bc

Valencia Brood Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)

book_age0+
7.8K
FOLLOW
70.8K
READ
billionaire
opposites attract
arranged marriage
arrogant
goodgirl
CEO
drama
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Binigyan lamang si Lorraine ng isang buwan na palugit ng kanyang ama para maghanap ng boyfriend kung hindi ay ipagkakasundo umano siya nito sa isang lalaki na ni hindi niya kilala. Stress was a killer. Pero saan siya hahanap ng nobyo sa loob ng isang buwan?

Until one day, may lalaking kumuha ng atensiyon niya. He was tall, dark, and very much handsome! And oh boy, he was hot! For the first time, nuon lamang gumana ng matindi ang imahinasyon niya patungkol sa mga lalaki. She pictured him topless in her mind. Ikinumpara agad niya ito sa mga Greek god statues.

Puwede…anang puso niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
HINDI NA kailangang bumusina ni Dylan para pagbuksan siya ng gate ng mga guwardiyang naka-duty sa gate ng Hacienda Catalina dahil automatic na iyong bumukas pagtapat ng nguso ng sasakyan niya sa gate na bakal. Ipinasok niya ang sasakyan pagkatapos ay maayos na ipinarada niya iyon sa itinakdang parking area sa bukana ng hacienda. There was an unwritten rule that all cars aren’t allowed to roam or be use within the vicinity of the hacienda. Maliban na lamang sa mga emergency cases at kapag naroroon ang mga elders ng kanilang angkan. Dahil hindi puwede ang sasakyan, kabayo ang nakasanayang gamitin roon bilang mode of transportation sa kabuuan ng hacienda. So far, the unwritten rule was exciting them dahil mahihilig sa stallion ang Valencia clan.                         Agad siyang bumaba ng sasakyan at ipinamulsa ang susi niyon. Binati siya ng mga guwardiya na sinagot naman niya ng tango. Tinungo na niya ang kuwadra na naroon rin sa bukana ng hacienda. Mula roon ay kinuha niya ang kanyang stallion—si Lightning. Agad siyang nakasampa at sa isang iglap lamang ay humahagibis na ang kabayo niya sa daan. Una niyang narating ang burol. Bahagi ng daan ang burol na iyon kaya automatic na mapapadaan siya roon. At kapag naroon na siya sa tuktok niyon ay automatic rin na pinatitigil niya ang kabayo para saglit na pagmasdan ang kabuuan ng hacienda. May kataasan rin kasi iyon, bukod sa kabuuan ng hacienda ay matatanaw rin mula roon ang kabuuan ng Barangay Catalina—isang barangay sa Naujan, Mindoro na nakasasakop sa hacienda—kung saan ipinangalan ang hacienda.                         Nakaukit na sa isip niya ang tanawin mula roon pero sa tuwina, sa tuwing masisilayan iyon ng mga mata niya ay hindi niya maiwasang hindi humanga. Mula roon ay kitang kita ang grand villa na maringal na nakatayo sa pinakagitna ng lupain. Bukod sa villa, ay may mga log cabins rin doon. Sa mga log cabins na iyon sila tumutuloy ng mga pinsan niya na sina Charlie, Brandon, at Vicente. Ang mga kapatid naman niya at iba pang miyembro ng pamilya Valencia ay nasa San Fransisco, USA. Ang totoo ay hindi naman sila permanenteng nakatira sa hacienda dahil may kanya kanyang business silang magpipinsan sa Maynila. Vicente was a famous singer; Charlie is a rising chef, and Brandon and he are businessmen. Ang iba pa nilang pinsan at mga kapatid ay nagtatagumpay rin sa mga piniling larangan. Kumbaga ay bakasyunan lamang nila ang hacienda. Iyon din ang lugar na pinuputahan nila kapag nais nilang takasan ang kaguluhan ng siyudad.                         Pinuno niya ng sariwang hangin ang kanyang baga bago ipinasyang ituloy na ang pag-uwi sa villa. Alam niyang hinihintay na siya roon ng mga pinsan niya. Marahang tinapik niya ang kabayo bilang utos na magpapatuloy na sila sa pagtakbo. Ilang minuto lamang ay nasa bakuran na siya ng villa at masayang nakikipagtawanan sa mga pinsan.                                                 PAGKATAPOS ng masaganang tanghalian ay nagkayayaan silang magkarera ng kanilang mga kabayo. Nuong nakaraang linggo ay sina Brandon at Vicente ang naglaban. Now it was his turn versus Charlie.                         “Pupusta ako sa manager mo,” narinig niyang wika ni Brandon kay Vicente. Kasalukuyan na nila nuong inaayos ang mga kabayo sa starting line. Bukod sa pagiging negosyante niya ay siya rin ang tumatayong manager ni Vicente. Iyon kasi ang kundisyon ng mga elders nila para payagan si Enteng na sumabak sa karera ng pagkanta. Wala namang kaso iyon sa kanya. At binibigyan rin niya ng credit ang secretary niya. Maayos kasi nitong napa-plano ang schedule niya ng sa gayon ay hindi maapektuhan ang pagiging manager niya kay Vicente. Kahit siya ang manager nito ay nagagawa naman niyang manatili sa sideline. Kahit papaano ay gusto niyang pribado pa rin ang buhay niya.                         “Okay, kay Charlie ako. What’s at stake Brandon?” sagot naman ni Vicente.                         Sinulyapan niya ang kinatatayuan ng dalawa. Nakita niya ng saglit na mag-isip si Brandon. “Kapag nanalo si Charlie, ibibigay ko sa’yo kahit anong hilingin mo, anything within my power, cousin. Pero kapag si Dylan ang nanalo, ibibigay mo sa akin si Aris.”                         Bahagya siyang natawa ng makita niya ang panlalaki ng mga mata ni Vicente.                               “What?! Hindi puwede si Aris! I love that stallion. Iba nalang ang hingin mo,” anito.                         Pumailanlang ang halakhak ni Brandon, “Vicente, mas lugi naman yata ako kung sakaling si Charlie ang manalo, imagine, ibibigay ko ang kahit na anong gustuhin mo? Malay ko ba kung hingan mo ako ng isang brand new car.”                         “But I love Aris!” Palatak ni Vicente.                         Natatawang sumabat siya sa dalawa, “magpaalam ka na sa pinakamamahal mong kabayo, Enteng. I’ll win the race,” aniya kay Vicente bago kinindatan si Brandon.                         “Nah! Huwag kang pakasisiguro, Dylan. Tatalunin kita at ihanda mo na ang sarili mo para pansamantalang maging waiter sa restaurant ko sa Maynila.” Wika naman sa kanya ni Charlie. Iyon naman ang nakasalalay sa karera nila, kapag natalo siya ay aalilain siya ni Charlie sa loob ng isang linggo bilang waiter. Kapag ito naman ang natalo ay gagawin niya itong messenger.                           Sabay na silang sumampa sa kanilang mga kabayo. Magsisimula sila sa villa at ang burol ang magiging finish line nila.                         “Handa ka na, Dylan?” Nakangising tanong sa kanya ni Charlie. He was older than the four of them pero nakasanayan na sa pamilya nila na first name basis ang tawagan nilang magpipinsan. Nagagamit lamang ang salitang kuya kapag naglalambing sila sa isat isa.                         Tinapatan niya ang pagkakangisi nito. Maliban sa kapatid niyang si Roel—na ngayon ay nasa America—ay unpredictable na sa kanilang magpipinsan kung sino ang mananalo sa bawat race kaya laging kaabang abang ang karera nila. Bagama’t sa pagkakataong iyon ay alam niyang kayang kaya niyang ipanalo ang karerang iyon dahil walang ibang inatupag si Charlie kundi ang kusina ng restaurant nito samantalang siya kahit papaano ay nakakapagsanay sa riding club na sinalihan niya.                         “More than ready, brute!” sagot niya.                         Nagtapat ang mga kabayo nila sa starting line pagkatapos ay iwinasiwas na ni Vicente ang isang bandila bilang marka ng pagsisimula ng laban. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa renda at inihanda ang sarili.                         On the count of three, Brandon fires the flare gun. Mataktikang pinatakbo niya si Lightning. Pero hindi nagpatalo si Charlie dahil humagibis rin agad ang kabayo nito.                         The winner was declared in no less than two minutes.                              NAPATAYO MULA sa kinauupuang single seater sofa si Lorraine dahil sa narinig na sinabi ng kanyang ama. Nasa family room sila nuon. Kaya pala sabi ng katulong na sumalubong sa kanya ay dumeretso agad siya sa family room. Anxious, she headed to the room without changing her office clothes. Hindi niya napaghandaan ang bagay na sinabi ng kanyang ama.                          “Come again, dad…?” aniya, umaasang nakarinigan lamang niya ang ama at mali ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito.                         She was Lorraine Zia Mae Parisan, a twenty five year old young executive. Solo siyang anak ng mga magulang niya at masyadong close ang pamilya niya kaya kahit gusto niyang manirahan sa isang condo unit ay hindi niya magawa. Siya na ngayon ang namamahala ng Parisan Textiles—ang kumpanya nila na may kinalaman sa mga textile at clothing materials. Matatag na iyon kaya ang ama niya ay nagretiro na at ipinaubaya na sa kanya ang pamamahala ng kumpanya.                         “Tama ang narinig mo Lorraine. Ipakakasal ka namin sa anak ng kumpadre ko.”                         Bumuka ang mga labi niya. Iyon din mismo ang unang narinig niya na sinabi nito. “A-arrange marriage ba ang ibig ninyong sabihin? Kelan pa nauso sa pamilya natin ang ganyang bagay, dad, mom?” may bahid ng sarkastikong tanong niya. Noon din ay gusto niyang magrebelde sa ama. Wala pa siyang natatandaan na nangyaring arrange marriage sa kasaysayan ng angkan nila.                         “Ngayon pa lamang mangyayari, anak. At sad to say ikaw ang masa-sample-an...” sagot naman ng ama niya habang relax na isinasandal ang likod sa backrest ng sofa.                         “You can’t be serious dad! Mom…?” Tumingin siya sa ina, nagpapasaklolo rito. Ngunit ang ekspresyon nito ay nagsasabing wala itong magagawa sa kagustuhan ng ama niya.                                    Hindi makapaniwalang umiling iling siya.                         “Huwag mong isipin na maba-bankrupt na tayo, or may malaking utang ako sa pamilya niya at ikaw ang gagawin kong pambayad. Erase that usual plot writers always use in their novel. It’s not applicable on your case. Parisan Textile is a success. Thanks to you.”                         Gusto niyang itirik ang kanyang mga mata. Ang mommy niya ang mahilig magbasa ng mga romance novel kaya hindi niya alam kung papaano nalaman ng daddy niya na gasgas na plot na ang tinukoy nito. Ah, minsan nga ay itatanong niya sa kanyang ina kung nahawa na ba rito ang daddy niya.                         “Kung ganoon bakit kailangan ninyo akong ipakipagkasundo?”                         “Wala naman. Simple lang ang rason namin ng mommy mo para gawin iyon…” anitong nakataas pa ang sulok ng labi. With that, she wanted to doubt his sincerity. Kilala niya ang ama at kapag ganoong tumataas ang sulok ng labi nito ay iisa lamang ang ibig sabihin niyon at iyon ay ang pagpipigil nito ng isang ngiti.                         “Ano naman ang simple reason na iyan para dalhin ninyo ako sa isang arrange marriage?” napapantastikuhang tanong niya. Could it be possible that her parent were playing prank on her?                         “Gusto na kasi naming magkaapo sa’yo. We want a grandchild who would complete our retirement. Isang apo na tuturuan namin ng maraming bagay. Katulad ng mga itinuro namin sa ‘yo.”                         Nanlaki ang mga mata niya. Iyon ang rason ng mga ito? Hindi niya alam kung matatawa o hindi. Of all the possible reasons behind that controversial marriage…a grandchild?                         “Naiinip na kami Lorraine. You’re not getting ay younger—”                         Her jaw dropped. “I'm not getting any younger? Seriously? Dad, twenty five lang ako.” Hindi niya napigilang putol rito.                         “I know. Pero nalilimutan mo na ba na noong umedad ang mommy mo sa thirties ay nahirapan na siya na magdalantao? Kaya nga hindi ka na nasundan di ba,” sagot nito.                         She shooked her head in disbelief. “Dad, mom, I can’t believe na ginaganito ninyo ako. Successful ang married life ninyo dahil mahal ninyo ang isat isa. Tapos ako, isasabak ninyo sa arrange marriage? Ayaw nyo bang matulad ako sa naging kapalaran ninyo? You know, true love and everything. Aren’t parents supposed to be after their daughters’ happiness?” litanya niya.                         “Of course, hangad namin ang kaligayahan ng nag-iisang anak namin. Kaya nga I can guarantee you that he is a fine man. Successful din siya tulad mo. And of course, he has good genes. Tiyak na naggagandahan at nagguguwapuhan ang mga magiging anak ninyo. Magiging maayos ka sa kanya, hija.”                         Umiling siya. “Only my Prince can make me happy.” Alam ng magulang niya ang pantasya niya sa tungkol sa mga Prince Charming at happy ever after. Pinalungkot niya ang kanyang mukha. Tingnan lang niya kung hindi maapektuhan ang mga ito.                         Bumuntong-hininga ang ama niya. “Sige Lorraine, I’ll give you a fair fight. Hindi ko itutuloy ang binabalak ko kung sa loob ng isang buwan mula ngayon ay may maipapakilala ka sa aking nobyo. Aalis kami ng mama mo, we’ll tour around Europe for a month. Pagbalik namin dapat ay may nobyo ka na, kung hindi ay wala ng makapipigil sa akin para ipakipagkasundo ka. And oh, by the way, huwag ka munang pumasok sa opisina sa loob ng isang buwan para may oras ka para maghanap ng magiging nobyo mo. Nagawan ko na iyan ng paraan. Your cousin Cleo agreed to take over your position for a while.”                         One month? Certainly, that was not enough! Hindi ganoon kadaling hanapin ang kanyang Prince Charming sa loob ng isang buwan. Paano nasabi ng daddy niya na fair fight iyon gayung umedad nga siya ng bente singko na iisa pa lamang ang nakakarelasyon niya? At hindi pa matatawag na seryosong relasyon iyon dahil first year high school pa lamang siya nuon.                         “One month? Fair fight? Why, thanks dad…” nakasimangot niyang wika bago tumayo at naglakad papalabas ng family room. Bago tuluyang lumabas ng silid ay muli niyang nilingon ang mga magulang. And there she found them giggling at each other.                         Tinaasan niya ng kilay ang mga ito. Tumikhim ang papa niya at nagpipilit ibalik ang kaseryosohan sa mukha. But hell, ipinapakita ng mga mata ng mga ito na ini-enjoy ng mga ito ang sitwasyon niya. Hindi niya napigilan ang sarili niya, inirapan niya ang mga ito bago nagmamartsang itinuloy ang pag-alis.                           SINIPAT NI Lorraine ang kanyang orasan. Mahaba habang oras pa ang ipaghihintay niya bago umalis ang chartered plane na sasakyan niya patungong Peace Island. Nakaalis na kahapon ang mga magulang niya. Siya naman ay gustong mag-isip muna at planuhin ang susunod niyang hakbang. Her friend Feliz suggests a place where she could possibly do her thinking. May alam umano itong isang magandang commercial island kung saan ay mare-relax siya at makakapag-isip ng maayos.  At iyon nga ay ang Peace Island na matatagpuan sa Palawan. Nagkataon naman na may isang guest na nagback-out kaya naisingit siya sa flight na iyon. Ayon kasi kay Feliz ay atlest two months daw dapat ang reservation. Salamat nalang at may nagback out kaya siya rin ang nakakuha ng cabin na para sana sa bisitang iyon.                         At dahil hindi pa oras ng flight ay ipinasya niyang magpalipas muna ng oras sa isang restaurant na malapit sa private hangar na maghahatid sa kanila sa isla. Kape lamang ang inorder niya. Agad namang naiserve iyon.                         She took a sip of her coffee. In fairness, masarap ang pagkakatimpla ng kape kaya nawili siya sa marahang pagsimsim niyon.                         “Good morning Ma’am. Here’s a flower for you, courtesy of the restaurant,” anang tinig sa kanyang tagiliran na muntikan ng magpapitlag sa kanya mula sa kanyang pagkakayuko. The voice was husky. Buong-buo iyon na tila nais magpatayo sa mga balahibo niya sa katawan. Iyon ang tipo ng boses na hindi yata nakakasawang pakinggan. A voice she can stand long just hearing it. In short it’s sexy.                         Okay, the voice is sexy. Pero bakit tila pumipitlag ang puso niya?                         Kinalman niya ang sarili. Mula sa pagkakayuko ay nag-angat siya ng ulo. And dear, kinailangan talaga niyang tumingala para makita ang mukha nito.                         Heaven! Bulalas ng kanyang isipan ng masilayan niya ang anyo ng may-ari ng tinig na iyon. Salamat na lamang at napigilan niya ang sarili para bigyang tinig ang salitang iyon. Who could blame her for thinking of heaven? In front of her is a god-like male creature in terms of physical appearance. Guwapo. Iyon ang isang salitang sumusuma sa anyo nito. He was tall and handsome. He had long and slender legs. Malaki rin ang kaha ng katawan nito na tila napakasarap sandalan. Ano kaya ang pakiramdam ng mapaloob roon?                         