Friends
Parang ayaw ko pumasok dahil sa kahihiyan. Nakita niya na naman akong umiyak ng ganun. Mahilig siya mang-asar at pilosopo pero halatang genuine siyang tao. Mahirap man tanggapin na ganun si Zico, pero I know that's the truth.
Kahit mismong bestfriend ko na si Cosette, hindi ko mailabas sa kanya ang mga hinaing ko lalo na 'yung tungkol kay Mommy. Hindi ko lang talaga matanggap yung pagkawala niya kaya ganun. As long as I can handle the problems, I will keep it to myself. Ako na mismo ang magreresolve nun, without asking for help.
Natapos na ang Intramurals, pero usap usapan pa din ang pagkatalo ng team nila Dean. Kilala kasi siya bilang matalino at magaling sa basketball. Actually, last year HUMSS ang champion pero ngayon ABM na.
“Bigla kang umalis kahapon. Ano 'bang nangyari?” Cosette is really persistent.
Hindi pa talaga ako ready na sabihin sa kanya kung anong problema ko. Ayoko din na kaawaan niya ako dahil sa sitwasyon ko. Kilala niya ako bilang maingay, masiyahin at walang dinadalang problema. I also let other people think of me that way, hindi ko kasi forte ang pag-isipin ang ibang tao.
“Sumakit kasi 'yung tiyan ko sa kinain ko kahapon.” Umarte pa ako para maging makatotohanan ang pagsisinungaling ko.
“It's true. Inutusan niya din ako bumili ng sanitary napkin niya.” Umakbay pa sa akin ang kung sino 'mang lalaking 'to.
“Are you dating?” Nalilitong tanong ni Cosette. Kaya nanlaki ang mga mata ko at nilingon ang pangahas na umakbay sa akin.
Bumungad sa akin ang ngiti niya na palagi niya pinapakita sa akin. Mas lalong sumingkit ang mga mata niya dahil dito. Agad kong tinanggal ang akbay niya. It's Zico the pilosopo.
“Dating? Ayoko sa mga Chinese.” Sabi ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Zico.
“Napaka judgemental mo.” Inirapan pa ako nito. Bakla ka ba.
Iniwanan ko na sila doon at nauna nang pumasok sa unang klase. Hindi naman tumagal ay umupo na si Cose sa tabi ko.
“Ang sungit mo kay Zico. Mukhang mabait naman siya.” Bulong nito dahil dumating na ang Subject teacher namin.
“Mapang-asar 'yun.” Mahinang sagot ko.
Hindi na siya nakasagot dahil nagsimula na ang discussion. I'm just an average student, hindi ako ganoon katalino. Parehas kami ni Cose, pero sa pagiging spoiled brat naman ay mas malala ito sa akin.
Natapos ang ilang klase namin at lunch break na. Sa halip na maglunch ay pinatawag ako sa Student council since Secretary ako. Kapag may meeting ay ako ang taga take down notes, kaya hindi pwedeng lutang ka. Kaya kahit na President namin ay si Dean, hindi ko siya pwede pagpantasyahan sa gitna ng meeting. Mukhang wala ang SSG Adviser namin ngayon kaya medyo chill lang ang meeting. Nagulat kami nang bumukas ang pinto ng office at iniluwa noon ang taong kinaiinisan ko.
“Guys, inutusan ako ng SSG Adviser na maging substitute niya for today. Tho, hindi niyo naman kailangan nun since the President is here. But she wants me to report all the happenings in here. I'm Zico, currently the top student of ABM Strand.” Puno ng confidence na sabi nito. Kailangan pa ba i-include iyon? Bumaling ang tingin niya sa akin at sa katabi kong si Dean.
“Excuse me.” Mahinang sabi niya at pilit na pinapausod si Dean para doon siya umupo sa tabi ko.
Hindi ba talaga dinadapuan ng kahihiyan ang lalaking 'to? Napatingin naman ako sa paligid at nakita 'kong umiling iling kay Zico ang Vice President namin na si Darrel. Magkaibigan ang dalawa, ayoko man isipin pero baka ito ang naging back up niya para ipagkatiwala ng SSG Adviser namin ang presence niya dito ngayon.
Nagsimula na ako magsulat at pinilit intindihin ang takbo ng meeting. Naramdaman ko naman ang pagkalabit ni Zico sa tabi ko.
“What?” Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.
“Sabay tayo kumain mamaya.” Bulong nito. Nilingon ko naman siya nang naka kunot ang noo. Grabe, hindi naman kami close.
“Ayoko nga. Hindi naman tayo close.” Sagot ko.
“Ms. Bautista, did you take note of that?” Tanong ng President namin ngayon na hindi ko namalayan na siya na pala ang nagsasalita sa harapan.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakasagot. Nakatuon na ang tingin nilang lahat sa akin.
