Nakahinga naman na ako ng maluwag dahil nakaalis ako ng matagumapy sa loob ng green house. Una sa lahat hindi ko naman sila naiintindihan bukod doon baka kailangan nilang mag-usap ng sila lang kaya nga nagkunwari akong pupunta ng cr kahit hindi naman. Pero hindi ko pa din mapigilang macurious kung bakit ganoon yung naging reaction ni Joanna kay Tyron meron bang namamagitan sa dalawa? "Ate!" Nagitla ako sa ginawang pang-gugulat ni Monica kaya nawala ako sa pag-iisip ko ng malalim hindi lang din naman yun yung iniisip ko eh marami nagkataon lang na napasingit yun. "Ano na naman?" "Umalis ka kasi bigla kaya sinundan kita atsaka ayaw ko doon boring." Napailing na lang ako sa pagiging isip bata ni Monica mas matanda nga siya sakin pero parang ako pa ang mas matanda. Pero bagay naman sa ka

