Chapter 9

1145 Words
Dora I spend my birthday in a simple way and yet hindi ko pa 'din makalimutan hanggang ngayon. Nagpagulong gulong na ako sa kama, pero hindi ko pa 'din makalimutan ang nangyari kanina. I can't sleep, all I'm thinking right now is Zico and his efforts. Umiling iling ako at pinagmasdan si peppa pig na napanalunan namin kanina. “Hindi ko alam kung matutuwa ako sayo o ano..” Bulong ko sa stuff toy. Mukha na akong baliw dito, kinakausap ko si peppa pig. Dumating ang araw ng graduation namin. Pagkatapos ng birthday ko, hindi ko na muling nakausap si Zico. Iniiwasan niya na naman ako, paakyat na kami ni Daddy ng stage dahil sunod nang tatawagin ang pangalan ko. “Bautista, Cassandra Vienn.” Pag-anunsyo sa pangalan ko. Agad kaming naglakad sa stage at sinabitan ako ng medalya, nakakapanlumo lang na wala si Mommy ngayon para saksihan ang hardworks ko. I know she's proud of me. “Ang galing natin!” Nginitian ko si Cose, kasama niya sila Tita. Bumaba kami at nasalubong ko si Zico na papa-akyat na din ng stage. Bahagya siyang nagulat nang makita kami ni Daddy, awkward itong ngumiti. Hindi man lang ako binati? Zico received an award with high honors, pagkababa niya ay sinalubong siya ng isang babae. It's Millan, his classmate. Maganda ito at maputi, mamula mula ang pisngi nito at tuwid ang buhok na hanggang balikat. Parang kinurot ang puso ko nang makitang magyakapan sila. Agad akong umiwas ng tingin at niyaya na si Daddy na umuwi. “Are you alright?” Daddy asked while driving. “Yes, kamusta po ang kaso ni Mommy?” Hindi agad siya nakasagot. “Hanggang ngayon, wala pa 'ding lead anak. Pero ginagawa ko ang lahat para matukoy na ang gumawa ng lahat ng 'to.” Hindi na ako sumagot sa sinabi ni Dad, tumitig na lang ako sa daan at iniisip kung paano namin makukuha ang hustisya. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Cose dahil biglang bumigat ang pakiramdam ko. The whole vacation, kung minsan ay nagkikita kami ni Cose para magcatch up. Minsan naman ay pumupunta ako sa kompanya namin para makita kung paano ito patakbuhin. Hindi ko na 'din nakita ulit si Zico, minsan ay nakikita ko ang i********: posts niya sa feed ko. Pumunta siyang China nung nakaraan. I didn't bother to hit the like button. I don't feel tho. Dumating ang araw ng pasukan sa kolehiyo, I enrolled in the same University with Cose. Pareho 'din ang course, fashion design. Habang hinihintay si Cose para sabay kaming pumasok sa unang klase, tumambay muna ako sa garden ng school. Nilabas ko ang sketch pad ko at nagsketch ng mga design na nasa isip ko. Naisipan ko ang isang gown na kulay peach, pa-letter X ang dibdib ito, wala na akong maisip kaya napahinto ako saglit. Biglang may tumabi sa akin at dinungaw ang ginagawa ko. “Lagyan mo ng blazer na sobrang nipis, 'yun yung gawin mong manggas. It looks good on you.” Narinig ko ang pamilyar na boses nito. It's Zico, I immediately recognized his familiar scent. Medyo naging tan ang kulay niya, siguro ay dahil sa pagpunta niya sa beach. Lumayo ako ng kaunti at nagsimula na ligpitin ang mga gamit ko. Agad naman na kumunot ang noo niya. “Ang sungit.. Iniiwasan mo ba ako?” He asked pero hindi ko siya pinansin. “Sorry, naging busy ako.” Napahinto ako sa pagliligpit at narealized ang naging reaskyon ko. Ano naman kung hindi niya ako pansinin? Hindi naman kami magkaibigan at mas lalong hindi kami magkarelasyon para maging ganito ang reaksyon ko. Siguro, nasanay lang ako na pag may umalis, hahayaan sila at ituturing na hindi kilala. “No need to apologized, wala ka namang kasalanan.” I smiled pero tipid iyon. Akmang aalis ako pero pinigilan niya ako. “It's my fault. Pasensya na may kailangan lang akong asikasuhin.” He said. “And it doesn't involve me, so let go of my wrist. Wala akong inaasahan mula sayo, don't act like you're responsible of me.” Hinatak ko ang wrist ko at iniwan na siya doon. “Akala ko ba, sa garden tayo magkikita? Nakakahiya, pumasok ako mag-isa.” Sabi ni Cose na ngayon lang dumating, nauna na ako sa kanya pumasok dahil hindi ko na kayang maghintay doon. “Mas maganda dito, para ready na ako.” I said. “Nakita ko nga pala si Zico sa labas, kamusta na kayo? Diba medyo close na kayo?” Tanong niya pero hindi ko na sinagot. Natapos ang klase namin sa unang araw na 'yun. Pinauna ko na si Cose dahil may sundo na siya, habang ako ay dumiretso sa locker para ilagay ang ilang libro ko dahil mabigat iyon. Biglang may tumabi sa akin at inaayos din ang locker nya na katabi ko. “What a coincidence, Sandra. Magkatabi ulit ang locker natin.” Kumindat pa ito sa akin, parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nalaman. Umiiwas nga ako tapos magkatabi na naman ang locker namin? Random ba ang locker dito? “Yeah coincidence, fashion design department ito.” Sarcastic na sabi ko. “What do you mean? Iniistalk kita? Grabe, akala ko ako lang 'yung assuming.” Natatawang sabi nito. Padabog 'kong sinara ang locker ko at iniwan siya doon. Narinig ko naman ang pagmamadali niya at agad siyang tumakbo palapit sa akin. He even had a guts to walk beside me. “Date tayo, babawi ako sayo.” Masayang sabi nito. “Date yourself.” Inirapan ko siya at nauna na maglakad. Sumunod siya agad at niyaya ako sumakay sa motor niya. Hindi siya gumagamit ng kotse? “Okay lang ba sayo sumakay sa ganito?” He asked. “Oo, this is my first time.” Sagot ko na ikinangiti niya. Inabot niya ang helmet sa akin, kumuha siya ng jacket at pinantakip sa legs ko, I'm just wearing a skirt. Nahirapan ako sa pagsakay dahil hindi naman ako marunong. “Kapit ka.” He said. Inilagay niya ang braso ko sa baywang niya at nahahawakan ko ang chest niya. I can smell his scent, hindi nakakasawa ang amoy nito. Kinakabahan ako habang pinatakbo niya ang motor, parang tinatanggalan ako ng kaluluwa. Dinala niya ako sa isang restaurant na eat all you can. Parang iniinsulto ako ng intsik na ito, tuwang tuwa pa na malakas ako kumain. Bumaba na kami at pumasok sa loob. Kumuha kami ng lahat ng gusto namin, halos hindi na magkasya sa plato ko ang mga pagkain kaya umiling iling si Zico na tumatawa. “Bakit motor ang gamit mo?” I asked. “Gusto ko lang gamitin 'yung mga bagay na pinaghirapan ko. I earned my own money.” Napasinghap naman ako sa sinabi niya. Hindi ko 'din alam kung anong background ng pamilya niya kaya hindi ako aware sa sitwasyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD