Step One:

1561 Words
Step One. "Ang ganda naman ng anak ko," puri sa akin ni mama nang makababa ako mula sa hagdan. "Ma, hindi ako maganda okay? Kita mo na ngang ang iksi na nga ng buhok ko, maganda pa rin ako." Pairap na sagot ko. Sumimangot si mama at saka pinitik ang noo ko. Napadaing naman ako sa sakit at agad na hinimas ang noo. Grabe naman 'tong si mama, ang brutal. "Ang ganda-ganda mong babae, magpapakatibo ka lang! Hala, sige! Magpakabaliw ka kay Ayesa! Sinasabi ko sa ‘yo, kapag ikaw iniwanan n'yan dahil nakahanap ng lalaki, 'wag kang ngangawa-ngawa sa akin ha!" Nagkibit balikat ako at humalik sa pisngi ni mama. "Yeah, right ma." Lumabas na ako ng bahay at inayos ang back pack na nakasabit sa likuran ko. Inayos ko rin ang palda kong maiksi. Kung bakit ba naman kasi ganito ang palda sa eskwelahan namin! Kita tuloy 'tong legs ko! Nagmumukha akong babae! Ang sagwang tingnan na ang iksi ng buhok ko pagkatapos ang iksi rin ng palda ko. Napakamot ako sa ulo nang maalalang susunduin ko pa pala si Ayesa sa bahay nila, kaya lumiko ako sa kabilang daan. Napakamatampuhin pa naman 'non! Konting pagkakamali ko lang iiyak na. Ang cute talaga ng bestfriend ko. Habang naglalakad nang matiwasay, natigilan ako nang may umakbay sa akin. Sanay naman ako sa mga barkada kong lalaki na bigla-bigla na lang umaakbay sa akin ngunit nang makita kong si Harold iyon, halos mapamura na lang ako. "Hi, love!" "Anak ng tupa!" Tinulak ko nga. Kumalas naman s'ya sa pagkakaakbay sa akin. Pero parang tangang nakangiti pa rin habang nakatingin sa akin. "Ang ganda naman ng good morning mo sa akin, love!" Ngiting ngiting sabi niya pa. Love? Pwe! At ngayon may endearment na s'yang tawag sa akin! Nakakadiri! Hindi pa rin talaga tumitigil ang isang 'to sa pangungulit sa akin. Nakakaimbyerna. "Tigilan mo 'ko Harold ha! Maganda ang gising ko, 'wag mong sirain kung ayaw mong bangasan kita." Tumuloy ako sa paglalakad pero nararamdaman ko pa rin ang pag-sunod n'ya sa akin. Hindi ko na lang pinansin, as long as malayo s'ya. Kapag kasi pinansin ko, mas lalong nang-aasar. Pero talaga nga namang araw-araw lumelevel up ang kagaguhan ng lalaking ito. Dahil napatigil na naman ako nang sumipol s'ya mula sa likuran. "Hoy! Ano? Hindi ako aso para sipulan mo!" sigaw ko sa kanya pagkaharap na pagkaharap ko. Ngumiti s'ya ng mapang-asar at bumaba ang tingin sa legs ko. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh! Lintek na palda kasi ito, ang iksi! Sino ba kasing nagpauso ng ganitong palda? At nang magilitan ko na. "Ang sexy ng legs mo, love! Pwede pahaplos?" Inambahan ko nga ng suntok. "Gago! Eh, kung ito kayang kamao ko ang tumama sa mukha mo? Manyak mo!" Tinalikuran ko na s'ya at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Ang manyak talaga. Nang nasa tapat na ako ng gate nila Ayesa, huminto ako at nag-doorbell. "Oh, Kray? Bakit?" tanong ni tita Aliah sa akin. "Ah, tita, si Ayesa po? Sabay po sana kaming papasok." Napakamot sa ulo si tita Aliah at sumulyap sa likuran ko. Nandoon pa kasi si Harold, bwiset. "Pumasok na eh, kanina pa. Ang tagal mo raw kasi." Sinulyapan n'ya ulit si Harold sa likuran ko. "Boyfriend mo?" Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Hindi po, ah!" Naramdaman ko nang umakbay sa akin si Harold. "Hindi pa po." Nanlaki lalo ang mga mata ko at malakas na itinulak ko s'ya. Nakakainis, hindi manlang natumba! Napaatras lang! "Hindi po, alam n'yo naman po na hindi ako nagbo-boyfriend!" Umiling iling si tita Aliah. "Naku, ganyang-ganyan nagsimula ang lolo at lola ko." "Naku tita, ibang henerasyon na po ngayon." "Naku, Kray! Sinasabi ko sa ‘yo, 'pag nagkatuluyan kayo niyan, una akong babati sa inyo." Walangya, kung alam n’yo lang po talaga na ang anak n'yo po ang gusto ko. Baka isumpa n'yo na po ako. "Oh, sige po! Aalis na po kami tita, baka ma-late na kami, eh." "Sige, at baka nagtatampo na rin si Ayesa. Naku, baka isang buwan na naman kayong hindi magpansinan." Natawa ako ng bahagya. "Oo nga po eh, sige po bye!" Inangat ko ang isang kamay ko at 'tsaka nag-wave. Tumalikod na ako kay tita, kaya bumungad na naman tuloy ang pangit na pagmumukha nitong Harold na 'to. Hindi naman sa pangit, pero sa totoo lang mas gwapo talaga ako. "Hilig mo na ba talaga ang simangutan ako?" tanong ni Harold habang naglalakad kami. Walking distance lang kasi mula sa bahay hanggang sa school. "Kapag nakikita kasi kita umiinit ang ulo ko." "Bakit ba kasi umiinit ang ulo mo? Pwede namang nag-iinit ang katawan mo sa sobrang kagwapuhan ko." Huminto ako sa paglalakad at nilingon ko s'ya. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Yung sobrang sama na pwede na s'yang mamatay. Pero wala, tumawa lang! Abnormal talaga. "Hindi ka ba talaga makaintindi, Harold?" Nagkibit balikat lang s'ya. Daig pa n'ya ang grade one! Grabe! "Nakakaintindi naman ako. Kung hindi, baka ginahasa na kita dito rin sa kalsada." Nagngitngit naman ako sa galit. Ginulo at sinabunutan ko ang buhok ko sa sobrang frustration! 'Tsaka ako sumigaw. "Hindi mo ba talaga naiintindihan? Babae ako, sa pisikal na anyo. Pero sa kaloob looban ko, lalaki ako. Babae ang gusto ko. Kailan mo ba maiintindihan 'yun Harold?! Magmula highschool, hindi mo pa rin talaga ako tinatantanan?! College na tayo, pero 'di mo pa rin maintindihan?! May sapak ka na ba sa ulo?!" Natulala sya sa sinabi ko. Bigla tuloy akong napadasal na sana ma-realize n'ya na, na hinding hinding hinding hindi talaga ako magkakagusto sa kanya! Pero nagkamali ako, dahil bigla siyang ngumiti. Baliw na talaga! Diyos ko po. "Ang ganda mo talaga, lalo na kapag galit ka love. Alam mo, kung sinasagot mo na kasi ako ngayon, edi sana natikman mo na ako." Humugot ako ng malalim na hininga bago siya tinalikuran. Kung hindi lang talaga masamang pumatay, baka matagal ko ng napatay itong lalaking ito. Naalala ko tuloy yung una kaming nagkita, yung unang araw na nagkakilala kami. Yung unang araw na kinamuhian ko si Harold John Silvestre. Tandang tanda ko talaga yung araw na 'yon, e. ~ "Ayesa! Tingnan mo, ang ganda nito, oh." Ipinakita ko kay Ayesa ang hawak kong keychain. May disenyo itong hello kitty. Mahilig kasi si Ayesa sa hello kitty kaya alam ko na magugustuhan n'ya ito. "Wow! Oo nga, ang ganda nga! Bibilhin ko 'to." Kinuha n'ya iyon mula sa kamay ko at tinitigan nang maigi. Ang ganda ganda talaga ni Ayesa, bukod sa maganda, mabait pa. Kaya nagugustuhan ko na siya, eh, sana lang magkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya na gusto ko sya. . . "Ako na ang bahala, babayaran ko." Nakangiting sabi ko sa kanya tsaka kinuha iyong keychain sa kamay niya. Naglakad ako papunta sa cashier, sumunod naman sa akin si Ayesa at ikinawit pa ang braso sa akin. Babayaran na sana iyon kaso lang may biglang bumunggo sa akin. "Excuse me, nagmamadali ako. Paunahin mo na muna ako." "Aray ko ha!" Inis na nilingon ko iyong lalaki. Bubulyawan ko na sana itong lapastangang lalaking bumunggo sa akin kaya lang nagulat ako nang natulala s'ya sa harapan ko. Naguluhan tuloy ako kasi akala ko ba nagmamadali siya? "Kuya? Anong nangyari sa ‘yo?" Tinapik ko ang balikat n'ya. "Ang. . .ang ganda. . ." Biglang sabi nya. Nangunot naman ang noo ko. Alam kong maganda si Ayesa, pero hindi pa nga ako nakakapagsabi ng lihim kong nararamdaman para kay Ayesa, uunahan n'ya na ako?! Hindi ako makakapayag! "Alam kong maganda si Ayesa, pero sorry dahil bawal pa siyang magboyfriend." Hinawakan ko ang kamay ni Ayesa at nilingon iyong cashier. "Miss, ito ang bayad ko para dito sa keychain." Inilapag ko ang singkwenta pesos na presyo ng keychain. Muli kong nilingon iyong lalaki pero nakatulala pa rin. Sinamaan ko nga ng tingin. "Hoy! Kung ayaw mong sundutin ko ang mata mo, tigilan mo na ang kakatitig mo sa–" Natigilan ako ng hawakan n'ya bigla ang pisngi ko. Hala?! Ano 'to?! May dumi ba ako sa mukha? "Ang ganda mo naman miss, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Hinawi ko ang kamay n'ya at nagsimulang kumulo ang dugo ko. "Ako? Ako ang maganda?!" Narinig ko ang malakas na tawa ni Ayesa at ang pang-aasar n'ya dahil ang haba raw ng hair ko. Diyos ko, kung alam mo lang ikaw ang gusto ko. "Oo, bakit? Ikaw lang naman maganda dito, ah?" Ngumiti s'ya sa akin. Gwapo s'ya, pero mas di hamak na gwapo naman ako. "Eh, kung tinatadyakan na kaya kita?!" inis na bulyaw ko sa kanya. "Eh, kung hinahalikan na kaya kita? Ang ingay mo, eh." Inambahan ko nga ng suntok. "Eh, kung magsapakan kaya tayo dito?!" "Excuse me," sabat 'nong isang sales lady. Pareho tuloy kaming napalingon doon. "Kung pwede, sa labas na po muna kayo mag-usap. Nakakaabala po kayo sa mga customer." Umirap ako at hinila na si Ayesa palabas ng shop. "Teka miss, anong pangalan mo?" At talagang hindi pa rin talaga ako tatantanan. ~ Hindi ko alam kung anong nasa isip n'ya at kung anong klaseng gayuma ba ang nainom n'ya kaya sobra-sobra ang pagkakagusto n'ya sa akin. Ang sarap patayin. "Love, 'wag mo naman akong iwan." Hindi ko na lang s'ya pinansin. Ang sarap talagang ipakain sa mga pating! Grabe! . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD