“Go away, tatawagan nalang kita pag okay na ako.” Lumabas siya ng pinto, parang nanlumo ako dahil umalis nalang siya ng ganoon.
Nakarinig ako ng yapak papasok sa kwarto ko. Si Manang ba 'to? Tinanggal ko ang talukbong ng kumot ko at nanlaki ang mga mata ko na si Zico ang nandito at may dalang pagkain at gamot.
“Kumain kana. Kanina ka pa daw hindi kumakain, kailangan mo uminom ng gamot.” Hindi ako nakinig sa kanya at nagtalukbong lang ulit. Hinila niya iyon at kahit sobrang pawis ako ay hinipo niya ang noo ko.
“Nilalagnat ka na. Bumangon ka dyan.” Seryosong sabi nito. Inilapag niya ang pagkain sa harapan ko at balak pa ata ako subuan pero agad kong inagaw ang kutsara sa kanya.
Halos matapon ang pagkain sa harapan ko nang bigla akong umunat dahil sa biglaang pagkirot ng puson ko. Para akong nahihilo sa sobrang sakit, tumulo ang luha sa pisngi ko sa sobrang sakit.
“Damn.” Mura niya at agad akong pinahiga at kinumutan. Namimilipit naman ako sa sakit. Umupo siya sa gilid ng kama ko at inilahad sa akin ang kutsara na may laman na pagkain.
“No need. Kakain nalang ako kapag wala na 'yung sakit, bukas wala na 'to.” Sabi ko.
“Don't lie to me, sabi ni Manang dalawang araw ka daw na ganyan. Ano 'yun dalawang araw kang hindi kakain ng maayos? Susubuan kita whether you like it or not.” Pagpupumilit niya. Sinubuan niya nga ako, seryoso lang siya habang pinapakain ako. Hindi naman ako despalyado, kaya ko naman. Pero sobrang sakit talaga, hindi ko nararamdaman ang gutom pag may period ako.
If others, will crave for foods kapag may period sila, ako hindi. Mas gusto ko humiga sa kama buong araw at 'wag kumain dahil sumasakit siya lalo kapag kumikilos ka. Namana ko kay Mommy ang ganito kalala na dysmenorrhea. Natapos niya ako pakainin at uminom ako ng gamot. Nilagyan niya din ako ng hot compress. Pinaupo niya ako sa tabing upuan at nagulat ako nang tanggalin niya ang bed cover ko. Nagkalat ang tagos ko doon, bumaba siya at nagpatulong kay Manang na paltan iyon.
“Hindi mo naman kailangan gawin 'yan.” Nahihiyang sabi ko.
“Sinong gagawa nito?” Pagsusungit niya. Yung totoo, siya ba ang may period sa amin?
Ayos ang kama ko at pinahiga niya na ako ulit. Kinumutan at chineck ang temperature ko. Umupo siya sa upuan malapit sa kama ko at sumandal doon. Mukhang pagod siya pero bakit pa siya dumaan dito?
“Sleep, babantayan kita.” It's like a magic word dahil dahan dahan 'kong pinikit ang mga mata ko at naramdaman ang antok.
Nagising ako na madilim na ang paligid. It's already 9pm, nakita ko si Zico na natutulog sa gilid ng kama ko. Tinitigan ko siya, may eyebags ito pero ang gwapo pa 'din. Sobrang kinis at linis ng mukha, wala kang makikitang visible na pores bagay na nagpapahanga sa akin dahil masyado akong conscious sa skin care. Napailing nalang ako dahil naiinggit ako sa skin ng isang lalaki.
Mahaba ang kanyang mga pilik mata, makapal na kilay at singkit na mga mata. Bahagyang nakabuka ang mamula mula na labi niya. It's like a tease, parang dinadala ka nya palapit sa malalambot niyang labi pero pinigilan ko ang sarili. Nagulat ako nang bigla siyang dumilat at nagsalubong ang tingin namin. Agad siyang bumangon at nag-inat.
“Kanina ka pa gising?” He asked. Umiling lang ako.
“Okay ka na ba? Hindi na ba masyadong masakit?” Tumango ako.
“Kapag may dysmenorrhea ka.. tawagan mo ako.” He said while blushing.
“Nakakahiya, ayoko.” Umiling iling siya at binuksan ang phone niya.
“Regular ba ang menstruation mo?” He asked.
