What if's
Mas naging busy kami sa mga sumunod na araw. Parating na 'din ang project namin, kailangan magprepare para sa ramp. Hindi ko 'din alam kung sino ang partner ko, napili ko ang fashion na royalties. Since, seductive look ang kay Kael and Cosette kaya gusto ko ng kakaiba.
Nahihiya naman si Cosette na yayain si Kael bilang partner niya kaya bilang queen of pranks, ako na naman ang gumawa ng paraan para umusad ang lovelife ng mga kaibigan ko. Pumunta kami sa pratice room para gawin ang mission.
“Zico ikaw kasi ang sadya ni Cosette.” Sabi naman ni Naih, parang hindi ko nagustuhan ang plano namin na gamitin si Zico, hindi ko rin alam kung bakit.
“Yayain ka daw makipag-date.” Dugtong ko. Parang puno ito ng disgusto, nakakahiya baka nahalata nila. Napatingin sa akin si Zico na parang nagtataka pero hinayaan ko na lamang siya.
“Joke lang yun Zico, may project kasi kami, and si Cosette nalang walang partner. Magkakaroon ng ramp and photoshoot yung mga clothing na ginawa namin and we need a partners para i-model ang ginawa naming damit for guy and girl.” Paliwanag ko naman.
“Sure pero diba-” Hindi pa tapos si Zico sa sasabihin niya ng sumabat si Zades.
“And take note medyo daring yung poses and clothes, may part na kailangan mo siya parang halikan sa leeg just to make the photos look more sexy, since it's her chose theme.” Dugtong pa ni Zades parang kahit ako ay naiimagine iyon, hind ko magustuhan. Parang bumabalik sa akin ang prank na pinlano namin..
“I'm willing to be your partner, Sette.” Sambit ni Kael, parang binunutan ako ng tinik sa naging sagot niya. Hindi ko naman gustong maging partner si Zico..
Akmang aalis na ako para maghanap ng partner ko, hindi ko naman kayang yayain si Zico, aasarin lang ako ng intsik na iyon. Pero pagkalabas ko ay sinundan ako ni Zico.
“Ikaw? Sinong partner mo?” Seryosong tanong nito.
“Siguro, yayain ko si Harold.” Hindi ako sure kasi baka may partner na 'din si Harold pero siya ang dinahilan ko para hindi ako magmukhang kawawa na walang partner.
“Nahihiya ka pa, alam ko naman na gusto mo akong ayain.” Nakangising sabi nito. Parang gusto ko ito tadyakan sa paraan ng pagngisi nito. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero nakakairita talaga siya kapag ganyan ang mukhang ihaharap sa akin.
“Really? Si Harold ang gagawin 'kong partner. I don't need to ask you to be my partner.” Umirap ako at agad naman siyang nagseryoso.
“Ako na nga sabi..” Pangungulit nito.
Hindi niya talaga ako tinigilan at may pagsundot pa sa tagiliran ko kapag hindi ko siya pinapansin. Nakakairita talaga 'tong intsik na ito. Ngumunguso pa siya at nagpapacute sa akin habang naglalakad. Sinong hindi maba-badtrip?
“Fine.” Maikling sagot ko.
Parang siya pa tuloy ang may utang na loob sa project ko. Inakbayan naman ako nito sa sobrang tuwa at agad ko namang sinampal ang kamay niyang naka akbay sa akin. Ngumuso naman ito at hinipan ang kamay niya na parang mawawala ang pamumula 'nun sa ginawa niya. Nakakastress kasama si Zico. Period.
Dahil wala pa kaming susunod na klase, nagpasama siya sa akin na pumunta sa library. Kailangan niya 'daw magreview for their quiz tomorrow. Hindi na sana ako maniniwala nung talagang umupo ito at nagbasa. Sobrang seryoso nito, kaya hindi ko na inistorbo. Tinabihan ko na lamang siya at nagbasa nalang 'din ako ng books.
“Sandra..” Pagtawag nito sa akin. Istorbo talaga ito.
“Ano?” I asked.
“Ten divided by two.” Tanong nito. Kumunot ang noo ko, pero sinagot ko na lamang siya para manahimik na.
“Five” I answered, mukha na kaming stupid dito.
“Sandra.. five plus three.” Nakakairita na talaga. Hinarap ko na siya dahil sa sobrang inis.
“Eight!” Naiinis na sagot ko. Nagpipigil naman siya ng tawa sa reaksyon ko. Mukha na siguro akong kamatis na namumula at sasabog na sa inis.
“Bakit galit ka?” Natatawang tanong niya.
“Seriously? Pang-elementary kasi 'yang tinatanong mo!” Asik ko.
