Wig
Halos mabilaukan na ako kakatawa kay Zico dahil sa boses niyang paos. Pinipilit niya pa din kumanta kahit na panay ang piyok niya. Hindi ko akalain na ganito ang sasapitin ng performance namin.
Kasalukuyan kaming nagpa-practice para sa performance namin. Pero mukhang hindi matutuloy, o papalitan siya dahil wala siyang boses. Hindi ko alam 'kung ano ba ang ginawa nito kung bakit nagkaganyan ang boses niya.
“Kaya ko 'to.” Pumiyok pa ito pagkasabi niya. Kaya natawa kaming lahat.
“No, Zico. You should rest, change of plans. 'Wag mo pilitin, you should change your character then papalitan ka nalang. We don't have a choice.” I said.
Pagkasabi ko nun, ay bakas ang sakit sa mga mata niya. Did I offend him? Sumeryoso ang features ng mukha niya, bagay na bihira mo lang makikita sa mukha niya. Sobrang gahol na kami sa oras. Bukas na ang Characters on parade.
“No, you know how determined I am.” Tinalikuran niya kami. Kinabahan ako dahil baka nasaktan siya sa sinabi ko.
“Practice your part, Sandra. Walang papalit sa akin.” Seryosong sabi nito pero pumiyok siya. Kaya pinigilan namin ang tawa. Umalis na siya, nagi-guilty ako kaya sinundan ko siya.
Papasok na sana siya sa kotseng susundo sa kaniya, pero pinigilan ko.
“Sorry, I didn't mean to offend you.” Nahihiyang sabi ko.
“I understand. Gusto mo lang maging successful ang event, pero hayaan mo sana akong gawin ang best ko.” Paos na sabi nito. Mukhang frustrated na talaga siya sa nangyayari sa kanya. Nagpaalam na siya at hinayaan ko na.
I just practice my part, maaari ko naman siya palitan anytime. Hindi ko alam bakit pinagkatiwalaan ko siya na hayaan na siya pa din ang kakanta kasama ko, kahit na imposibleng gumaling agad siya. Kinakabahan ako, baka ang ending ay mag-isa lang. I just shrugged my shoulder at pinagpatuloy ang pagpratice. My voice isn't that bad, I can sing. Hindi lang ako magaling. Hindi ko pa naririnig kumanta si Zico, pero sana naman ay magaling siya para madala niya ang performance.
Nagsimula na ang Characters on parade. Ang gaganda ng costumes ng mga students, I can see na successful ang event dahil madaming nagparticipate. Nahirapan pa akong hanapan sila ng ibang character dahil ang mga gusto nila ay kadalasan, may nauna na. Ang gaganda ng mga suot nila. They really played their chosen role. Sayang at wala si Cose ngayon. Hindi niya makikita kung gaano kagaling kumanta ang bestfriend niya.
Natapos ang parade na wala pa din si Zico, kinakabahan na ako. Wala din akong partner kaya solo akong Rapunzel doon, walang Flynn Rider. Hindi mahalaga iyon, pero paano ang performance namin?
“Ate wala pa ba si Kuya Zico?” Tanong ng isang member. Umiling ako at luminga linga pa sa paligid.
Nanganig ako nang tawagin ang pangalan namin ni Zico. Kailangan na namin magpeform, nasaan na ba 'yun? Sana naman ininform niya ako na hindi niya talaga kaya. Pumikit ako nang mariin at umakyat na sa stage. Nagpalakpakan ang audience.
“Hello everyone. I am Rapunzel, the disney princess from Tangled. Hope you enjoy our performance for today.” I said.
Yes, I still include him bahala na. The music started, at pumikit ako bago kumanta.
“All those days watching from the windows
All those years outside looking in
All that time never even knowing
Just how blind I've been
Now I'm here blinking in the starlight
Now I'm here suddenly I see
Standing here it's all so clear
I'm where I'm meant to be”
I feel like I'm the real Rapunzel, I really love her. I really love this song. I sing with so much emotions. And I sing the chorus, everyone went silent.
“And at last I see the light
And it's like the fog has lifted
And at last I see the light
And it's like the sky is new
And it's warm and real and bright
And the world has somehow shifted
All at once everything looks different
Now that I see you”
I can see in their eyes how they enjoy the song. Yes, this song is indeed a masterpiece. I'm ready to face this problem alone, like what I always do. Mag-isa ako palagi, they knew me as an independent woman. I was about to sing Zico's part, when someone entered the stage.