Agad humugis sa balintataw niya ang mga Greek statue na nakita niya sa Greece noong minsang bumisita siya roon. And goodness, naimagine niya na isa ang lalaking ito sa mga estatuwang iyon. A statue comes to life, naked from waist up, exposing his perfect chiseled torso, revealing his masculinity, arousing everyone’s both imagination and soul.                         Natigilan si Lorraine. Iyon ang unang pagkakataon na gumana ang kanyang imahinasyon ng ganoon katindi. All right he was handsome but for Pete’s sake she mingled with handsome men almost every day of her life. Marahil ay taglay ng lalaking ito ang tinatawag na x-factor. He’s someone who doesn’t go unnoticed. Malakas ang presensiya nito na tila ihalo man sa karamihan ay mapapansin pa rin.                         Napanisn niya na nakasuot ito ng kulay puti at blue na long sleeve, katulad ng ibang staff roon.                         So, waiter pala ang guwapong ito. Bakit hindi niya ito nakita kaninang pagpasok niya sa restaurant na iyon? She looks around. In fairness, halos lahat naman ng empleyado sa restaurant na iyon ay kaaya aya sa kanyang paningin. Pero ito lamang ang nakakuha ng atensiyon niya. Hindi niya alam kung bakit.                         “Puwede mo na sigurong tanggapin, Ma’am?” anang tinig nito habang iniaabot sa kanya ang isang tangkay ng tulip. Nakangiti ang waiter bagamat tila walang buhay ang ngiting iyon. Tila napipilitan lang itong gawin ang bagay na iton dahil napag-utusan ito. Bukod sa ngiti nito ay napansin rin niya na bahagyang nakakunot ang noo nito bagama’t nakatingin rin naman ito sa kanya.                         Nakaramdam siya ng pagkapahiya bagamat naitago naman niya iyon. Tinanggap niya ang bulaklak. “Thank you,” aniya. Lihim niyang pinagalitan ang kanyang sarili. Hayon na naman kasi at nagsisimula na namang gumana ang isip niya ng makita niya ang paggalaw ng labi nito. Manipis at mamula mula ang labi nito na sinamahan pa ng mapuputi at pantay patay na ngipin. Sensuwal ba ang tawag sa ganoon? Bigla nalang pumuno sa dibdib niya ang kagustuhang padaanin ang daliri niya sa labi nito. Ano kaya ang pakiramdam ng mahagkan nito?                         At ang amoy nito…it was very distinct! It was, uhm, light but exotic, pag-aanalisa niya. And that perfumed seemed to swirl around her like a wisp of smoke, filling her lungs, drugging her mind.                         “You’re welcome,” anito bago tumalikod. Nasundan niya ito ng tingin. Hindi niya napigilang punahin ang malapad na likod nito. Sa tingin niya ay may kakaiba sa tuwid na likod nito at sa paraan nito ng paglalakad. He walks so sure. His head is proudly up and his chest out. Ang balikat nito ay tila nagdidikta ng kakaibang kapangyarihan.                          Elegance? Iyon ba ang tawag sa kakaibang napapansin niya rito because that  elegance seemed to be natural in him.                         Hindi niya napaghandaan ng muling lumingon ito. Huling huli siya nito na nakatitig sa likod nito. Agad nag-init ang magkabilang pisngi niya. Nag-iwas siya ng paningin. Ang masasal na t***k ng puso niya ay halos magpabingi sa kanya.                         Nakahinga siya ng maluwag ng sa sulok ng mga mata niya ay makita niyang ipinagpatuloy na nito ang pag-alis. Pasimpleng sumilip siya sa mga katabing mesa. Nakita niya na mayroon ding bulaklak roon. Kung ganoon ay lahat naman pala sila ay nabigyan ng bulaklak.                         Ang balak na pag-alis agad ay naantala dahil tila stalker na siyang palihim na sinusundan ng tingin ang bawat galaw ng guwapong waiter. Pakiramdam niya ay hindi rito bagay ang ganoong propesyon. Hindi naman sa pangmamata pero tila ito ang klase ng lalaki na siya dapat na boss at hindi lamang basta tauhan. Ewan niya pero sa pagdaan ng bawat sandali ay lalong tumitindi ang animo pagkamisteryoso nito. may kakaiba talaga sa aura nito, na tipong alisan lamang ito ng waiter’s uniform ay magmumukha na itong executive. Isa pa, tila sigurado ang bawat galaw nito. At kakaiba talaga ng taglay nitong kaguwapuhan, wala siyang mapagkumparahan.                                         What are you doing Lorraine? Sita ng kanyang isipan. Tila nagising naman siya sa pagkawala niya sa sarili. Naglabas siya ng pera at ipinatong iyon sa mesa. Tumayo na siya para umalis. Wala sa loob na dinampot niya ang bulaklak. Dinala niya iyon sa kanyang pag-alis.                           ISINANDAL NI Lorraine ang kanyang ulo sa headrest ng kinauupuan niya. Ipinikit din niya ang kanyang mga mata. Nakaupo na siya noon sa isang twelve seater chartered plane na magdadala sa kanya at sa ibang turista sa pamosong Peace Island. Ilang minuto na rin ang nakararaan nang umalis sila sa private hangar.                         Bakasyon sana ang pupuntahan niya pero papaano ba siya mare-relax sa isla kung ang isip naman niya ay abala sa pag-iisip sa sitwasyong kinasusuungan niya ngayon. Papaano kapag natapos ang isang buwang palugit ng daddy niya at wala siyang maiharap ritong boyfriend? Itutuloy kaya nito ang sinasabi nitong arrange marriage? Gusto niyang isipin na pini-play prank lang siya ng kanyang ama pero kailan ba ito nagbiro ng mga ganong bagay?                         She sighed. Nagmulat siya ng mga mata. Nagulat pa siya ng mapagtanto niyang hawak hawak pa niya ang isang tangkay ng tulip na dinala niya kanina mula sa restaurant. Agad ding pumasok sa isipan niya ang waiter roon. Nasorpresa pa siya ng malinaw niyang maiguhit sa kanyang balintataw ang guwapong mukha nito. He has pointed nose, expressive eyes, prominent cheekbones, and…sensual lips. Sensual? Yes, his lips was very sensual. Idagdag pa ang kakaibang aura na meron ito.                          “Ladies and Gentlemen, may I present to you the top view of the Peace Island.”                         Iyon ang tinig ng stewardees na nakatayo sa unahan ng chartered plane na pumutol sa pagmumuni muni ng dalaga. At dahil malapit sa bintana ang kinauupuan niya ay pinili na rin niyang sumungaw sa ibaba.                         At hindi niya napigilang mapasinghap sa tanawing bumulaga sa kanyang mga mata. Why not, down below is a breathtaking view. Mula sa twelve seater na chartered plane na kinalululanan niya ay kitang kita niya na hugis kamay ang islang iyon na naka-peace sign. Naiintindihan na niya kung bakit Peace Island ang pangalan niyon. Bahagyang bumaba ang eroplano at muli ay hindi na naman niya maiwasang mapasinghap. Bagama’t nakita na niya ang mga leaflets at makukulay na brochure na ipinakita sa kanya ni Feliz ay hindi pa rin niya maiwasang hindi humanga sa anyo ng isla na para bang noon lamang niya iyon unang nakita. Sa pinakapalad ng isla ay naroroon ang pinaka sentro ng aktibidadis ng isla. Naroon ang mga tila shops, bars, cabins, at kung ano anong modern amenities na ini-o-offer ng isla, maayos iyong nababalanse ng mga greeneries na nakikita niya habang sa dalawang daliri naman ay walang ibang makikita kundi ang mga puno ng niyog, mga maliliit na bagay na hula niya ay divan, at ilang cottages. Tingin niya ay mga turista ang tila maliliit na langgam na iyon sa dalampasigan ng isla. The sand was pearly white. Kumikinang ang ibabaw ng tubig na para bang mina iyon ng mga diyamante.                          Kanina ay nabanggit na ng stewardees ang iba pang mga impormasyong dapat na malaman tungkol sa islang iyon. Walang hotel rooms doon kundi mga cottages at cabins that na nakakalat umano sa iba’t-ibang parte ng isla. May reception area at Management’s building. Ang susi naman ng cabin ay kukunin na lang niya sa reception desk.                         “Ladies and gentlemen, welcome to Peace Island! The airstrip was located at the southern part of the island. It was four kilometers away from your cabins. From here, you’ll be travelling on a coaster. Please enjoy your stay and Mabuhay!” muling wika ng babae habang patuloy na bumababa ang eroplano sa airstrip.                         Ngumiti siya. Hindi sinasadyang napatingin na naman siya bulaklak na hawak. Nakakadama na siya ng kakaibang excitement. Umaasang sa islang iyon ay makakahanap siya ng solusyon sa problema niya.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
115.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.4K
bc

YOU'RE MINE

read
893.7K
bc

SILENCE

read
381.4K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.3K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook