Chapter 2

2973 Words
DYLAN lay beside Rizza—ang constant date niya sa mga nakalipas na buwan. Pareho silang habol ang hininga. Nasa mukha ni Rizza ang kasiyahan at maging siya man. Nasa isang hotel suite sila noon. As usual, mainit na sandali na naman ang namagitan sa kanila. They always had exciting war in bed. s*x had always been a satisfaction.                         Hindi niya ito mahal pero inirerespeto niya ito. Ganoon din naman ni Rizza. What they had is a ‘no strings attached’ kind of relationship. Walang commitment. They just enjoyed each other. Nakilala niya ito sa isang concert ni Enteng. Magkasundo sila sa maraming bagay bagama’t may pagkaambisyosa ito. Rizza runs a modeling firm—a company she inherited, at least that was what she told him. She was a walking glamour from head to toe.                         Sa loob ng isang linggo ay mariing pinag-iisipan na niya ang isang malaking desisyon na nais niyang gawin. At iyon ay ang alukin si Rizza ng isang seryosong relasyon. And soon offer her marriage. Simple lang naman ang dahilan niya, gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya. He wanted kids and a place to call his kingdom. Iyon rin ang dahilan kung bakit itinigil niya ang paggamit ng condom kay Rizza. He wanted her to get pregnant. Kung bakit ganoon nalang ang kagustuhan niyang magpamilya ay hindi niya maipaliwanag. Nasa dibdib lang niya iyon.                         “Ano’ng iniisip mo, darling?” anito. He groaned when she straddled him and started to caress his nakedness. Hindi siya ang nakauna kay Rizza. Pero hindi mahalaga iyon. Ang mahalaga lamang sa kanya ang pagiging one-man-woman nito. Isang bagay na klinaro niya rito sa simula ng relasyon nila.                         “I was thinking of home…kids…family…” napapikit siya. Upang muli lamang mapadilat ng gumitataw sa imahinasyon niya ang isang mukha. Jesus! That girl again! Ang babaeng nasa restaurant ni Charlie. Hindi iyon ang unang pagkakataon na pumasok ito sa balintataw niya. Ang totoo ay hindi na nga niya mabilang ang mga pagkakataong bigla nalang itong gigitaw sa kanyang imahinasyon. Hindi lamang iyon, kaninang nasa sukdulan siya ay ang mukha rin nito ang pumasok sa isipan niya. She’s gorgeous alright. Unang kita pa lang niya rito ay tila may pumitik na sa kailaliman ng pagkatao niya. Hindi nga ba at nagboluntaryo pa siyang mamigay ng bulaklak sa mga costumer para lamang makita ito ng malapitan? He tried to ignore her and just shrug the thought of her but Jesus she invades his system big time. Pumapasok ito sa isipan niya na walang pinipiling oras.                         Ang isiping iyon ay dagling napalis ng maramdaman niya ang tensiyon sa dalaga.                         “Rizza I—”                         “Nakikipaghiwalay ka na ba sa akin?”                         “No. In fact, gusto kong maging seryoso ang lahat sa pagitan nating dalawa. I want commitments now—”                         “Oh, hold on there, darling. Commitments means end of our relationship, di ba? It’s your rule, remember? Dylan, darling, hindi natin kailangan ng commitment. Puwede naman na ganito nalang tayo hindi ba? Living light and free…”                         Hindi siya sumagot bagama’t ang ekspresyon ng mukha niya ay nagsasabing seryoso siya sa binitiwang salita. Ilang saglit na tinitigan siya ng dalaga na para bang tinatantiya kung seryoso siya. Pagkuwa’y bumaba ito ng kama at nagsimulang magbihis. “I’m sorry Dylan pero hindi pa ako handa. At hindi ako siguro kung kailan ako magiging handa sa ganyang bagay.”                         Nasaktan siya. Mali. Hindi siya ang nasaktan kundi ang ego niya. Kaswal na nagkibit balikat siya. “Okay, it’s your call. Goodbye Rizza and thank you.”                         