NAKAGAT NI Lorraine ang labi niya. Desperado na siya. Kailangan niya ito. Salamat na rin lang at hindi yata mind reader ang lalaki. Kanina pa kasi nito inuukopa ang isipan niya. At habang tulog ito ay malaya niyang napagmasdan ng malapitan ang hitsura nito. He was really gorgeous. Nagawa rin niyang makuha ang wallet nito kagabi. At halos mapasinghap siya sa mga nakita niyang credit cards, cash, at iba pa. Nakakita rin siya ng ID nito. He was Dylan Valencia. Noon naman niya napagtagni tagni ang lahat. Maaaring kamag-anak ito ni Charlie Valencia—ang may-ari ng restaurant na tinambayan niya. Bagama’t hindi pa niya alam ang kuwento sa likod ng pagsusuot nito ng waiter’s uniform. Kaya pala kakaiba na agad ang dating sa kanya ng personalidad nito nuong unang kita palang niya rito, iyon pala ay hindi ito basta basta.
“Pakakawalan lamang kita kung papayag ka sa gusto ko. At uulitin ko, you were an intruder, puwede kitang ireklamo sa management ng isla. Inagawan mo ako ng kama at—”
“Saan ka natulog kagabi?” Putol nito sa sinasabi niya. Gustong umangat ng kilay niya dahil may nahimigan siyang pag-aalala na kalakip ang tanong na iyon.
“Dito sa sofa,” sagot niya. Nang masiguro niyang mahigpit na ang pagkakatali nito ay binantayan niya ito at pilit pinaglalabanan ang antok bagama’t mababaw lamang ang naging tulog niya.
“I’m sorry. Marahil ay masakit na ang katawan mo. Come on kalagan mo na ako. Ibibigay ko ang pabor na hinihingi mo, whatever it is.”
“P-papaano ako nakakasiguro na tutupad ka?” tanong niya bagama’t tila nasa karakter naman nito na marunong itong tumupad sa mga binibitiwan nitong salita. Kung sakali ay alam na niya kung saan ito hahanapin, kay Charlie Valencia.
“You have my word.”
Tumango tango siya. “Sige, panghahawakan ko ang salita mo.” Iyon lamang at kinalag na niya ang dalawang malaking scarf na nakatali sa magkabilang kamay nito, maging ang mga sintas ng rubber shoes na siyang itinali niya sa magkabilang paa nito.
Nakalagan niya ang binata. Bahagyang dumistansiya siya mula rito ng makabangon ito. Umupo ito sa kama pagkatapos ay inihilamos ang mga palad sa sariling mukha. Malakas na bumuntong-hininga ito bago bumaba sa kama. Nilapitan siya nito bago iniumang sa harap niya ang palad nito para makipagkamay. “I’m Dylan Valencia,” anitong hindi ngumingiti.
“I know.” Kinuha niya ang wallet. “I’m sorry pero pinakialaman ko ang wallet mo. Wala namang nawawala riyan, you can check it.”
Tinanggap ang palad nito. Dear God! What was that? Natitilihang tanong ng kanyang isipan sa tila maliit na boltahe ng kuryente sa palad nito na dumaloy sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Marami na siyang nakamayan na mga lalaki, foreigners or locals, pero ngayon lamang niya naramdaman ang kakaibang pakiramdam na iyon. “Ako naman si Lorraine. Lorraine Zia Mae.”
Tumango ito.
“Nice meeting you Lorraine. Katulad ng sinabi ko, ibibigay ko ang hihilingin mo, kahit ano man iyon. Pero sa ngayon ay magpahinga ka na muna. Ako man, masakit pa rin ang ulo ko. And again, I’m sorry; I take full responsibility of what happened.”
“Basta aasahan ko ang salita mo, ha?”
“Of course.” Naglalakad na palabas ng cottage ang binata ng muling lumingon ito. “Let’s have dinner tonight. Pag-usapan natin ang sinabi mo na gusto mo kamo akong i-hire na boyfriend? Susunduin kita rito mamaya around seven. Would that be fine?”
“Okay,” aniya.
“Good.”
“AROUND SEVEN? Eh seven thirty na ah!” palatak ng dalaga habang palakad lakad sa loob ng kanyang silid. Baka naman tinakasan na siya nito at wala pala itong planong tuparin ang binitiwan nitong salita?
“Huh! Makikita ng lalaking iyon!” Nanaog siya ng cottage niya. Pupuntahan niya ito at kukomprontahin. Alam naman niya kung saang cottage ito tumutuloy dahil nabanggit na nito na 29 ang cottage number nito. Kapag ganoong oras ay buhay na buhay pa ang aktibidades sa buong isla. Katunayan ay napaliwanag pa roon.
Ilang metro rin ang nalakad niya bago nakita ang cottage 29. Umangat ang kilay niya ng makita ang desinyo niyon. Kapareho kasi iyon ng sa kanya. Isa marahil iyon sa dahilan kung bakit cottage niya ang napasok nito kagabi. May bukas na ilaw sa loob. Lumapit siya at kumatok. Wala siyang narinig na sagot.
Inulit niya ang pagkatok at mas malakas kesa sa karaniwan niyang katok. Sa pagkataong iyon ay nakarinig siya ng yabag na papalapit sa pintuan. Bumukas iyon. What the hell! Halos mapasinghap siya sa hitsura ng lalaking bumugad sa mga mata niya. Tila kagigising lamang nito dahil bahagya pang na kapikit ang isang mata nito habang ang isang mata ay pilit lamang iminumulat. Magulo ang buhok nito pero hindi maikakailang he was a sight to behold. He was barefoot and he was naked from waist up. And yes it was really a hell—a one hell of a body. Maganda ang katawan nito at wala man lang ni katiting na unwanted fats. In fact, he has abs. His skin was tanned and he looks manlier because of that.
Dearest! Nabigyang buhay ang imahinasyon niya rito nuong una niya itong makita sa restaurant. Indeed, he has one perfect chiseled torso. It was defined and toned. Tila nanunukso rin ang dalawang maliit na dunggot sa dibdib nito. And his—
Naputol ang pag-aanalisa niya sa physical attributes rito ng makarinig siya ng mga daliring pumitik yata sa hangin sa bandang ulo niya. At hindi nga siya nagkamali dahil nakita pa niya ang kamay ng binata ng ibaba nito iyon. Agad siyang nakaramdam ng pag-iinit ng kanyang buong mukha. Lumukob ang kahihiyan sa katawan niya. Huling huli ng lalaking ito ang pagkatulala niya sa hitsura nito. And worst there was a knowing smile in his lips. Imbes na mainsulto ay tila nabighani pa siya sa ngiting iyon. What a charming smile it was and what a sensual lips to go with it. Ang kaninang nakapikit pang mga mata nito ay may buhay na.
“Yes?”
“Yes?” pag-ulit niya sa sinabi nito habang pilit binabalewala ang biglang pagpungay ng mga mata nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. “Nagka-amnesia ka ba? Hindi mo na ako makilala? Pati na ang dinner na sinabi mo ng seven?” may bahid ng sarkastikong wika niya rito.
Sa pagkagulat niya ay tinampal nito ang sariling noo. Like he was punishing himself for being a fool.
“I’m sorry. Pero hindi kita tinatakasan. Nakatulog ako at kagigising ko lang. Ahm, masakit kasi ang ulo ko kanina dahil sa hang over.” Niluwagan nito ang pinto, “come in.”
Pinayapa niya ang sarili bago pumasok sa cottage. Thank God hindi ito nagbigay ng ano mang komento tungkol sa pagkakatulala niya. “Have a seat. Magbibihis lang ako.”
Kahit hindi na, suhestiyon ng pilya niyang isipan na pilit niyang sinasaway. Nahabol na lamang niya ng tingin ang papalayong likod nito. Kung hindi pa niya napigilan ang sarili ay tila magkokomento na naman iyon sa katangiang pisikal ng lalaki.
Agad din naman itong nakabalik. Sa pagkakataong iyon ay may suot na itong T-shirt at hindi na pajama bottom ang pang-ibaba nito kundi isang cargo shorts na. Maayos na rin ang buhok nito. Subalit wala pa rin itong suot na tsenelas. Lihim siyang napangiti. Kakaiba ang epekto sa kanya ng lalaking nakaapak lamang sa loob ng bahay o kahit sa cottage na iyon. It seems as if he was the homebody type of person. A keeper. In fairness, magaganda ang mga paa nito.
Naupo ito sa kaibayong sofa na yari rin sa kawayan.
“I’m really sorry Lorraine. Jesus! Ilang beses na yata akong nag-sorry dahil sa kapalpakan ko. Anyway, bigyan mo lamang ako ng ilang minuto para ayusin ang sarili ko. Ituloy natin ang dinner.”
