Cards
Maraming naging gigs sila Zico sa iba't ibang events. Madalas ay sumasama ako para panoorin sila lalo na't kasama ko ang mga kaibigan ko. Bagay na bagay kay Zico ang pagiging drummer ng banda, akala mo ay hindi siya 'yung makulit na intsik na araw araw akong binubwisit kapag nasa stage siya. When you really love what you're doing, no one can stop you.
Maybe, Zico will manage their business in the future that's why he makes his college days memorable. Ginamit niya ang college days para magawa niya pa ang passion niya. Everytime na may gigs sila, naeexcite ako panoorin siya. Parang mas gusto ko pa makita ang iba't ibang side niya. A funny, serious, intimidating, passionate, genuine, lahat 'yun gusto ko makita. Although, halos lahat naman ay nasaksihan ko na.
“Among the four, Zico is the playboy, sumunod si Lander, next is Kael at ang pinaka suplado presenting Darrel.” Natawa kami sa sinabi ni Naih pero agad ko napansin ang sinabi niya. Zico is the playboy..
Ano naman? As if, may something sa amin. It's just a mere friendship. Napatingin ako ulit sa stage at tinitigan siya, nakita 'kong kumindat siya sa mga babaeng gusto siyang hawakan. The f, pinapatunayan niya talagang playboy siya.
Bumaba na sila ng stage at halos manlaki ang mga mata ko nang yakapin siya ng isang babae pagtapos ay hinalikan siya sa lips. Agad akong umiwas ng tingin, nanliliit ako. Mukha akong tanga, lahat ng pinagsamahan namin alam ko naman na for friends lang 'yun. Humarap ako ulit at naabutan ko na nagulat siya sa ginawa nung babae na halos hindi na umalis sa pagkakalingkis sa braso ni Zico. Ngumisi lang ang intsik at inakbayan ang babae.
Maraming tao sa club kaya medyo madilim sa parte namin. Niyaya ako nila Cose na umupo na at agad naman kaming nilapitan ng boys. Naabutan ko na nagulat si Zico na nandoon ako, agad niyang tinanggal ang pagkaka-akbay sa babae. Ano naman? Duh, boyfriend ba kita?
Gustong gusto ko na umirap pero pinigilan ko ang sarili. May nalalaman pa siyang “I will chase you.” Baka damn you. Pumunta si Cosette kay Kael, si Naih naman ay niyaya ni Lander habang si Zades ay nilapitan din si Darrel. Agad kong nilibot ang tingin, hindi ako pwedeng maiwan na mag-isa dito. Akmang lalapitan na ako ni Zico pero tumayo ako at nilapitan ang mga kakilala ko. I know them since they were my classmates in high school.
“Cassy! Long time no see.” Bati nila sa akin. Agad akong nilapitan ng dating may crush daw sa akin. Si Arc, he's kinda nerdy before pero nagulat ako nang makitang nagbago na ito. Pero nahalata ko agad na siya iyon.
“Arc? Ikaw na pala 'yan.” Sabi ko. Nahihiya naman siyang tumango at tinabihan ako.
“Kamusta? Magkaiba na pala tayo ng University.” Sabi niya. Agad akong ngumiti at inabutan niya ako ng drinks na tinanggap ko naman.
“Thank you. Oo nga eh, nagbago ka na mukhang may lovelife ka na.” Biro ko, pero hindi niya narinig. Lumapit siya sa akin at idinikit ang tainga sa bibig ko. Inulit ko ang sinabi at napangiti siya at lumapit 'din sa akin para mas marinig ko siya ng maayos, pero hindi pa siya nakakapagsalita ay may tumulak na sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Arc na nasa sahig na. Agad akong lumingon sa likuran ng upuan namin at nagulat ako sa galit na itsura ni Zico. Namumula ang mukha nito sa galit at nakakuyom ang kamao. Kinabahan ako pero tinayo ko muna si Arc at agad na nilapitan si Zico. Hinila ko siya palabas para mas makausap.
“Anong problema mo? Bigla bigla mo nalang tinutulak si Arc!” Naiinis na sabi ko.
“So Arc pala pangalan 'nun? Hahanapin ko 'yun bukas. Tangina.” Asik nito. Mas lalo lang nag-init ang ulo ko.
“Inaano ka ba ni Arc? Sobra ka na, bakit bigla ka nalang nanggaganun ng tao ha?” Naiinis na talaga ako. Nagtitimpi lang ako, kaonti nalang.
“Mukha kayong naghahalikan! Anong gusto 'mong gawin ko?” Sigaw na sabi nito.
“Ang mahalaga hindi! Tsaka ano naman kung maghalikan kami? Duh, single kami pareho, I can date him!” Galit din na sigaw ko sa kanya.
“That's bullsh*t!” Mas lalong namula ang mukha niya.
“No, it's not! There's nothing wrong with that.” I said.
