Chapter 4

1234 Words
Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon. Sumasakit ang ulo ko sa nakikita ko. Ang ikli naman nitong palda parang kinapos sa tela. Kailangan ba talaga ganito kaikli? Atsaka long sleeves? Wala naman tayo sa malamig na lugar para maging ganito ang uniform. "Aba ang ganda naman anak ko parang ibang tao ang kaharap ko ngayon ah." Mas sumimangot lang ako lalo ng pumasok si Tatay Ben sa kwarto ko. Inaasahan ko na talagang pupurihin ako ni tatay syempre once in a lifetime lang akong magkapagsuot ng ganitong mga damit. Puro pang-boyish kasi halos lahat ng mga sinusuot ko. Syempre hindi naman marunong sa mga pambabae si tatay. "Si tatay talaga galing mambola kaya tuloy yang ulo niyo soccer ball na. Pero tay bibisita talaga ako ha tuwing may oras ako." Pinilit kong magbiro kaso hindi naman natawa si tatay, iyan tuloy mas lalo akong nalulungkot. Ito kasi ang unang beses na magkakahiwalay kaming dalawa. Kung hindi naman ako pinilit ni tatay hindi ko naman tatanggapin yung scholarship. Ayos lang saakin kahit saang school pumasok basta makatapos lang ako. Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko sa dorm na titirhan ko. Sinasalansan ko ng maayos ang mga damit ko sa maleta ng may makapa ako. Kinuha ko iyon hanggang sa makita ko kung ano yung nahawakan ko sa ilalim ng mga damit ko. Isang kwintas ang bumulaga saakin. Pinagmasdan ko iyon ng maigi. Naalala ko na regalo ang kwintas na ito saakin nung 7th birthday ko. Hindi ko na ito sinusuot kasi hindi naman bagay ang mga ganito sa tinitirhan namin. Atsaka baka manakaw lang, sayang naman. Locket ang kwintas pero kailangan ng susi para mabuksan. Kibit balikat kong ibinalik sa bag at isinama ang kwintas. Alam kong gaya ko nalulungkot rin si tatay Ben. Kaya nga imbis na magdrama pinipigilan ko na lang ang sarili ko para hindi na siya mas malungkot pa. "Mag-iingat ka anak dun ha? Tatawag ka?" Pilit at halatang nalulungkot si Tatay. Naiiyak tuloy ako pero pinigil ko na lang. Hinatid niya ako hanggang sa labas ng bahay namin. Maingay ang ilan sa mga kapitbahay namin pero hindi noon napigilan ang pagpapalitan namin ni Tatay ng goodbyes. Niyakap ko si tatay ng mahigpit, siya na mismo ang pumara ng tricycle kasi ayaw kong humiwalay sa kanya. Nakakainis sabi ko hindi ako iiyak! "tatawag ako tay, babye na." * Huminga ako ng malalim ng makita ko ang kabuuan ng school. Ang sama ng pakiramdam ko. Ganito siguro ang nararamdaman kapag napupunta sa isang lugar na hindi pamilyar. Para akong nasusuka na nababanyo. Atsaka ramdam ko agad na ibang-iba ako sa kanila. Habang tinitignan ko ang mga tao may ilan ring nakatingin saakin. May iba pang nagbubulungan atsaka parang ang sama ng tingin nila saakin. Nakakaasiwa, ganito ba talaga dito? Wala namang masama sa suot ko at itsura ko pero kung tingnan nila ako. "Uhmm miss excuse me?" May babae na lumapit saakin. Matangkad, maputi at bilog na bilog ang mga mata. Ang awkward. Tumabi ako kasi sabi ni excuse me, hindi ko naman alam na nakaharang na pala ako sa daan. "Kyahhhh ang ganda mo naman Miss, teka are you the new student?" mangha nitong tanong sakin. Sasagot pa lang ako sa tanong niya pero kaagad niya na akong nahawakan sa braso at hinila. Wala akong nagawa dahil nabigla ako at ayoko namang magwala dito. "U-uy teka lang saglit, saan mo ba ako dadalhin." Hindi naman ito sumagot. Ako na lang talaga ang magaadjust. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang mangyari. Hindi naman yata niya ako kikidnapin. Ang cute nung bag niya ang daming borloloy na nakasabit, parang elementary lang, ang weird. Nakaipit ang mahaba at itim niyang buhok na may pagkakulot sa laylayan. Hindi halata na mahilig siya sa mga cute na bagay. Pero teka bakit ba ako nagpapahila rito eh may pupuntahan pa ako? Pinilit kong higitin yung kamay ko sa kanya. "Sandali nga sandali sandali!!" sabi ko. Inayos ko yung polo ko na nakalaylay na dahil sa walang pakundangan niyang paghila saakin. Natigilan yung babae at teka, iiyak ba siya? " hindi ko naman sinasadyang magalit ka ate." Nakayuko ito at sa tono pa lang ng boses niya alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko. Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Hindi naman ako galit pero parang inassume niya na ganoon nga ang dahilan kung bakit ko siya pinigilan sa gusto niyang mangyari. "A-ahh e-ehh s-sandali" nagpapanik na ako. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya at aaluin o magsasalita na lang total hindi naman kami close para gawin ko yun sa kanya. "e-eto na oh ayan na magpapahila na basta tumigil ka lang sa pag-iyak kahit saan mo ako hilahin sasama ako." Ngumiti pa ako ng pilit dahil halata sa mukha niyang hindi siya naniniwala sa arte ko. Ang segurista naman ng babaeng 'to! Nagliwanag bigla ang itsura niya kaya nawala na ang pagpapanik ko. Medyo kinabahan ako kasi baka mamaya niyan may makakita saakin sabihin pa na nambubully ako. "Talaga ate yehey sabi nga ba tatalab sayo" Konting haba pa ng pasensya Narumi. Breath in, breath out. "Huwag kang mag-alala ate akong bahala sayo ok?" Alanganin akong ngumiti, bakit parang masama ang kutob ko sa babaeng 'to. Ok, sige go with the flow na lang kaysa naman umiyak na naman 'to. * Bakit pakiramdam ko nakapunta na ako dito? Dinala ako ng babae sa isang pamilyar na kwarto. Matapos niya akong hilahin papasok sa isang malaking building na hindi ko na nalaman kung para saan ay iniwan niya kaagad ako. Parang nakapunta na ako dito, déjà vu? Nagkibit balikat na lang ako kasi imposible namang makapunta ako sa ganitong klaseng lugar. First time ko pa nga lang pumasok dito. Iniwan ako nung babae sabi niya babalik siya at may tatawagin raw. Grabe, bakit ba nagpapauto ako sa kanya? Sabi niya rin dito muna ako. Ni hindi niya man lang sinabi kung anong kwarto ba itong pinagdalhan niya saakin. At bakit niya ako dinala dito. Malaki ang kwarto na pinagdalhan saakin. Office siguro ito kasi kagaya siya ng office ni Sir Sato. May mga sofa rin at ang kaibahan nga lang puro medals, trophies, at pictures ang nakalagay sa buong kwarto. Dito siguro nila nilalagay ang mga napapanalunan ng mga estudyante nila. Nakakamangha ang dami nila. May mga pictures na nakasabit sa dingding pero dahil sa mga kurtina na nagtatakip sa bintana hindi ko masyadong maaninag ang mga 'yon. Sabi nung babae huwag raw akong aalis sa pwesto ko kaya pinagtyagaan ko na lang na tumingin mula rito sa kinauupuan ko. Habang nagmamasid sako sa paligid nakuha ang atensyon ko ng isang family picture na nakapatong sa isang table na hindi kalayuan sa isang sofa. Di ko masyadong maaninag iyon dahil nasa madilim na parte ng kwarto. Nacurious ako bigla kaya nilapitan ko 'yon. May kung anong nagtutulak saakin na tignan ang picture. Hindi naman malalaman nung babae na umalis ako sa pwesto ko. Kabang-kaba ako habang naglalakad papunta sa pinaglalagyan ng picture. Wala naman akong gagawing masama pero pakiramdam ko mali ang gagawin ko. 'Di ko naman nanakawin yung picture gusto ko lang makita. Nakalapit ako sa table, akmang hahawakan ko ang picture ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Ibaba ko naman sana sa table, yun nga lang dahil sa pagkataranta nabitawan ko 'yon kaya bumagsak at kasabay noon ang pagbukas ng malaking pintuan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD