“Cool din naman ang gumamit ng motor.” Wala sa sariling sabi ko.
“So I'm cool..” Pilyong sabi nito. Namula ang pisngi ko kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain.
Natapos kami kumain na sobrang busog, bagay ngang kumain kami sa ganito dahil pareho kaming malakas kumain. Natatawa nalang ako sa paghawak naming pareho sa mga tiyan namin, mukhang kailangan ko mag gym.
Muli kaming sumakay sa motor niya at dinala naman niya ako sa mall. Pumasok kami sa pastry shop na pwedeng gumawa ng sariling cake ang mga customer, exclusive nga lang ito pag medyo malaki ang ibabayad. Hindi ko alam bakit ang kuripot na si Zico ay pinili ang exclusive.
“Anong meron? Bakit ito pinili mo?” Ngumiti siya at nagsimula na kami paglaruan ang cake.
“Birthday ko ngayon. Batiin mo naman ako.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, It's August 25. Hindi 'ko alam na birthday nya pala ngayon.
“Happy Birthday!” Masayang bati ko sa kanya. Nagsimula na kami magdrawing ng kung ano ano sa cake. Nilagay na namin ang HBD ZICO, parang binaboy namin ang cake kaya tawang tawa kami sa itsura nun.
Nagpicture kami at pinicturan ko din si Zico na hawak ang cake. Tawang tawa ako nang malaglag ang letter Z kaya naging HBD ICO iyon. Sobrang palpak, pero sobrang saya. Dumaan pa kami sa parlor, dahil wala akong gift sa kanya. Ang regalo ko nalang ay ang sundin siya sa haircut ko ngayon. He wants me to cut my hair short. Hindi ko siya maintindihan, kadalasan ang gusto ng mga lalaki ay mahaba ang buhok pero siya gusto nya ng maikli.
“Mainit ang weather ngayon. Mas maganda na iklian mo ang buhok mo.” I get his point.
Nagpaggupit din siya, trim lang dahil maganda naman ang buhok niya. Bawal ang may kung anong kulay ang buhok sa University kaya walang nagpakulay sa amin. Natapos akong magpagupit kaya nagulat siya sa itsura ko.
“It suits you.” He said. Namula naman ang pisngi ko.
“Ang sweet ng boyfriend mo, Ma'am. Gandang ganda sayo.” Sabi ng bakla.
“Kamukha mo si Dora, palagyan mo ng full bangs!” Natatawang sabi ni Zico, kaya binato ko siya ng hair brush. Mas lalo lang itong natawa, pati ang mga staff sa parlor dahil sa kakulitan naming dalawa. Akala ko pa naman compliment 'yun.
Siya ang nagbayad ng ginastos namin sa parlor. Umuwi na kami at sumakay ulit kami sa motor niya. Gumaan nga ang pakiramdam ko nang umikli ang buhok ko, ang presko niya. Hinatid niya ako sa gate namin at agad akong bumaba.
“Salamat.” I said. Nakasakay pa din siya sa motor niya hindi na siya bumaba.
“Ako dapat ang magpasalamat. Kung hindi ka pumayag na sumama sa akin, hindi masaya ang birthday ko. Wala sana akong kasama na Dora ngayon.” Natatawang sabi niya kaya inirapan ko nalang siya.
“Ang sama ng ugali mo.” Asik ko sa kanya. Humagalpak siya ng tawa sa sinabi ko.
“Where are we going? I'm the map! I'm the map!” Pagkanta nya pa sa theme song ni Dora. Napakasama ng ugali ng intsik na 'to. Lalong sumingkit ang mga mata niya sa kakatawa.
He looks so cool while riding a motor. Ang astig niya, naka helmet ito at black na jacket. He's tall and lean. It really suits him. Mas lalo din siyang naging neat tignan dahil sa hair cut niya. Nagpaalam na siya at pinagmasdan ko ang motor niya paalis.
Parang may panibagong satisfaction akong naramdaman sa sarili. I never felt this during our vacation, kung saan hindi ko siya nakikita at nakakasama. I'm in danger. Stay safe, self.
Binalita sa akin ni Cose na naligaw siya sa kagagahan niya kagabi. Akala ko ay may sundo siya, hindi 'man lang nagsabi na wala pala. Hindi niya na daw ako matatawagan dahil lowbat siya. May nakilala daw siya na naghatid sa kanya sa bahay nila. 'Yun din 'yung nabunggo niya.
Nagpunta kaming library, naabutan ko sila Zico doon. Kasama ang friends niya at 'yung hot na transferee na pinag-uusapan.
Nagtatago pa si Cose sa libro kaya agad ko siyang tinanong kung bakit, umamin ang gaga na si Kael ang nakasama niya kagabi. Sana all nalang. Kasamahan pa ni Zico sa banda, nalaman ko na may banda si Zico ang The Resistance pero irresistable daw siya, kwento nila sa pagong.
Nung sumunod na araw ay napagdesisyunan namin na lapitan sila Zico sa lamesa nila sa cafeteria. Ang malokong si Darrel ay sinalubong agad ako ng pang-aasar. Porke, inaasar ako ng kaibigan nila.
Tumabi ako kay Zico at agad nitong nilayo ang pagkain niya. Napakasama talaga nito. Anong feeling niya sa akin patay gutom?
“May pambili ako!” Inirapan ko siya pero natawa ito at inilahad na ang pagkain niya.
“Ayan na, nakakaawa ka naman.” Pang-aasar nito.
Dumating si Danna na may gusto pa ata kay Kael at dinalhan niya ito ng lunch. Mukhang pipigilan pa nito ang lovelife ng kaibigan ko ah. Agad akong sumingit sa usapan nila.
“Sa akin nalang Danna! Gutom pa ako.” Nagtawanan naman sila sa sinabi ko dahil tinanggihan din naman ni Kael ang offer niya. Nang-irap lang si Danna tapos ay umalis na. Kinalabit naman ako ni Zico sa tabi ko.
“Panira ka talaga. Patay gutom pa.” Kinurot ko na siya sa tainga sa sobrang inis ko. Nagtawanan naman si Darrel, Lander at Kael sa ginawa ko. Maging si Cose ay hindi nakatiis. Bingo na sa akin 'to. Kahapon pa 'to.
“Swiper 'wag kang kalapit.” Sabi nito at hinarangan pa ako ng braso niya.
“Dude, akala ko ba si Dora 'yan.” Sabi ni Lander. Nagtawanan silang lahat.
“Parang si Swiper din, bigla nalang sumusugod. Swiper sa umaga, dora the explorer sa gabi.” Mas lalo silang nagtawanan sa sinabi ni Zico.
Napapikit nalang ako sa sobrang inis. Nawawalan na talaga ako ng pasensya sa lalaking 'to.