Fate Collides Nagising ako sa pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Unti unti 'kong dinilat ang mga mata ko, nakakarinig ako ng huni ng mga ibon at ilang takbuhan at tawanan ng mga bata sa labas. Napabangon agad ako at naramdaman ang sakit ng likod, hindi malambot na kama ang hinigaan ko kundi isang banig. Nilibot ko ang paningin, gawa sa kawayan ang sahig at pader. Ang bubong naman ay parang katulad sa mga kubo, tumayo ako at sumilip sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na nasa hindi pamilyar na lugar ako. Naglalaro ang mga bata sa labas, ordinaryong mga bata lamang ang mga ito. Kung tutuusin parang nasa liblib na lugar ako, magkakalayo ang mga bahay na kubo at maraming naglalakihang mga puno. Pinagmasdan ko suot, naka bestida akong puti. Halos mapatalon ako sa gulat nang bi

