Step Three:

1413 Words
Step Three. Kray's Point of View: "Love! Love ko, hintayin mo naman ako!" Lord, ano po bang nagawa kong kasalanan noong nakaraang buhay ko at pinaparusahan n'yo ako nang ganito? "Love! Teka lang, ang bilis mo namang maglakad!" Hinawakan niya ang kamay ko at para naman akong nakuryente sa hawak nya! s**t, nakakadiri talaga! Huminto ako sa paglalakad at nilingon ko siya. "Tigil-tigilan mo na `yang pagtawag sa akin ng love, please lang!" Hinilot ko ang sentido ko. Ang sakit-sakit pa man din ng ulo ko tapos lalo lang niyang pinapasakit. Nakakaasar talaga, lalong nadadagdagan ang hangover ko sa kanya. "Hindi naman kita kukulitin ngayon, gusto ko lang sanang ibigay 'to sa 'yo." Nilahad niya ang hawak niyang supot ng plastic sa harap ko. "Ano 'yan?" "Kurtina 'yan, love." Binatukan ko nga, masyadong diretso ang sagot, eh. "Kakasabi ko lang, wag mo akong tawaging love!" Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pinahawak niya sa akin ang supot na may laman daw'ng kurtina. "Ano bang gagawin ko rito?" inis na tanong ko. "Ilagay mo sa bintana mo," sabi n'ya pagkatapos ay isinuksok ang mga palad sa kanyang bulsa. "Hindi ako mahilig magkurtina," tanging sagot ko. Nangunot ang noo n'ya at saka sumimangot. Umiling-iling s'ya bilang pagdepensa sa naging sagot ko. "Ilagay mo na 'yan at saka kulay blue 'yan wag kang mag-alala." Pinandilatan ko siya ng mga mata. Bakit ba pinipilit niyang maglagay ako ng kurtina?! "Hindi ko ilalagay 'to." Ibabalik ko na sana sa kanya pero inangat niya ang kamay niya 'tsaka niya iyon ini-wave. "Hindi, ilagay mo 'yan. Kung ayaw mong ako pa ang maglagay. Nasisilipan ka na sa pagbubukas mo ng bintana hindi mo pa alam!" Naiinis na sabi n'ya pagkatapos ay tinalikuran na ako at naglakad palayo. "Anong ibig niyang sabihin na nasisilipan ako?" Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting mag-sink in sa akin ang sinabi n'ya. Tumingala ako sa bahay namin, sinilip ko ang bintana ko at nakitang nakabukas nga iyon at walang kurtina. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa bahay nila Harold. Hala! Matagal na palang may katapat na bintana ang bintana ng kwarto ko, ngayon ko lang napansin?! Ibig sabihin, siya ang naninilip sa akin?! Bwiset ka talagang Harold ka, humanda ka sa akin! "Kray." Bumuntonghininga ako nang marinig ang pag-tawag sa akin. Lumingon agad ako kay Ayesa, alam na alam ko talaga ang boses niya. Nawala tuloy bigla ang galit ko kay Harold. Hulog talaga ng langit ang pinakamamahal ko. "Ako na ang pumunta dito kasi 'nong isang araw hindi mo ako sinundo, naisip ko minsan ako naman ang sumundo sa 'yo," sabi niya. Kinilig naman ako. Ang cute cute nya talaga. Ngumiti ako sa kanya pagkatapos n'yang ikawit ang kamay niya sa braso ko. "Ang sweet mo naman, Ayesa." "Syempre naman! Bestfriend kita!" Ouch! Ang sakit ng salitang bestfriend n'ya ako. Kailan ba magiging kasi boyfriend n'ya ako? Siguro kapag tinubuan na ako ng male organ. Bakit ba naman kasi ang tagal tumubo 'nong sa akin? Lalaki naman talaga ako, na-delay lang talaga yung pagtubo ng male organ ko. "Huy, anong iniisip mo?" tanong sa akin ni Ayesa habang naglalakad. "A-ah, wala! Inaantok pa kasi ako dahil nag-inuman kami kagabi nila Allan." Inalis niya ang pagkakakawit ng kamay niya sa braso ko. "Pasaway ka talaga alam mo namang may pasok tayo ngayon." "Sorry na." Pinanliitan niya ako ng mga mata `tsaka ngumuso. Grabe, ang cute niya talaga. Kinurot ko nga ang pisngi kasi hindi ko na mapigilan! Sobrang cute, eh! "Aray!" "Sorry, ang cute mo kasi." "Tss, ano 'yang dala mo?" tanong niya. Inangat ko naman iyong plastic na dala ko. Iyong binigay na kurtina ni Harold bakulaw. "Ito? Bigay ni Harold magkurtina raw ako sa bintana. Parang gago talaga!" Nanliit bigla ang mga mata n'ya at saka ngumiti nang nakakaloko. "Ayyiie! Nakakakilig!" Sinamaan ko s'ya ng tingin, ano namang nakakakilig don? Hay nako! "Alin ang nakakakilig 'don? Nakakainis kaya." "Bakit hindi mo bigyan ng pag-asa si Harold? Mukhang sincere naman sa 'yo." Huminto ako sa paglalakad at nilingon ko siya. "Hindi mo pa rin maintindihan? Ikaw ang gusto ko at hindi si Harold." Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa isang iglap, napalitan iyon ng malungkot na labi. "Sorry talaga Kray, pero hindi talaga kita magugustuhan." Aray. Ang sakit pa rin talaga kapag sinasabi niyang hindi niya ako gusto. "Bakit? Dahil ba tomboy ako?" Umiling siya tsaka nginitian ako. Ngiti na alam kong hindi naman totoo. "Hindi, dahil bestfriend kita." Tinapik niya ang balikat ko at nilampasan na ako. Wala akong magawa kundi ang sundan lang s'ya ng tingin. Hanggang tingin lang dahil... hanggang bestfriend lang talaga. Malungkot akong pumasok sa eskwelahan. Yung tipong ang sakit na nga ng ulo ko, masakit pa pati puso ko. Hindi ko pinansin ang pangungulit sa akin ni Harold. Kada tawag niya sa akin, hindi ko pinapansin. Wala akong gana buong araw dahil sa inis ko. Kasalukuyan akong kumakain ng lunch kasama ang mga barkada ko. Tahimik pa rin ako dahil masakit pa rin talaga yung sinabi sa akin ni Ayesa na hanggang bestfriend lang ako. "Si Ayesa na naman 'yan," bulong ni Jaxton. Nag-angat ako ng tingin kay Jaxton. Nakakainis 'tong lalaki na 'to ang sarap talagang batukan. "Binulong mo pa, rinig ko naman." Umiling s'ya habang nakangisi, tila nang-iinsulto. "Eh, kung nagpapakababae ka na lang kasi, edi hindi ka pa nabibigo." "Huwag ka ngang ganyan," sabi ni Allan. "Nagsasabi lang ako ng totoo, dapat talaga magpakababae na lang siya." Sa inis, malakas kong ibinagsak ang kutsara at tinidor sa lamesa. "Kayo na lang ang magpakababae! Huwag n'yo akong idamay." Tumayo na ako at binitbit ang bag ko. Mga barkadang hindi supportive sa gusto ng kaibigan nila. Nakakainis! "Hoy, teka lang! Nagbibiro lang ako, eh!" Hindi ko na pinakinggan ang tawag sa akin ni Jaxton. Nagdire-diretso na ako palabas ng cafeteria. Hindi dahil nainis na ako sa pang-aasar niya kundi dahil naiiyak na ako. Gusto ko nang patuluin ito. Nakakainis naman kasi eh, bakit nga ba hindi na lang ako magpakababae? Kasi alam ko naman na hindi talaga ako pwede sa babae. Kasi alam ko namang kasalanan. Pero ano bang magagawa ko? Talagang pusong lalaki ako at hindi talaga ako nagkakagusto sa lalaki. Umakyat ako sa rooftop ng building namin. Mabilis kong tinakbo ang bawat baitang at saka diretsong naupo sa pinakasulok ng rooftop. Doon na tumulo ang mga luha ko. Sinilip ko pa ang wrist watch ko at nakitang may kinse minutos pa namang natitira bago ang sunod na klase. May oras pa ako para umiyak. Tahimik akong umiyak doon. Nagbabakasakali, na sana isang araw hindi ko na siya mahal. Sana isang araw babae na lang talaga 'tong puso ko at hindi na talaga ako magkakagusto sa isang babae. "Dapat ba umiiyak na rin ako ngayon?" Nagulat ako nang marinig ang boses ni Harold. Pasimple kong pinunasan ang mukha ko kahit nakayuko ako tsaka nag-angat ng tingin sa kanya. "Ano na naman bang ginagawa mo dito?" Naupo siya sa harap ko at inilahad ang kamay niyang may hawak na panyo. "Ang sakit talagang makita `yong mahal mo na umiiyak dahil sa iba." Umawang ang labi ko sa sinabi nya. Hindi ko inabot iyong panyo kaya siya na mismo ang nagpunas ng aking pisngi. Dapat tinutulak ko na siya ngayon, dapat inaaway ko na siya. Pero dahil nakita ko rin ang sakit sa mga mata niya, katulad ng sakit na mayroon ako... Hindi ko siya inawat. Hindi ko binulyawan. Hinayaan ko siyang punasan ang pisngi ko. "Sana balang araw matutunan mo rin akong mahalin... Pero wala ka namang magagawa, eh. Mamahalin mo pa rin ako sa ayaw at sa gusto mo." Nangunot naman ang noo ko. Loko 'to, ah! Magsasalita na sana ako pero nagulat ako nang bigla niya akong halikan. Natigilan ako, ang lambot ng labi nya... Kumalabog nang mabilis ang puso ko. Agad ko siyang itinulak at sinapak sa mukha. "Gago ka! Akala ko pa naman sincere ka! May balak ka palang halikan ako!" Tumayo ako at pinunasan ang labi ko. s**t, s**t, s**t! Bwisrt! Nawala na iyong pangarap kong first kiss! Bwiset! Tangina! Tumatawang tumayo siya mula sa pagkakaupo. Hindi nga siya tinablan ng sapak ko, eh! "Sarap 'no? Gusto mo isa pa?" Nag-init bigla ang ulo ko. Inangat ko ang isang kamay ko at akmang sasapakin ulit sya. "Sige sapak, hahalikan na ulit kita." Ibinaba ko ang kamao ko at galit na sinigawan ko siya. "Nakakainis ka talagang Harold ka! Bwiset ka sa buhay!" . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD