Katatapos ko lang mag ayos nang tumunog yung phone ko at nakita kong naka receive akong messege.
Bryce:
Abbie, andito na ko sa labas ng bahay nyo kaya sumuko ka na.
I replied him na pababa na ko just wait a minute.
I just wear a light make and a black dress na medyo hapit sa katawan ko. Kinuha ko yung bag ko. Buti na lang at may naiwan akong damit sa condo unit ni lincoln para hindi hassle sa pagdala ng malaking bag dun kasi kami nagsstay kapag nagninight out kami.
"Ma,alis na po ako nasa labas na po si bryce para sunduin ako...nga pala ma,bukas na po ako uuwi dun kami sa condo nila lincoln magstay mamayang gabi". Paalam ko kay mama bago ako umalis.
"Sige nak ingat ha,sinabihan ko na rin yan si bryce na bantayan ka" bilin sakin ni mama
Komprtable si mama kapag kada gagala ako ako ay dapat laging kasama si bryce.
Dati kasi si bryce pa ang nagpaalam para sakin kay mama para makasama lang ako sa swimming namin magbabarkada sa batangas.
Pagkabukas ko ng pintuan ng bahay namin nakita ko si bryce na nakangiti habang nagtatype sa cellphone. Nakasuot lang siya ng white shirt at black rip jeans at white shoes pero bat ganun? Ang gwapo pa rin niya.
Hhmm sino na naman kaya mabibiktima nito?.
"Andyan ka na pala 'bie' "sabi nya nung pagkaangat nito ng tingin sakin. At medyo nagulat pa sya nung nakita nya ko hayan kasi busy sa cellphone kaya hindi nya ko namalayan na nasa harapan na nya ko.
"I told you na mag tshirt at pantalon ka lang abbie" sabi niya habang nakakunot ang noo niya sakin
"Ano papaakyatin mo pa ko sa bahay para lang magpalit tsaka malalate na tayo"
"Oo na, Let's go na?" Yaya niya "baka hindi ako makatiis iuwi kita sa bahay namin hahahah" aba loko to ah akala niya siguro mauuto niya ko sa bitag niya.
Nagpara kami ng taxi at si bryce yung nagsabi ng address ng bar tutal suki na ata sila dun nila lincoln.
"So kamusta na pala si aemie yung kachat mo nung nakaraan? Ghinost mo rin ba gaya ng mga naging babae mo?" Tanong ko sa kanya habang nasa byahe kami medyo natraffic kami, rush hour kasi.
"Oo iniwan ko na napaka boring niya, di bale hanap na lang ulit ako ng chicks mamaya hahaha".
"Ikaw napaka babaero mo talaga, alam mo makakahanap ka rin ng katapat mo balang araw" sabi ko sa kanya.
Napahinto sa sa pagtawa at seryoso siyang napatingin sakin at bumaba ang tingin sa mga labi ko At dumako naman ang mga mata niya sa mga mata ko.
"Mukhang nahanap ko na ang katapat ko matagal na hindi niya lang alam" he said with his deep baritone voice
hinampas ko sya sa hita
"-Aray ang sakit ha? Sus kinilig ka siguro no" bigla ulit syang humarap sa side ko at unti-unting lumapit sakin hanggang sa naramdaman ko yung mainit niyang hininga sa tenga ko at bumulong.
"Don't worry abbie icrush back naman kita kapag nalaman kong crush mo ko" pagkatapos nun tumingin siya sakin sabay kindat habang naka ngisi sakin ang loko.
10PM na kami nakarating dun marami nang tao dahil medyo malalim na rin ang gabi.
Hinakawan muna ni bryce yung kamay bago kami pumasok sa entrance.
Siksikan na ngayon dito ang balita ko marami daw ditong tao pag sapit ng weekend.
Maingay at may mga nagsasayawan na rin sa dance floor.
Natanaw na namin kung saan ang pwesto nila lincoln mukhang kami na lang ni bryce ang hinihintay.
"Bro bakit ngayon lang kayo nakarating?" Tanong ni nikko na habang umiinom.
"Natraffic kami e" sabi ni bryce
"Ah ganun ba akala ko nagcheck-in muna kayo bago pumunta dito hahaha" ani ni leigh.
"Hoy anong check-in check-in pinagsasabi nyo dyan? Wag nyo nga ko igaya sa inyo" saad ko habang pinaghahampas ko ng bag si leigh.
Umupo ako sa tabi ni mika at marcus. Nag-abot ng cocktail sakin si chesca para hindi agad ako malasing. Well medyo mababa kasi tolerance ko sa alcohol.
"Marcus wag mong tutularan ang mga kalokohan ng mga yan ha" sabi ko kay marcus na biglang napatawa sa sinabi ko siya kasi ito ang kuya sa grupo namin.
Sa totoo nyan e hindi pa rin ako makapaniwala na nagagawa niya bagay na yun.
"Abbie guess what" saad ni mika sakin pagkatapos mag shot ng alak.
"What?" I replied
"Andito si FELIX mo" napatili pa si mika yung totoo ikaw pa mas kinikilig kesa sakin.