Tumango ang dalaga bago walang lingon likod na umalis.                           Napatitig nalang siya sa kisame ng hotel suit na kinaroroonan niya. Hindi siya makapaniwala sa nangyari bagama’t nakapagtataka na tila walang sakit na nararamdaman ang puso niya maliban sa kaunting pagkasaling ng kanyang ego at pride.                         Nagbibihis na siya ng tumunog ang telepono niya. Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga bago kinuha ang telepono.                         “Charlie…” aniya ng mabasa niyang ang pinsan ang tumatawag. Kanina lamang natapos ang isang linggo niyang pagpapaalipin rito. “Tapos na ako sa pagbabayad sa utang ko, hindi ba?”                         Natawa si Charlie. “Yep. Tapos ka ng magbayad ng utang. Dahil naging mabait ka kaya may pakonsuwelo akong ibibigay sa iyo.”                         Kumunot ang noo niya. Ipinamaywang niya ang kaliwang palad bago nagtungo sa may bintana. Marahang hinawi niya ang makapal na kurtina bago sinilip ang magulong lansangan sa paligid ng hotel. “Ano iyon?”                         “Trip to Peace Island. Ayos na ang lahat kuya Dylan, maging ang cottage mo ay napareserve ko na rin. Kaibigan ko ang isa sa mga stock holder ng resort kaya nagawan ko ng paraan ang booking mo kahit agad agad. Bukas na ang flight mo. How does it sound?”                         “Sounds exciting,” sagot niya. Narinig na niya na maganda raw sa islang iyon. Ito na siguro ang tamang oras para pumunta siya roon. Tutal naman ay walang trabaho sa hacienda habang smooth sailing parin ang sarili niyang negosyo. Wala rin namang conflict sa career ni Vicente kung sakaling naisin niya na magbakasyon muna. “Thanks! Sa tingin ko ay kailangan ko nga iyan.”                         “Okay kuya, busy pa kami ngayon sa restaurant kaya ibababa ko na ‘tong phone. Enjoy the trip kuya and next time sisiguraduhin ko na magkakasama tayung magpipinsan. Uwian mo ako ng pasalubong huh? Bye.”                         “Sure. Thanks again.”                         “Wait. Huwag kang magpasalamat dahil pera mo naman ang ginastos ko sa trip na ‘yan,” muling hirit nito.                         Nanlaki ang mga mata niya. “What?! Papaanong—”                         “Papaanong nangyari na pera mo ang ginastos ko? Well, nasa akin ang isa sa mga credit card mo,” sagot nito bago humalakhak.                         Mabilis niyang kinuha ang wallet at sinuri ang mga laman niyon. True enough, nawawala nga ang isa niyang credit card. Kung papaano iyon nakuha ni Charlie ay hindi niya alam. “You brute!” sigaw niya sa telepono pero hindi na iyon narinig ng pinsan niya dahil agad na nitong pinutol ang tawag. “Humanda ka sa akin Charlie!” nailing niyang wika habang ipinamumulsa ang telepono at wallet. Kung ganoon ay dapat talaga niyang lubusin ang trip na iyon dahil alam niyang hindi birong halaga ang gagastusin ng sinumang nais magbakasyon sa islang iyon.                           DUMAPA SI Lorraine sa kinahihigaang kama. Iyon na ang ikatlong araw ng pananatili niya sa Peace Island. Kahit papaano ay may naisip naman na siyang paraan para mapaglamangan ang ama. Isang fake boyfriend ang ipapakilala niya rito sa pag-uwi nito mula sa ibang bansa. Ang tanong nalang ngayon ay kung saan siya hahanap ng fake boyfriend. Imposible na pagpanggapin niya ang isa sa mga kaibigan niyang lalaki dahil lahat ng kaibigan niya ay kilala ng ama niya.                         Naghikab siya. Inaantok na siya. Kagagaling lamang kasi niya sa paliligo sa dalampasigan at nananakit rin ang kalamnan niya dahil sa paglalangoy. Nang mamigat ang talukap ng kanyang mga mata ay hindi na niya pinaglabanan pa iyon. Hanggang sa makatulog na siya.                         Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog pero bigla na lang nagising ang diwa niya ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto ng cabin na kanyang inuukopa. Namura niya ang sarili ng maalala niyang hindi niya nai-lock ang pinto ng cabin. Nasanay kasi siya sa bahay nila na hindi naglo-lock ng silid niya. Bigla siyang sinilaban ng takot. Nag-iisa lang siya. Papaano kung may masamang balak pala sa kanya ang intruder?                         Hindi pa siya nakakabuo ng desisyon ng biglang bumukas ang pinto ng silid. Sa tulong ng liwanag ng buwan ay napansin pa niya na matangkad ito. Naglakad ito pasuray suray na tinutungo ang deriksiyon ng kama. Hindi niya alam kung bakit hindi siya makagalaw at nakuha pa niyang panuurin ito.                         Nag-dive ito sa kama. At kung hindi agad siya nakaiwas ay siguradong sa ibabaw mismo ng katawan niya babagsak ang bulto ng katawan nito.                         “Jesus!” Impit na bulalas niya ng mapagtanto niya na nakapatong sa kaliwang dibdib niya ang kanang palad ng nakadapang lalaki. Nanigas na naman siya. Umungol ang lalaki. Hanggang sa maramdaman niya ang tila pagdaklot nito sa dibdib niya. Siya pa naman ang klase ng babae na nagtatanggal ng suot na bra kapag natutulog sa gabi, hindi kasi siya mapakali kapag may suot siya niyon habang natutulog. Nagtataka siya dati kung bakit ganoon siya pero nalaman niya na namana niya iyon sa ina.                         And oh dear God, bakit gusto pa yatang kumawala ng isang ungol mula sa kanyang lalamunan?                          Goodness Lorraine! Nasaan na ang katinuan ng isip mo? Sita ng kanyang isipan. Tila naman nagising ang diwa niya. Tinangka niyang alisin ang palad nito sa kanyang dibdib. Pero hindi niya alam kung papaano gagawin iyon.                         She bit her lips when he gripped—no, it was more like squeezing, yeah he squeezed her breast. And dear God, ayun na naman yung pakiramdam na gusto niyang madala sa sensasyong idinudulot ng pangahas na palad nito. May kakaibang init na nagmumula sa palad nito na tila nanunulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan.                         Sa distansiyang nakapagitan sa kanila ay sapat na para umabot sa pang-amoy niya ang alak na ininom nito. Tila lango ito sa alak. Sa klase rin ng paghinga nito ay nahihinuha niyang tulog na ito katunayan ang pagluwag ng hawak nito sa dibdib niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil roon. Nakaalis siya ng kama. Hinagilap niya ang flower vase para ipampukpok sa ulo nito.                         Lagot ka sa akin!                         Akmang ipupokpok na niya ang vase sa ulo nito ng matigilan siya. Paano pala kung mapuruhan niya ito at doon mismo ay bawian ng buhay? Eh di siya naman ang inusig ng konsensiya niya? Napagdesisyunan niyang tumawag nalang ng otoridad. Patingkayad na lumapit siya sa telepono na nakalagay sa kaliwang bahagi ng silid. She reaches for the phone. May mga numero roon na maaaring tawagan in case of emergency.                         “Resort police…that’s it!” mahinang bulalas niya ng mabasa ang mga katagang police. Idinadayal na niya ang mga numero ang hindi sinasadyang mapatingin siya sa lalaki. Nakadapa ito pero ang nakatagilid na mukha nito ay tila pamilyar sa kanya. Unaware, she put back the phone on its holder. Namalayan nalang niya ang sarili niya na nilalapitan ito at sa liwanag ng buwan ay inaaninag kung sino ba ito at tila pamilyar sa kanya.                         “Ang waiter sa restaurant!” Hindi makapaniwalang usal ng dalaga.                         Napaupo siya sa lapag. Her heart was beating a little faster than normal. Hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking pangahas na pumasok sa cottage niya ay walang iba kundi ang waiter sa restaurant. Pero ano ang ginagawa nito sa Peace Island? Kalabisan mang sabihin pero ang islang iyon ay mga mayayaman lamang yata ang puwedeng maka-afford. Kumbaga, the island was a playground for the rich and the famous and a waiter can not afford a luxury like that.                         Who are you?                           HEAD ACHE. Iyon agad ang unang naramdaman ni Dylan ng magising siya. Tinangka niyang dumapa at ibaon ang ulo sa malambot na unan ng sa ganoon ay mabawas bawasan naman ang sakit ng ulo niya.                         Natilihan siya. Bakit hindi niya maigalaw ang katawan niya para dumapa? Tila may pumipigil sa kamay at binti niya. Nagmulat siya ng mga mata. Ang nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa kanyang mga mata. Bahagyang tumagilid siya para lamang panlakihan ng mga mata. Ngayon ay alam na niya kung bakit hindi niya maigalaw ang kamay niya. Nakatali iyon sa isang sulok ng kama.                         “What the hell!” bulalas niya ng mapagtanto niyang hindi lamang ang mga kamay niya ang nakatali kundi maging ang mga binti niya. Dahil roon ay dagling nawala ang nararamdaman niyang sakit ng ulo.                         “Iyan ang napala mo sa pagpasok rito. You intrude, Mister!” anang tinig ng isang babae. May bahid ng iritasyon ang tinig nito pero hindi maitago ang kakaibang kaseksihan meron iyon. It was soft, almost like a sweet song, and there was sensuality in it. A kind of voice that can make his imagination work beyond limitation and can turn him on with just a single pitch.                         Hinanap niya ang pinagmulan niyon. Nakita niya itong nakaupo sa sofa na yari sa kawayan.                         Uh-oh! Bulalas ng kanyang isipan. Hanggang dito ba naman sa isla ay sinusundan siya ng imahe ng babaeng ito? Nananaginip lang ba siya? No. Hindi iyon isang panaginip lang. Talagang nakikita niya ang babaeng iyon na nakita niya sa restaurant ni Charlie. That beautiful lady who invades his system. Ang babaeng mas umukopa pa sa isipan niya kesa sa pagdamdam niya sa break up nila ni Rizza. Hindi niya alam kung bakit nakakadama siya ng kasiyahan. Masaya siya na muling nagsalubong ang landas nila ng dalaga.                         “I intrude? Lady, akin ang cabin na ito,” sabi niya. Ang mga mata niya ay hindi humihiwalay sa dalaga na para bang sinasaulo niya ang bawat anggulo nito.                         Sarkastikong ngumiti ito na may kasama pang pagtataas ng kilay. “Sigurado ka? Kasi ako, sigurado ako na ang cottage number 28 ay akin.”                         “28? Sigurado ka na 28 ito hindi 29?” nakangiwi niyang tanong. Cottage 29 ang kanya at kadarating lamang niya sa isla kahapon. Wala siyang balak magpakalasing pero naparami na ang inom niya. Hindi na kasi niya matandaan kung kailan siya huling nakapag relax ng ganoon kaya sinamantala na niya.                         Tinaasan siya nito ng kilay.                         “Oh, I’m very sorry, Miss,” aniya. But no, he was not sorry at all. At sa totoo lang ay gusto niyang magpasalamat na muling nagsalubong ang landas nila ng babaeng ito. Kung sino man ito ay sisiguraduhin niyang hindi na ito makakawala sa paningin niya. He had Rizza then kaya pinilit niyang iwaglit sa isipan niya ang dalaga. Pero ngayon ay malaya na siya.                         Hindi niya naiwasang mapatingin sa hita nitong nakalitaw sa maiikling roba nito. She was long legged. Makinis din iyon at nakakagigil ang kaputian.                         “’Yang mga mata mo!” nanlalaki ang mga mata na sita nito.                         “What’s wrong with my eyes?” gusto na naman niyang mangiti sa hindi malamang dahilan.                         “You are staring at my legs, Mister!”                         “Ayaw mo palang ipakita eh di sana nagpantalon ka.” Sinadya niyang sagutin ito ng pabalang. Naku-cute-an kasi siya sa panggigigil nito, sa pamumula ng mga pisngi nito. “At bakit ka nagagalit? Noong titigan mo nga ako noon sa restaurant ng pinsan ko, wala kang narinig sa akin, ‘di ba?”                         Lalong namula ang magkabilang pisngi nito. Nag-iwas din ito ng paningin. Bumuka ang labi nito para magsalita subalit muli nitong itinikom iyon.                         One sexy lips…                         “Akala mo hindi kita makikilala at malilimutan ko na ang bagay na iyon? Come to think of it, baka nga inulit mo pa ang pagtitig sa akin habang tulog na tulog ako. At dahil tulog na tulog ako, malay ko ba kung ano ano pa ang mga ginawa mo sa akin. Baka naman…hinawakan mo na ako….?” Muling hirit niya rito. Ang pamumula ng magkabilang pisngi nito ay umabot na sa magkabilang taynga nito. Sa mga oras na iyon ay gandang ganda siya rito.                         “Aba’t—!” lumapit ito sa kama. Kumuha ng unan at ipinaghahampas iyon sa kanya. “You brute, bakit hindi ka nalang magpasalamat dahil imbes na isuplong kita sa kinauukulan ay hindi ko na ginawa?”                         Dahil nakatali siya ay hindi niya magawang masalag ang mga hampas nito. Bagama’t hindi naman iyon masakit at hindi naman nito pinupuntirya ang mukha niya.                         “Why didn’t you? Bakit nga ba hindi mo ako isinuplong sa management? Okay, uulitin ko, I’m sorry. Lasing ako kagabi, akala ko nasa sarili ko akong cottage. Now, kung pwede pakikalagan na ako. It’s very embarrassing, you know.”                         Naging mailap ang mga mata nito. Pagkuwa’y tumikhim. “A-ang totoo niyan, hindi kita isinuplong kasi may hihingin sana akong pabor sa’yo.”                         Pabor? Anong klaseng pabor ang hihingin nito sa kanya?                         “Sure. Kahit ano basta kaya ko,” agad niyang wika.                         “Sandali, single ka ba? Wa…w-walang asawa o girlfriend kaya?”                         “Oh-oh! Okay lang sana kung girlfriend lang ang itinanong mo. Pero bakit naman sinamahan mo pa ng asawa? May nakita ka bang singsing na suot ko?” Hindi niya malaman kung matatawa o hindi.                         Umirap ito. “Maraming lalaki ang nagtatanggal ng wedding ring sa sandaling makalabas ang mga ito ng bahay nila.”                         “Well, kung sakaling may asawa na ako, I can guarantee you na hindi ako kabilang sa mga lalaking sinasabi mo. And oh, nasa hitsura ko ba na may asawa na ako, na may ganoong responsilidad na sa balikat ko?”                         Hindi nakaligtas sa mga mata niya ng bahagyang kagatin ng dalaga ang mga labi nito. Alam niyang ginawa iyon ng dalaga dahil sa guilt hindi para mang-akit. Pero iba ang dating niyon sa kanyang mga mata. The thought in his mind brings reaction in his body.                         Agad niyang iniiwas ang kanyang mga mata sa labi nito. Her voice was a turn on, so are every inch of her beauty. Tapos ngayon makikita niya ito sa ganoong kaakit akit na aktuwasyon? Aware kaya ang dalaga sa epekto nito sa kanya? Because at that very moment, he wanted to hold her, kiss her, and lavish all of her.                         “W-wala pa naman sa hitsura mo. Importante kasi na malaman ko ang civil status mo.”                         “Care to tell me why?”                         “I…I wanted to…t-to hire you p-para magpanggap na boyfriend ko.”                         Bumuka ang labi niya sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD