Chapter 3
Isa lang ang masasabi ko sa lugar na ito, sobrang ganda!
Sobrang laki ng buong school at ang so-sosyal pa ng mga tao. Pangmayaman nga talaga ang school na ito kumpara sa dati kong pinapasukan. Kung doon sosyal ang mga tao dito triple. Ako lang yata ang mukhang out of place.
Yung mga facilities nila dito sobrang bongga at napakahigh-tech din. Kagaya na lang nung sa entrance na mayroong scanner ng i.d. Iyong mga security guards nila akala mo mga secret agent.
Hindi na nakakapagtaka na isa ito sa pinakasecure na school sa buong bansa.
Nakakamangha ang lawak ng lugar, presko ang simoy ng hangin dahil sa mga puno na pumapalibot sa buong school. Gustong-gusto ko ang ganitong ambiance lalo na kapag nagbabasa. Masarap sa pakiramdam na nakakalanghap ng sariwang hangin.
"OH MY!!!"
Bahagya akong napaipod sa kinatatayuan ko ng may bigla na lang sumagi sa akin. Mabuti na lang at na-balance ko ang sarili ko kaya hindi ako natumba. Pinagpagan ko yung parte ng damit kong nasagi dahil bahagya iyong nagusot. Binaling ko ang atensyon ko sa kung sino mang taong galing kung saan ang bumangga saakin.
Hindi man lang nagsorry!
"How dare you," bigla nitong sinabi saakin. Nanlaki naman ang mga mata ko. Ako pa talaga ang may kasalanan?
"Huh??" pagtataka ko dahil bukod sa ako na nga ang nabangga ako pa yata ang mapapahamak.
Nakita kong bigla siyang namula sa inis, maputi siya kaya madali mahalata kahit hindi naman mainit. Na-offend ba siya dahil nabangga ko siya kuno? O dahil isang kagaya ko ang nabangga niya, isang kagaya ko na hindi niya kapantay.
Parang ngayon lang yata nagsisink sa akin kung ano ba itong pinasok ko. Ang reyalidad na maaari kong kasadlakan dahil sa desisyon na ginawa ko.
"Huh? Huwag kang painosente riyan, sinadya mo akong banggain, ikaw babae ka!" medyo maarte at may slang ang pagkakasabi niya. Hindi ko napigilan na tignan siya mula ulo hanggang paa, hindi sa paraan na nakakainsulto talagang pinagmasdan ko lang siya. Napailing na lang ako sa napagtanto. Mga mayayaman talaga, ang aarte.
"Excuse me miss pero sa pagkakatanda ko nakatabi ako dito habang busy ka sa pakikipagtsismisan sa mga kasama mo," paliwanag ko at muli inayos ang sarili pati ang bag kong muntik ko ng mabitawan, agad kong isinabit iyon saaking kabilang balikat.
Siguro naman hindi niya ako aawayin?
Kalmado lang ako habang pinagmamasdan ko siya ngunit may halo iyong pagbabanta. Unang araw ko pa lang dito kaya naman ayokong gumawa ng kalokohan pero hindi ko naman yata hahayaan na bastusin ako. Pero hindi ako yuyuko sa lebel niya para patulan ko pa siya.
"A-anong sinabi mo?" dinuro-duro ako nito sa mukha gamit ang matatalas niyang kuko. Grabe naman, ang yaman yaman pero walang pambiling nail cutter?
Inilagay ko sa bulsa ko ang dalawa kong mga kamay at inis na tinignan ang babae. "Sa susunod huwag kang naninisi ng walang katibayan! Hindi ako magsosorry dahil wala naman akong kasalanan," nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakatunganga sila saakin.
Shocks iyong kaba ko abot langit! Mabuti at hindi na niya ako sinundan. Malay ko ba kung sinong kamag-anak non at kung kaninong makapangyarihang pamilya siya galing. Mukhang hindi ko yata magagawang maging lowkey sa school na ito kung unang araw pa lang may kamuntik na akong may makaaway.
Pero syempre hindi ako pumunta sa eskwelahang ito para maliitin at mabully ng mga kagaya nila. Hindi ako ang inaapi dahil ako ang nang-aapi hindi uso saakin ang mga inaapi porke mukha akong nerd o di kaya't kaiba ako sa estado ng buhay nila.
Mahirap man o mayaman dapat patas lang. Sayang naman ang edukasyong ibinigay kung asal basura naman.
Malayo-layo na rin ang nalakad ko at nakakapagtaka na parte padin naman ito ng school pero wala ng mga estudyante akong nakikita. Naligaw ba ako?
Ang lawak ng lugar na ito. Parang malawak na field at may nakaagaw ng atensyon ko. Hindi malayo sa kinatatayuan ko ay isang malaking glass like building. Nakakamangha ang ganda nito mula sa malayo. Napapalibutan iyon ng mga halaman na may hugis. Bukod doon may mga halaman na gumagapang ang pumapalibot sa kabuuan nito.
Manghang-mangha ako sa nakikita. Kung maganda sa labas, paano pa kaya sa loob?
Wala akong nakitang kahit anong nakapaskil na nagsasabing bawal puntahan ang lugar na iyon, at kung meron man hindi noon mapipigilan ang kuryosidad ko! Natural na siguro sa akin iyon, iyong kahit delikado pupunta pa rin. Minsan gusto ko na lang batukan ang sarili.
Napapailing na lang ako sa naiisip ko. Unang araw ko pa lang dito gumagawa na kaagad ako sa gulo.
"Wow."
Wala akong masabi. Nang hawakan ko ang seradura ng glass door, pinunasan ko muna ang kamay ko sa takot na madumihan iyon, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at binuksan iyon.
"Parang nakakatakot namang dumihan ang pintuang ito" bulong ko.
Nang tuluyan akong makapasok sa loob, halos malaglag ang panga ko sa mga nakikita ko. Para akong nasa isang paraiso! Ang daming bulaklak at iba't-ibang kulay ang iyon. Green house pala ito, akala ko bahay!
Ultimo ceiling ng green house may mga nakasabit na bulaklak. At dahil gawa sa glass ang dingding pati bubong ng green house, kitang kita ko ang magandang kalangitan. Asul na asul iyon at may iilan pang mga ulap.
Habang nakatakip sa bibig dahil sa pagkamangha ay hinayaan ko ang sarili na maglibot sa buong lugar. Basta ko na lang ibinaba ang bag ko sa kung saan. Ganoon ako kasabik na maglibot. Parang panaginip lang.
Sa gitna ng green house ay may sofa set na nakapwesto. Iyong tipong pang mayaman tapos may fountain pa sa gitna na napapalibutan din ng mga bulaklak. Mahal ko na yata ang lugar na ito, sobrang ganda!
Bakit ganoon, parang Deja vu. Sigurado akong ito ang unang beses na nakapunta ako rito kaya bakit parang may nararamdaman akong kakaiba. Para bang pamilyar ako sa lugar, parte ba iyon ng panaginip ko? Pero bakit at paano? Imposible naman na galing ako sa mayaman na pamilya!
Napakaimposible... dahil kung ganoon nga bakit hindi nila ako hinahanap?
Itinigil ko na ang paglilibot bago pa may makakita sa akin. Kung walang mga estudyante rito, isa lang ang ibig sabihin noon, baka hindi pwede na puntahan ito. Kahit ganoon hindi pa rin ako papaawat na pumunta. Babalik ulit ako bukas para dito tumambay!
Mas na-excite tuloy akong pumasok bukas. Talagang lulubusin ko ang oras ko dito at sa paglilibot sa kakaibang eskwelahan na ito!
*
"So how's the school? Did you like it?"
Nadatnan ko si Mr. Chris Sato sa office niya. Nakangiti ito ng pumasok ako.
