Chapter 15

2191 Words
Like strangers do Habang nasa klase ay kinakabahan ako sa magiging resulta ng project ko. My classmates were all ready, kahit ang mga kaibigan ko pero ako hindi pa. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Zico, baka kasi busy siya kaya nahihiya naman ako na istorbohin siya. “Nasaan na si Zico?” Cose asked. “I didn't informed him..” Nanlaki ang mga mata na sabi nila. I can't tell him na kailangan nya ulit ako samahan mamaya sa boutique for the final fitting. “Cassy, kailangan na bukas ito.” Zades said. Tumango nalang ako at hinayaan na sila. Gagawa nalang ako ng paraan mamaya, habang nagliligpit para makauwi na. I checked my phone and I don't how would I text him. s**t, I don't have his number. Lumabas ako ng room at halos mapatalon sa gulat nang nandoon na si Zico. Nakasandal sa pader at naka-earphones. He looks so cool while listening to his earphones, akala mo ay hindi kampon ng mga pilosopo. “Kanina ka pa?” I asked. Agad siyang nagtanggal ng earphones at nginitian ako. “Tara na.” Pagyaya niya. “Paano mo nalaman na.. kailangan kita ngayon?” I asked him, nahihiya ako manghingi ng favor. “Bukas na ang ramp project mo, so I assumed that you'll need a final fitting with our costumes.” He said. Natuwa ako sa narinig ko, he cares. Hindi ko naman akalain na maiisip niya pa iyon, guys don't usually remember anything about these kind of stuffs. Some of them usually hang out with their friends, hindi ko naman inaasahan na maalala niya na bukas ang ramp ko. Hindi ko rin naman siya ininform. Nakakahiya tuloy.. “Tahimik ka?” Bulong niya habang nakasakay kami sa motor niya. I feel so comfortable while holding him like this. Baka asarin niya ako kapag medyo clingy ako kaya lumayo ako ng kaunti. Nagulat ako nang higitan niya ang braso ko at ibalik sa pagkakahigpit ng hawak ko sa kanya. Pagtapos ay binalik niya ang isang kamay sa pagmamaneho. Namula ang mga pisngi ko, he wants this close? Mabuti nalang at naka-helmet ako. “Baka mahulog ka, lutang ka pa naman.” Alam 'kong nakangisi siya ngayon. Napairap nalang ako dahil hindi ko siya pwede awayin at baka mabunggo pa kami. “Lutang my ass.” I said. “You don't have one.” Natatawang sabi niya. Mamaya ka sa akin. Bumaba na kami at pagkababa namin ay agad ko siyang kinurot sa tagiliran. Napangiwi naman siya at sinamaan ako ng tingin. Ano ha? Walang ass pala ha. Nagpatuloy na kami sa paglakad papasok sa boutique, winelcome ulit kami ng mga designers at hinayaan kami na puntahan ulit ang costume namin. Natapos ko na ito nung nakaraan kaya susukatin nalang namin. Nagkanya kanya na kaming sukat nito at agad kong tinignan ang sarili ang salamin. I look like a royal queen. Na-amazed ako sa details ng dress na 'to. Elegant and expensive look. It's a nude color and maraming silver linings na nagpapakintab sa dress. Marami ring details na mas magpapa-emphasized ng royalties vibes. Lumabas ako at halos manlaki ang mga mata ko sa itsura ni Zico. He looks like a king. Inaayos niya pa ang dulo ng kanyang manggas, inaayos ang kwelyo nito. He looks so.. hot. Pinilig ko ang ulo at hinarap siya. Ngumisi siya nang makita ako at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “Mas bagay sayo ang back pack na bag then kulay pink na damit.” Hinampas ko siya sa sinabi at tawang tawa ito. Binato pa ako ng unan na nasa couch ng boutique na saktong tumama sa mukha ko. Humagalpak naman siya nang tawa nang nakitang halos matumba ako sa impact ng pagkakabato niya. Pikon ba pikon na sinugod ko siya at pinaghahamapas. Na-out balance siya at napahiga ako sa taas niya. Halos manlaki ang mga mata ko sa posisyon namin. Naabutan kaming ganoon ng designer at nagmamadali akong tumayo. Si Zico naman ay parang wala lang sa kanya ang nangyari. Nakangisi pa ito at inaasar ako. “Sorry.. busy pala kayo ng boyfriend mo Cassy.” Sabi ng designer. Namula naman ang pisngi ko at itatanggi sana na hindi ko boyfriend si Zico. “Pasensya na po, pikon kasi 'tong girlfriend ko.