I was able to reap the sweet harvest of my hard work. The process was bitter but the outcome has proven its worth. I graduated on top of my class. I looked at them proudly as I delivered my speech to my batch mates.
Nahagip ng aking mga mata ang mukha ni Finn, and for a second, I saw the happiness in his eyes as he listened to everything that I am saying but it vanished the moment he realized that I was watching him. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip ni Finn mula pa noong napagdesisyunan niyang iwasan ako at kalimutan ang pagkakaibigan naming at ayokong tanungin ang mga baraha dahil natatakot ako na baka mas lumayo pa siya saakin.
"I don't want to leave this place with some unfinished business. I will talk to him." Bulong ko habang pinapanood ko siya na kinukuhanan ng litrato ng ama niya.
"Congrats, smart boy." Sabi ni Alfred.
"Thank you, Alfred. I'm sorry for everything. You've been a very good friend to me and I appreciate your effort of talking to me amidst my attitude." I told him. He just smiled at me and went back to his family.
Watching my batchmates with their family is heartbreaking, many times I have wished that I could also experience the love and support of a family. Alam ko naman na kahit na ilang ulit kong hingin sa taas na ibalik yung pamilya ko hindi pa rin ito mangyayari.
"O, bakit ka umiiyak diyan? Stop crying. Alam mo naman na pinaka-ayaw ng mama mo na nakikita kang umiiyak."
"Sorry po, tita. Natutuwa lang talaga ako." I wiped the tears that fell from my eyes.
"Aadi?" Lumapit saamin ang principal ng school, "Congratulations, I'm sure maraming naghihintay na opportunities sa'yo for college. Saan mo ba balak mag-aral?"
"Thank you po. Actually, naisipan po ni tita na isama ako sa lugar nila. I think doon na rin po ako mag-aaral for college." I told him.
"Kung 'yon ang plano niyo, I wish you luck at sana matupad mo ang mga plano mo sa buhay." Huling sabi niya bago siya umalis.
"Naihanda mo na ba yung mga gamit mo, Aadi?"
"Opo, tita."
Nakita ko na nag-iisa nalang si Finn at busy naman ang papa niya sa pakikipagusap sa mga teachers at principal.
"Tita, mauna na po kayo sa kotse may kakausapin lang po ako saglit."
"O sige, bilisan mo Aadi." Sabi niya at nauna na siya sa kotse.
Sinundan ko nang tingin si tita habang naglalakad siya papunta sa parking lot. Wala na si Finn nung ibinaling ko ang tingin ko sa kaniyang kinatatayuan kanina.
"Wait," A hand suddenly grabbed my hand and drag me causing me to run with him. Habang tinitignan ko ang kamay niya parang tumalon bigla yung puso ko, I recognized him.
"Finn." Huminto kami sa pagtakbo nang makarating kami sa likod ng gymnasium kung saan walang mga tao.
"Aadi, congrats." Hindi pa rin siya makatingin sa mga mata ko habang binabati ako.
"Congrats din, Finn." I bit my lower lip. Para kasing nadudurog yung puso ko habang pinapanood ko siya na parang natatakot saakin.
"Hindi mo naman kailangang lumapit saakin," Panimula ko.
"What are you saying?"
"I know that you're scared of me, I'm not normal 'di ba 'yon yung sabi ng papa mo sa'yo?"
"Hindi naman sa natatakot ako sayo—" I cut him off.
"Natatakot ka sa papa mo. I understand Finn. Gusto ko makipag-usap sa'yo dahil ayaw kong umalis dito sa Mortias nang hindi ka nakakausap. It's been nine years since the last time na nakipag-usap ka saakin and I can still remember everything."
"A-aalis ka?" Bakas sa mukha niya ang gulat.
"Oo, I'll be staying at my tita's place for good. Hindi ko alam kung kailan ako babalik dito o kung gusto ko pa bang bumalik. This place is full of memories both good and bad." Kinuha ko ang handkerchief sa bulsa ko. Ito yung handkerchief na matagal ko na sanang gustong ibigay sakanya, it has my name embroidered in it. I think this is the best time to give this to him dahil aalis na rin naman ako.
"O, remembrance. Salamat sa friendship." Inabot ko sakanya ang panyo.
"Aadi." Tumapat sakanya ang pangalan ko.
"Thank you." Huli kong narinig sakanya bago ko sa tuluyang iniwan. I didn't expect that the thought of leaving my bestfriend would be this painful to me.
"Bakit ko ba nararamdaman 'to?"
I packed all my clothes, ibinigay ko sa mga batang kapitbahay namin ang mga laruan ko na napaglumaan na ng panahon.
"The tarots," I said nang makita ko ito na nakapatong sa bed ko.
"Aadi, let's go!" Sigaw ni tita mula sa labas.
Hindi ko pinansin ang kahon. It's best to leave the bad memories here in this place, hindi ko na siya kailangang dalhin pa sa bagong bahay at buhay ko. Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay tumayo ako sa harap ng bahay naming at tinignan ito. Nakakalungkot dahil nakikita ko sina mama at papa na nasa loob ng bahay.
"Good bye, Mortias."