Engagement ring Naging masungit sa akin si Zico sa sumunod na araw. Para siyang may regla ngayon dahil sinisigawan nya ang ilan sa mga empleyado niya na pumalpak sa pinapagawa nya. Lumabas muna ako para gawan siya ng coffee, naabutan ko ang ilan sa empleyado niya na nanginginig sa takot. "What happen?" I asked. Masyado na akong curious, ayoko naman tanungin mismo si Zico at baka sa akin pa magalit 'yun. "Naulit 'yung nangyari last year, nanakawan na naman po ng ilang million ang kompanya. Hindi pa rin po mahuli ang gumagawa." Napasinghap ako sa narinig, nung nakaraang taon 'yun ba ang issue na pinoproblema niya? Hinatid ko ang coffee sa office niya, naabutan ko siyang hinihilot ang sintido. Inilapag ko ang kape niya sa table, napukaw ko ang atensyon niya. "How are you?" He asked. Nagu