“Bakit mo naman sinasagot?” Natatawang tanong niya.
“Alam mo, ewan ko na sayo!” Nanggigil na sabi ko. Kinurot niya ang pisngi ko at tuwang tuwa sa siopao 'kong pisngi.
“May trust issues kasi ako, baka mali kaya tinatanong kita.” Natatawang sabi niya. Baka kamo nagdadahilan para maasar ako.
Natapos na kami sa pagtambay sa library, nasaway pa kami dahil sa pag-aasaran namin. Nanghihinayang naman si Zico na hindi niya sinama si Kael para isangkalan sa matandang dalaga na librarian namin. May crush 'daw kasi ito kay Kael. Nakakalusot sila sa kaingayan nila, kindatan lang 'daw ni Kael, solve na. Napairap nalang ako sa kalokohan nilang magkakaibigan.
They met Kael when he was a transferee here in our University. Lalo na't pare pareho silang mahilig sa music. Nagpaalam na kami sa isa't isa at pumasok sa sumunod na klase. Inaasar naman ako ng tatlo dahil magkasama kami ni Zico simula kanina. Hindi nalang ako nagsalita dahil nahihiya ako. Baka akalain nila may something sa amin. We're like bestfriends..
Sabay naman kaming uuwi ni Zico dahil dadaan pa kami sa boutique sa mall kung saan ako nagpapatulong gumawa ng costume namin for ramp project. Kakilala namin ang may-ari kaya hinahayaan nila ako na doon mismo gumawa ng mga costumes namin.
“Royalties huh?” Nagulat siya sa idea na naisip ko. He thought daring and sexy 'din ang theme ko. But no, gusto ko ng kakaiba na kailangan ng maraming efforts. Sobrang daming details kasi ang kailangan dito. Maraming kailangan ilagay sa susuotin namin para maging elegant siya and look expensive.
Sinukat ko sa kanya ang nagawa ko na layout for prince at saktong sakto ito sa kanya. He looks so dashing with this kind of outfit. Para siyang prinsepe sa isang disney movie. Hindi ko naimagine na magfi-fit ang damit na ito ng ganitong kaganda. Iba ang nasa isip ko, simple lang. Pero parang binigyang buhay ito ni Zico, para talaga siyang Prince.
“How do I look?” Tanong nito at humarap sa salamin.
“Not bad.” Natawa siya sa sagot ko.
“Not bad? Pero you're drooling over me.” Nakangising sabi nito.
“I'm not!” Sigaw ko. Namula ako sa pagiging defensive ko kaya lalo siyang natawa.
Natapos ang pag fitting namin ng damit at sinamahan niya akong kumain muna bago umuwi. Niyaya ko siya sa fast food para mura lang tapos makakabili kami ng marami. Like what matakaws always do.
“What if, hindi kita nakitang umiiyak sa puno noon? Siguro hindi tayo close..” Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Oo nga, baka walang peste na mahilig mang-asar sa akin ngayon.
“Edi mabuti.” Sagot ko at kumagat sa burger na hawak ko.
“Grabe, ang sama mo.” Umakto pa ito na nasasaktan. Hinampas hampas niya pa ang dibdib niya na kunwari nasasaktan kaya napatawa ako. Kahit kailan talaga, parang clown si Zico.
“What if hindi ka makulit? Siguro nagkasundo tayo.” Napatawa naman ito sa sinabi ko. Namumula na 'din ang tainga niya kakatawa.
“Happiness mo na nga ako. Aayaw ka pa? Pogi na, funny pa. May sense of humor, pinag-aagawan nga ako ng mga chix, tapos ikaw tinataboy mo ako..” Grabe ang drama naman nito. Tinataboy talaga?
“Look, wala akong issue sa mga chix mo. You can eat all you want!” Naiinis na sabi ko.
“The f! Sandra, anong eat all you can? Ano sila, buffet? Ikaw, 'yung utak mo.” Parang hindi makapaniwalang sabi naman nito. Duh, straight forward ako. Sorry ka nalang, hindi ako mahinhin.
“What do you expect me to say? Go play and flirt with them, when in fact you're actually doing something nasty with them--” Nilagyan niya ng fries ang bibig ko para manahimik ako. Wow, Zico is sensitive about this topic? Akala ko ba habulin siya.
“Ibang what ifs nalang!” Naiinis na sabi niya. Mukhang ayaw nga ni Zico pag-usapan ang ganitong topic.
“What if virgin ka pa?” Natatawang tanong ko. Agad na nanlaki ang mga mata niya at namula ang mukha. Bigla niya 'din tinakpan ang bibig ko. He was terrified, nakakatawa talaga itsura nya. Pang meme.
“God, Sandra! Can you please filter your words?” Naiistress na sabi niya. Hindi ko na talaga mapigilan na pagtawanan siya. Umalis na kami doon dahil pinagtitinginan na kami. Naglakad nalang kami palabas.
“Hindi ka ba titigil..” Hanggang sa makalabas kami ay hindi ko makalimutan ang reaksyon niya kaya panay tawa pa 'din ako. I'm just kidding. I just discovered that he's sensitive about this topic, that's why I push his pikon button.
“What if, the place your Mom paints is existing.” Napatigil ako sa sinabi niya. Agad akong napalingon sa kanya.
Hindi ko 'din alam ang isasagot. Clueless 'din ako dahil hindi pa naman ako nakakapunta sa ganoong lugar. Mas lalong hindi ko nakausap si Mommy tungkol sa painting na 'yun dahil maaga siyang nawala sa akin. Parang bula na nawala 'yung kasiyahan na nararamdaman ko kanina. Napahinto ako at iniisip kung anong mayroon sa lugar na iyon.
“I'm curious.. that's why I said that.” Sabi niya. Wala naman siyang kasalanan hindi niya kailangan na maguilty dahil sa tanong niya. Napaisip 'din naman ako kung ano talaga ang mayroon sa painting na 'yun.
“What if.. my Mom is still alive?” I asked out of the blue. Parang nanigas siya sa tanong ko. Parang kinakabahan siya. I shrugged it off. I'm just wondering, siguro masaya ako ngayon tuwing uuwi. Kasi nandoon siya na nag-iintay sa akin, kukwentuhan ko siya tungkol sa araw ko. Kahit lovelife ko gusto ko ikwento sa kanya, tapos kapag may cramps ako nandyan siya para alagaan ako.
Kasi ngayon, walang nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako. I don't need a mansion na tinitirhan ko ngayon. Kung wala naman si Mommy, parang invisible lang 'din ako kay Daddy. Nagpapakalunod siya sa pagtatrabaho para madistract sa pagkawala ni Mommy, nakalimutan niyang may anak sila.
“I think.. masaya ka ngayon. You will tell her all your silly jokes, and she will pretend that it's really funny to make you happy. She will be your first bestfriend, your companion when you're feeling down.” Ngumiti ako sa sinabi ni Zico. Tama siya, Mommy is really caring. Palagi niya pa ako inaasar noon na kung sino 'daw sa mga kaklase ko ang crush ko.
“Yes, she's a great mom.” Nakangiting sabi ko. Hinawakan ni Zico ang kamay ko at nginitian ako.
“You're right. Kasi wala siyang anak na katulad mo kung hindi. I should be thankful.” Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Parang nagtahip ang puso ko sa sobrang kaba nito.
“I should be thankful na kung hindi dahil sa kanya, walang Sandra na mukhang dora sa harapan ko ngayon. I will be lost, thank you Dora the explorer.” Nakangising sabi nito.
Ang ganda na ng moment, sinira mo talaga Zico? Napipikon na hinampas ko siya at todo iwas lamang ang ginawa nito hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate namin.
“Umuwi ka na. Baka ipahabol kita doon sa ninakawan mo ng mangga.” Natawa siya sa sinabi ko. Nagpaalam na ito at pinanood ko lamang ang papalayong bulto niya.
Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko si Manang na naabutan akong nakangiti. Ngumiti 'din siya sa akin.
“Matagal tagal na ng huling makita ko ang mga ngiting iyan, Ma'am Cassy.” Umiling iling nalang ako at namula sa sinabi niya. Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo saglit. Pagtapos ay humiga na ako binuksan ang laptop ko para icheck ang digital art na ginawa ko for our costume.
There's a sudden notification I received from twitter. Nagtweet na naman pala si Zico, at dahil matagal siyang hindi nagtweet nagnotif ito agad sa akin. Hindi na 'din naman ako nahilig sa pagtweet nitong mga nakaraan. I just tweet my happy moments, I don't wanna spread negativity among my followers.
What if our path is fated to collide?
Maraming naglikes at nagretweet 'nun. Hindi ko alam ang ibig sabihin niya. But indeed, our day were full of What ifs. Maraming nagcomment at hinuhulaan ang ibig sabihin niya, may iilan pa na may nagmention kay Millan. Parang sumama ang mood ko kaya umirap ako at binitawan na ang phone ko.
Bigla na naman nagnotif ang twitter sa phone ko. This time he mentioned me on his tweet.
What if I got lost, would you still show yourself to help me? Dora the explorer? @/cassyvien
I will, Zico.