The Untold Story " Anak kumain ka naman oh! " pakiusap ng mama ni Calli pero tulala lamang si Calli. " Anak.. " nilingon siya ni Calli at nagulat ang kanyang ina sa uri ng tingin ng kanyang anak. " Wala akong gana kumain, hindi kaya buntis ako? " tanong nito, hindi sa ina kundi sa sarili. " Calli, anak ano bang sinasabi mo? " naiiyak na wika ng kanyang ina. " Inaantok ako. " sabi nito at humiga saka pumikit, mabilis na lumabas ng kwarto ang ginang at hinanap ang kanyang asawa. " Anong gagawin natin? tila mas lumalala na ang kalagayan niya? " umiiyak na tanong ng kanyang ina sa asawa. " Dadalhin matin siya bukas sa Psychiatrist niya. " sagot ng ama, tumango naman ng ina at yumakap sa asawa. Abala nang hapon na iyon ang kanyang mga magulang dahil sa nalalapit na election, kaya ang ku