"Hayun siya abbie oh naka pwesto sila malapit sa dance floor kasama ata mga katropa niya" sabay turo naman ni chesca
"Okay girls may plano tayo, Mamaya aarte tayong nagtatawanan then pag nakalapit ka na kay felix dakmain mo na agad yung junjun niya,Ang chismis kasi daks daw yan". Ani ni mika
"Sus mas malaki kaya akin kaysa kay felix kaya abbie yung akin na lang yung hawakan mo hindi ka magsisisi" sabat naman ni bryce ang epal talaga nito.
"Weh di nga bro, baka nagseselos ka lang bryce" sabi ni nikko
"Yuck eww bat ko naman hahawakan yung iyo?" sabi ko
"Bakit tatanggi ka pa ba abbie? 9 inches din to" ani bryce
"OH MY GAD! Ano ba naman yang pinaguusapan niyo wala na ba kayo ibang paguusapan? Saad ni chesca
Nag start na kami mag inom.
Habang nagiinuman na kami dito napapansin kong nagiging wild at maingay na ang paligid andyan yung may nagsisigawan, may nag hahalikan sa gilid and yung sa dance floor marami nang nagsasayaw.
KASALUKUYAN akong nasa 2nd floor naka pwesto sa railings at tanaw ko ang mga nagsasayawan.
Biglang napako ang tingin ko kay marcus ayun siya sa malayo at may kausap na babae. Ito ba yung babaeng tinutukoy nila lincoln?.
Actually hindi naman to namamansin si marcus e snobber na tao to, pero teka parang familiar yung kausap niyang babae.
"Abbie"
Napalingon ako at naka ko si felix ang gwapo niya talaga.
"Hi felix sorry nga pala sa inasta ni bryce kanina ah"
"Its okay abbie sorry din actually hindi ko alam na boyfriend mo pala si bryce kung alam ko lang hindi ko na sana kayo inistorbo kanina"
"Hindi ko siya boyfriend felix, bestfriend ko siya"
"Ganun ba kasi minsan nakikita ko si bryce kung sino-sino yung kasamang babae"
Tumabi siya sakin at Sumandal na rin sa railings at nakatanaw sa baba.
"Abbie is it true na may crush ka daw sakin?"
Humarap ako sa kanya
"Huh? At kanino mo naman nalaman yan?" Tanong ko sa kanya.
"Kay mika" he replied while drinking
Putcha Humanda ka talaga sakin mika pag nakita kita.
Naramdaman ko may humawak sa bewang ko habang kausap ko si felix.
"Abbie tawag tayo nila leigh sa table" bulong sakin ni bryce habang nakatingin siya kay felix
"bye felix ahm next time na lang ah?"
"Sure abbie"
Bumalik kami sa table namin at nahuli sa pagbalik si marcus at napansin kong medyo magulo na yung buhok niya.
"Marcus mukhang katatapos lang ah?"bungad sa kanya ni nikko
Ngumisi lang si marcus habang umupo sa tabi ni leigh at nikko
"Awit pre naka score na naman si marcus,pano ba yan bryce natatalo ka na ni marcus" biro ni lincoln
"Gag*" sabi ni bryce
"Okay guys let's play a game 'spin the bottle' then kung kanino tumapat yung bote dapat magawa niya ang dare, ano ayos ba?" sabi ni leigh
We all agree kaya pinaikot na ni marcus yung empty battle sa table namin at tumapat kay chesca
"woah chesca I dare you to dance in front of a guy" dare ni lincoln kay chesca
"Kung ayoko gawin anong consequence?" Tanong ni chesca ilag kasi si chesca sa mga lalaki lalo na kapag nagbibigay ng motibo sa kanya lumalayo na siya. Sa ganda ba naman niya e marami talaga gustong manligaw sa kanya. Mataas din standards nito sa lalaki.
"Gagawin mo lahat ng assignments namin and ikaw ang bibili ng pagkain namin deal?" Sabi ni nikko
"Fine, I will dance in front of a guy" sabi ni chesca naka dalawang shot muna siya ng alak then umalis na siya sa table namin at naghanap masasayawan na lalaki sa dance floor at nakita namin syang nag twerk sa harap ng isang lalaki sa bar. Wow ang hot niya pala sumayaw.
"Happy?" Ani chesca Pagkabalik niya sa table namin
"Grabe chesca we didn't know that you're hot when you dance" puri sa kanya ni leigh.
At pinaikot ulit ni marcus yung bote at tumapat yun kay bryce na akma pa syang iinom ng shot at mahinang napamura
"Bryce I dare to kiss a woman you would like to kiss" dare ni nikko habang nakatingin sakin ng naka ngisi.
At nagulat ako nung bigla kong naramdaman na tumabi sakin si bryce at tumingin siya sakin hinawi niya ang buhok papunta sa tenga ko at unti-unting lumapit at naramdaman ko ang malambot nyang labi sa labi ko.
Medyo tumagal yung paghalik niya sa mga labi
I feel my heart beat faster while he kissing me
At naramdaman ko gumalaw yung labi niya at pinalalim pa yung paghalik nya sakin.
At teka bat ang sarap niya humalik?
'Someday you'll get addicted by my kisses abbie' bigla ko naalala ko yung sinabi niya sakin kanina.
"Oy pre tama na yan tagal mo naman humalik naenjoy nyo na ata ah" sabi ni lincoln sa kanya
Nanlaki ang mga mata ko nung narealize kong hinalikan niya ko. Gosh! That was my first kiss.
Wait first kiss?. Siya ang first kiss ko? At sa bestfriend ko pa talaga naranasan yon?
To be continued