Grabe hanga na talaga ako sa school na ito. Kahit opisina ni Mr. Sato ang ganda din. Ang lawak pa at may mga bookshelves na nakakalula tignan. Binabasa niya kaya lahat ng mga libro doon?
Umupo ako sa isang swivel chair na nasa harapan ng table niya at humalumbaba doon. Kung tutuusin dapat matakot ako o maintimidate kay Mr. Sato pero hindi ko maramdaman ang mga iyon. Isa pa parang wala rin naman siyang pakialam sa kung anong gawin ko.
Hmm weird lang.
Narinig kong natawa siya, parang nakakainsulto naman. Kung alam niya lang sana ang pinagdaanan ko kanina.
"Narinig kong may nangyari na kaunting hindi pagkakaintidihan kanina," kakaiba ang titig na ipinupukol niya sa akin, hindi iyon galit kundi parang namamangha siya.
Mukhang nakarating na pala sa kanya pero hindi ako kinabahan sa tinanong niya. Wala naman kasi akong ginawang masama. Mabuti nga't hindi ko na pinatulan pa ang babaeng iyon. Ok na rin baka pagsisihan ko kung gaganti ako.
"Hindi niyo naman nasabi na may pagkatsismoso pala kayo. Hayaan niyo na lang ang nangyari atsaka siya ang may kasalanan," ismid ko sumama tuloy ang timpla ko nang maalala na naman iyong nangyari kanina.
"May tanong lang po ako, nasaan ang classroom ko? May locker ba atsaka dito na po ba ako titira?" sunod sunod kong tanong ng makabawi.
Mabuti nang naniniguro dahil ayoko naman ako pala ang dehado rito. Nag-abala pa naman akong lumipat. OA ko lang talaga...
Dahil hindi pa siya sumasagot, inabala ko ang sarili sa paglibot ng tingin sa maganda niyang opisina. Dumako ang tingin ko sa table niya.
"You're rude. Anyway, you reminds me of my friend, you share the same attitude so I will let this slide for the mean time. But it doesn't mean I will tolerate it. Good morals is important in this school. We don't tolerate bullies, and rude students."
Ha? Bakit ang sama ng ugali nung mga babae kanina?
Napalunok ako at umayos bigla ng upo. Behave, Narumi. Nakakatakot naman, hindi na pala ako pwedeng gumawa ng kalokohan dito. Tiyak na hindi sila magdadalawang isip na patalsikin ako. At nakikita ko iyon sa mga mata niya.
Pinagmasdan ko na lang ang mga sapatos ko.
"May dorms dito if that is one of your concerns. I'll give you the key to your room. Pwede ka ng lumipat bukas. Since you are a scholar suportado ka ng school. All expenses will be paid in exchange to of course your grades. Kaya dapat galingan mo palagi."
Bigla akong napressure. Totoo na madali lang para sa akin na matutuhan ang ibang leksyon pero hindi basta basta ang eskwelahan na ito. Maaaring iyong talino ko ay kalahati lang ng nandito. Syempre sipag at tyaga ang puhunan ko kaya ko iyon nakuha samantalang ang mga nag-aaral dito maraming paraan para mahasa. Pwede silang kumuha ng mga tutors.
Kailangan kong magsumikap pa at doblehin ang effort na binibigay sa pag-aaral.
Inabot niya saakin ang school uniforms ko pati i.d. card. Pwede ko raw iyong ipakita kung may gusto akong pasilidad na pasukin. Iyong I.d card din ang magsisilbing pambayad ko sa loob ng campus kagaya sa canteen.
"You will start your day tomorrow. Goodluck!"
Bakit parang kinabahan naman ako sa goodluck na iyon. Parang iba ang kahulugan.
Bukas na mag-uumpisa ang pagpasok ko sa eskwelahang ito. Ano kayang mangyayari? Nakakatakot pero sana naman exciting para hindi sayang ang paglipat ko dito. Gagawin ko talaga ang lahat ng makakaya ko!