Date
May event sa school at kailangan namin magtayo ng sarili naming booth. Nang matapos ang shift namin, nagsi-alisan ang mga kaibigan ko. Kami nalang ni Zico ang natira, nakangisi naman ito sa akin at parang nang-aasar na wala na naman akong choice.
“Zico!” Nagulat ako sa boses ng babae mula sa likod namin. Sabay kami ni Zico na napalingon at halos matigilan ako nang makitang si Millan iyon.
Sa hindi malamang dahilan, nanikip ang dibdib ko sa nakikita. Zico gladly entertain Millan, they're both smiling. Ayoko ng naa-out of place ako, feeling ko kasi nakakaawa ako. Umalis nalang ako ng walang paalam, I proceed to walk by myself. I can manage being alone. Nakita ko si Dean sa isang booth, kaya agad ko siyang nilapitan. Hindi naman siya dito nag-aaral, baka ininvite siya?
“Hey Dean! Kamusta?” Pagbati ko. Napalingon siya sa akin at agad na ngumiti. Mas lalo itong gumwapo pero wala na akong crush sa kanya.
“Cassy! Dito ka pala nag-aaral?” Agad akong tumango.
“Ininvite lang ako ng girlfriend ko dito. Engineering na kasi ako sa ibang school.” Napakamot siya sa batok pagkasabi 'nun.
“Talaga? Engineering ka na pala! Tsaka grabe, magthank you ka naman na nireject kita edi sana hindi mo nakilala 'yung girlfriend mo ngayon.” Sinundot ko pa ang tagiliran niya. Ganito kasi ako mang-asar. Natawa naman siya sa ginawa ko.
“Sige, libre kita bilang thank you. Pero nakakalungkot pa din na nireject mo ako 'no.” Natawa ako sa sinabi niya. Akmang sasama na ako sa kanya para pumunta sa isang booth nang may humila sa braso ko.
Zico is standing beside me, he's mad. Ano na naman ba ang trip nito? Bakit hindi siya makipag-date doon kay Millan?
“Tayo ang magkakasama ngayon ah?” Nagtatagis ang bagang na sabi niya. Masama ang tinapon niyang tingin kay Dean na nakatingin sa amin ngayon.
“Mauna na ako Cassy, next time nalang.” Nakangiting sabi ni Dean ginantihan ko din iyon ng ngiti.
Hinigit ko naman ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Zico nang makaalis na si Dean. Iba pa din ang mood nito, salubong ang kilay at seryoso. Bihira ko lang talaga siya makitang ganito.
“Bakit nandito ka? Doon ka kay Millan. I can be alone.” Sarcastic na sabi ko.
“Talaga? Makikipagdate ka nga dapat sa lalaking 'yun!” Nagulat naman ako sa pagtaas ng boses niya.
“Ano naman?” Inirapan ko siya at nauna nang maglakad sa kanya.
Sumunod lang siya sa akin ng tahimik. Naglakad ako palabas ng school, ganito ang ginagawa ko kapag mag-isa. Naglalakad ako para mawala ang stress and let myself drown in deep thoughts. Hinayaan ko lang si Zico na nakasunod sa akin, pumasok ako sa isang exhibit for paintings.
“Mahilig ka sa paintings?” Tanong niya habang inililibot ang tingin sa paligid.
“Si Mom ang mahilig, nandito ang isang painting niya. Kaya lagi ako bumabalik balik dito.” Sambit ko habang naglalakad kung nasaan ang pwesto ng painting ni Mommy.
She's not a professional artist. Gusto niya lang i-express ang sarili niya through arts kapag masaya, malungkot o nai-inspired siya. Napahinto kami sa painting ni Mommy, it's like a paradise. She used a different colors na sobrang colorful. Kapag tinitigan mo ang painting, parang paradise siya sa langit. Parang gusto mo pumasok sa loob ng painting at doon manirahan dahil sa sobrang ganda nito. May falls, mga halaman na maraming bulaklak, tapos mga kubo na simple lang na pamilya ang naninirahan. Gusto ko ng ganitong ambiance.
“I don't know if I'm just being paranoid or what. Pero the painting wants to convey a message, hindi lang dahil sa maganda ito. May kakaiba sa painting, it's like the artist who made this, was been living her life in a town like this. Ginawa niya ito na parang kabisado niya ang bawat sulok ng lugar at totoong nage-exist sya.” Sabi ni Zico habang tulala sa painting.
Tinitigan ko 'din iyon. Hindi ko naisip na may kakaibang meaning ang painting ni Mommy. Nagandahan lang ako sa unang kita ko dito pati ngayon, hanggang sa sinabi ni Zico ang opinyon niya. Parang kakaiba nga ito, through colorful texture of the paintings there's a hidden message.
Hinawakan ni Zico ang painting, kinapa niya ang bawat highlights sa painting, nanlaki ang mga mata ko nang may naka highlight na letter A sa kubo, hindi mo talaga siya mapapansin kung hindi mo tititigan. Sa parteng falls, may hinawakan si Zico at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang letter G doon, kinapa niya din ang parte ng mga halaman at may letter U doon na nakahighlight, sa damit naman ng mga masasayang residente ng painting ay mayroong F. Parang parte ng painting ang mga letters kaya hindi ko akalain na mapapansin pa iyon ni Zico.
Napatingin siya sa akin, ako naman ay kinakabahan sa nalaman.
“What is the name of this painting?” He asked.
“Fate Collides.” Maikling sagot ko habang tinititigan ang painting.
“M-May I know.. Where is your Mom?” Kinakabahan na tanong niya. Umiling ako.
“She's already dead.”
Niyaya niya ako sa isang shop na nagtitinda ng mga baseball bat, pati ang mga uniform sa sports na ito. Niyaya niya ako sa loob, at laking gulat ko na mayroong parang palaruan doon. Pinagsuot niya ako ng mga safety gear para pag tinamaan ay hindi masyadong mapuruhan.
“Sunod sunod ang ball na babato papunta sayo, all you have to do is to hit those balls or umiwas ka. Ilabas mo ang lahat ng galit mo ngayon.” Sabi niya sa seryosong boses. Tumango nalang ako.
Naalala ko ang nangyari kay Mommy, pinatay siya ng walang pakundangan. They r***d her, they killed her. Nanggagalaiti ako sa sobrang galit na nararamdaman. I want justice. I scream for justice!
Dumating ang unang bola at agad ko iyong hinampas. Ang mga kasunod ay nahampas ko pero nang maalala na sa loob ng halos anim na taon, walang hustisya na nakuha. Walang hustisya na nagawa para sa pagkamatay ng Mommy ko. Tinamaan ako sa ulo, sa mukha at sa katawan. Napatumba ako, sumasakit ang buong katawan ko. Nanghihina na ako, hindi ko na kaya. Umiyak ako nang umiyak, Mommy sorry..
Hindi mo deserved ang nangyari sayo. Gagawa ako ng paraan para makamit ang hustisya na 'yun. Hindi ako makakapayag na ganoon nalang kahantungan ng sinapit mo.
“Stand up Sandra! Be strong! Hit those f*****g balls!” Sigaw ni Zico mula sa labas. Agad akong tumayo at agad na hinampas pa ang mga susunod na bola.
Hanggang sa matapos ay hindi ako tinamaan. Gagawa ako ng paraan Mommy, makakamit 'din natin ang hustisya. Pumasok si Zico sa loob at agad na niyakap ako. Hindi ko alam kung anong nangyari pero sunod sunod na tumulo ang mga luha ko dahil sa ginawa niya. Maybe, I badly need someone like him. Someone who will respect me, 'yung taong rerespetuhin ang nararamdaman ko. Hindi ako pipilitin na sabihin ang nararamdaman ko. Hahayaan akong mismo ang mag-open up at hihintayin niya na gawin ko ang bagay na iyon.
Niyakap ko siya ng mahigpit, hinaplos niya ang buhok ko at ang likod ko animo'y pinapatahan ako. Zico.. thank you.
Natapos ako umiyak at nagpalit ng damit, si Zico naman ang naglalaro sa loob. Sobrang focus ito sa paglalaro, parang sanay na sanay na siya sa ginagawa dahil walang mintis na hinahampas niya ang bawat bola na pumupunta sa direksyon niya. Natapos siya at niyaya niya na ako lumabas nang matapos siya magpalit ng damit. Sobrang pawis kasi ang katawan mo pagtapos maglaro ng ganito.
“Nakakapagod pala 'yun.” Sambit ko.
“Sobra. Pero gumaan ba ang loob mo?” Ngumiti ako sa tanong niya at dahan dahan na tumango. Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti na wala na singkit na naman ang mga mata.
“Where are we going Dora?” He asked. Inirapan ko siya at nauna na kaya natawa siya sa reaksyon ko.
Naisipan namin na pumunta sa mall, dahil kailangan namin ng malamig na enviroment dahil sa activity na ginawa namin kanina. Kumain kami sa fast food dahil pareho kaming kuripot at gusto ng maraming unli rice. Kung matakaw ako, hindi ako nag-iisa dahil si Zico sobrang laki ng bodega sa tiyan.
Tawang tawa kami sa reaksyon ng mga tao sa paligid namin. Nagpapaligsahan kasi kami sa padamihan ng makakakain at pabilisan din ng pagkain. Nagtataka na siguro ang mga tao dahil naka disguise sa ganitong outfit ang mga patay gutom. Halos mabuwal ako sa kinauupuan dahil sa sobrang daming nakain. Nabulunan naman si Zico kaya natawa ako tapos ay nabuga ko ang kanin sa bibig ko, namula ang pisngi ko dahil mas lalong nandiri ang mga tao sa paligid namin. Humagalpak naman si Zico ng tawa. Namumula na nagpatalo na ako dahil hindi ko na kaya ang kahihiyan.
“Grabe sobrang saya 'nun.” Tawang tawa na sabi ni Zico paglabas namin. Masaya kasi ako 'yung napahiya.
“Napakasama ng ugali mo!” Napipikon na naman ako sa isang 'to. Kanina ay napakabait ngayon naman dinedemonyo sa sobrang pang-aasar.
“Nood nalang tayo ng cinema.” Hinila niya ako at halos manlamig ako nang papasok na kami at horror ang napili niya.
“Ayoko nito!” Sigaw ko pero pinatahimik niya ako.
Naghanap kami ng upuan sa harapan at nagtabi. Umorder pa siya ng pop corn at drinks. Ayoko ng horror, sobrang duwag ako sa mga ganyang creatures, sino 'bang hindi? 'yung biglang gagapang tapos babaliktad 'yung ulo? No thanks!
Nagsimula ang palabas at halos nakakapit lang ako sa kinauupuan ko. Habang si Zico naman ay sobrang focus sa panonood. May tumabi naman sa akin na medyo matanda na, nasa 50's siguro. Kinabahan ako sa creepy ng mukha niya, hindi ako judgemental pero pag ganito ang tinginan ay natatakot ako. Lumingon ako kay Zico, akala ko ay nanonood ito pero masama ang tingin niya sa katabi ko.
“Palit tayo.” Mahinang bulong niya.
“Huh?” Hindi agad nagprocess sa akin ang sinabi niya.
“Stand up, Sandra.” Mariing sabi niya. Hindi pa 'din inaalis ang tingin sa katabi ko.
Tumayo ako at nagpalit kami ng upuan. Nahuli ko si Zico na masamang tinignan ang katabi ko kanina na katabi niya na ngayon. Parang sinasabi ni Zico na ‘Sige ako ang hipuan mo, uuwi ka ng lumpo.’ Napatawa ako sa sariling iniisip pero napahinto ako nang hawakan ni Zico ang kamay ko.
“Ang lamig.”
Pagtukoy niya sa kamay ko. Nakalong sleeve naman na ako, pero naghubad pa siya ng hoodie niya. May shirt naman siya sa loob, pero kailangan nya din ng jacket kasi malamig. Sinuot niya iyon sa akin, pati ang hoodie ay sinuot niya sa ulo ko, sobrang bango nito. He pinched my cheeks and smile at me. Hindi ako napangiti agad dahil kinakabahan ako. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at bumalik siya sa panonood, pero ako ay pasimple na tumititig sa kanya. Umalis naman 'yung manyak na lalaki at nakahinga ako ng maluwag.
The whole time na nanonood si Zico ay hindi ako mapakali sa magkahawak naming kamay. Hanggang sa makalabas ay hawak niya iyon, hinigit ko pero hinigpitan niya lang ang hawak dito.
“Baka bumalik.” Ngising sabi niya. Tinutukoy niya iyong guy kanina, agad kong binawi ang kamay ko dahil mukhang nanloloko lang ito.
Naglakad na kami pauwi dahil pagabi na 'din. Gusto ko maglakad, ganun din siya. Sumakay lang kami sa motor nung mula sa mall hanggang sa bungad ng subdivision na tinitirahan ko, pero naglakad na kami pagtapos niya iwan ang motor sa gate.
“May puno ng mangga.” Bulong niya. Huminto siya at akmang aakyat pero agad ko siyang pinigilan.
“Hoy! Kilala ko ang may-ari niyan. Masungit na matanda baka pagalitan tayo.” Sigaw ko pero hindi niya ako pinakinggan.
“Saglit lang. Mga limang piraso lang naman.” Nagsimula na siya pumitas, mabilis siyang nakakuha ng limang piraso pagkababa ay biglang lumabas ang matanda mula sa bahay niya at agad na nanlaki ang mga mata nang makita ang ginawa ni Zico.
“Ano 'yan!” Sigaw ng matanda. Agad akong hinila ni Zico at tumakbo. Lumabas ang matanda sa bahay niya at may dalang patpat. Lalo akong kinabahan ng sumunod ito pero huminto din, nagpatuloy kami sa pagtakbo hanggang narating namin ang bahay namin.
“Ang epic!” Hinihingal na sabi ni Zico.
“Kasalanan mo 'to!” Masungit na sambit ko. Hingal na hingal din ako dahil sa pagtakbo na 'yun.
“Para sayo 'yan. Gumawa ka ng sawsawan na toyo lagyan mo ng asukal. Ang sungit mo lagi baka naglilihi ka.” Ngisi na sabi nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong naglilihi?
“Ibato ko kaya sayo lahat ng 'to?” Naiinis na sabi ko. Umalis na siya at nagsimulang naglakad ng patalikod, sumaludo ito sa akin at ngumisi.
“Bukas ulit Dora!” Sigaw niya nang akmang ibabato ko ang mga mangga sa kanya ay tumalikod na siya at naglakad na palayo.
Napatingin ako sa mga mangga na hawak ko, napangiti ako sa sarili. Ang daming nangyari ngayong araw. Thank you, Zico.