Year 2007.
"You want to play with my B Daman toys? My dad bought me new ones." Tanong ni Finn kay Aadi.
"No, I don't want to. I'd prefer playing with Furby than your B Daman action figures. So lame, Finn." Wika ng bata sa kasama.
Ito ang unang beses na dumalaw si Aadi sa bahay ni Finn, ang nag-iisang kaibigan niya simula nang kupkopin siya ng bago niyang mga magulang.
"You know what, you always play with neutral toys."
"Neutral toys?" Nagtatakang tanong ni Aadi.
"Neutral toys, it's what I call toys na pwedeng paglaruan ng girl at boy. You know, I've never seen you playing B Daman or any action figures."
"E sa ayaw ko talaga sa B Daman mo, don't force me. Kung ayaw mong makipaglaro kay Furby, then fine. I don't want to force you. Just mind your own business, stupid child."
"Don't call me stupid. I am not stupid. Mommy said I'm a smart kid."
"Whatever, focus on what you're doing. Just leave me alone."
Kahit na naiinis si Finn kay Aadi, hindi niya magawang magalit dito dahil si Aadi lang naman ang nag-iisa niyang kaibigan sa lugar na 'yon. Kilala ang ama ni Finn bilang isang mahusay na pulis sa Mortias dahil sa napakaraming kaso at misteryong nalutas niya sa malaking bayan na kung saan sila nakatira.
"Ano kaya ang laman ng bag ni Aadi?" Bulong ni Finn habang dahan-dahan na binuksan ang bag na dala ni Aadi.
"Ang sabi ni daddy hindi ko raw dapat pakialaman ang gamit ng ibang tao lalo pa ng mga hindi ko kilala but I know Aadi and he's my bestfriend and so I will check on his bag." Patuloy pa rin siya sa paghahalungkat sa bag ni Aadi hanggang sa may makita siyang isang kahon.
"What is this?" Kinuha niya ang kahon at inilagay sa lamesa.
"Do not open. Ano kaya ang laman niyan?" Biglang nakaramdam si Finn ng galak at pananabik nang makita ang mga katagang 'yon na nakasulat sa itaas ng kahon. Dahil sa kagustuhang makita ang laman ng kahon, inalis niya ang tali na nakapulupot sa kahon at binuksan ito.
"Ano 'tong mga 'to? Are these Yu-Gi-Oh cards?" Hinawakan at tinigyan niya ang mga misteryosong cards na nakita niya sa loob ng kahon.
"What are you doing, Finn? Bakit mo pinapakialaman yung mga gamit ko?" Agad na pumasok si Aadi at kinuha ang mga card mula kay Finn, ibinalik niya ito sa kahon at niyakap ito ng mahigpit.
"Bakit ba ang damot-damot mo? Gusto ko lang namang makita yang laruan mo e," Aniya.
"These aren't toys. These are tarot cards." Inilayo ni Aadi kay Finn ang kahon na may lamang tarot cards at ang bag niya.
"Tarot cards? Is there a movie about that? Ngayon ko lang nakita ang mga 'yan e, ano bang special powers ng mga character na nasa mga cards?"
"They aren't toys. My mom said that you can use tarot cards to tell the future and answer questions from the past."
"Really? That's cool. Parang may super powers yung mga cards." Finn giggled. Namangha siya sa sinabi ni Aadi kung kaya'y gusto niyang masubukan ito.
"Let's try it." Hinablot ni Finn ang kahon mula kay Aadi at tumakbo siya palabas ng kwarto niya. Dahil sa takot na baka maabutan siya ni Aadi at mabawi yung kahon, pumasok siya sa kwarto ng papa niya.
"Finn, open the door. Give me back my cards!" Kinakatatok ni Aadi ang pinto ng silid.
"No. I will try to see how these cards predict the future. I want to know my job many years from now."
"Stupid, you can't read those." Bulong ni Aadi. Isinandal niya ang ulo niya sa pinto.
"Can you read it?" Nagulat si Aadi sa tanong ni Finn. Wala nang nagawa si Aadi kundi sundin ang sinabi ni Finn na basahin ang hinaharap at sugitin ang mga katanungan niya. Iyon ay kusang loob na ginawa ni Aadi upang mabawi ulit ang kahon mula sa makulit na kaibigan.
"Okay, but promise me you won't tell anyone about this."
"I promise." Nakangising sabi ni Finn habang itinataas ang kanang kamay.
Binuksan ni Aadi ang kahon at inilabas nag mga tarot cards. Inilatag niya ito sa kama ng papa ni Finn.
"Ano'ng gusto mong malaman?"
"Wait, I'm thinking. I wanted to know my future or pwede ring kung ano'ng mangyayari bukas but I still doubt you with your tarot-reading skills. Ganito nalang, to prove it you need to tell me what happened to my mom five years ago, why did she die. My dad didn't tell me about it kasi bata pa ako nang mangyari 'yon." Hindi naikwento ng papa ni Finn ang totoong nangyari sa nanay niya limang taon na ang nakakaraan. Maagang naulila si Finn nang mamatay ang kaniyang ina. Malakas ang kutob ni Finn na hindi aksidente ang pagkamatay ng ina niya.
"Are you sure?"
"Oo, I'm sure about it. My dad said that my mom died in a car accident but I don't believe him." Bakas sa mukha ni Finn ang kagustuhang malaman ang totoong nangyari sa kaniyang ina.
"Okay," Inipon ni Aadi ang mga cards, inilagay niya ang dalawang kamay sa ibabaw nito at sinabing, "Show me." Isa-isa niyang binuksan ang mga baraha.
Maya-maya pa ay biglang tumulo ang luha mula sa mata ni Aadi.
"Hey, why did you cry? You're lying to me. Hindi mo talaga nababasa yung card. Liar!" Sigaw ni Finn sa kaibigan niya. Inuga-uga niya si Aadi dahil wala siyang narinig na kahit na anong salita mula rito.
"Tell me—"
"Your mom," Pinusan niya ang luha niya at humarap siya kay Finn.
"A group of guy, r-raped her and killed her. She didn't die in an accident. She was murdered."
"A-ano?" Bakas sa mukha ni Finn ang gulat sa mga narinig niya mula kay Aadi, hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng kaibigan niya. Aadi's eyes can tell that he isn't lying, his sadness showed that he is telling the truth and he was hurt because of it.
"I-I feel weak." Hinawakan ni Aadi ang noo niya.
"Hey, are you okay?" Naramdaman ni Finn ang nag-aapoy na lagnat ni Aadi nang hawakan niya ang noo nito.
"Aadi. Aadi! Papa!" Ito ang huling narinig ni Aadi bago siya tuluyang nawalang ng malay.
Aadi
"Papa, okay lang ba siya?"
"He'll be fine."
"Aadi, wake up."
"Finn, stay away from him. He is a bad kid who brings misfortune to people near him. He is not good for you."
"But papa kaibigan ko p—"
"Stay away from him."
"Aadi, catch the ball!" Bumalik ang diwa ko nang makita ko ang bola na paparating sa direksyon ko.
"Ouch," Sabi ko nang tumama iyon sa ulo ko.
"Aadi, what are you doing? Get out of the court, Estupido!" Inirapan ko lang ang P.E teacher namin at lumabas ako sa volleyball court, "Substitute."
"Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Aadi? Madalas ka nang nag si-space out a, ayos ka lang ba?" Kinuha ko ang bottled water na ibinigay ni Alfred at umupo ako sa tabi niya.
"I'm fine. May mga naalala lang ako." Kinuha ko ang towel sa bag at pinunasan ang pawis sa mukha at katawan ko.
"Nandiyan na naman si Finn at ang grupo niya." Napahinto ako sa pagpupunas at tinignan ang bagong dating na grupo sa loob ng gym.
"'Di ba sabi mo bestfriend mo si Finn?"
"Noon," Bumalik ako sa ginagawa ko.
Iyon ang huling beses na nakausap at nakasama ko si Finn. After the event that happened in their house nine years ago, hindi na niya ako kinausap. Hindi na ako pinayagan ng papa niya na pumunta sa bahay nila. Noong una, akala ko ay takot lang si Finn na mapagalitan ng papa niya pero nang nagtagal, nakita ko ang lumalaking takot sa mga mata niya. Hindi na siya nakikipag-usap saakin hanggang sa tuluyan na niya akong nilayuan.
"Ano ba kasi'ng nangyari sa inyo? Nag-away ba kayo?" Tumayo ako at pumunta sa washroom upang maligo at magbihis na rin.
"Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ko kayo nakikita na nag-uusap o kahit magkasama man lang sa iisang lugar," Humarap ako sakanya.
"Don't worry. This doesn't concern you kaya kalimutan mo na ang sinabi ko sa'yo tungkol sa amin ni Finn." I patted his shoulder. Pumasok ako sa shower room at naligo.
Alam ko naman kung ano'ng kakayahan ko at kung ano ang masamang naidudulot nito sa katawan ko. I stopped reading cards when my foster parents died on their way to Canada. Ipinakita 'yon ng mga baraha pero hindi ko pinansin at hindi ko sinabi kina mama ang nakita ko. I felt useless, I regret not telling them and not stopping them from going. I blame myself for what happened and so I promised not to use the cards and to hide them away.
"Bahala na kung ano'ng mangyari sa hinaharap."
"May sinasabi ka?"
"Wala."
Bumalik ako sa classroom pagkatapos kong magbihis. This is an all-boys school, ito ang pinakamalapit na high school mula sa bahay kaya dito ko naisipang mag-aral. Hindi ko kaibigan si Alfred, he's friendly kaya kaibigan niya ang lahat except for me. I only talk to him whenever I wanted to.
"Uy, magkasama sila ni Alfred sa shower room. Ano'ng ginagawa niyo don?" Hindi talaga nawawala ang mga bully at siga sa loob ng classroom. They think that I'm gay because I don't talk much to most of my classmates at tanging si Alfred lang ang nakikipag-usap saakin.
"Stay away." Sabi ko sakanila.
"May nakakita raw sa inyong dalawa na naghahalikan don sa loob, totoo ba 'to? Pinatos mo na ba yung abnoy na 'yon?"
"Pwede ba, you have no right to talk to me like that. Pwera nalang kung mas mataas pa yung scores sa quizzes and exam mo kesa saakin. Kung gusto mo'ng makipag-usap saakin, mag-aral ka muna. Alis!" Sigaw ko. Ang lahat ay natahimik sa kanilang narinig. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero 'yon lang talaga ang nag-iisang bagay na pwedeng kong gamitin laban sa kanila. Atleast sa bagay na 'yon, angat ako.
"May araw ka rin saakin, faggot."
"Study harder, stupid." Sabi ko.
Nag-aaral ako nang mabuti to stay on top of my class dahil natatakot ako na kung hindi ako manguna sa klase ay baka mas lalo pa nila akong pahirapan dito sa school.
"Isang taon nalang Aadi, isang taon at makakaalis ka na mula sa impernong ito."
Hindi madali saakin ang ginawa ko, nag-aral ako sa umaga at nagta-trabaho naman ako sa gabi. Dahil sa kagustuhan kong makapagtapos ay ginawa ko ang lahat para maitaguyod ang sarili ko.