Step Two:

1509 Words
Step Two. "Inuman na! Inuman na!" sigaw ni Jaxton, isa sa mga barkada ko. "Yes! Bukas walang pasok tapos makakapagpahinga na tayo sa pagrereview! Kailangan talaga nating mag-celebrate!" gatong pa ni Allan. Umakbay sa akin si Jaxton at bumulong. "Tingnan mo sa likuran. Nakatingin na naman si Harold. Ngayon nga eh, ang sama-sama na ng tingin dahil nakaakbay ako sa 'yo. Obsessed talaga, ganda mo bes!" humalakhak si Jaxton. "Mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo Jaxton. Gwapo ako hindi maganda." Tumawa lang si Jaxton 'tsaka inalis ang braso n'yang nakaakbay sa akin. "Si Chris hindi ba sasama?" Tinutukoy ni Allan iyong isa pang tomboy na barkada rin namin. "Hindi yata sasama," sagot ko. "Paano 'yan? Ikaw lang ang babae?" Inis na binalingan ko ng tingin si Allan. "Bakit parang iba pa rin ako sa inyo? Alam nyo namang lalaki na ako 'di ba?" "Alam mo, concern lang kami sa 'yo. Kung gusgusin ka sanang tomboy, ayos lang pero hindi, eh. Ang ganda ganda mong tomboy, baka may isa nga sa amin ang tumalo sa 'yo kapag lasing ka," sabi ni Allan. Pinanliitan ko sya ng mga mata. "Tataluhin mo 'ko?" tanong ko. "Hala! Hindi ah, baka lang naman isa sa amin." Tunawa ako at itinaas ang kamao ko. Subukan lang nila. "Walang tatalo sa akin. Baka bangasan ko yung mukha n'ya." Napailing-iling na lamang si Allan sa naging reaksyon ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit masyado pa rin silang protective sa akin. "Bahala ka, buhay mo 'yan." Iiling-iling na sabi ni Allan. Nagtuloy kami sa paglalakad. Bale apat lang kami; ako, si Allan, si Karl at si Jaxton. Wala si Chris kasi maaga raw pinapauwi ng nanay n'ya. "Hey!" Napalingon kaming lahat doon sa tatlong lalaking sumusunod sa amin. Sila Harold na naman. Nag-umpisa na naman tuloy uminit ang ulo ko, kaasar talaga. "Oh, bakit?" inis na tanong ko. "Sasama kami, pwede ba bro? Libre ko na." Nakangiting alok ni Harold sabay lingon kila Allan at Jaxton. "No, thanks," tumalikod na ako. "Sige ba, pare! Tara sama kayo. 'Di naman kami KJ." Si Allan ang sumagot. Putsa. Basta talaga libre go lang ng go! "Hindi na pala ako sasama sa inyo," inis na sagot ko. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad pero hinila ni Jaxton ang kwelyo ng uniform ko kaya napaatras ako at napabalik sa kanila kahit hindi ko gusto. Lintek! "Aba, aba! Kanina lang gusto mong sumama, ngayon ayaw mo na? Bawal ang KJ!" Inalis ko ang kamay n'yang nakahawak sa kwelyo ng uniform ko 'taka nilingon s'ya gamit ang nanlilisik na mga mata. "Piniste! Oo na, tara na!" Nauna ako sa paglalakad. Pupunta kami ngayon sa Pontelo's Bar isa sa mga sikat na high end bar dito sa amin. Mayayaman naman kasi ang mga kaibigan ko pero ako? Normal na buhay lang, nakakakain nang matino sa isang araw, minsan naman sobra, eh. 'Tsaka libre naman ngayon ni Harold kaya wala na kaming gagastusin, bahala sya. Lalaklak kami nang napakarami hanggang sa malasing kami. Malakas na dagundong ng music ang sumalubong sa amin pagkapasok pa lang sa bar. Ang sakit sa tenga pero ang saya-saya! "Wooohh!" sigaw ni Jaxton at mabilis na dumiretso sa dancefloor. Babaero kasi 'yon. Dumiretso kami sa nakagawian naming pwesto dito sa PB. Tatabi sana sa akin si Harold pero inunahan na sya ni Allan at ni Karl. "Hindi porque libre mo kami, pwede ka ng tumabi sa bebe girl namin." Diretsong sabi ni Allan na halos ikasuka ko na. Binatukan ko nga. "Hindi pa ako lasing pero nasuka na ako sa pag-tawag mo sa akin ng bebe girl!" Reklamo ko. Umakbay sa akin si Allan. "Bebe girl ka parin namin." Inirapan ko na lang sya. Nilingon ko si Harold na masama ang tingin kay Allan. As in masamang-masama. "Bakit kung makatingin ka d'yan, parang papatayin mo na ako?" tanong ni Allan kay Harold. "Put your dirty hands off on my love's shoulder." Mariing pagkakasabi niya 'non. Napaawang tuloy ang bibig ko. Grabe! Kung makapag-utos akala mo girlfriend niya ako! Para naman tangang sumunod din si Allan. Ibinaba nga niya ang braso niya. "Okay, masyadong possessive. 'Di pa naman kayo." "Magiging kami rin." Tumawa si Allan sa sinabi ni Harold. "Kailan? Ang tagal mo ng nanliligaw sa kaibigan ko. Mula highschool pa, pero nagawa mo bang babae? Tanggapin mo na lang sana, na lalaki na talaga ang puso niya." Itinaas ni Allen ang kamay niya at nagtawag ng waiter. "Isang case ng beer," Tumango naman ang waiter at umalis na sa harap namin para kunin ang in-order ni Allan. "I promised you, Allan. Kassandrea will be mine." Nagkibit-balikat na lang si Allan. Parang hindi na naniniwala sa sinasabi ni Harold kasi paulit-ulit niya ng sinasabi yan. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako nakukuha. Paano ba naman kasi, lalaki talaga ang puso at isip ko at babae ang gusto ko. "Sino ba naman kasing hindi magkakagusto kay Kray, 'di ba?" biglang sabi ni Karl. Uminom na lang ako ng beer sa bote ko. "Kung hindi lang tomboy itong bebe girl namin baka pinatulan ko rin 'to, eh." Nilingon ko si Karl at sinamaan siya ng tingin. "Don't you dare." Napalingon naman ako kay Harold na masama ang tingin kay Karl. "Ang o.a mo talaga, Harold! Hindi naman kita boyfriend pero ang kapal ng mukha mong bakuran ako, sa mga tropa ko pa." "Because you're unfair. You let them do what I wanted to do with you without complaining!" Inis na sabi niya tsaka lumagok na rin sa bote ng beer nya. "Alam mo, Harold. Marami pang babae d'yan, bakit ba pinipilit mo sarili mo kay Kray?" Tanong ng kaibigan niyang si Uno. Umiling si Harold at matalim na tinitigan ako. "Because I only focus on one. Si Kray lang ang gusto ko. At lahat ng gusto ko makukuha ko." Tumayo na si Harold 'tsaka dumukot ng limang libo sa bulsa niya. Padarag na inilapag n'ya iyon sa lamesa, bahagya pang sumulyap sa akin. "As promised, I'll pay the bill." "Saan ka pupunta?" tanong ni Allan kay Harold. "Uuwi na, tinatamad na pala akong makipag-inuman." Naglakad na siya palayo sa lamesa namin. "Dito na lang muna kami." Paalam ni Cash, isa sa mga barkada ni Harold. Nagtaas ng kamay si Harold kahit nakatalikod na sa amin 'tsaka nag-wave ng kamay. "Whatever." Nagtuloy na sjya sa paglalakad hanggang sa hindi na namin siya makita. Nakonsensya tuloy ako bigla! Nakakainis naman, bakit kailangan n'ya pang iparamdam sa akin na makonsensya dapat ako? "Grabe talaga ka-obssess sa 'yo 'yun!" natatawang sabi ni Cash, "Mantakin mo, humiwalay sa amin ng university na pinasukan nang dahil sa 'yo! Grabe ka, ang tindi mo!" Inirapan ko si Cash at sinamaan ng tingin. "Dapat kasi, hinahanapan n'yo ng chics 'yang barkada n'yo at ng tantanan niya na ako." Lumagok ulit ako ng beer sa bote. "Ginawa na namin 'yan. Walang epekto," ani Uno habang nakatutok sa phone niya at mukhang may ka-text. "Baka naman ginayuma mo 'yun?" Nilingon ko si Allan at binatukan ng sobrang lakas. "Gago, diring-diri nga ako sa kany, eh!" "Ang sakit ha! Sinasabi ko lang baka nga nagayuma. Grabe kasi pagkaka-inlove sa 'yo. Ang creepy na nga eh, sa tapat pa ng bahay n'yo yung pinabili niyang bahay sa tatay niya. 'Di ba nakakakilabot?" dagdag pa ni Allan. "Tumpak! Parang gusto ko na ngang sapakin at iuntog ang ulo ng kaibigan kong iyon, parang hindi pa rin talaga nagdadala." Iiling iling na pagsang-ayon ni Cash. Nakonsensya naman ako bigla. Bakit ba kasi ako pa 'yung minahal ni Harold? Ang dami daming magagandang babae kaysa sa akin na tomboy. Harold's Point of View: Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang oras. Alas onse na ng gabi hindi pa rin umuuwi 'yong babaeng 'yun?! Hindi na ako mapakali dito sa tapat ng gate namin. Sulyap ako nang sulyap sa gate nila. Mayamaya pa ay naaninag ko na may paparating na kotse. Pamilyar iyon dahil si Allan lagi ang naghahatid kay Kray kapag nalalasing. Dali-dali akong pumasok sa loob ng gate at tumakbo papasok sa bahay. Umakyat kaagad ako sa kwarto at kinuha iyong telescope ko. Sa sobrang pagmamahal ko kay Kray, binili ko ito kanina lang. Para masilip ko kung anong ginagawa niya sa kwarto. Shit, mukha na akong tanga! Pero tanga naman na talaga ako dati pa, eh. Naghintay ako ng ilang minuto bago ko inayos iyong telescope para itutok sa bintana ng kwarto nya. Lumagabog ang puso ko nang makitang bukas ang bintana nya! Kakapasok lang niya sa kwarto at mukhang lasing na lasing siya. Napasinghap ako 'tsaka napakagat sa labi nang makitang hinubad niya iyong t-shirt niya! "Ooh s**t!" Sumisikip iyong pantalon ko. Hinuhubad niya na rin kasi ang pantalon niya. "Ang sexy. . ." Ngayon ay naka supporter na lang siya at panty. Hinagod niya ang buhok niya 'tsaka naglakad papasok sa banyo. Inalis ko ang tingin ko sa telescope at napansin ko ang sarili ko na hinihingal. Tangina, hindi ko na 'to uulitin. Baka mamaya kung ano pang makita ko. At bakit nga ba kasi nakabukas 'yung bintana niya? Bwiset. . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD