Peppa pig
Nang matapos namin magsayaw ni Zico, agad siyang umalis sa event. Hindi ko 'din maintindihan kung anong mali, at bakit siya umiiwas sa akin. Kami naman ni Dean ang napiling Prom King and Queen. Nakakatuwa at halos lahat nagustuhan ang suot ko.
Mas naging busy ang lahat, lalo na't malapit na ang graduation namin ngayon Senior high school. Sa susunod ay college na kami. Halos lahat naman ay mayroong hindi makakalimutan na experience sa highschool, may iilan tayong mga kaibigan sa highschool na hindi na natin makakasama o magiging kaclose sa college. Maraming magbabago sa kolehiyo, more serious, more intense. Wala nang biruan, dahil nakasalalay na dito ang mga pangarap mo.
Wala akong balak pumasok sa relasyon sa kolehiyo, kaya hindi ko alam kung paano tatanggihan si Dean sa panliligaw niya.
“I thought.. you like me?” Naguguluhang tanong niya.
Akala ko din, siguro ay puppy love o crush lang. Hindi ko maintindihan bakit biglang nawala 'yung excitement kapag nakikita ko siya.
“I'm not ready for this.” Malungkot na sabi ko. Tumango na lamang siya at iniwan ako doon. That's it, I just rejected my crush.
Nilapitan naman ako ni Cose na nagtataka kung bakit ganoon ang itsura ni Dean.
“Oo nga naman, akala ko ba gusto mo siya? Bakit biglang nagbago?” She asked.
“Alam mong I don't do boyfriends.” Umirap naman siya sa akin. Alam niya ang saying ko na 'yun, do flirt but don't do boyfriends.
Hindi ko nilalahat, pero sa una lang naman masaya at puro kilig. Pero pag tumagal, magsasawa 'din ang isa. Puro heartaches, puro pain. And we'll end crying our ass, dahil sobrang mahal na natin. Ayoko nang ganun, gusto ko kapag naging karelasyon ko. Siya na talaga, I don't do boyfriends for fun, o para masabing committed ka. I'd rather say, sana all. Kaysa, sabihan ng sana all, pero hindi naman seryoso.
“Masyado ka kasing serious. Wala pa din naman akong nagiging boyfriend, pero open ako kapag meron.” Nakangising sabi niya, umiling iling na lamang ako.
Pumasok na kami sa susunod na klase. Bigla 'kong naalala si Zico, it's been weeks, hindi ko na ulit siya nakikita ditonsa school. Nung nakaraan, tinatanong na din ako ni Cose kung anong meron at bakit hindi na ako nilalapitan ni Zico at kinukulit. Hinayaan ko na lamang.
Maging sa social media accounts niya ay hindi din siya active. Pero hindi din naman niya ako ina-unfollow. Kahit sino ay magtataka sa kinikilos niya. 'Yung character's on parade na ang last naming maayos na pag-uusap. Nung prom naman ay saglit lang, pinakiramdaman lang namin ang isa't isa, pero alam 'kong may iba.
Inutusan ako ng research adviser namin na pumunta sa ABM, para i-inform sila sa ginawa namin for today. Hindi kasi makaka-attend sa klase nila ang research adviser namin dahil may meeting ito sa oras ng klasw ng ABM, kaya may iiwan nalang itong task.
Kinakabahan ako habang papalapit sa klase nila. Kumatok ako at binuksan iyon ng isang student, pumasok ako naabutan ko silang nagkukwentuhan at nag-iingay. Nahagip ng mga mata ko sila Darrel at Zico na nag-uusap. Nagkatinginan kami, nagulat siya pero agad akong umiwas ng tingin. Natahimik sila at itinuon ang atensyon sa akin.
“I'm Cassandra Baustista, from HUMSS-A. Mr. Hernandez, asked me to inform this section that he'll leave a task for his subject. He expect the whole section's papers in his table. Thank you.” Sumipol pa ang ilang lalaki dahil sa sinabi ko, habang ang mga babae ay nagrereklamo.
“Ang ganda ni Cassy 'no?” Narinig ko 'pang bulong ng ilang lalaki doon. Namula ang pisngi ko na iniwan sa table sa harapan ang papel na naglalaman ng task sila sa araw na 'yun.
“Oo nga ang sexy pa.” Sang-ayon naman ng kasama siguro nito. Napatahimik ako lalo dahil doon.
Nakarinig naman ako ng marahas na pagtayo ng isang estudyante sa kanyang silya. Rinig na rinig iyon ng buong klase, nag-angat ako ng tingin at nagulat na si Zico ang gumawa nun. He's clenching his jaw while looking at his classmate. Habang ang mga kaklase ay pinipigilan na si Zico na sugudin ang pinagbubuntungan niya ng galit.
“Ayusin nyo ang tabas ng dila niyo.” Asik nito sa kaklase. Hindi talaga ako masasanay na makitang ganito kaseryoso si Zico, I know him as funny and cheerful.
“Boyfriend ka ba ni Cassy? Hindi ka naman inaano pre ah.” Galit 'din na sabi ng kaklase niya. Kumalabog ang dibdib ko sa narinig. So ang nagsalita kanina ay ang pinagsasabihan ni Zico.
“Ayusin nyo pang babastos niyo. Pag narinig ko pa kayo..” Mariin na sabi ni Zico. Umalis na ako dahil hindi ko maintindihan ang ipinapakita niya.
He's ignoring me tapos ngayon he's being protective? Biglang may humatak sa akin at hinarap ako sa kanya, mabuti at walang tao dito sa hallway dahil oras ng klase. It's Zico. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
“Ayos ka lang?” Agad 'kong binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
“Yes, thank you.” Seryosong sabi ko. Agad ko siyang tinalikuran pero pinaharap niya muli ako sa kanya.
“Iniiwasan mo ba ako?” Nagtatakang tanong niya. Tumawa ako nang walang bahid ng pagkatuwa sa narinig.
“I should be the one who's asking you that question.” Umiling iling ako dahil hindi ako makapaniwala na ako pa talaga ang tinatanong niya.
Bigla niya akong hinila at nagmamadaling naglalakad. Pilit 'kong binabawi ang kamay ko dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta. Mayroon din kaming kanya kanyang klase, kaya bakit ako sasama sa kanya?
Dinala niya ako sa likod ng school, kung nasaan ang matandang puno na una ko siyang nakilala. Pagkarating doon ay agad niya akong dinala sa ilalim ng puno at walang sabi sabing niyakap ako ng mahigpit. Nailang ako at pilit na tinatanggal ang yakap niya. Mas lalo lang gumugulo ang isip ko sa ginagawa niya.
“Please.. just for a minute Sandra.” Kumalma ako sa sinabi niya at hinayaan siyang yakapin ako. Ilang minuto ang lumipas at nagawa niya na akong pakawalan.
“Akala ko, ako ang magiging lakas mo. It turns out, ikaw 'yung nagiging lakas ko. Sandra, I can't just stay away from you. I can't.” Frustrated na sabi nito. Wala akong maintindihan.
“Hindi ako galit sayo. Walang problema, 'wag ka mag-isip ng kung ano okay? Aayusin ko 'to, kukulitin kita ulit 'wag ka mag-alala.” Bumalik ang pilyo nitong ngisi sa akin kaya inirapan ko siya.
“We're already friends on f*******:. But you can also open up to me.” I said.
“Akala ko ba friends na tayo in real life?” Hindi makapaniwalang sabi nito. Tinawanan ko siya sa naging reaksyon. Maybe, namiss ko nga itong kakulitan niya.
“Balita ko, prom queen ka? Luto.” Bulong nito, agad ko siyang hinampas. Napakayabang talaga nito.