“The main agenda is to keep the cleanliness from the start up until the end of the said event.” Bulong ni Zico. Naguguluhan ako pero sinenyasan niya akong sabihin ko iyon.
“The main agenda is to keep the cleanliness from the start up until the end of the said event.” Utal na sabi ko. Tumango naman si Dean at nakahinga ako ng maluwag. Pahamak talaga si Zico, siya din naman ang nagligtas sa akin sa kahihiyan. Pero hindi naman mangyayari kung hindi niya ako kinulit.
Natapos ang meeting at nagmamadali na akong nagligpit at umalis ng SSG Office. Agad naman akong sinundan ni Zico.
“Hey! Sabi ko sabay tayo maglunch eh.” Hingal na habol nito.
“Ang kulit mo. Ayoko nga, hindi ako komportable. Hindi pa ba sapat yun?” I said.
“Edi gagawin nating komportable.” Pagsagot naman nito. Akmang sasagot pa ako nang mapahinto ako sa pamilyar na boses ng taong tumabi sa akin ngayon.
“Can we eat lunch together, Cassy?” Nakangiting paanyaya ni Dean sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at hindi nakasagot agad.
“Dude, nauna ako.” Seryosong sabi ni Zico. Napalingon ako sa kanya na sobrang kunot ang noo, hindi na maipinta ang itsura nito. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso simula nung nakilala ko siya.
“Maybe we can just let Cassy decide?” Nakangising sabi ni Dean, parehong napabaling ang tingin nilang dalawa sa akin.
Kung hindi lang ako kinakabahan ngayon baka umakto na akong ginugupit ang buhok ko sa sobrang haba nito.
“I'll go with Dean.” Iniwas ko ang tingin kay Zico. Ngumisi naman si Dean at hinawakan ang siko ko. Kinabahan ako sa ginawa niya.
Hindi ko malaman ang nararamdaman ko ngayon. Dapat nagtatalon na ako sa tuwa at kilig sa lunch date namin ngayon ni Dean pero bakit nakokonsensya ako? Nauna si Zico na niyaya ako bakit kay Dean ako sumama?
Simple, dahil crush ko si Dean at naiirita ako sa presence ni Zico. That's it.
Sabay nga kaming kumain na dalawa sa cafeteria, siya din ang nagbayad ng kakainin namin. Sobrang gentleman ni Dean. Sobranh ideal guy niya din, basketball player, a top student and a President of Studen Council. Sinong hindi magkakagusto sa kanya?
“Bakit mo ako sinabayan maglunch?” I asked him.
“Why not?” He replied. Bakit nga naman hindi? Dati pa naman ako nagpapapansin sa kanya bakit ngayon niya lang ako napansin?
Nagulat ako nang pumasok si Zico at Darrel na magkasama sa loob ng cafeteria. Masama ang tingin ni Zico sa amin kaya agad akong umiwas ng tingin. Napatingin naman si Dean sa direksyon nila Zico.
“Is he bothering you?” He asked.
“No, hindi naman.” Tumango siya. Natapos kaming kumain, madami din kaming napagkwentuhan kung saang school papasok after this SHS. Komportable naman pero hindi ganoon ka-exciting yung feeling katulad dati. Nawala bigla feelings ko sa kanya.
“Uy, bakit naman masyadong stress ka?” Tanong sa akin ni Cose na halata ang pagiging tahimik ko.
“Nakokonsensya kasi ako. Niyaya ako ni Zico maglunch pero hindi ako sumama sa kanya. Tapos harap harapan kong tinanggap invitation ni Dean for lunch.” Malungkot na sabi ko.
“Kawawang Zico. Bawi ka nalang gurl!” Sabi ni Cose. Siguro nga ganun nalang ang gagawin ko.
Nag-open naman ako ng social media accounts ko pag-uwi sa bahay. Habang nagpapa-antok, binibisita ko ang mga accounts ko. I open my i********: account ko, nakita kong may mga follow request since naka private ang accounts ko. Nakita ko ang request ni Zico agad ko itong kinonfirm pero ang sabi doon ay nawala na yung request? Huh? Anong nangyari? I visit his account, kung nifollow niya ako dapat ay nakalagay followback pero wala.
I also open my f*******: account. Naka friend request siya sa akin, when I was about to confirm it, nawala din agad. Seriously? I thought i********: has a probrlem. Mukhang binabawi ng mokong na iyon ang request niya at nagtatampo pa din. So I just follow him on i********: and send him a friend request. Nagulat naman ako nang nagfollow back siya at inaccept ang friend request ko.
I send him a message on i********:.
Hi. I'm sorry, I'll make it up with you.
Kinabahan ako nang nagtype siya. Pero agad ding nawala at seen lang ako, napaka mapride naman! Mas lalo lang niya akong iniinis ng lalaking 'to.
Nakatulog nalang ako na nagngingitngit sa galit sa intsik na iyon. Badtrip na naman akong pumasok dahil paggising ko ay hindi talaga nagreply si Zico, hindi naman sa iniintay ko talaga. It's just rude na hindi siya nagreply, nagsorry na nga ako.
“Baka inis din sayo.” Sabi ni Cose, ito lang talaga masasabi niya sa lahat ng rants ko kay Zico.
“Nagsorry na nga ako. Bakit hindi niya ako mapatawad?” Frustrate na talaga ako. Hindi kasi ako sanay na may taong galit sa akin. Depende kung sinadya kong magalit sa akin.
“Edi gumawa ka ng paraan.” Anong paraan? Habang naglalakad sa hallway ay nasalubong namin si Zico kasama ang mga kaibigan niya.
It's Zico, with Darrel and Lander. STEM student naman si Lander habang ABM naman si Darrel kasama si Zico. Hindi ko siya magawang lapitan ngayon kasi kasama niya ang mga kaibigan niya, nahihiya ako. Kaya umiwas nalang ako ng tingin.
Dismissal, nauna na si Cose na umuwi since gusto ko muna dumaan sa library. Nagbasa muna ako ng librong paborito ko. The Kite Runner by Khaled Hosseini, hindi ko pa ito tapos basahin pero naging paborito ko na ito.
I just plugged my earphones then nagsimula na magbasa. Nagulat ako nang may tumabi sa akin. It's Zico, halos mapatalon ako sa gulat. May libro din siyang hawak. Pero tungkol iyon sa accounting.
“Hindi mo man lang ako sinuyo?” Bulong nito. Akala niya siguro ay hindi ko narinig, mahina lang naman ang tunog ng earphones ko.
“Grabe, sorry sa chat?” Umiling iling pa ito. Kunwari pa na nagbabasa ng libro pero panay naman ang bulong. I can't help it anymore, natawa na ako sa pagbulong bulong niya.
Tinanggal ko na ang suot na earphones. Kaya nagulat siya, niligpit ko na din ang mga gamit ko, pero siya ay nakatingin lang sa akin. Ako na mismo ang nagpasok ng book niya sa bag at hinatak siya patayo.
“What? Magtititigan nalang tayo?” Tanong ko sa kanya.
Hinila ko na siya palabas ng library at hinatak palabas ng campus. Naghanap ako ng pwedeng makainan. Naisip ko na magsamgyup nalang kami since malakas ako kumain at mukhang malakas din naman siya kumain edi hindi masasayang ang pera ko.
“Bakit ang tahimik mo?” Tanong ko sa kanya. Ngumisi naman ito at nagluto na din ng kakainin niya.
“Hindi mo ako matiis?” Nakangising sabi nito.
“Nagsorry naman ako. Tsaka sabi ko babawi ako, masyado kang pabebe diyan.” Sabay irap ko sa kanya.
“Kasalanan mo kaya dapat ikaw magsorry.” Bulong niya.
“Okay, I'm sorry.” Sincere na sabi ko kaya ngumiti naman ito.
Nilipat niya naman sa plato ko ang mga naluto niya nang karne at hiwa na din ang mga ito. Nagluto pa ulit siya ng para sa kanya. Caring naman pala ang intsik na ito..
“Sarap mo zicohin.” Pang-aasar ko sa kanya.
“Corny mo, Sandra. Practice ka pa.” Ngising sabi nito.
“Sino kaya 'yung nagfriend request sa f*******: at nagfollow request sa i********: na binawi naman?” Pang-aasar ko. Agad naman na namula ang mukha at tainga niya. Nasamid pa ito sa kinakain kaya natatawa ko siyang inabutan ng tubig.
“Ang weak naman.” Bulong ko.
“Weak pala ha? Sino kaya nagsorry through chat?” Inirapan ko na lamang siya. Nakakahiya kaya magsorry sa personal.
“Baka magpaligaw ka sa Dean na 'yun sa chat.” Bulong nito na narinig ko naman.
“Hoy hindi ha.” Pag depensa ko.
“Good. Hindi ka lang pangchat.” Iling iling na sabi nito.
Halos maubos namin ang pagkain, sobrang takaw namin pareho kaya natawa siya nang makitang pareho kaming madungis at halos hindi na makatayo sa sobrang kabusugan.
“I never thought na ganun ka katakaw.” Sabi niya.
“Parang ikaw hindi ah?” Napahawak pa ako sa tiyan na sumasakit talaga sa kabusugan.
“We're already friends on f*******:. Can we be friends for real?” Tanong niya na nagpatigil sa akin.
“Friends then.” Sagot ko na ikinangiti niya na ginantihan ko din ng ngiti, it's a genuine one.