“All those days chasing down a daydream
All those years living in a blur
All that time never truly seeing
Things, the way they were
Now she's here shining in the starlight
Now she's here suddenly I know
If she's here it's crystal clear
I'm where I'm meant to go”
Pumasok si Zico na kinakanta ang part niya, mas lalong na-excite ang audience. He looks so dashing in his Flynn Rider costume, ang boses niya ay ayos na. Akala mo kahapon ay hindi siya paos. Sobrang bagay sa kanya ang pagiging Flynn Rider, bahagya siyang lumapit sa akin at hinawakan ang fake kong wig na blonde. Ang ganda ng boses niya, hindi ko akalain na talented ang unggoy na 'to. We sang together the chorus part.
“And at last I see the light
And it's like the fog has lifted
And at last I see the light
And it's like the sky is new
And it's warm and real and bright
And the world has somehow shifted
All at once everything is different
Now that I see you
Now that I see you”
He held my hand and he also kissed it. I stilled pero hindi ko pinahalata. Para akong nakuryente sa connection naming dalawa, I don't see him as someone I will admire before. Why do I see him as a prince right now? I just see him as an annoying guy, pero ngayon. He made my heart beat so fast.
Yumuko kami sa mga tao pagkatapos ng kanta, nagpalakpakan sila at bakas sa mga mukha nila na naenjoy nila ang pagkanta namin. Binati pa ako ng iilan na bagay daw sa akin ang Rapunzel costume ko. Sila namay binati din si Zico sa pagplay ng role as Flynn Rider. Bumaba na kami at naghiyawan ang mga kaibigan niya nang makita siya. Sila Lander at Darrel.
“Dude, pano 'yung paos?” Pang-aasar ni Lander at ginaya niya pa si Zico. Tawang tawa naman silang dalawa sa pikon na si Zico.
“Puyat 'yan kakagamot sa paos niyang boses. He even consult a doctor just to--” Tinakpan na ni Zico ang bibig ni Lander at hinila palayo. Kumunot naman ang noo ko. Naiwan kami ni Darrel doon na pinaka seryoso ata sa kanilang tatlo.
“Things he can do for amore.” Bulong ni Darrel na narinig ko naman. Hindi siya maintindihan. Umiling iling pa ito.
“I'm Darrel.” Inilahad niya ang kamay kaya akmang tatanggapin ko iyon para ipakilala ang sarili, pero tinapik iyon ni Zico na nakabalik na sa pwesto niya kanina.
“FO na tayo, dude.” Seryosong sabi ni Zico. Anong FO? Unggoy Language ba 'yun? Kumunot din ang noo ni Darrel na hindi din naintindihan ang sinabi ni Zico.
“FO, as in Friendship Over.” Sabi ni Lander sa baklang tono. Kaya hindi ko napigilan na mapatawa pati si Darrel namumula na sa pagpipigil ng tawa.
“Tangina mga dude, natuluyan na ba kayo?” Sabi ni Darrel habang si Zico naman ay hinila na ako palayo doon.
“Enjoy na enjoy ka kay Darrel at Lander ah.” Seryosong sabi ni Zico.
“Ha? Ano naman?” Sagot ko na mas lalong nagpakunot ng noo niya.
“Tell me..” Sabi nito, pumikit pa nang mariin bago dugtungan ang sinasabi.
“May gusto ka ba sa isa sa kanila?” Tanong nito. Natawa naman ako sa sinabi niya, porke natutuwa sa mga kaibigan niya. May gusto agad?
“Baka ikaw. Ang sweet nyo nga ni Lander eh.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at nandidiri na tumingin sa akin.
“Bakla ba ang tingin mo sa akin, Sandra?” Panghahamon nito. Ngumiti ako sa kanya.
“Slight.” Kumindat ako sa kanya at tinalikuran siya. Agad naman siyang humabol sa akin at kinukulit ako na hindi daw siya bakla. Panay pa ang hila sa wig ko kaya natanggal.
“Ang ganda, try ko ha.” Sabi nito at tinaggal ang sariling wig, medyo long hair kasi si Flynn tapos siya ay medyo clean cut kaya kailangan niya mag wig. Pagtapos nun ay sinuot niya sa kanya. Natawa ako sa ginawa niya, hindi ko na kaya.
“Hindi ako bakla.” Umirap pa ito sa akin. Kinakabahan na ako sayo, Zico. Baka sissy tayo.
Hinila niya ako sa isang parang flag pole doon, niyakap niya ang pole at ako naman ay nasa baba. May tinawag niya ang isang student na dumaan at nagpapicture.
“Seriously? Bumaba ka nga diyan! Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo Zico!” Sigaw ko pero hindi siya nakikinig, inayos niya ang wig niya. Kinabit niya naman sa akin ang wig na suot niya kanina.
We look like a Rapunzel trapped in Flynn Riders body and a Flynn Rider trapped in Rapunzel's Body. Nagpipigil ng tawa 'yung student na kinuha niyang taga picture. Habang ako ay naka crossed arms at masungit na nakatingin sa camera, while Zico nakakapit na parang tuko sa pole at nakawig na pang-rapunzel.
I saw those pictures, hindi ko na din mapigilan ang tawa sa sobrang epic nito. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ang mga sunod naman at sinakyan ko na ang trip niya, kumapit na din ako sa pole at kunwari inaabot ang buhok niya. That was epic, pero sobrang saya. Ang sakit na din ng tiyan ko kakatawa sa mga kalokohan namin. I just forget how annoying he is dahil sa mga pinaggagawa namin ngayon.
Ganoon pa din ang itsura namin, habang naglalakad papuntang labas ng gate ng school. Niyaya niya akong kumain ng dirty ice cream, dahil hindi pa daw nakakatikim nun. He's a rich kid, halatang hindi papayagan ng magulang kumain ng kung ano ano lang.
Hindi na ako magtataka kung magviral kami sa social media, dahil sa itsura namin ngayon. Ang wig ko ay pang-flynn rider tapos nakadress ng pang-rapunzel, habang siya naman ay kabaligtaran. Hinayaan ko nalang at bumili nga kami ng ice cream.
“Bawal po iba ibang flavor?” Malungkot na tanong ni Zico kay Manong. Tinapik ko naman siya.
“Hey pwede 'yun sa isang apa. Kahit lahat pa pwede mo ipalagay.” Natuwa naman siya sa sinabi ko lalo na nung tumango si Manong. Agad niyang tinuro ang ube, cheese and chocolate. Ganoon din ako.
“Nakakatakot baka mawalan ulit ako ng boses.” Sabi niya habang kumakain ng ice cream. Pabalik na kami sa loob ng school.
“Wala naman na tayong performance, okay lang 'yan.” I continued eating my ice cream. Natigilan ako nung hindi siya sumagot. Nakatingin ito sa ice cream ko.
“Patikim din ng iyo.” Sabi niya habang nakatingin sa ice cream ko.
“May sira ka ba? Pareho lang flavor ng ice cream natin.” Inirapan ko siya.
“Pero magkaiba tayo ng laway.” He said like it is normal.
“Zico!” Saway ko sa kanya, namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Natawa naman siya sa reaksyon ko.
“Just kidding. You look so cute when you're annoyed. Kaya lagi kitang inaasar eh.” Wala sa sariling sabi nito, ako naman ay natigilan. What are you saying, Zico? Natigilan din siya.
“I mean cute, as in pig.” Namula ang pisngi ko sa galit.
“Bawiin mo ang sinabi mo.” May pagbabanta sa boses ko.
“Bakit? Matakaw ka naman ah. Kunwari ka pa. You eat like a pig, Sandra.” Kinurot ko siya sa tagiliran at napangiwi siya sa sakit. Tumakbo pa siya ng dala dala ang ice cream niya. I didn't mind my ice cream kaya hinabol ko siya.
Tuwang tuwa naman ang loko na hinahabol ko siya. He even throw me some of his ice cream na tumama sa mukha ko, kaya lalo akong nainis. Tawang tawa siya nang nakitang malagkit ang mukha ko.
Pinagtitinginan na din kami ng iba dito, mabuti nalang at may event. Medyo magulo talaga ang paligid, alam talaga ni Zico kung paano ako pikunin. Matapos niya akong pahangain sa grand entrace niya sa I see the Light kanina, ito na naman siya. Balik sa Zico na mukhang unggoy.
Binato ko sa kanya ang wig na pinasuot niya kanina sa akin, saktong tumama sa mukha niya. Kaya agad akong sumagod sa kanya.
Hindi ka na sisikatan ng araw, Zico.