Hinila niya na ako pasakay sa motor niya, pilit akong nagpupumiglas pero sinuot niya na ang helmet sa akin. Pina-andar niya na ang motor pagkasakay namin at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hanggang sa napadpad kami sa tabi ng dagat. Huminto ang motor niya at inalalayan niya ako sa pagbaba.
“Bakit tayo nandito?” Tanong ko.
“Kailangan ko kumalma. Kung hindi, susuntukin ko 'yung Arc na 'yon.” Naiinis na sabi niya.
Walang hiya talaga 'tong intsik na 'to. Napakalandi pero ako hindi pwede? Umiling iling nalang ako sa pagkainis sa kanya, kung hindi ay magsisigawan na naman kami. Naguguluhan din naman ako sa set up namin, friends pero kung makapagreact siya ay akala mo may something sa relasyon namin.
“I'm sorry.. hindi ko sinasadya na gawin 'yun. No, I mean sinadya ko na itulak siya pero hindi ko sinasadya na makipagsigawan sayo.” Mahinang sabi niya.
“Okay lang 'yun. Tapos na, please lang 'wag mo na uulitin. Baka akalain nila may something sa atin, I don't want to be the topic of their gossips.” Umirap nalang ako at niyakap ang sarili sa hangin na dala ng dagat.
It's so peaceful, nakaupo lang kami sa buhangin. We are both looking at the sea, pinapakinggan ang mga alon. Hinubad niya ang jacket at nilagay sa mga balikat ko. Nagpasalamat nalang ako at narinig ko na naghumming siya. I'm not familiar with this song, pero maganda siya base sa tono nito.
“Anong kanta 'yan?” I asked.
“Hmm? No hay nadie más.” Sagot ko. Hindi ko naman naintindihan kaya tumango nalang ako. Mukhang spanish song siya, ang ganda ng kanta.
“Voy a cuidarte por las noches
Voy a amarte sin reproches
Te voy a extrañar en la tempestad
Y aunque existan mil razones para renunciar.” Pagkanta niya sa lyrics na hindi ko naman naintindihan. He can speak spanish?
“It's my all time favorite song. I can't stand a day without listening to this song, kahit isang beses lang okay na basta marinig ko yung kanta na 'to. Lalo na, simula nung araw na 'yun..” Sabi niya habang nakatitig sa dagat.
“The song seems special to you. Mukhang maganda rin.” Sagot ko. Ngumiti siya.
“Kung sakaling, gusto mo lumayo at mag bakasyon. Saan mo gusto? Parang dream destination mo.” Tanong niya. Isa lang ang dream destination ko.
“Blue lagoon, Iceland.” Sagot ko. Tumango naman siya at parang namangha. Bihira lang naman ang may gusto sa lugar na 'yun. Others, always love to went at Paris, Italy pero ako Iceland. Gustong gusto ko makita ang blue lagoon.
“Unique. Parang blue moon.” Natatawang sabi niya. Natahimik kaming dalawa at naghumming ulit siya, 'yun pa rin ang kanta. We spend our night staring at the sea. The sound of waves and his voice comforts me.
Nagising ako sa pagkatok mula sa pinto ng kwarto ko. Wala kaming pasok ngayon kaya tinanghali ako ng gising. Manang don't usually wake me up, so my instict says that it's my Dad. Agad akong bumangon at binuksan ang pinto, si Daddy nga ito. Niyaya niya akong bumaba at sumabay sa kanya magbreakfast. This is somewhat I wanted to do everyday with Dad. Pero masyado siyang busy, lalo na simula nung nawala si Mommy. Nilulunod niya ang sarili sa trabaho.
“Nagkakaroon na ng lead ang mga kinuha 'kong tauhan para mahanap ang gumawa nito sa Mommy mo. Kaonti nalang anak, I hope you will also heal.” Naluha ako sa sinabi ni Daddy. These pass few days, medyo nawawala 'yung sakit pero bumabalik sa tuwing umuuwi ako sa bahay.
“Uhaw na ako Daddy, uhaw na ako sa hustisya. I'm thirsty for justice. No one deserves to be treated like that, lalo na si Mommy. She's soft..” Mahigpit na hinawakan ko ang baso na hawak ko. Hindi ko matatanggap kahit kailan. Lahat ng tao na sangkot sa pagkamatay ni Mommy ay isusumpa ko.
“We still need to move on, kahit na mahirap pero kailangan. Hindi magugustuhan ng Mommy mo na stuck pa rin tayo sa pagkawala niya.” Madali sabihin, pero hindi ko kaya.
“Not until those people involved are still alive.” Tumayo na ako at nagpaalam kay Daddy. Aalis ako ngayon at bibisitahin ang puntod ni Mommy, mamamasyal din ako para mawala ang anxiety ko.
Palagi ako dinadapuan ng anxiety sa tuwing naalala si Mommy at sa nangyari sa kanya. Pati rin kapag may nangbubully sa akin sa school noon. Gusto ko na mawala sa mundo pero I can't harm myself, ayaw ni Mommy ng ganoon. Parang nagiging blanko lang ang utak ko at ayoko gumalaw, hindi ako kumakain ng buong araw at ayoko makipag-usap. Nangyari 'yun lahat noon, at ayoko na maulit. I have myself, kung wala na ang lahat. Atleast nandito ako para sa sarili ko.
I'm treating my anxiety on my own. It's really a big help, dahil natuto ako tumayo sa sariling paa without asking for someone's help. Dumalaw ako sa puntod ni Mommy.
Cassiopeia Bautista.
My Mommy is really pretty even her name too. I'm proud of my name, galing sa kanya ito. Kung binabantayan mo man ako lagi Mommy, always remember that I will also love you from a far. You're the best Mom. Umuwi ako ulit at kinuha si whoopie, my poodle.
Naglibot kami around the village, hawak ko ang tali niya nang mapunta kami sa bahay ng matanda na pinagnakawan ni Zico ng mangga. Napatingin ito sa direksyon namin at masungit akong tinignan. Tumahol naman si whoopie at agad na nakatakas sa pagkakahawak ko, pumasok siya sa loob ng bakuran ng matanda, nanlaki ang mga mata ko.
Lumapit ito sa matanda at dinilaan ang paa nito. Yumuko naman ang matanda at binuhat sa bisig niya at ngumiti ito. Mukhang maganda 'yung matanda noong dalaga pa ito, elegante rin ito manamit. Lumapit ako at pinanood siyang laruin si whoopie.
“Anong pangalan niya?” She asked.
“Whoopie po.” Nahihiyang sambit ko.
“Lalaki ba siya?” Tumango ako. Ngumiti ang matanda kay whoopie.
“Sorry nga po pala, ninakawan ka po namin ng kasama ko ng mangga.” Napatigil siya at ngitian ako.
“Wala na iyon. Dapat ay nagpaalam nalang kayo, mahalaga ang puno na iyan sa akin. Itinanim namin 'yan ni Mencio.” Asawa niya siguro ang binanggit niya. Niyaya niya akong pumasok, nahihiya man ay pumasok nalang ako at baka sungitan niya ako.
Pagpasok ay nakita ko ang malalaking picture frames, mukhang family pictures nila. Nakita ko ang wedding picture nila ng asawa niya, ang ganda nga niya.
“Call me Tita Gina, masyadong matanda na ako pero 'wag mo ako pagmukhang matanda.” Biro niya na ikinatawa ko. Tumango na lamang ako at pinaupo niya ako sa living room nila. Hinainan niya rin ako ng juice at cookies.
“Naniniwala ka ba sa tarot card reading? Napatingin ako sa kanya at umiling. Hindi lang siguro ako fond ng mga fortune telling.
“Hindi po, pero wala naman pong masama na subukan.” Baka magtampo si Tita Gina.
Tumayo siya at kinuha ang mga cards niya, nakaka-excite rin pala magpaganito. Pero hindi pwedeng nakadepende tayo sa ganito, tayo pa rin ang gagawa ng tadhana natin.
“Pick a card.” Namili ako at tatlong card ang nasa likod ng card na pinili ko. So naging apat siya, isa isa niya iyong binuklat.
“The hermit, you will seek for the truth. You will lost your way, you will have your biggest nightmare, you will walk in the dark, you will always find comfort in darkness and solitude.” Parang nagugulat ang matanda sa nababasa niya, pero ako ay clueless sa sinasabi niya.
“The four of wands, wow it's rare. In the middle of darkness you will find your way home. There's a gatherings, this is a positive card.” Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa narinig.
“The five of wands, this card screams, conflict, arguments and competition. You will face the conflict that will leave a great impact in your life. I can see someone who's a close minded, it's either you or the other person which can lead you the both of you to tear apart.” Kunot noong sabi niya. Hindi ko maintindihan.. maraming problema?
There's a random card she pick before reading the last one I chose. It's like a queen surrounded by a garden.
“The Empress Card, the woman somewhat represents mother earth. You will be in a place as fascinating as this picture or maybe like plants you will grow as an individual. But I see this card as a place where you can find comfort. And Lastly..” Napangiti siya sa card na hawak.
“The moon, a blue moon. There will be a hindrace in your love but one thing is for sure, you will overcome it with the destined man for you. He will never leave you in the middle of chaos, he will save you. He will always find you. It's like you and him is fated to collides.” Natulala ako sa sinabi niya.
Nagpasalamat ako kay Tita Gina sa pagpapatuloy niya sa akin at sa tarot card reading.. Hindi ako makapaniwala na I really take that reading in a serious manner. It's like those readings is what I'm actually going to face in the future.
Napahinto ako sa motor na nasa harapan ng gate namin. Nandoon si Zico at nakaupo sa motor niya habang may pinipindot sa phone niya. Napatingin ito sa direksyon ko at ngumiti.
“Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap.” Nakangiting sabi nito. I felt my heartbeat, sobrang bilis nito. Naalala ko ang moon na card.. He will always find you..