“Bakit? Hindi ko deserved? Ang ganda ko kaya nun!” Galit na sabi ko. Natawa nalang siya at hindi ako tinigilan.
“I mean Luto, kasi hindi ako 'yung prom king. No choice na siguro kasi umalis agad ako.” Mayabang na sabi nito. Hindi ko na kinakaya ang kahanginan nitong lalaking 'to, pwede na siya magpatayo ng vulcanizing shop tutal, siya mismo punong puno ng hangin sa katawan.
I must really say, Zico always made my day. He can lit up someone's mood, kahit presence niya lang. I longed for a someone like him, these pass few days. Kaya siguro, mayroon akong tampo na kaonti sa kanya. We all need Zico atleast one times a day, kapag kasi nasobrahan baka naisin mo nalang na 'wag na makita si Zico sa sobrang kulit nito.
Girls usually likes a cold and serious guy. Someone that would challenge us, pero in my case, iba ang gusto ko. Someone would actually be my clown. Funny right? Bitter na kasi akong tao, ayoko na ng panibagong bitter sa buhay ko. Kaya siguro, kaya kahit naiinis ako kay Zico I can't deny the fact na ganoong klase ng tao ang hinahanap ko.
We parted ways, pumasok sa kanya kanyang klase. Nag-ingat na hindi mahuli para hindi akusahan ng cutting class. A few weeks later, we already take a final exam and completed all the requirements. Graduation is getting near, pratice nalang. Atleast in high school, I get to experience having a huge crush on someone. I did cheer my crush on his basketball game, and hell I care. Gagawin ko pa din siya sa college.
Nagkaroon na kami ng practice para sa pagmarch ng mga with honors, with high honors. Nalaman ko na with high honors si Zico, matalino din pala ang isang 'to. Samantalang kami ni Cose ay with honors. Pagkauwian ay niyaya ko si Cose sa mall dahil birthday ko ngayon. Wala naman si Daddy sa bahay, wala din si Mom..
Kami nalang ni Cose, ililibre ko nalang siya sa isang restaurant. Ayaw niya din naman na hayaan akong mag-isa sa birthday ko.
“Happy Birthday!” Hinipan ko ang candle sa cake na hinanda niya sa akin.
“Be happy Cassy, you deserved it! I love you so much my bestfriend. Hindi lang halata.” Natawa naman ako sa sinabi niya at agad na nagpasalamat. Grateful pa din ako dahil may genuine akong kaibigan. Binigay niya din sa akin ang regalo niya na sketchpad at mga pencil na magandang pangsketch.
We both wanted to design a dresses, kaya ito ang regalo niya sa akin. Nakakatuwa na kahit hindi na ako magkaroon ng maraming kaibigan ang mahalaga may isang tapat sayo. That's how friendship works.
“Sure ka ba na hindi ka pa uuwi?” Tumango ako.
“Yes sis. Gusto ko lang magikot ikot muna. Salamat sa pagsama sa akin ngayon.” Pagpapasalamat ko. She hugged me at nagpaalam na.
Isa din 'to sa kinahihiligan ko, ang mag-ikot ikot sa mall nang mag-isa. Iba 'din ang comfort pag mag-isa ka lang, lahat ng gagawin mo hindi planado kung saan ka lang dalhin ng paa mo. Hindi mo kailangan dumepende sa kasama kung anong gusto niyang puntahan, but sometimes being alone is lonely. Natuto nalang siguro ako na sanayin ang sarili na mag-isa. Para at times like this, sa halip na malungkot ako. I find comfort in being alone.
Dumaan ako sa archade. Sa labas lang, dahil nandito ang gusto 'kong laro. Ilang token na ang nasayang ko pero wala pa din, hindi ko pa din nakukuha 'yung stuff toy. Madaya talaga 'tong machine na 'to. Buong buhay ko wala pa akong nakukuhang stuff toy dito. Ayaw pa ibigay birthday ko naman. Sobrang frustrated na ako.
“Mali ka kasi..” I smell the familiar scent of someone beside me. It's Zico. Pinatabi niya ako at hiningian ako ng isang token at nagtry siya.
“Alin dito ang gusto mo?” He asked.
“Sa kaliwa, kulay pink.” I said. Tumango siya at seryosong pumwesto doon.
“Ganito, nakikita mo 'yung tali sa stuff toy? Itapat mo doon ang hook, pwede mo siyang isabit doon kapag naman ayaw pa din. Piliin mo 'yung kapareho ng gusto mong laruan sa tabi ng hole then piliin mo din 'yung walang katabi kasi kakalang 'yun.” Naintindihan ko naman ang tips na sinabi niya.
After that, he did what he's saying. Kagat labi niya iyong ginagawa at seryoso sa ginagawa. Ako naman ay kinakabahan, nasungkit niya ang stuff toy. Kabado na ako dahil pabitaw na ang hook sa stuff toy, napatili ako at agad niya iyong nashoot sa hole. Nanlaki ang mga mata ko at kinuha sa ilalim 'yung stuff toy.
“Thank you!” Natutuwang sabi ko.
Ngumiti siya at nagkamot ng ulo. Inagaw niya sa akin ang stuff toy kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Picturan mo kami ni peppa pig.” Niyakap niya ang maliit na si peppa pig at inilabas ko ang phone ko. Naka peace sign pa siya. Kahit napipilitan ay ginawa ko nalang dahil gusto ko na makuha si peppa pig. Yes the pink stuff toy is peppa pig.
“Then make it as your homescreen and lockscreen.” He said. Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling.
“Ayoko nga!” Agad niyang tinago si peppa sa likod niya.
“Then it's mine.” Parang bata talaga 'tong gunggong na 'to.
“Sayo na!” Tinalikuran ko siya at agad na umalis. Napatapat kami sa ice cream parlor. Pumasok ako doon at umorder, sumunod naman si Zico.
“Libre mo ako.” Bulong niya.
“Seriously? Ganyan ba kayong mga intsik? Kanina ang galing mo dumiskarte ngayon naman nangbuburaot ka.” Natawa naman siya sa sinabi ko.
“Business is business. Susumbong kita sa ninuno ko.” Natatawang sabi niya.
“Lagay mo na 'yung picture ko sa lockscreen mo.” Pangungulit niya.
“Ikaw ba manlilibre pag ginawa ko 'yun?” I asked.
“Fine. Kahit kuripot ako sige.” Ngumiti ako at inilahad ang palad sa kanya. Parang nalulugi naman ito na kumuha ng pera sa wallet niya at inilagay sa palad niya. Inabot ko ang phone ko sa kanya at hinayaan siya magpalit nun.
Umorder na ako at hinayaan siyang maghanap ng table para sa aming dalawa. Pumunta ako sa pwesto niya at naabutan siyang tulala doon.
“Okay ka lang? Bakit tulala ka?”
Tumunog ang phone ko at sumunod pa ang ilang pagbati ng mga friends ko sa f*******:.
“Dito ka lang.” Agad siyang tumayo at lumabas ng shop. Paano na 'tong ice cream niya? Pagbalik niya ay may dala itong maliit na cake. Nilapag niya iyon sa lamesa at nakita ko ang design nito. Si peppa pig, tapos may candle din. Nakalagay doon Happy Birthday piggy!
Sinamaan ko naman siya ng tingin pero nginitian niya lang ako. Hinihingal pa din siya tapos ay pawis kahit na malamig dito. Mukhang sa taas pa ang bake shop na pinagpagawaan niya nito at mukhang nirush niya para matapos agad. Sinindihan niya ang candle.
“Happy Birthday to you. Happy birthday, Happy birthday! Happy birthday peppa pig..” Pagkanta niya. May ilang butil ng luha na tumulo sa mata ko. Hindi ko inaasahan na gagawin nya 'to. Pumikit ako at nagwish na sana magstay siya sa buhay ko at ang mga taong mahal ko. Ayoko nang may mawala.
“Kanina ko lang nalaman na birthday mo. I felt guilty na inaasar pa kita, today is September 8. This is a special day, don't be sad. Sasamahan kita sa importanteng araw mo.” Tumango ako at nagpasalamat.
Thank you so much, Zico. I'm happy that I could get to spend this special day with you.