“LITTLE pigs! Little pigs! Let me in! Let me in!” Iyon ang bumungad sa pandinig ni Zarina ng magtungo siya sa sala na bahay nila. As usual ay magkasama na naman ang mag-ama. Nakaupo si Andrew sa sofa, habang si Zeus naman ay nakasandal sa katawan ni Andrew. Binabasahan ni Andrew ng story ng Three Little pigs si Zeus. “No! No! No! Not by the hairs on our chinny chin chin!” Wika ni Andrew. Napatingin naman siya kay Zeus. Iiling siya nang makitang nakapikit na ang mga mata nito. Mukhang nakatulog na ito mula sa pagbabasa ng story ni Andrew. Naglakad si Zarina palapit rito. At mukhang napansin ni Andrew ang presensiya niya dahil inalis nito ang tingin sa binabasa at nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Uhm, may kailangan ka?” Tanong ni Andrew nang magtama ang mga mata nila. Nginuso naman ni