“Yes, why?” Tumango siya at may pinundot sa phone niya. Ngumisi siya at nagtype ng kung ano.
“I set my calendar para malaman ko kung kailan ka magkakaroon.” Maikling sabi niya at agad na namula ang pisngi ko.
“Nagluto na daw si Manang. Kaya sabi ko dalhan ka dito ng dinner at sabihin sa akin kung kumain ka o hindi, nag-iwan ako ng number ko kay Manang para ma-contact niya ako.” Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya. Mukha pa siyang tatay sa Daddy ko.
“Yes, sir. Thank you.” Nakangising sabi ko. Ngumiti siya at muling chineck ang noo ko. Nagpaalam siya at umalis na.
Hindi ko alam na ganito siya ka-worried. Hindi ko alam na ganito siya mag-alaga. Namula ako nang maalala ang mukha niya habang tulog. s**t, nababaliw na ako.
Nakapasok na ako sa sumunod na araw, okay na ako. Agad naman akong dinamba nila Naih, Zades at Cosette ng yakap. Ilang taon hindi nagkita? Bago naming friends ni Cosette sila Naih at Zades. Kaya nakakatuwa na dumami kami, apat na prank girls. Nahawaan ko na sila ng disease ko sa pagiging pranker. Biglang nagring ang phone ni Cosette at si Kael iyon. Kumunot ang noo ni Cosette sa sinabi ni Kael.
“Oo, pumasok na si Cassy..” Tinitigan pa ako ni Cosette.
“Mukhang okay naman na siya. Bye!” Paalam ni Cosette. Grabe, nagpalitan na ng phone number, sana all.
“Pinapatanong ka ni Zico kay Kael, hindi mo 'daw kasi sinasagot ang tawag nung isa.” Nakalimutan ko nga pala i-charge ang phone ko kaya iniwan ko iyon since lowbat naman. Nakipagkita kami sa kanila sa cafeteria at naabutan namin sila Zico doon. Pagkakita sa akin ay ngumisi agad ito.
“Feeling ko crush ako ni Cassy.” Bungad sa akin nito. Nasaan na ang Sandra? Bakit biglang Cassy?
“Kapal naman. May kalyo ba 'yang mukha mo?” Naiinis na sabi ko pero nagtawanan sila. Wala lang, parang iba sa akin kapag Cassy ang tawag niya sa akin..
Parang nagulat naman ito sa pagtataray ko. Hindi na ito nagsalita ulit at hindi ako tumabi sa kanya, napapansin ko ang pagtitig niya sa akin pero hindi ko siya binabalingan. Nakakahiya, simpleng pagtawag niya lang sa akin ng Cassy, nagagalit na agad ako.
“Cass, si Harold hinahanap ka daw.” Sabi ni Zades kaya napalingon ako sa tinuturo niya. May reports nga pala kaming gagawin ngayon, mamaya nalang pala ako kakain. Nakakahiya baka tinawagan nila ako pero wala naman sa akin ang phone ko.
“Hey. Sorry hindi ko nasagot ang tawa mo, naiwan ko ang phone ko.” Gumilid kami ni Harold dahil nakakahiya naman sa mga kaibigan ko. Baka naiilang din si Harold.
“Okay lang. Naiintindihan ko.” Ngumiti ito at lumabas ang dimples nito. Akmang kukunin ko na ang mga gamit ko para sumama kay Harold nang tumayo si Zico at madilim na nakatingin sa akin at kay Harold.
“Saan kayo?” Seryosong tanong nito.
“May reports silang gagawin. Sayang hindi namin kagroup si Cassy.” Sabi ni Naih. Hindi kasi kami magkakagroup.
“Kayong dalawa lang?” Parang puno ng disgusto nitong tanong. Nagtataka naman akong lumingon sa kanya.
“Aalis na kami ha. Bukas nalang ulit, kita nalang tayo sa susunod na subject.” Paalam ko sa kanila. Lumabas na kami ni Harold. Hindi ko na muling nilingon si Zico.
Hindi lang naman kami ni Harold ang magkagroup, five members kami at nasa field na ang iba kung saan namin napag-usapan. Natapos ang meeting at pag-assign ng bawat part ng member ng tumayo ako at nagsimulang magligpit ng gamit. Tinulungan ako ni Harold kaya ngitian ko na lamang siya.
“Sabay na tayo pumasok sa susunod na class?” Alok nito. Akmang sasagot na ako nang may humawak sa braso ko at kinuha ang ilang hawak 'kong gamit.
“Let's go, Sandra. Ihahatid kita sa klase mo.” Nagulat ako sa presensya ni Zico sa tabi ko. Anong ginagawa niya dito? Masamang tingin ang pinupukol niya kay Harold. Wala namang ginagawang masama 'yung tao..
Sumama nalang ako sa kanya at hinayaan siyang dalhin ang mga gamit ko. Mukhang wala 'din ito sa mood kaya hindi ko na kinontra at baka sumabog pa ito sa inis sa akin na wala namang dahilan.
“Bakit nandoon ka?” Nagtatakang tanong ko. Wala ba siyang klase..
“Hinintay kita. Baka kung saan ka dalhin ng Harold na 'yun.” Mariin na sagot niya.
“Ano naman? Malaki na ako Zico, hindi kita tatay para pagbawalan ako sa gagawin ko.” Huminto ito kaya halos mabangga ako sa likod niya. Nakasunod lang kasi ako sa kanya.
“Gusto mo ba 'yun?” Nagtataka naman akong tumingin sa kanya dahil sa tanong niya. Ano ba talaga ang trip nito sa buhay?
“Hindi kita maintindihan!” Naiinis na sabi ko. Ayoko kasi sa magulo kausap, stressful na nga ang buhay ko dadagdag pa ang mga taong unpredictable. I want a straight forward conversion.
Kinuha ko ang mga gamit ko sa kanya at pumasok na sa klase ko. Naabutan ko sila Cose doon na mukhang napansin na wala ako sa mood. Zico is confusing, parang boyfriend ito na nagseselos kapag nakita akong may kasamang iba, which is absolutely impossible. I know Zico, mukhang hindi katulad ko ang tipo niya. He's a chinese maybe his type is skinny, white and chinita na girl. I'm morena and kinda slim pero thick ang legs ko which is what others find sexy. Kapag daw nakadress ako na maikli or skirt, sexy tignan ng legs ko. I'm definitely not his type.
Umirap ako sa hangin ng maalala si Millan, maputi at slim, his type. Nagfocus nalang ako sa discussion at nang mawala na sa isip ko ang intsik na iyon.
Natapos ang klase at halos mapatalon ako nang makita si Zico na nakaabanh sa tapat ng room ko. Nagulat din sila Cose at nginisihan ako. Agad silang umalis at hinayaan akong maiwan kay Zico. Halos lahat ng kaklase ko ay mababali na ang leeg kakadukwang para masilip si Zico na nakatingin sa akin ngayon. Nakapasok sa bulsa ng kanyang faded jeans ang kamay at nakangising lumapit sa akin. Mukha itong model na rumarampa sa harapan ko.
“Tara, samahan mo ako.” Kanina lang ay para itong protective na boyfriend na badtrip kapag may nakasama akong ibang lalaki. Ngayon naman balik siya sa Zico na happy go lucky at palaging nakangisi.
“Okay ka na? Wala ka ng issue sa akin?” Sarcastic na tanong ko. Umiling iling nalang siya.
“Basta ba 'wag ka na sumama sa Harold na 'yun.” Seryosong sabi niya.
“Hindi mo maintindihan na may reports nga kaming kailangang asikasuhin. Tsaka boyfriend ba kita?” Umirap lang ako at inunahan na siya sa paglalakad.
“Yie, gusto mo akong maging boyfriend 'no?” Pang-aasar nito. Nakasunod na agad ito sa akin at nakangisi.
“Assuming ka? Ang sabi ko, you're acting like one. Ikaw nga ata ang may gusto sa akin dyan.” Pag ganti ko.
“Easy! Ayaw mo nalang aminin na type mo ako.” He said.
Biglang nilapitan kami ni Millan na abot ang ngiti sa langit habang lumalapit kay Zico. Napatingin siya sa akin at nawala ang ngiti nito sa labi, si Zico naman ay hindi alam ang gagawin. Inirapan ko siya at nauna nang maglakad at iniwan silang dalawa doon. Parang gusto naman ni Zico sumunod sa akin pero kailangan niya para harapin si Millian na gusto siya kausapin.
Humarap ulit ako sa kanya at sinabi na
“You're not my type.” Umirap ako at nagulat naman si Millan sa sinabi ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at tumalikod na sa kanila. Magsama kayo.