Lahat sila ay nananatiling tahimik sa pag-alis ni Joanna samantalang si Tyron naman ay nakahalumbabang nakatingin sa kawalan at panay ang buntong hininga. Si William ang unang bumasag sa katahimikan. "Why do you do that?" Mahinahon naman ang pagkakasabi niya dito pero seryoso kaya kailangan mo talagang magseryoso. Tumingin ako kay Tyron na nakatingin na kay William ngumiti ito ng nakakaloko sabay suklay sa kanyang buhok. "I think I did the right thing" anong tama sa ginawa niya? Sinaktan niya si Joana, kahit hindi siya magsalita nakita ko ang sakit sa mga mata niya. "Ano bang pinagsasabi mo? Kuya Tyron? Atsaka parang wala lang sayo yung ginawa mo kay Joanna?" Sabi ni Monica sila-sila lang ang nag-uusap maliban saakin, kay Xian, Chris, Kit, Akira, at Niccolo na nakatuon lang ang atens

