"Bye guys see yah later" ani mika kasama niya si chesca na kumakaway pa samin.
"Mga pre una na kami ah kitakits na lang tayo tsaka chat na lang tayo gc natin. Bawal malate" sabi ni lincoln bago sila umalis nila nikko,leigh at marcus na medyo seryoso. At dun kami magstay mamaya sa condo ni lincoln dahil malapit lang ang bar dun.
"Akin na yang bag mo" ani bryce
Kasalukuyan kami nasa hallway ng building paalis na ng school. dahil sa bandang likod ng campus yung kubo kaya dumaan kami dito. 4 pm pa lang kaya medyo mainit pa.
2 hrs kaming tumambay sa kubo
"Bakit anong gagawin mo sa bag ko?" sabi ko habang yakap ko yung bag ko.
"Malamang ako na magbubuhat mukhang mas mabigat pa bag mo kesa sayo hahahaha"
Abat etong mokong na to nagagawa pang mang-inis ng tao. Konti nga lang laman ng bag ko teka Ganon na ba ako kapayat?
may choice pa ba ko?malamang wala makulit pa naman to.
Kaya binigay ko yung bag ko at heto si bryce na mukhang tanga ngiting-ngiti e inabot ko lang naman sa kanya yung bag ko.
"Nga pala abbie susunduin na kita mamaya sainyo para payagan ka ni mama-este ni tita" wika nya habang naka akbay pa sakin. Takte ang bigat ng braso nya e.
"Baka naman maglasing ka mamaya sa bar, at ako pa magbibitbit sayo pauwe nako pag nagkataon iiwan talaga kita" sabi ko sa kanya.
"Malamang bar yun kaya hindi malabong malasing ako, kaya nga kita kasama para makauwi ako ng maayos" ani bryce.
"Pwede ba bryce tigil-tigilan mo kakaakbay sakin"habang inaalis yung braso nya na ayaw bumitaw sa kakaakbay. Kaasar.
Habang naglalakad kami ni bryce ay nagkukulitan,nagaasaran at nagpapaluan kaming dalawa kahit mga natatamaan kami ibang tao.
Bigla kami napahinto dahil may tumawag sakin mula sa likod. tinanggal ko ang pagkakaakbay sakin ni bryce bago humarap kung sino man yung tumwag sakin.
Kaya pagkaharap ko nakita ko si felix naglalakad papunta sa kinaroroonan namin.
Si felix lang naman yung crush since high school ang gwapo kasi niya parang syang oppa hayy kung sana crinush back mo ko edi may lovelife ka na sana choss.
Kung meron man nakakaalam na may crush ako kay felix ay walang iba kundi ang kabarkada ko.
"Hi abbie pwede ka ba manood ng basketball game namin bukas? Sabi ni felix. Oh my gosh eto na ba totoo na ba felix ? Eto na ba ang start ng love story natin crush?.Enebe wag ka naman genyen crush masyado mong pinapatibok ang puso ko char.
Well bago ako magsalita hinawi ko muna ang hair aba syempre kaharap ko si crush.
"Of course pwedeng pwede ako,so kitakits na lang" sabi ko habang nakasmile minsan ko lang makausap to si felix kaya heto na ang opportunity para landiin ko to hahahaha.
"Sorry felix but hindi siya pwede bukas kasi may date kami, diba babe?" Sabay akbay sakin ni bryce. "Tapos na ba kayo magusap? Kung tapos na pwede na ba kami umalis felix?" At kinaladkad ako paalis sa harapan ni felix
"Pa-epal ka talaga minsan noh? Kitang mong kausap ko yung--"
"Crush mo?"sabi niya habang nakataas ang isang kilay.
"Sus mas pogi pa ko dun sa felix na yun tsaka mukha kang tanga hawi ka ng hawi ng buhok mo habang kausap mo yung mokong na yon parang kang uod na binudburan ng asin hahaha" sa sobrang tawa nya napahawak nya sa tiyan nya.
Sa sobrang asar nauna na kong maglakad nakakabwiset
"Hoy teka lang abbie mah'loves wag mo ko iwan huy" habang hinahabol nya ko.
"Hatid na kita sa inyo para hindi ka na mainis dyan"
At dahil wala yung sasakyan ni bryce no choice magjejeep kami well naconfiscate kasi ng parents ni bryce yung motor niya dahil nahuli tong kumag nato na mabilis yung speed level.
minsan na akong umangkas sa kanya at feeling ko nakita ko si san pedro sa bilis niya magpatakbo. kaya hayun si bryce todo tiis magcommute.
Pumara na kami ng jeep sa labas ng gate ng school. Since sa iisang village lang kami nakatira kaya lagi kami nagsasabay pumasok at pauwe.
Hinatid nya ko sa bahay at pinaalam na nya rin ako kay mama at pumayag din naman si mama lalo na't kasama ko naman si bryce.
Nang ihatid ko sya hanggang gate muli syang napatingin sakin hayan na naman sya.
"Please abbie wear tshirt and pants na lang para hindi ka mabastos mamaya baka magaya na naman yung nangyari dati muntikan na ko mapaaway dahil sa pag sipol sayo ng lalaki sa bar" sabi niya pa
"Oo na po master" ani ko
Todo Ngiti naman to si gago
"I like you to call me master but I prefer to call me love"
"tss hindi mo ko makukuha sa mga linyahan mo"
"Balang araw makukuha din kita, makukuha din kita" kinanta pa niya
binatukan ko na sya agad.
"Tse umalis ka na nga at magaayos pa ko"
"yes po commander pero babalikan kita kung saan kita iniwan" sabay kindat sakin
"Bakit lahat ba iniwan mo, binalikan mo?" Boom sapul nadali mo sya dun abbie hahaha
"Ewan ko sayo andami mong alam makaalis na nga at magpapapogi pa ko para naman mainlove ka na sakin"
"Bye abbie chat na lang kita kapag malapit na ko dito para sunduin kita" akala ko aalis niya siya pagkatapos niyang magpaalam pero nanatili pa siyang nakatayo sa harap ko
"Oh bakit hindi ka pa umaalis?"
"Wala bang kiss dyan kita mong hinatid kita e" sabi niya sakin
"Gag* anong kiss ka dyan kiskisin kita sa pader gusto mo?"
"Someday you'll get addicted by my kisses abbie, bye mi amore" kumindat muna siya bagi umalis papalayo ng gate ng bahay namin
Hindi talaga matino kausap to si bryce kaya minsan sanay na ko sa mga banat niya sakin e. Pero minsan naman napapaisip ako kung gusto akong jowain nito. Hindi pwede dahil bestfriend ko siya at sayang yung friendship namin kung magiging kami tapos maghihiwalay ayoko nun ang awkward pag nagkataon.
Hindi ko mapigilan mapatingin sa kanya habang naglalakad papalayo narealize ko na kahit ganyan sya ay maswerte pa rin ako na naging bestfriend ko sya kasi he's always there kapag kailangan ko sya at pinapangiti niya ko kapag nararamdaman niyang malungkot ako.
He will do everything just to make me smile.
'To be continued'