“HIJA, may nakarating sa aking balita na may naghatid daw sa iyong lalaki riyan? And he kissed you? Totoo ba?” Naitirik ni Lorraine ang kanyang mga mata sa kisame. Ang hula ni Dylan ay bukas pa makakarating sa magulang niya ang balitang iyon pero nagkamali ito dahil hindi pa nag-iinit ang likod niya sa kanyang kama ay heto at nakatanggap na siya ng tawag mula sa ina. She won’t take it against the helper. Alam naman niya na inutusan lang ito ng magulang niya na magreport ng mga nangyayari. Isa pa, tulad ng sinabi ng binata ay pabor iyon sa kanya dahil hindi na siya mag-iisip ng magandang introduction para ipaalam sa magulang niya na may boyfriend na siya. Only, that boyfriend is just for a show. “Who told you, mom?” pakikisakay niya. Dumapa

