Chapter 5

1223 Words
No one else comes close Kapag masyado ka ng komportable sa isang tao, nakakatakot na dumating 'yung araw na sirain nila ang tiwala mo. This is the reason why I always stop myself to rely too much on someone. They will left you in the middle of nowhere, until you can't stand on your own. Natapos ang event sa Characters on parade kaya ngayon, prom naman ang inaasikaso ng school. Mga senior high school lang ang kasali, si Cose naman ay may partner na. Habang ako wala pa, gusto ko sana si Dean. Sana naman ayain nya ako. “Anong susuotin natin?” Cose asked. “Magsearch tayo mamaya, then ipagawa natin sa designer.” Suggestion ko na tinanguan niya naman. I want to wear an elegant dress, nude ang color with a touch of silver. I want to tie my hair into messy bun, and let a few strand of my hair in the side of my face. I can picture in my mind the outfit I will be wearing on my prom night. Nakaka-excite na tuloy. Napagdesisyunan namin na pumunta agad sa mall, at kausapin ang favorite namin na designer sa isang boutique doon. “Nude ang color na gusto ko, Miss Tasha. Hindi ata ako papatulugin ng konsensya ko hangga't hindi ko nasusot ang kulay na iyon.” Sabi ko kaya natawa si Miss Tasha. Sinabi na din ni Cose ang details ng gusto niyang ipagawa. It will be done for a month only, dahil ipaparush namin ito pero gusto namin ay maganda pa din ang quality. Hindi ko alam 'kung nainform na ang ibang strand about prom, sana ay ayain ako ni Dean. Binuksan ko ang laptop pagkauwi sa bahay at nagisip ng kung ano pang idadagdag na accessories sa isusuot 'kong dress. I really fashion, Gigi Hadid is my favorite model. Mabuti nalang at ang business namin ay clothing brand, as of now, ang inilalabas na collection ng company namin ay mga ordinary clothing lang. Once na ako na ang CEO, I want to make it more broader. I will also make gowns, dresses and accessories. Nagnotif sa akin na may tweet si Zico. It says that, Why so nervous? Kumunot ang noo ko sa tweet niya, I don't get it. Ninenerbyos ba siya? Talaga ba? Sa sobrang kapal ng mukha ng isang 'to, impossibleng makaramdam ito ng nerbyos. I saw some of his friends commenting Torpe, Dinadaga, Mauunahan ka. I just shrugged my shoulder and closed my laptop. I need to sleep early para wala akong eyebags at dark circle sa prom. I immediately fell asleep. I open my eyes, narinig ko ang pagtunog ng telepono namin mula sa ibaba. Lumabas ako ng kwarto ko at chineck ang kwarto nila Mom and Dad pero wala sila dito. Napahikab ako habang hinahanap sila, bumaba ako at pinuntahan ang telepono na kanina pa tumutunog. I slowly answered the call. “Hello--” I was cut off by a defeaning sound of shattered glass, and a loud cries from a lady. “Help! I can't breath! Help!” Nabitawan ko ang telepono sa sobrang gulat, agad ko itong pinulot at pinakinggan ang boses mula sa kabilang linya. It's my Mom! Agad na tumulo ang luha ko. “Mom!” Sigaw ko. “Cassy?! Help!” She cried. “Hindi ka makakatakas.” Rinig 'kong sabi ng lalaki sa kabilang linya. Naputol ang tawag at agad na tumulo ang luha ko. Nakarinig ako ng mga pulis sa labas ng bahay namin. I saw my Dad crying, hinahanap nila si Mom. Anong nangyayari? Bakit wala si Mom dito? Bakit nagkakagulo ang mga tao? Bakit nanghihingi ng tulong si Mom? Nagising ako sa bangungot na iyon. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang takot at punong puno ng pawis ang katawan ko. Agad na bumukas ang pintuan, at iniluwa nun si Dad na bakas ang pag-aalala sa mukha. “Those nightmare?” He asked. Nilapitan niya ako, agad na niyakap. “Kailan natin makakamit ang hustisya?” Umiiyak na tanong ko, pero he remained silent like usual. Pumasok ako sa klase na tulala. Palaging ganito kapag napapanaginipan ko ang nangyari noon. My Dad already consult a psychologist for me, it lessen. Pero hindi mawawala, parang tattoo iyon na hindi na mawawala. Habang buhay 'kong dadalhin. I just want justice and the truth. Tinapik ako ni Cose na kanina pa nagsasalita pero hindi ko masagot dahil hindi ko siya napapakinggan. “Ayos ka lang? Anong nangyari?” She asked. “Ayos lang. Napuyat ako kakanood ng k drama.” Nakangiting sabi ko. Gaya ng dati, I will pretend like it didn't happen. Ayoko na kinakaawaan ako, kaya ko ang sarili ko. “Ano? Akala ko ba beauty rest tayo!” Tinawanan ko nalang siya at niyaya na lumabas para maglunch. Nasalubong namin si Zico, akala ko ay kukulitin ako nito lalo na't parang close na kaming dalawa dahil sa nangyaring kalokohan namin noong Characters on parade. Pero umiwas ito ng tingin at nilagpasan kami. “Anong mayroon dun?” Tanong ni Cose, ako mismo hindi din 'yan masasagot. Parang may mali. Nagpatawag ako ng meeting para i-congrats ang members at pasalamatan sila sa successful na event pero hindi sumipot si Zico. Pinasabi niya sa isang member na busy siya at hindi makaka-attend. Ngayon lang din siya umabsent, at halatang umiiwas ito. Uwian na at naghihintay ako sa tapat ng gate para sa sundo ko. I also wish na sana dumaan si Zico para makausap ko siya, pero si Dean ang nakita ko. He looks so handsome like always, nakangiti itong lumapit sa akin. “I just wanna ask you..” Nagkamot ito ng batok at nahihiyang humarap sa akin. “What?” I asked. “I just wanna ask if you want to be my partner on prom?” Nahihiyang tanong niya. Napangiti ako at agad na tumango. This is what I've been waiting for. Sumakay ako sa kotse, muling tinanaw ang labas ng gate pero walang Zico akong nakita doon. Kailan ko siya makakausap? Niyaya na ako ni Dean pero bakit parang hindi ako masaya? Inopen ko ang phone ko at tinignan ang social media accounts niya. Walang kahit anong recent posts, pero halos mabitawan ko ang phone sa panibagong tweet niya. I hope it wasn't her. Hindi ko din maintindihan kaya mas pinili ko nalang na i-like iyon. Pagkalike ko, ni-refresh ko ang twitter pero agad na nawala ang tweet niya. He immediately deleted it. Anong meron? I can't take it anymore. I dm him. Are you okay? I waited for almost 20 minutes, pero walang reply. I gave up and decided to sleep. If he wanted to ignore me then it's fine. It doesn't matter. Mabilis na lumipas ang araw, we were already practicing our cotillion. Nakita ko si Zico na may ibang partner, si Misha. Ito ang prom queen last year, ABM strand din. Mukhang kaklase niya ito, Misha was talking to him habang siya ay nakangiti na panay ang tango. Napairap ako, magsama kayo. Wala naman akong pakialam sa kanila. “Okay ka lang?” Dean asked. Ngumiti ako at nagsimula na ulit magpractice. Mayroong pagpapalit palit ng partners, since magkakahalo na ang mga strand. Napunta ako sa ABM, napunta ako kay Lander. Agad itong ngumiti at nag-hi sa akin. “May problema ba si Zico?” I asked him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD