El Dotado Book 1: The Reader
Prologue
Year 2000.
Nagulantang ang lahat nang kumalat ang balita tungkol sa pagkawala ng maraming bata at ang malawakang pagpatay ng ilang mga pamilya sa siyudad ng Mortias, isang kilalang lugar sa timog-silangang Asya. Ayon sa mga awtoridad, ang naturang krimen ay kinasangkutan ng isang 'di kilalang organisasyon na naglalayong gamitin ang agham para sa mga masasamang plano.
June 2005, dahil sa isang intel na natanggap ng mga awtoridad, nakita nila ang laboratoryo kung saan dinala at inexperimentohan ang mga bata. Naabutan nila ang humigit-kumulang labing-limang batang nasawi dahil sa brutal na ginawa ng mga siyentipiko sa kanila. Ayon sa mga pulis, wala silang naabutan na buhay sa lugar na 'yon kung kaya'y ipinalabas nila na namatay lahat nang mga batang nawawala limang taon ang nakalipas.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, may tatlong bata na nakatakas mula sa pagpapahirap at bangungot ng laboratoryong yaon.
Ang tatlong iyon ay mapalad na nakatakas at nagkaroon ng pagkakataon na mamuhay ng payapa kasama ang mga bagong pamilya na kinabibilangan nila.
Tuklasin ang kwento ng mga mapapalad na mga batang may taglay na kakayahang makita ang hinaharap at masagot ang ila sa mga katanungan na kailan man ay hindi masasagot ng mga ordinaryong tao lamang.
The Reader
Aadi can read the cards. He can tell what's bound to happen in the future and answer questions from the past. Para sa kaniya, ito ay isang sumpang nakadikit sa kaniyang kapalaran. Isang kamalasan na nagtutulak sa mga minamahal niya papalayo sa kaniya.
Finn wants to prove himself to his father. He will do everything to gain his father's trust even if it costs his relationship with someone he treasured most.
He looked for him and finally, he found him. Hahayaan niya bang maulit yung nangyari noon at tuluyan nang mawala sa kaniya si Aadi o gagawin niya ang lahat upang maitama ang kaniyang mga pagkakamali?
"Show me..."
Author's note:
No part of this book shall be reproduced without the author's permission.
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Beware of foul words, misspelled words and grammatical errors. You have been warned! Enjoy~