa katawan at lalong didikit ang pawis sa katawan ko. Naabutan niya akong nakaganon kaya kumunot ang noo niya. “Bakit ganyan lang ang suot mo?” Puno ng disgusto ang boses na tanong niya. “Girls can freely wear whatever they want.” Inirapan ko siya pagtapos 'nun at nauna na sa kanyang umakyat for hiking. Hindi kami nag-aksaya ng oras sa pamamahinga dahil umakyat agad kami. Mga ilang oras ang aabutin bago kami makarating sa taas kaya natatakot kaming hapunin at baka dumilim ang daan at maligaw kami. Nakasunod lang sa akin si Zico, pareho kaming tahimik siguro dahil sa huling sinabi ko sa kanya. It's true, lahat ng babae may karapatan na magsuot ng kahit anong gusto nila. Hindi naman kailangan i-treat 'yun as malicious, wala kaming kasalanan kung hindi kami nirerespeto. Dapat boys ang marunong rumespeto ng mga suot namin as long as hindi naman sobrang revealing. I also know that girls also must have a limit with clothing. Hindi 'yung sobrang luwa na ang buong kaluluwa. Tho, we can freely wear those clothes that we are comfortable with. “Sorry, I know it's kinda controlling. I'm sorry, you can wear whatever you want but just wear those if we're together so I can protect you.” Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na sa paglalakad. “Sometimes, I don't know if I will take your independent trait in a positive way or not. I'm fascinated with you, being independent but sometimes I wanna protect you at all cost.” Umiiling iling na sabi niya. Napangiti nalang ako dahil he looks so cute while saying those things. Parang nalilito siya kung attracted ba siya sa akin or not. “Sorry to pop the bubble, I can handle myself. I can do things on my own, I don't need a knight in shining armor.” Kinindatan ko pa siya at nauna na umakyat. Kumapit ako sa isang sanga ng puno pero nasugatan ako. Nakita ko ang pag-agos ng dugo mula sa sugat ko. Tinitigan ko ito at napangiwi nang makita kung nasaan ang sugat ko. Nagulat naman si Zico sa nangyari kaya agad niya akong nilapitan, akmang kukuha ako ng first aid kit pero siya na mismo ang gumawa. “This time, let me do this Miss Independent.” Siya naman ang kumindat ngayon, natawa nalang ako sa kanya. Kinuha niya ang first aid sa bag ko at hinawakan ang kamay, nilinis niya iyon using alcohol, napangiwi ako sa sakit. Ngitian niya ako at inilapit ang palat ko sa bibig niya at hinipan 'yun. Namula ang mukha ko sa ginawa niya kaya medyo umiwas ako ng tingin. Narinig ko naman na naghumming na naman siya ng kanta na hindi ko alam. “What happened to my baby?” Pagkanta niya. Parang maiihi ako sa kilig dahil sa ganda ng boses niya, damn ang over acting ko pero ang ganda ng boses ng lalaking 'to. “Anong kanta 'yan?” Tanong ko dahil gusto ko iyon pakinggan. “Korean song siya, I just sang the english line since I can't sing the whole song. Angel by Chancellor and Taeyeon.” Napatango nalang ako at hindi ko nga alam ito. Pero I will definitely search for this song, it sounds good. “Chinese na kumakanta ng korean song, amazing.” Natawa siya sa sinabi ko at nilagyan niya na ng tapal ang palad ko para hindi na ito muling madumihan. Inalalayan niya ako sa pagtayo at siya na mismo ang nagdala ng mga gamit ko. Hindi naman ganun karami ang dala ko kaya hindi kami nahirapan. I tried to stop him pero ayaw niya talaga. He's worried about my wounds which definitely can't affect my whole system. His annoying ass is getting in my nerves. May nadaanan kaming falls kaya namangha kaming lahat. Nagtake rin sila Zades ng pictures kaya ang sunod na ginawa namin ay nagpapicture kaming girls sa boys. It looks so wonderful seeing this photos, it will bring back our good memories together in here. I would to see this after so many years. Nagpapicture kami ni Zico since hindi talaga siya mananahimik kapag hindi kami nagkaroon ng picture together. Hindi kami nagswimming dahil hassle at magpapalit pa kami. Nagpatuloy nalang kami sa pag-akyat dahil malapit na rin kami sa pinakataas. Pagkarating sa taas ay binagsak namin ang katawan sa damuhan, natawa kami dahil pare pareho kaming pagod sa pag-akyat dito. It was kinda satisfying to see how beautiful the nature is. Nagtayo ng tent ang mga boys habang kaming girls ang nagluto ng pagkain namin. Nagkukwentuhan kami habang nagluluto kaya hindi naging boring ang ginagawa namin. I'm so blessed for having them. Nakikita rin namin ang ibang courses na nagkakasayahan sa pwesto nila. Sobrang kontento na ako sa aming walo, I'm happy that we became friends. “Cassy ano na ang mayroon sa inyo ni Zico?” Tanong naman ni Zades. “Ano ba dapat?” I asked. Nahihiya rin ako mag-open up sa kanila. “Among us, si Cassy ang pinaka malihim sa lahat. Have you noticed that girls? Actually, ikaw ang pinaka clown nating apat pero alam namin na may pinagdadaanan ka rin.” Sabi naman ni Naih. Ngitian ko sila at nagpatuloy sa pagluluto ng barbeque. “I like Zico, alright? But please let's keep it a secret for now.” Nahihiyang sabi ko. I'm improving, atleast kaya ko i-open up sa kanila ang about kay Zico pero kay Mommy, hindi ko pa kaya. “I knew it! Sana kayo nalang, bagay na bagay kayo.” Kinikilig na sabi naman ni Zades. Mas lalo akong nahiya at namula, napatingin ang boys sa amin lalo na si Zico. Agad akong umiwas ng tingin, hindi ko siya kayang tignan lalo na't pinag-uusapan namin siya. “Grabe, hindi ka man lang nagkukwento, Sis!” Sabi naman ni Cose. Inirapan ko na lamang siya dahil parang umarteng nasasaktan pa ito. “Halika na! Kumain na nga tayo.” Pagyaya ko pero inaasar pa rin nila ako. Kumain kami at nagpalibot sa bonfire para magkwentuhan under the starry night. This moment look so perfect, hindi ko katabi si Zico dahil nahihiya ako. Nagyaya silang maglaro ng truth or dare, mas lalo akong kinabahan dahil baka may gawin silang maaaring magbigay ng clue sa sinabi ko sa kanila about sa feelings ko kay Zico. Sobrang kabado na ako nung nagpaikot sila ng bottle. Halos manlamig ako nang mapatapat ito kay Zico, please 'wag naman about sa amin or sa akin ang itanong or ipagawa nila. Ihahagis ko sila mula dito sa taas pababa, subukan lang talaga nila. Naabutan ko naman si Zico na nakangisi lang sa mga kaibigan at parang wala lang sa kanya. “Dare.” Mayabang na sabi ni Zico. Napakayabang talaga ng intsik na 'to. Mamaya kung ano ang ipagawa nila sayo, pag ako nadamay. “Okay dare kay Zico, kiss mo nga crush mo dito sa loob ng tropahan natin.” Natatawang sabi ni Naih, sinamaan ko siya ng tingin. Kinakabahan ako kahit wala naman kasiguraduhan na ako talaga ang tinutukoy nila. Assuming na kung assuming pero nag-iinit na talaga ang pisngi ko sa kahihiyan. Namumula ang pisngi ko at hindi na ako makatangin sa kanila. Lalo akong kinabahan nung tumayo si Zico, hindi ko alam kung ano.. pero papalapit siya sa akin. Please 'wag mo sabihing aamin siya sa harapan ng mga kaibigan namin. Natulala ako nang umupo siya sa harapan ko at hinawakan ang mukha ko. He gently kisses my cheeks, naghiyawan naman ang mga kaibigan namin, siya naman ay kumindat sa akin at ngumingisi na bumalik sa upuan niya. Parang nabuhayan ang mga friends namin at mas na-excite maglaro. Hiyang hiya ako, napadako ang tingin ko kay Zico na nakatitig sa akin ngayon. Umiwas agad ako ng tingin dahil ko magawang tignan siya ng matagal. Natapos ang laro dahil sa nangyari kay Darrel at Zades, dahil ako ang dakilang pranker, gumawa ako ng paraan para mapa-amin si Darrel sa feelings niya kay Zades at sumunod naman ang mga girls. Niyaya ako ni Zico na tumambay sa dulo ng bundok at tumambay kami kung saan tanaw ang buong paligid sa baba, kitang kita dito ang tanawin mula sa taas. Umupo siya sa tabi ko at pareho kaming nagagandahan sa ilaw ng buwan. Inangat ko ang tingin para titigan ang buwan pero halos manlaki ang mga mata ko nang makitang.. asul ito. Napatingin ako kay Zico na nakatingin sa asul na buwan habang nakangiti. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, hinalikan niya iyon at hindi binitawan. Doble doble ang pagpintig ng puso ko. “Naalala mo nung sinayaw kita nung prom night? It's also a blue moon, I can clearly remember how beautiful you are that night. Just like what I've told you, I will wait for a blue moon in different phases to comes out. Even for a month, years, or decade.” Nakangiti siya sa akin at kitang kita ko sa mga mata niya ang repleksyon ng asul na buwan. “Sometimes, I'm confused if you have a feelings for me.. or I'm just assuming things.” He chuckled. “But I always remind myself that you're fascinating. You're a blue moon, you rarely shows what you truly feel but I know you're genuine. You're precious, I can't even touch you, you're fragile.. you're expensive.” He said. Parang maiiyak ako sa sobrang emosyon na nararamdaman. Hindi ko alam kung maniniwala ako pero ang sabi ng puso ko, this time totoo 'to. I'm not dreaming, I have someone to lean on. Someone who will cherish me. “I-I'm falling for you.” I said. He gasped, hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. He even muttered curses. “Damn, Sandra! I'm still gaining some strength to say that line. You ruined it, it should be romantic. But your blunt ass, came out again..” Tawang tawa ako sa reaksyon niya sobrang frustrate na siya dahil ako pa ang naunang sabihin 'yun. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at seryosong tinitigan ako sa mga mata. “You were always like a fantasy, Sandra. Holding you like this is my fantasy, I'm also falling for you. No, I did fall for you.” By that, he hugged me so tight. I can feel that comforts I'm longing for years now. Tinignan 'kong muli ang blue moon. This is the sign, I'm willing to be with you, Zico. The blue moon already allow it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD