Saturdrunk
Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Zico sa harapan ng bahay namin. Hinahanap niya daw ako, wala naman kaming napag-usapan na magkikita ngayon. What's up to him?
“Wala naman tayong napag-usapan.” Pagkasabi ko 'nun biglang lumayo sa akin si Whoopie at pumunta sa paa ni Zico. Gaya nang ginawa niya kay Tita Gina, dinilaan niya rin ang sapatos ni Zico.
Agad naman na yumuko si Zico at binuhat si Whoopie, nakangiti siya habang nilalaro ang poodle ko. Lalong sumingkit na naman ang mga mata nito dahil sa pag ngiti.
“Be spontaneous, Sandra. Live a life, kailangan mo rin gawin ang mga bagay na hindi mo pinlano.” Nakangising sabi nito.
“Gaya ng ano?” Pagkasabi ko nun ay pinasakay niya na ako sa motor niya. Hindi niya ba napansin na hindi ako ready?
“Hey, 'wag muna magbibihis lang ako. Naka shorts lang ako at crop top, baka kung saan mo ako dalhin at mapahiya ako.” Inirapan ko siya habang iniistart niya na ang motor.
“Alam 'kong fashionable ka, Sandra. Kaya okay na 'yang suot mo, minsan 'wag ka masyado pumorma.” Hinayaan mo nalang siya sa gusto niya, ayoko rin naman magmukmok buong araw sa bahay.
“Teka, wala 'kang date sa mga babae mo ngayon?” Nagtatakang tanong ko habang nagdadrive siya.
“Ouch, grabe 'yun ah. Mga babae talaga? Kasalanan ko ba na sila lumalapit sa akin?” Hindi na ako sumagot dahil nangangati ang mga kamay ko na itulak siya ngayon.
Inalalayan ko si Whoopie na nasa gitna namin ngayon, pati ang aso nadamay sa kalokohan niya. Nakarating kami sa isang Museum, the f? Akala ko sa simpleng lugar lang kami pupunta..
“Let's go.” Pagyaya niya. Hindi agad ako kumilos kaya nagtaka siya.
“Ganito lang suot ko? Nakakahiya! Ayoko ikaw nalang, dito nalang ako.” Sinamaan niya ako ng tingin at hinila na ako kaya nadala rin si Whoopie.
Iniwan namin si Whoopie sa labas at pumasok na kami sa loob. Sobrang ganda ng lugar, maraming paintings and different antiques. Nilibot namin ang lugar at pumunta kami kung nasaan ang mga paintings, siya ang nagpapaliwanag kung anong era ang mga iyon, kung sino ang artist at kung ano ang ibig sabihin 'nun. I just nodded my head for response since marami talaga akong nalalaman sa intsik na 'to.
Sumunod ay ang section kung nasaan ang mga sinaunang coins, kung anong mga pera ang ginagamit noon. Next, doon kami nagpunta sa mga antiques na nakalagay isang glass, hindi siya pwede hawakan. Pinaliwanag din ni Zico ang ilan sa mga alam niya. I can't process it all, basta ay na-amazed ako sa mga nalalaman niya. A museum date is kinda romantic for me. Hindi ako fond ng mga archades dates or candle light dinner. I want something new.
Habang naglilibot kami ay pansin ko ang ilan sa mga babae na pinagtitinginan si Zico. Kahit saan talaga ay agaw atensyon ang intsik na 'to. Siya naman ay panay ang paliwanag sa akin, sinamaan ko sila ng tingin kaya umiwas sila ng tingin.
“Nakikinig ka ba?” Tanong ni Zico. Agad akong tumango. Nagpapicture rin kaming dalawa sa tabi ng mga paintings. Ang mga pictures ko naman ay siya ang kumuha, sayang lang at napaka simple ng outfit ko today.
Lumabas na kami at kinuha si Whoopie, niyaya niya akong kumain sa pinakamalapit sa karinderya. Nag-order kami ng tatlong putahe, adobo, menudo and caldereta. Nanunubig na ang bagang ko sa pagkatakam sa mga ulam, I really love Filipino Cuisine. Nagsimula na kaming kumain at natatawa ako sa tambak ng kanin na inorder niya. Palaging may extra rice kapag kaming dalawa ang magkasabay na kumakain.
“Sa Karinderya ka rin ba dinadala ng mga manliligaw mo noon?” Tanong niya pero hindi siya tumitingin sa akin.
“No, minsan sa mga restaurants. Why?” I asked him.
“Nothing, do you like it here?” Tanong niya sa matigas na ingles. Even his accent can make every girl's heart flutter.
“Yes, masasarap kaya pagkain dito.” Hindi na siya sumagot pero nakita 'kong ngumiti siya. Natapos kami kumain at sumakay kami ulit sa motor niya. Napakain ko na rin si Whoopie kanina kasabay namin. Swerte ni Whoopie, nakapasyal siya ngayon.
Nagpasama siya sa akin na dumaan sa mall para bumili ng drumsticks niya dahil nasira na daw ang luma niyang drumsticks. Pumasok kami sa isang shop na nagtitinda ng musical instruments related stuffs, nagtingin siya ng designs at pinapili ako ng gusto ko. I just suggest him to buy the unique one, lumapit kami sa isang set of drums at tinry niya ang pinili 'kong drumsticks.
Napatingin ang mga tao na nasa loob ng shop dahil sa galing niya sa pagtugtog. Napahanga rin ako sa paraan ng paghampas niya sa mga ito, it's like his hands was made to play this instrument. Ang ganda, bawat beat ay halos mapapahanga ka. May ilan pa na pasimple siyang kinuhanan ng litrato. Nagulat ako nang pinalapit niya ako sa kanya.
“Try this.” Pinaupo niya ako sa pwesto niya kanina. Hinawakan niya ang mga kamay ko at ginuide ako sa beat na gusto niya. Sobrang lapit niya sa akin. I can smell his manly scent, even his breath. Ang bango nito, instead of focusing on what he's saying, nadi-distract tuloy ako sa sobrang lapit niya.
“May girlfriend na pala.” Narinig 'kong sabi ng ilan. Napangiti ako sa sarili at tinitigan ang mga kamay namin na magkadikit ngayon. I can feel those butterflies in my stomach, so this is what it feels like.
Binili niya na ang mga drumsticks at lumabas na kami sa shop. Naglibot libot kami at pinasyal si Whoopie, napadaan kami sa isang shop na nagtitinda ng mga stuffs for pets. Hinila ako ni Zico papasok, mukhang mas excited pa ito kaysa sa akin. Namili siya ng mga damit for whoopie, nagpagawa pa siya ng parang necklace for dogs na nakalagay ang pangalan ni Whoopie. It looks so cute.
“Bagay sa kanya diba? Mas lalo 'yan hahabulin ng mga pretty girls.” Natatawang sabi ni Zico kaya natawa rin ako. Ginaya niya pa ang aso ko sa kanya, ayoko na makabuntis agad si Whoopie, bata pa siya.
“What's next?” Tanong niya.
Niyaya ko naman siya sa isang shop na exclusive for manicure and pedicure. May mga foot spa rin sila, pumwesto ako at tumabi rin si Zico sa akin dahil gaya gaya nga siya.
“Anong gagawin mo?” Tanong ko.
“Papakulay din ng kuko, anong magandang design?” Tanong niya. Napahagalpak naman ako ng tawa, minsan iniisip ko talaga bakla ang isang 'to. Lahat nalang ng trip ko gustong sakyan.
“Sige, ako bahala sa gagawin nilang design for you.” Natatawang sabi ko.
“Sure, Sis.” Lalo akong natawa sa tono ng pananalita niya. Mukhang bakla talaga ang hinayupak na ito.
Sinabi ko sa naga-assist kay Zico ang design na gusto ko sa nails niya. Pinalagyan ko ng kulay pink na nail polish at pinalagyan ko rin ng design na hearts. Tawang tawa ako sa naisip ko, natutulog naman si Zico habang ginagawa nila ang kababalaghan na naisip ko para sa design ng kuko ni Zico. Tawang tawa ang mga staffs na nagdedesign sa kuko ng intsik, ginawa ko daw na bakla ang boyfriend ko, as if naman.
Tulog na tulog si Zico nang matapos na rin ako. Kulay brown ang nails ko at may mga silver na objects na dinikit para sa designs ng nails ko. Ginising ko si Zico at nagkamot siya ng mga mata paggising. Tinignan niya ang paligid at napadako ang mga mata niya sa kuko niya.
“s**t. Anong ginawa nyo sa kuko ko?” Natawa ako sa reaksyon niya. Akala niya siguro simpleng design ang ipapagawa ko sa kuko niya, at akala niya siguro hindi ko sineryoso ang sinabi niya kanina nung nagtanong siya ng magandang design.
“Nagustuhan mo ba?” Tanong ko natatawa. He sighed and look at his nails.
“Pasalamat ka..” Naiiling iling na sabi niya habang nagbabayad ng ginastos namin, I insist to paid for my own pero ayaw niya. Akala ko ba kuripot 'to?
Niyaya ko siyang magpicture nung dumaan kami sa ice cream parlor, pinilit ko siyang magpose sa camera na pinapakita ang nails namin. I laugh so hard when he pose like a gay. Bagay na bagay sa kanya, mukhang mas maganda ba ito sa akin kapag naging babae.
Nalaman ko na ang favorite niyang flavor ng ice cream is cookies and cream, ako naman chocolate lang talaga no one can ever change my mind. Sumunod na pinuntahan namin ay isang club na kung saan madalas sila mag gig. Nauna na ako pumasok pero nagtataka ako na ang tagal ko nang naghihintay sa gate ng club, lumabas ako ulit para alamin kung nasaan siya.
Naabutan ko na may kausap siyang bata, nakayuko siya para magpantay sila nung bata at marinig niya ang sinasabi nito. Madungis at sira ang damit ng batang lalaki na kausap ni Zico, napatingin si Zico sa pwesto ko kaya nilapitan ko siya.
“Pwede ba na daan muna tayong fast food bago pumasok sa club?” Napatingin ako sa bata at tumango. Iniwan na muna namin si Whoopie sa guard ng club, at iniwan din namin ang batang lalaki sa tapat ng club, pinaki usapan niya ang bata na 'wag muna umalis.
Bumili lang kami ng pagkain at bumalik na rin sa club, naabutan namin ang bata na may kasamang batang babae na mukhang kapatid niya. Hawak ng batang babae ang tiyan habang inaalo naman siya ng batang lalaki na kausap ni Zico kanina.
Parang naantig ang puso ko sa nakita, si Zico ay inaabutan ang mga bata ng pagkain na binili namin. Agad naman na binuklat ng magkapatid ang pagkain at walang sabi sabing kumain ang mga ito na parang hindi pa nakakakain buong araw.
“Ito ha, sana matipid niyo. Pasensya na kung 'yan lang matutulong ko. 'Wag nyo ibibigay sa iba ang mga pera na iyan, pangkain nyo 'yan. Ikaw, little guy. Ingatan mo ang nakababata mong kapatid na babae, 'wag mo hayaan na lapitan siya ng ibang lalaki.” Ginulo niya ang buhok ng dalawa, nilapag ng mga bata ang kinakain at niyakap si Zico, parang wala lang kay Zico ang dumi ng mga ito.
Parang maiiyak ako sa nakikita, naaawa rin ako sa kalagayan ng mga batang ito. Lumapit ako binigyan din sila ng pera na mayroon ako, napaiyak sila sa ginawa ko at niyakap ako.
“Ingat kayo palagi.” Bilin ko.
Pumasok kami sa club na parang mabigat ang dibdib, hindi ko kasi inaasahan ang side ni Zico na ganito. Ako rin naman noon hindi ko pinapansin ang mga batang katulad nila. Parang natauhan ako na kung mayroon ka, dapat ibahagi mo rin sa iba.
“Nandito tayo para magsaya, atleast natulungan natin sila.” Nakangiting sambit ni Zico.
Nag-order siya ng inumin namin at uminom kaming dalawa. Pinapanood namin ang mga tao na nagsasayawan sa maingay na music sa loob ng club, I don't feel like dancing pero hinila ako ni Zico sa gitna at nagsayaw kami. Tawang tawa ako sa mga dance moves niya, hindi pa kami lasing pero mukhang lasing na lasing na ito sa paraan ng pagsayaw.
I know he's just trying to lighten up the mood. He really knew how to make someone happy, sobrang mage-enjoy ka sa company niya. I never felt the boredom whenever he's with me. Para siyang clown na walang ibang ginawa kung hindi pasayahin ka.
“I love your smile.. so expensive and I'm willing to do anything just to see those expensive smiles.” Nakatulalang sambit niya sa akin.
Napahinto kami pareho sa pagsayaw. Niyaya niya akong umupo at pareho kaming walang sinasabi. Uminom lang ako, habang siya ay sunod sunod ang pag-inom. Nagaalala ako baka malasing siya, paano kami uuwi?
Namumula na ang mukha niya sa sobrang daming nainom. Umiiwas din siya ng tingin. Tumayo siya pero agad siyang napa-upo sa sobrang hilo. Agad naman akong lumapit sa kanya, napatingin siya sa akin pero agad na umiwas.
“Okay ka lang?” Tanong ko, tumango lang siya pero hindi ako tinitignan.
Pinilit niya ulit tumayo, at pagewang gewang siya sa paglalakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya. Lumabas kami at naglakad sa labas ng club, pumunta kami sa pinakamalapit na park. Iniwan na muna namin ang motor niya at si Whoopie sa club dahil malabong makauwi kami ngayon.
“Please.. 'wag ka muna lumapit.” Lasing na sabi nito. Natigilan naman ako pero nilapitan ko pa rin siya.
“Bakit ba? Kanina mo pa ako iniiwasan.” Tanong ko. Napatingin siya sa akin, at bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.
“Gusto kitang halikan kanina pa, Sandra. Now tell me, lalapit ka pa?” Asik niya. Kinabahan naman ako sa sinabi niya.
“T-Then kiss me..” Nanginginig ng sabi ko. Natigilan naman siya at napatingin sa akin.
“What the?” Naguguluhan na tanong niya.
Ayaw mo? Ako ang gagawa. Hindi ko alam kung dala lang ba ng inumin kanina, o lasing na din ako. I lean closer to him, I hold his face and close my eyes. I felt his soft lips against mine.
What the hell is wrong with me?