bc

FALLING FOR YOU

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
independent
brave
bxb
campus
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

akzizkhsbslsoxxkzssod

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Halika ka na kasi Cian, manunuod lang naman tayo eh." pilit sa 'kin ng aking kaibigan habang na sa cafe shop kami. "Ayoko nga kasi, bakit ba namimilit ka?" masungit na sagot ko sa kanya. "Ang KJ mo naman!" she rolled her eyes. "Eh sa may trabaho ako, anong magagawa ko?" "Mamaya pa naman eh, for sure magugustuhan mo ang bandang 'yon." aniya sakin, pilit parin akong kinukumbinsi. Gumilid siya ng may costumer na dumating. Nagsasalita padin siya habang inaasikaso ko 'yong order. Nang matapos ko 'yon ay, dumada na naman siya. " Sige na please!" pagmamakaawa niya na naman. But this time with paawa effects na. I sighed. "Kulit mo naman eh." salita ko. Napasigaw siya at nagtata-talon. Napapatingin tuloy sa kanya ang ibangga costumer. "Yes! mamaya ah! 6pm, dapat nandun kana." sabi niya at sumasayaw-sayaw pa. "Oo na." natatawang sagot ko at nagpatuloy na sa trabaho ko. -------------------------------------------------------------------------- 5pm nang isirado ko na ang cafe shop, nakapag paalam nadin ako sa amo kong lalaki. Inayos ko muna ang aking sarili bago dumiretso sa lugar kung saan gaganapin ang concert na paborito ni Alisa. Lima kaming magkakaibigan, dalawang babae at tatlong lalaki. Pero si Alisa ang pinaka close ko dahil magkababata kami. Tinext ko siya, pero hindi siya nag reply. Sumakay ako ng taxi at ibigay sa driver ang address. Habang nasa byahe kami ay napapansin kong panay lingon ang driver sakin. I feel uncomfortable, kaya mas lalo akong gumilid kung saan hindi niya ako makikita. Huminto ang taxi sa isang school na hindi ko pamilyar. Agad akong lumabas. Maraming mga tao, and usually is mga dalaga at binata. Yung iba may dalang banner na nakalagay ay "Mahal kita Raven!!" choss, korney. Nag beep ang phone ko at nagreply na sakin si Alisa sakin. From: Alisa Asan ka? To: Alisa Nandito sa labas, asan kaba?" Naghintay ako ng ilang minuto bago sya nag reply. From: Alisa Nasa loob, teka susunduin na kita. To: Alisa Dalian mo. Pumwesto ako sa gilid kung saan wala masyadong tao. Malamig ang gabi, maraming tao at parehong masaya. May mga magbabarkadang nagtatawanan, nag kukwentuhan at yung iba naman ay papasok na sa entrance. "Cian!" tawag sakin ni Alisa ng makita niya ako. Agad siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa braso. Hindi pa naman ako nakakapagsalita ay agad niya na akong kinaladkad papasok. May nabangga pa kami, kaya panay ang hingi ko ng sorry sa kanila. "Teka nga, bakit ba nagmamadali ka?" tigil ko sa kanya, agad siyang humarap sakin. "Para maabutan mo sila!" aniya. Litong-lito ako sa sinabi niyang Sila. Sinong sila? Agad kaming pumasok sa isang court, at bumungad saamin ang maraming taong naghihiyawan at nagtatalon-talon. Singit kami ng singit ni Alisa hanggang sa makarating kami sa unahan kung saan nandoon din ang iba naming kaibigan. Binati nila ako pero agad ding bumalik ang atensyon nila sa harap. Gulat pa akong nandito din ang dalawang lalaki. Napilit sguro ng dalawa, kaya pareho ko. No choice din sila, makukulit eh. Napunta ang atensyon ko sa harap ng biglang tumunog ang electric guitar. One of my favorite instrument na gustong-gusto kong aralan, pero dahil sa kapus sa pera, walang pambili. Kaya nanunuod nalang ako. Pinapatugtog nila ay ang kantang Mundo by IV of Spades. One of my favorite song. Nakatingin lang ako sa lalaking may hawak na electric guitar, ang swabe niyang tignan. Pawisan nadin siya at nahuhulog nadin ang ilang hibla ng kanyang buhok sa kanyang noo. Nakapikit siya at dinadama ang musika. "Aking sinta ikaw na ang tahanan at mundo (mundo'y magiging ikaw) Sa pagbalik mananatili na sa piling mo(mundo'y magiging ikaw)" Kanta niya, lumalabas ang mga biloy niya na nagpapadagdag sa kanyang gwapong mukha. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya at nawala lang ang atensyon ko ng tapikin ako ni Alisa. "Ano? Sabi ko sayo eh, magugustuhan mo!" sigaw niya dahil sa lakas ng hiyawan ng mga tao. Napatawa nalang ako at binalik ang atensyon sa harap. Agad kong nahuli ang mga mata niyang nakatitig sakin. Hindi ko alam pero agad na bumilis ang t***k ng puso ko. "Next song na aming kakantahin ay ang. Ikaw Lamang, by Silent Sanctuary." Bago siya nagsimulang kumanta ay, ngumiti siya sakin. Na dahilan ng pagbilis lalo ng t***k ng puso ko. Why I'm feeling like this? Hindi ko siya kilala, at hindi niya ako kilala. Natapos ang concert na 'yon. At nakauwi na din kami. Nakatitig lang ako sa kisame ng aking boarding house. Tulog na ang ibang room mates ko, at ako lamang ang gising. Pilit iniisip yung nangyare kanina. Ngumiti siya sakin. Lalaki siya, bakit ako nagkakaganito? Gusto ko na ba siya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bending My Straight Boss

read
83.7K
bc

Claimed for Christmas

read
19.3K
bc

ALPHA'S BETA MATE

read
19.1K
bc

The lonely wolf (bxb)

read
7.9K
bc

Omega’s Sweet Escape

read
24.0K
bc

Alpha Nox

read
102.5K
bc

Three Alpha Bikers Wants An Open Marriage(An Erotic Paranormal Reverse Harem)

read
94.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook