Contradictions
Ayoko talagang bumangon kahit may klase pa ako, nahihiya akong pumasok dahil sa nangyari noong Saturday. I can't even look straightly at Zico, isang kahihiyan ang ginawa ko. I used to blew him away and call him playboy pero ako pa talaga nag-initiate ng kiss?
No, hindi dapat ako magpa-apekto. Bumangon na ako at hinayaan ang sarili na mag-ipon ng maraming lakas ng loob para mamaya. Nakarating ako sa University na parang may tinataguan at balisa. Okay, I'm not used to do the first move, I already experienced having a crush and maging vocal sa feelings ko. But not in this way, na ako mismo ang nag-initiate ng halik.
“Bakit parang stress na stress ka?” Tanong ni Naih na nauna sa aming apat na pumasok.
“Wala lang, ano ka ba? I can't get enough with the k-drama I watched last night.” Lies. Act like you didn't do anything, Cassy.
“Alright, akala ko may nagawa ka na hindi kanais nais?” Sambit ni Naih, mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.
Dumating sila Cose at Zades na hindi pa rin ako nagsasalita. Alam nila na maingay ako madalas pero ngayon hindi ko talaga feel dumadaldal. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila, nahihiya rin ako sa katangahan ko. I even called Cose “stupid” tapos ako rin pala. The hell.
“Sasabay daw sila Kael maglunch sa atin. Tara?” Pagyaya ni Cose, agad na nanlaki ang mga mata ko.
Kapag sumama ako sa kanila, ibig sabihin makikita ko si Zico doon. Ayoko, hindi pa ako ready. Iiwas ako hangga't maaari, hanggang sa mawala ang kahihiyan na nararamdaman ko. Mas lalo lang silang magtataka kapag awkward akong gumalaw mamaya. So I better make an excuse para hindi ako makasama sa kanila.
“Girls, I can't come. Harold just asked me to help him with our reports, kami na naman magka group.” Nagtaka naman sila Cose dahil hindi naman lumalapit sa amin si Harold simula kanina.
“He texted me!” Palusot ko. Tumango si Cose at niyaya na sila Naih na pumunta na sa Cafeteria.
Nakahinga ako ng maluwag at pumunta nalang sa field kung saan ako madalas tumambay. Nagsimula nalang ako magsketch ng mga damit na gusto ko gawin someday. Since I really love drinking 'delight' it's like a yakult. Araw araw akong umiinom nito, it's my favorite drink. I also wear my eyeglasses since medyo malabo ang left eye ko, I can't draw that well without wearing an eyeglasses.
I sketch a summer yellow dress, it's inspired by a sunflower. I don't know, it has a positive vibes that makes it look more lovely and classy. There's some wavy details in the lower part of the dress, it's also sleeveless. It looks so cute.
“Alam ko na hindi ka sasama sa lunch.” Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita mula sa likuran ko. It's Zico. He, then again show his famous bright smiles.
Napatango naman ako at nagfocus sa ginagawa. Bakit ba siya nandito? Umiiwas na nga ako tapos siya naman lumalapit. Tumabi siya sa akin at nilapit ang mukha sa akin, lumayo ako ng kaonti pero lumalapit talaga siya. Sa sobrang inis ay inilapag ko ang pencil na hawak at tinignan siya.
“There, napansin mo na rin ako.” Nakangising sabi niya.
“Ano 'bang ginagawa mo dito?” Tanong ko.
“Hinahanap kita 'e. Kumain ka na ba?” Tanong niya. Umiling ako at agad na kumunot ang noo niya.
“Let's eat first. 'Wag mo muna 'yan unahin.” Niyaya niya ako pero hindi agad ako tumayo, siya na mismo ang nagpasok ng sketchpad ko sa bag at binitbit niya na rin ang bag ko tsaka ako hinila patayo.
So persistent. Dinala niya ako sa cafeteria at mukhang andun pa rin ang mga kaibigan namin, nakangising nang-aasar naman sila na sinalubong kami. Lalo na't dala dala ni Zico ang mga gamit ko. Namula ang mga pisngi ko sa reaksyon nila sa pagdating naming dalawa.
“Gusto pala, sunduin pa ni Zico. Ikaw, Cassy ha? In love ka na ata sa mortal enemy mo?” Pagbibiro ni Naih. Inirapan ko siya at umupo nalang, natawa si Zico at bumili na ng pagkain naming dalawa.
“Hindi agad kumain si Zico pagdating namin kanina. Hinanap ka para sabay na daw kayo.” Sabi ni Cosette. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang ginawa niya iyon. Pwede naman siya kumain na wala ako? Hindi ba siya naniwala sa naging palusot ko? Sabagay, alam ko na may kutob si Zico kung bakit ako iiwas ngayon.
“Eat. Dinamihan ko na iyan, PG ka pa naman.” Hinampas ko si Zico sa sobrang inis. Sobrang napaka mapang-asar talaga ng lalaking 'to.
“PG huh?” Naiinis na sabi ko.
“Pretty Girl.” Kumindat pa siya pagkasabi 'nun. Naghiyawan naman ang mga kaibigan namin, namula na ako sa sobrang kahihiyan. Nakuha pa namin ang atensyon ng mga kumakain dito sa cafeteria.
“Patay gutom 'yun diba? Kunwari ka pa.” Naiinis na sabi ko.
“Alam mo na pala nagtatanong ka pa.” Nakangising sabi niya. Agad ko siyang hinampas ulit.
“Eto naman, pretty girl nga. Ganda ganda mo kaya.” Umiiling iling na sabi ni Zico habang nagsisimula nang kumain.
Hinatid ako ni Zico sa susunod 'kong klase, pinipigilan ko siyang gawin iyon pero dahil makulit siya wala akong nagawa. Hindi ako masyadong nagsasalita dahil awkward pa rin sa akin ang lahat ng 'to.
“Don't think too much, 'wag ka mailang alam ko naman na may pagnanasa ka talaga simula palang. I understand.” Lalo ko lang naalala ang nangyari dahil sa sobrang hangin niya. Pero hindi na ako masyadong nahiya.
“Kapal. You badly wanted to kiss me, I just did what you ask me to do.” Mayabang din na sabi ko. Natatawa naman na tinignan niya ako.
“So if other guy will tell you that they want to kiss you, you'll do it?” Tanong niya.
“Yes, why not?” Mayabang ulit na sabi ko. Naglakad ako pero napahinto si Zico at naka kunot ang noo sa akin.
“Subukan mo.” Naiinis na sabi niya. There, his serious face again.
Hindi na ako nagsalita. Nakakaramdam na ako pero ayokong tanggapin sa utak ko, I can't lose him. We're like bestfriends, mawawala 'yun kapag nagkaroon ng kung anong namamagitan sa amin. I can't deny the fact that I'm also attracted to him. I can't just process the idea of being in a serious relationship with him.
It's like a win and lose situation. I will win his heart, and yet we both can't promise if we could stay like that for a life time, which is impossible since he's been seeing different girls. I will lose our friendship, and we all know that we can't bring it back the way it used to.
Nagpaalam na ako at hinayaan ko na siyang umalis. Maraming nagpapakalat ng issue na ako ang flavor of the day niya, I don't mind at all. I don't take his moves seriously. Alam ko naman na marami siyang babaeng nakakasalamuha..
Nagulat ako nang matapos ang klase ay nilapitan ako ni Harold. May sasabihin daw ito kaya agad ko siyang hinarap at pinakinggan ang sasabihin niya.
“I just want to ask for a favor, Cassy.” Nahihiyang sabi niya. Niligpit ko ang mga gamit ko while talking to him.
“Yes? Ano 'yun?” I asked him.
“May debut ang little sister ko next month and I want to ask you to design her gowns, she also knew you. She's following you on i********:, she was in bliss when she discovered that you are my classmate.” Natuwa naman ako sa sinabi ni Harold. Kung sakali ito ang unang dress na gagawin ko para sa iba na may commission.
“Sure, we can meet up para sa details na gusto niya.” Natuwa naman si Harold sa pagsang-ayon ko, sabay kaming lumabas ng room.
“Actually, she wants you to meet today if you aren't busy. Nasa gym siya ngayon, and waiting for my response if you're available today.” Tumango ako at napagdesisyunan na sumama dahil wala naman akong plano ngayon.
Nagulat ako nang maabutan si Zico na nasa labas at inaantay ako. Agad siyang umayos ng tindig sa pagkakatayo ng makita kami ni Harold. Seryoso siyang nakatingin sa amin, lumapit din siya at akmang kukunin ang mga gamit ko.
“No need, Zico. I have something to do ngayon, sorry.” I said. Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko.
“Saan naman? Sasama ako.” Puno ng disgusto ang boses niya.
“It has something to do with Harold. I can manage, Zico. Thank you.” Nakangiting sabi ko at nilagpasan na namin siya, masama ang tingin niya kay Harold na parang gusto niya itong suntukin. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa amin, napaka kulit talaga.
“No, sasama ako.” Seryosong sabi niya at binitbit ang mga gamit ko. Napailing nalang ako at hinayaan na siya, nakakahiya kay Harold kapag nakita niya kami kung paano magtalo.
“She really loves your artworks. You're really amazing.” Nakangiting sabi ni Harold, nahihiyang ngitian ko naman si Harold. Habang si Zico naman ay bumubulong bulong na hindi ko naman maintindihan. Ano 'ba ang trip nito?
Nakarating kami sa gym at nandoon nga ang kapatid ni Harold, nagulat pa ito na kasama namin si Zico. Mukhang pati ang highschool ay nagkakagusto dito sa intsik na 'to. Napailing nalang ako at nag-usap kami ni Jereza na kapatid ni Harold.
I asked her on how does she like her gown would be. An elegant yet kinda girly, something like that. Marami siyang nagustuhan sa mga pinakita ko at may iilan na gusto niya i-apply 'yung mga previous designs ko sa gown na ipapagawa niya. I felt relieved when she really love my designs. Nakakataba ng puso na makita ng iba ang efforts na nagawa mo sa passion mo, I can imagine myself as a designer someday. I'm sure of that.
Nilingon ko ang direksyon kung nasaan si Zico, nakatingin ito sa akin at nagulat ako nang ngumiti siya. Ngumiti ako sa kanya at binalik ang atensyon sa pakikipag-usap kay Jereza. As a young girl, she really do have a fashion sense. I easily noticed it, her ways of deciding in putting her own style in the dress she wanted me to do is amazing.
“I followed you on i********: Ate Cassy, two years ago. I really love yours outfits and I also knew that you also love making gowns or dresses. That's why, I hastened to ask my Kuya to talk to you. I'm so happy, I can't wait to see your masterpiece, Ate Cassy.” Natuwa naman ako sa sinabi ni Jereza at talagang naniniwala siya sa kakayahan ko kahit na hindi pa naman talaga ako officially na tumatanggap ng ganitong trabaho, I just wanted to experienced it now.
Natapos kami sa pag-uusap sa isang gown na gusto ipagawa ni Jereza at dalawang pamalit na dresses sa debut niya. Niyaya ko na si Zico na umalis at dinala niya ako ulit sa lugawan.
“Akala ko, kung saan kayo pupunta nung lalaking 'yun kanina.” Sambit ni Zico habang kumakain kami.
“May pangalan si Harold, you like concluding things.” Sagot ko naman.
“He's not good for you.” He said, natawa naman ako.
“So sino? Duh, I can flirt whoever I want.” I said.
“You doesn't like commitments.” He said, natigilan ako dahil tama siya. I can't commit right now. I don't feel like to.
“Yeah, it will just cause a lot of heartbreaks and problems. Being single is peaceful.” Sabi ko at kinuha ang tokwa na hindi naman niya kinakain.
“Your mind contains of many contradictions in life. Commitment doesn't mean you don't have the rights to do the usual things you used to do when you're still single. Try to see it in different angle, you'll realized it's also fun to be commited.” He said.
“It comes from a playboy?” Pang-aasar ko sa kanya.
“Have fun and play around when you haven't find the right one. Be faithful and take relationship seriously if you're already commited.” Kumindat pa siya sa akin. Andami talagang alam ng lalaking 'to. So it means, hindi niya pa nahahanap ang para sa kanya.
“So ikaw na rin may sabi, I can play around and have fun since hindi ko pa nahahanap ang para sa akin?” Nakangising sabi ko. Natigilan siya sa sinabi ko at agad na hinarap ako na nanlalaki ang mga mata.
“I mean hindi naman--” Pinatigil ko siya at sinubuan ng tokwa.
“No, you already said that.” Pang-aasar ko. Hindi pa rin mapakali at pilit na binabawi ang sinasabi kanina.
“Tumingin ka kasi sa paligid mo! Mahahanap mo na 'yung para sayo.” Sobrang frustrated na sabi niya kaya natawa ako.
“Saan? Wala naman ah.” Natatawang sabi ko. Sobrang stress na siya sa pagpapaliwanag na hindi ako pwede makipagflirt sa kung sino lang.
“I found mine, you can also find yours!” Naiinis na sabi niya. Tinawanan ko siya at hinayaan nalang sa kakadaldal dahil alam ko naman ang ibig niyang sabihin.
If there's a blue moon this year, Zico. I will be willing to commit with you.