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Zico at nakuha pa siya nitong akbayan. Agad ko siyang tinulak pagkaalis ng designer at parang kinilabutan sa sinabi nito. Me and Zico? Girlfriend and Boyfriend? The heck. “Kunwari pa.” Nangaasar na sabi nito. Niyaya niya akong sumakay sa motor niya na ganito ang itsura namin pero hindi ako pumayag. Kapag nakita kami sa labas, pagtatawanan kami at idadamay niya pa talaga ako sa kalokohan niya. Panay ang piglas ko nang hilain niya na ako palabas ng boutique na ganoon ang suot namin. Hiyang hiya ako sa mga tao na nakakakita sa amin. Ano ba 'to? Last day ko na ba sa Earth? “Zico please.. kung gusto mo mapahiya 'wag ka naman mandamay.” Natatawa siya sa sinabi ko at hindi na ako pinansin. Sumakay kami sa motor niya. Para kaming tanga sa costume namin habang nakasakay sa motor, nakahelmet pa kami pareho. Pinagtitinginan 'din kami ng mga nakakakita sa amin. May iilan pa na kinukuhanan kami ng pictures. Mabuti at hindi kita ang itsura namin. Kung hindi ay baka tinulak ko na si Zico ngayon sa daan. “Exciting 'to. Gawin natin ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa at wala kang balak gawin.” Natatawang sabi niya. Tumingin ako sa salamin sa gilid niya, kumindat naman siya sa akin. Nakakainis na talaga. Hindi niya na muna ako inuwi at dumaan kami sa tindahan ng lugaw sa tabi ng daan. Hindi pa ako nakakakain sa ganito, 'yung tindahan ay maliit lang at doon ka sa labas kakain. Wala masyadong tao kaya nakaupo agad kami. Umupo siya sa tabi ko at siya na ang nag-order para sa amin. “Tokwa gusto mo?” Tanong niya. Tokwa.. ano 'yun? “Hindi pa ako nakakatikim 'nun. Masarap ba?” Tanong ko. Sumingkit ang mga mata niya sa pagngiti at tumango ito. Umorder siya ng lugaw at tokwa. Kulay puti ito na square. “Lagyan mo ng paminta at bawang 'yang lugaw mo masarap 'yan. Pagkasubo mo ng lugaw, kumain ka ng tokwa at lumpia.” Ginawa ko ang sinabi niya at natuwa ako sa sobrang sarap. Hindi ko alam na ganito ito kasarap, sana ay matagal ko na itong tinry. “Kahit naman, nakaka-angat tayo sa buhay. Hindi natin makakaila na mas masarap mabuhay ng normal lang. Makakain ka ng ganito kasarap na pagkain pero mura lang. We doesn't need to eat in a fancy restaurant to have the best quality of foods, mga ganitong pagkain pa nga ang mas the best.” Nakangising sabi niya. Kumain pa ito ng lugaw at parang sanay na sanay siya kumain ng ganito. Nakakatuwa na alam niya kung paano pahalagahan ang maliliit na bagay dito sa mundo. Nakadalawang mangkok siya at parang kulang pa ito sa kanya, habang ako ay iisa palang ang kinakain dahil mas madami akong kinain na lumpia at tokwa. Siya naman ay mas gusto ang lugaw, kaya kinukuha ko ang lumpia at tokwa niya. “Manang, kapag bumalik kami dito ibig sabihin nagustuhan talaga ng kasama ko ang luto niyo.” Nakangiting sabi ni Zico sa nagluluto. “Babalik po kami. Gusto ko po ang luto niyo.” Nakangiting sabi ko. “Ay nako, wala iyon. Sana ay mas magtagal pa ang relasyon nyo.” Parang nasamid ako sa sinabi ni Manang kaya natawa si Zico. “Soon palang, Manang. Masyado ka namang advance baka mapurnada diskarte ko 'e.” Sabi ni Zico na nagkakamot ng ulo sa sinabi ni Manang. Agad naman si Manang na sumenyas ng tahimik. “Secret lang ba? Pasensya na Iho, sige tahimik lang ako.” Sabay pa sila sumenyas ng tahimik kaya natawa ako. Talagang ginagaya pa ni Zico si Manang sa mga kalokohan niya. Natapos kami sa pagkain doon at hinatid niya na ako sa bahay. Naglakad ulit kami sa pagpasok sa village, iniiwan niya lang motor niya sa labas. Gusto niya pa daw ako makausap habang naglalakad. He put his airpods in his ears and he also put the other one on mine. Like strangers do? “Now my friends don't ask about you. Cause they think I'm fine without you.” Pagkanta niya sa lyrics. “If you saw me on a train, would you look the other way like strangers do?” Pagkanta niya ulit. Parang kakaiba ang nararamdaman ko sa kantang ito. It's like after a lot of memories you created with a certain person, when the time comes that you aren't together anymore. Both of you will do the things like a strangers do. “Parang ang sakit isipin na kapag na-attach ka na sa isang tao, bigla silang mawawala diba?” Napatingin ako sa kanya. “Oo naman. Nasanay ka na nandyan sila. Kaya parang masakit isipin kapag bigla silang naging stranger sa atin. Parang walang pinagsamahan.. parang hindi nagmahalan.” Mahinang sabi ko. Umalis siya na iyon pa rin ang iniisip ko hanggang sa makatulog ako. Nagreready na kami ni Zico para sa photoshoot at ramp. Maraming bumati sa suot namin, mukha daw kaming hari at reyna. Natatawa nalang ako kapag niyayabangan sila ni Zico dahil feel na feel nito ang suot suot niya ngayon. Kami na ang susunod, rumampa kami at nauna ako. I walk pass by a lot of people watching me. Sanay na ako sa ganito, sinanay ko ang sarili. Pagkarating sa gitna ay tsaka si Zico pumasok at nagtiliin ang mga tao. Pagkabalik niya sa dulo ng stage kung nasaan ako ay sabay kaming naglakad at rumampa. Naghiyawan ang mga tao dahil nagustuhan nila ang suot namin. Pagkababa sa stage ay maraming bumati sa amin at nagpapicture. Sumunod na pinuntahan namin ay ang photoshoot. Nagpose kami na parang mga royalties at nagsuot pa kaming dalawa ng crown. Natuwa ang photographer sa pag ganap namin as a royalties kahit sa pictures. Hindi na kami tinuruan kung paano, we didn't do any intimate posing though. Mayroong magkaharap kami at mayroon 'ding magkatapat ang katawan namin at pareho kaming fiece na nakaharap sa camera. It look so aesthetically pleasing. Natapos ang ginagawa namin at nagpicture kami nila Cosette bilang remembrance. Sila Kael ay nagpapicture rin and also by partner. Nagtabi kami ni Zico, hindi ko inaasahan na aakbayan niya ako, sabagay puro formal ang pictures namin kanina kaya nagwacky ako. Mayroong pictures kaming dalawa na ginugulo niya ang buhok ko habang pinipisil ko naman ang pisngi niya. Nagtawanan sila sa pinaggagawa namin. Puro nga talaga kami kalokohan kapag kami ang magkasama. Walang formalities na magaganap o hiyaan moments. “Nakakapagod.” Sambit niya. Humiga kami sa field na suot pa rin ang costume na ginamit namin kanina. “Yes, thank you nga pala. Hindi mo naman obligasyon na magpaka pagod sa project ng iba..” Mahinang sambit ko, pareho naming tinititigan ang mga ulap. “Iba? Iba ka 'ba sa akin, Sandra?” Napalingon ako sa kanya, pati siya ay napatingin sa akin. We are both looking at each other and I didn't feel any awkwardness. I just love staring at his eyes. It looks so genuine and pure. “Thank you.” Nakangiting sabi ko. Umiwas na ako ng tingin. Kinuha niya ang kamay ko at tinuro ang mga ulap. “Anong nakikita mo?” Tanong niya. Bahagya 'kong tinitigan ang mga ulap at iniisip kung ano nga ba ang mayroon doon. “I can see a cat or dog? 'yun lang agad ang naisip ko.” Sambit ko. He chuckled, damn it sounds so sexy. “I can see a dog.” He said. “Really? Pareho pala tayo.” I said. “Dogs will never stop chasing cats. I will never stop chasing you.” He said. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. “Duh? Mukha ba akong nagpapahabol sayo.” Umirap ako at natawa naman siya. “Hilig mo umirap, hindi mo alam kung anong epekto niyan sa akin.” Parang nahihirapan na sabi niya. “Bakit? Ano nga ba ang epekto ng pag-irap ko sayo?” Nanghahamon na sabi ko. “Kapag tumatakbo ka palayo sa akin at itinataboy mo ako. I will never stop chasing you, because this is how you affect me.” Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi na ako muling nagsalita. People tends to love the chase, but I don't. Kapag may humahabol sayo, parang obligasyon mo na tanggapin sila ulit sa buhay mo. Kapag naman naghahabol ka, parang ikaw naman 'yung nakakaawa. You're a beggar in someone's attention. I don't like that, I have a deep view in love. I don't consider chase as part of love. “You're a prey, I'm willing to chase. You're worth the chase.” Dugtong niya pa. Maybe, when you love someone.. you're willing to chase them, because you don't want to lose them. You don't want to do the things like strangers do, when you actually made a good memories with them..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD