" Calli, can we talk? " tanong ni mama, umiling ako. Nasa kwarto lang ako at hindi pa lumalabas mula pa nang magising ako. " Okay, let me know if you're ready to talk. " sabi nito at tumango lang ako saka nito sinara ang pintuan. Napatingin ako sa aking cellphone nang tumunog ito, agad ko namang kinuha. " Calli, nakuha na namin. " bungad nito. " Good, pupunta ako dyan bukas. " sabi ko. " Okay, bye! " napabuga ako ng hangin, bumaba ako ng kama at kinuha ang librong bigay ni Prima sa akin. Mapait akong napangiti at inilagay ito sa basurahan. Paggising ko kinaumagahan ay dali-dali akong naligo at nagbihis saka bumaba, kita ko ang pagtataka sa mukha nila mama, papa at sina kuya. " Lalabas lang po ako sandali. " paalam ko. " Ihahatid na kita. " sabi ni kuya Adam. " Hindi na po. " tanggi

