Pity
Tinakbo ko ang pagitan ng cafetaria papunta sa likod ng School namin. Habang tumatakbo ay naglalaglagan ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko. They are bullying me again. Wala daw akong nanay, wala akong Mommy na magtatali ng buhok ko. Hindi katulad nila na hinahatid sundo pa ng mga Mommy nila.
Nadapa pa ako pagdating sa likod ng School, dahil sa isang matandang puno na nagkalat na ang ugat sa lupa. Mas lalo akong napahagulgol dahil sa sugat na natamo ko. Sa sobrang malas mo nga naman, umiiyak ka na nga, mas lalo ka pang papaiyakin.
“Tumutulo na ang sipon mo. Pakipunas naman.” Isang boses ang nanggaling mula sa puno.
Agad akong napatayo at nagpahid ng luha. May kasama nga itong sipon, napa-angat ang tingin ko sa puno at halos mapatalon ako sa gulat dahil sa lalaking nasa taas ng puno. Baka malaglag siya doon.
“Akala mo engkanto?” Tanong niya mula sa taas.
“Akala ko kampon ng aswang.” Matabang na sabi ko. Prangka akong tao, pero 'yung nangyari kanina sa Cafeteria halos hindi ko kayang ihandle.
“Mas mukha ka 'pang aswang sa itsura mo kaysa sa akin.” Pagkasabi niya noon ay dahan dahan itong bumaba.
“Bakit ka ba umiiyak? Sa sobrang pangit mo, mas lalo ka pang pumangit sa pag-iyak mo.” Pigil na tawang sabi nito.
“Pwede ba? Umalis ka nalang dito. Gusto ko mapag-isa.” Nawawalan na ako ng kontol. Sobrang ikli lang ng pasensya ko.
“Tapos ano? Iiyak ka? Mas okay nang maasar ka kaysa magiiyak ka dito.” Inirapan ko siya sa sinabi at umupo nalang ako sa tabi ng puno.
“Kailangan ko din umiyak.” Wala sa sariling sabi ko.
“Pero hindi dapat palagi.” Umupo siya sa tabi ko pagkasabi nun.
“You're Sandra right?” He asked.
“Cassandra, Cassy not Sandra.” I said.
“Ganoon na din iyon. I prefer Sandra.” He replied.
“Ang daldal mo.” Sabi ko sa kanya. Sa totoo lang, napakalayo sa itsura niya ang madaldal. Kalalaking tao ay napakadaldal nito. Parang hindi nauubusan ng sasabihin.
“I prefer noise than silence. Kapag tahimik, maraming papasok sa isip mo. Mas malaki yung possibility na mag-isip ka ng mga malulungkot.” Sabi niya.
May point siya, sa totoo lang kapag tahimik ako dito at magisa. Madami akong malulungkot na bagay na naiisip lalo na ang pagkamatay ni Mom. Kinuha siya agad sa amin ni Dad, dahil sa isang aksidente. Hindi ko mapapatawad ang mga taong naging dahilan ng pagkamatay niya. Hindi ko gawain ang maghiganti, hindi ko din gawain ang magpatawad.
“Nakikita kitang maingay palagi, hindi ko akalain na may ganito kang side.” Biglang sabi niya.
“Nakikita mo ako? Hindi nga kita kilala eh.” I said.
“Bakit? Pag kilala ka dapat kilala mo din? Ang dami mo pang kakaining bigas.” Natatawang sabi ng lalaking ito.
“Malamang, habang buhay ka pa kakain ka pa talaga ng bigas.” Inirapan ko pa siya pagkasabi nun.
“Bigas? Hindi mo muna lulutuin para maging kanin?” Pagkasabi niya nun at pumikit na ako ng mariin.
Agad akong tumayo at nagbabalak nang umalis. Maikli ang pasensya ko, hindi ko kayang pakisamahan ang mga taong katulad niya. Sasabog agad ako sa galit kapag araw araw ko itong kasama. Effective nga na hindi ko naisip ang mga malulungkot na bagay ngayon dito sa likod ng school, hindi ako umiyak ng umiyak at nagmukmok. Pero sasabog naman ako sa inis sa sobrang pilosopo ng lalaking ito. Wala akong balak alamin ang pangalan niya, dahil baka pangalan niya palang ay isumpa ko na.
“Hindi mo man lang ba itatanong ang pangalan ko?” Sigaw niya nung medyo makalayo na ako. Hindi ko man lang siya nilingon pero alam kong nakangisi siya sa akin ngayon.
“Zico Lim!” Sigaw niya.
Kaya pala bakas sa mukha nito ang pagiging Chinese, singkit ang mga mata nito. Maputi at halatang mayaman, hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pag-alis doon. Wala na akong balak makita siya ulit. Please lang, 'wag na sana hayaan ng tadhana na magtagpo ang landas namin. At mukhang sinunod nga ng tadhana ang hiling ko.
“Go Dean!” Sigaw ko. Hinila naman ako paupo ni Cose, Grade 12 na kami ngayon at sobrang galing ng representative ng strand namin. Si Dean, sobrang crush ko talaga siya.
“Ingay mo. Pinagtitinginan na tayo.” Bulong ni Cose. Ano naman sa kanila? Basta ako support ako kay Dean, kaya tumayo ako ulit at winagayway ang bandera ko. Charot, banner ko for Dean.
“Baba tayo! Kiss ko lang si Dean!” Sigaw ko dahil hindi na kami magkarinigan sa sobrang ingay ng mga tao nang manalo ang strand namin.
Hinila ko si Cose pero napaghihiwalay talaga kami dahil sa sobrang dami ng mga estudyante. Kaya nauntog ako sa dibdib ng isang basketball player na magiging kalaban ng strand namin bukas. Ang ABM, since HUMSS kami ang kalaban namin ngayon ay STEM tapos natalo ang STEM kaya ABM naman ang kalaban ng HUMSS bukas.
He's still wearing their ABM Jersey dahil mukhang hindi pa ito nagpapalit sa naging laban nila ng ICT kanina. Hindi ako nanood sa kanila pero updated ako. Inangat ko ang tingin nang maalala ang pamilyar niyang mukha.
“Hi Sandra.” He said while showing his perfect white teeth. Sumingkit pa lalo ang mata nito nang ngumiti ito sa akin. Agad ko siyang tinulak at naramdaman ang lagkit ng pawis niya.
“Sino ka?” Let's just pretend.
“Sabagay, Elementary pa tayo nun.” Bulong niya at parang nagiisip. Inilibot ko ang tingin at napukaw ng tingin ko si Dean na nagpupunas ng pawis agad akong umalis sa harap ng lalaki at pumunta kay Dean.
“Hi Dean!” Pagbati ko sabay abot ng Mineral water sa kanya. Ngumiti siya at tinanggap iyon.
“Thank you.” Sabi niya. Ngumiti ako at nahihiyang umiwas ng tingin.
Umalis na ako dahil nagpaalam itong maliligo, halos mapunit na ang labi ko sa sobrang pag ngiti.
“Wala ka bang iaabot sa akin na tubig?” Napatalon ako sa gulat dahil sumulpot na naman 'yung lalaking kausap ko kanina. Zico right?
“Close ba tayo?” Lumapit siya sa akin, agad na nanuot sa ilong ko ang pabango niya, hindi naman ganito ang amoy niya kanina ah. Nagpabango ba siya? Nevermind. Agad akong lumayo.
“Close na tayo ah. Mabaho pa din ba ako? Nagpabango na ako.” Nakangusong sabi nila. Nanlaki ang mga mata ko, seryoso ba siya? Hindi pa ata 'to naliligo pero nagpabango na?
“Cassy!” Narinig ko ang boses ni Cose na tinatawag ako kaya hindi na ako nagpaalam dito sa Zico na 'to bago ako magpaalam. Hindi kami close.
“Sino 'yung kausap mo kanina?” Tanong ni Cose. Umiling lang ako at hindi na sinabi kung sino iyon. Hindi din naman ako sigurado kung sino siya.
Dismissal na kaya nag-umpisa na kami ni Cose magligpit ng mga gamit namin. We have no plans today, madalas kasi ay nagkakayayaan na lumabas kaming dalawa at magshopping pero mukhang busy kami ngayon at pagod dahil sa Intramurals.
“Mauna ka na Sis, may dadaanan ako sa locker.” Tumango siya at nauna nang lumabas.
Hindi ko din alam bakit HUMSS ang pinili namin ni Cose, kahit related sa business naman ang kukunin namin since may kanya kanya kaming kompanya na kailangan patakbuhin pagdating ng araw. Siguro dahil mahilig ako magsalita? At dahil din sa crush ko mula Junior High School na si Dean.
Naglabasan na ang mga kaklase ko kaya nagmamadali din akong nagligpit ng gamit at pumunta na sa locker ko. Nasa gilid lang naman ng hallway ito kaya hindi naman hassle magpunta. Binuksan ko ang locker ko at halos mapatalon sa gulat nang andun si Zico sa tabi ko.
“Sinusundan mo ba ako?” I asked. Kumunot ang noo niya, pa-inosente pa talaga.
“What?” He asked.
“Kung may gusto ka sa akin. Sorry hindi ko type ang mga Chinese, 'wag nyo muna ipaglaban na sa inyo ang West Philippine Sea.” Sabay na irap na sabi ko. Natigilan siya pagkatapos ay napahagalpak sa tawa. Nakahawak pa ito sa tiyan niya.
“Okay ka lang? Dito sa tabi ng locker mo ang locker ko Sandra.” Nanlaki ang mga mata ko nang mabuksan niya ang locker na katabi ng akin. Kahihiyan, Cassy.
“West Philippine Sea pa na nalalaman.” Bulong niya kaya tinadyakan ko siya, agad naman siyang napangiwi sa sakit.
“Joke lang naman.” Bulong niya. Paalis na ako pero pinigilan niya na naman ako. Ngayon ko lang napansin na nakapagpalit na ito ng damit.
“Samahan mo ako sa puno na naging saksi ng first date natin.” Nakangisi niyang sabi.
“Baka first sumpa kamo.” Inirapan ko pa siya ulit sa sobrang inis ko.
“Dali na, please?” Kinukulit niya talaga ako. Tinignan ko ang oras sa phone ko, maaga pa naman. Sinamahan ko na siya dahil naloloko na ata ito.
“Hindi ka na ba pumupunta dito?” He asked.
“Hindi na masyado pero minsan dito ako nagrereview.” I said.
“Ako, ngayon nalang ulit. Hindi mo ba ako namiss? Grabe 5 years akong wala dito.” He said.
Kaya pala hindi ko na siya nakikita nung high school. 5 years? So ibig sabihin transferee lang siya ngayong Grade 12? Pwede pala iyon.
“Sa Hongkong ako nag-aral. Namiss mo siguro ako, okay lang 'yan pwede na natin ipagpatuloy ang naudlot nating pagmamahalan.” Nakangisi nitong sabi agad naman akong napangiwi sa sinabi niya.
“Napakadaldal mo pa din ano?” Katulad pa rin siya noong Elementary kami. Sobrang daldal, pero mas naging matikas ang pangangatawan niya ngayon. Medyo nagmatured at tumangkad pa siya lalo.
“May dare ako. Kapag naka-akyat ka sa puno na 'to. Pwede ka magpagawa ng kahit ano sa akin, pag hindi, dapat ako ang icheer mo bukas sa laban hindi si Dean. Tapos dapat may banner ka din at may tubig.” Parang ang daya naman nun. Pero hindi ako papatalo, papatahimikin ko lang naman siya pag ako nanalo dito.
Nagsimula na siya umakyat sa puno at walang kahirap hirap na nakarating sa taas. Nagtry naman ako pero dumadausos talaga ako. s**t, paano ba ito? Nagtry ulit ako pero ganoon pa din. Pigil ang tawa niya mula sa taas kaya inirapan ko siya. Nagtry ako ng nagtry hanggang sa nasa kalahati na ako pero agad akong dumausos pababa.
Napipikon na talaga ako. Hinubad ko na din ang sapatos ko pero wala pa din itong silbi. Halos kalahating oras na akong sumubok pero ayaw talaga. Hindi ako marunong. Bukod sa takot ako malaglag, wala din talaga akong alam kung paano umakyat.
“Suko na?” Natatawang sabi niya. Ayoko na, naiinis ako. Agad 'kong niligpit ang mga gamit ko at nagsapatos na. Siya naman ay bumaba na.
“See you tomorrow, kapag wala kang gawang banner at hindi mo ginawa ang dare sayo. Ipagkakalat ko na crush mo ako.” Walang hiya talaga.
Nagkakagulo na ang mga estudyante dahil sa huling laban ng basketball. ABM vs HUMSS ako naman na usually ay nagtatalon na dapat as of now para icheer si Dean, heto tahimik ako at nahihiyang ilabas ang banner ko.
“Bakit tahimik ka ata?” Cose asked. Anong sasabihin ko? Nagsimula na ang laban at hindi talaga ako makacheer kay Dean, walang hiyang Zico. Ayoko din naman maging talkshit, dare namin iyon eh. Tapos baka nga ipagkalat nito na crush ko siya.
Dikit na ang laban kahit fourth quarter na. Napalingon si Zico at seryosong nakatingin sa akin. First, second at third quarter ay hindi ko siya chineer. Last na kaya gagawin ko na. Bahala na kung anong mangyari. Tumayo ako at inilantad ang banner ko.
“GO ZICO FIGHT FIGHT FIGHT!” Malakas na sigaw ko. Napatingin halos lahat ng students sa gawin ko. Maging si Dean ay nagtataka sa naging cheer ko, s**t. HUMSS ako tapos nagcheer ako sa ABM?
Ngising ngisi naman si Zico sa ginawa ko at pasok ang three point shot niya. Dahilan para magsigawan ang mga tao.
“Anong nangyari sa Go Dean mo?” Umupo ako at pinaliwanag ang nangyari. Hindi naman makapaniwala si Cose sa katangahan ko.
“It's a win win for Zico, hindi mo ba naisip? Kapag hindi mo ginawa, pagkakalat niya na crush mo siya. Kapag ginawa mo, ikaw mismo nagpakalat na crush mo siya.” Paliwanag niya.
Bakit hindi ko naisip 'yun? Napatigil ako sa pagvibrate ng phone ko, It's Dad.
From: Dad
Today is your Mom's Death Anniversary. Pumunta tayong cemetery.
Doon ko lang naalala na Death Anniv ni Mom ngayon. Kadalasan ay iniiyak ko ang lahat tuwing Death Anniv niya. Ngayon ko lang iyon hindi naalala dahil sa kaba at kakaisip sa gagawin ko ngayon para kay Zico. Nawaglit iyon sa isip ko. Natapos ang game, nanalo sila Zico.
Hindi na ako nakapag-alam kay Cose. Dahil ayokong ipaalam sa iba ang sitwasyon ko kahit sa kaibigan ko. Mahina ang paghandle ko sa mga ganitong bagay, agad akong tumakbo papunta sa isang bakanteng room. Hindi ko na inalam kung ano ito, basta madilim. Kailangan ko magtago sa isang sulok at umiyak.
Ganoon ang ginawa ko. Nagtago ako sa likod ng Piano. Music room pala itong napasukan ko. Umiyak ako ng umiyak, ganito nalang ako palagi. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap.
Nakarinig ako ng mga yabag, pagtapos nun ay bumukas ang ilaw ng room. Nasagi ko ang gitara sa likod ko dahil sa sobrang pagsisiksik sa sarili sa sulok, kaya natumba ito.
“Sandra?" It's Zico.
Siya lang ang tumatawag sa akin nun pati si Mom. Kaya ayokong itawag niya sa akin iyon dahil naalala ko si Mom, pero at the same time namimiss ko tawagin sa pangalan na iyon. Hindi niya ako pinuntahan sa pwesto kung nasaan ako.
Nakarinig ako ng pagaayos ng mga drum stick, hanggang sa narinig ko siyang tumutugtog na gamit ang drums. He's a pro drummer. Magaling siya at nasa beat. Lumabas ako at sinilip siya, bumungad sa akin ang ngiti niya.
Pawis pa ito mula sa laro kanina. Tumigil siya at sinenyasan akong lumapit.
“This is the same exact day when I saw you crying. Tama nga ako, uulitin mo iyon.” Sabi niya.
Tumayo siya at hinila ako palapit sa drums. Pinaupo niya ako at pinahawak sa akin ang drum stick.
“Hindi mo ako kailangang kaawaan.” Sabi ko.
“Hindi kita kinakaawaan. I'm just here to be a shoulder to lean on.” He said.
Hinawakan niya ang kamay ko, pumwesto siya mula sa likod pero may distansya pa din. Tinuruan niya ako kung paano tumugtog ng simpleng pattern sa drums.
“Whenever you felt down. Yayain mo ako, tuturuan kitang hampasin ang drums. Ilabas mo dito ang emosyon mo, hindi ka nila papakialaman. Kasi sa pandinig nila, tumutugtog ka lang. They do not know what is the reason behind those every beat of your drum stick.”