“No, actually, gusto ko lamang tiyakin na hindi ka babali sa salita mo. Tutulungan mo pa rin ako, hindi ba?” lihim na kinakastigo niya ang sarili. Bakit tila hindi niya maawat ang kanyang mga mata para palihim na titigan ito? Pakiramdam tuloy niya ay nagmula siya sa isang planeta na walang mga lalaki kaya ngayong nakakita siya ng isa ay hindi niya magawang alisin ang mga mata niya rito.
Fascinating, isn’t he Lorraine?
Tumango tango ito. “Of course. Hmm, okay lang ba sa’yo kung dito nalang tayo kumain sa cottage? I mean magpapadeliver nalang ako ng pagkain.”
Saglit na nag-isip siya. Kung tutuusin ay pabor sa kanya ang ganoong set up. May kaunting privacy siya habang isinisiwalat dito ang sitwasyong kinasasangkutan niya. “Sige. Okay lang,” sagot niya.
“Great. In the mean time, puwede bang magrequest ng coffee?” anitong itinuro ang coffee brewer sa isang tabi. Naunawaan niya na nais nitong magpatimpla ng kape. Tumango siya at tinungo ang kinalalagyan niyon habang ang binata naman ay lumapit sa telepono at umorder ng mga pagkain.
“DID THAT Carlo hurt—”
“It’s Charlou not Carlo.” Pagtatama niya sa sinabi nito. Katatapos lamang niyang ikuwento rito ang kanyang talambuhay kasama na roon ang first boyfriend niya na si Charlou. Detalyado rin niyang ikinuwento rito ang sinabi ng mga magulang niya.
Sa pagkamangha niya ay umangat ang sulok ng labi ng binata na tila ba nagpipigil ito ng isang tawa. “I’m sorry. Dapat mong malaman na pinalitan ko sadya ng pangalan niya. I mean Charlou? What an odd name for a man!” anito at hindi na yata napigilan ang halakhak kaya pinakawalan na nito iyon. His laughters roars. Ang akala din niya ay maiilang siya sa presensiya ni Dylan pero sa pagkamangha niya ay naging maayos naman ang lahat sa pagitan nila. Nakakahawa ang kasaganahan nito sa pagkain. So far, maayos naman ang lahat sa pagitan nila.
“Dylan!” saway niya rito bagama’t nangingiti rin siya. Dati na niyang naisip na napaka-odd nga ng pangalang iyon para sa isang lalaki. Mabuti sana kung pronounce as Carlo pero Char-Lou talaga iyon kung bigkasin. Ang alam niya ay ipinangalan kasi ito sa dalawang lola nito.
Tumikhim ang binata na tila hinahamig ang sarili mula sa pagtawa. “So ayun nga, did Char—ah! I can’t utter the name! So si Carlo ba sinaktan ka niya? Or you loved him that much kaya hindi ka na nagkaboyfriend pa?”
Umiling siya. “No to both questions. At kung bakit hindi na siya nasundan pa? Well, let’s put it this way, wala isa man sa mga nagtangkang manligaw sa akin ang nakakuha ng a—atensiyon ko.”
Natigilan siya. Atensiyon? Hindi ba at ang lalaking nasa harapan niya ay nakuha ang atensiyon niya sa unang beses na marinig niya ang boses nito at mas lalo na ng makita ito?
“Baka naman masyadong mataas ang standard mo?”
“No.” Bahagya siyang nangiti. “I was just looking for that special feeling. ‘Yong pakiramdam na malalim ang pinanggagalingan. Call me a hopeless romantic, but that’s me, ayokong pumasok sa isang relasyon na hindi ko mahal ang lalaki.”
Tumango tango ang binata. “Very well said. Pero hindi mo ba naisip ang kahihinatnan ng gagawin mong palabas? I mean, okay maloloko mo ang parents mo for a few days or a week katulad ng usapan natin. Ika-cansel nila ang engagement mo dapat pero papaano kapag natapos na ang araw ng palabas? Of course, they’ll continue asking about me and the likes.”
Natigilan siya. Hindi pumasok sa isip niya ang bagay na iyon. Inisip lang niya na dapat ay may maipapakilala siyang boyfriend sa ama, pero, papaano nga ba kapag natapos na ang kasunduan? “T-tsaka ko na iisipin ‘yan. For now, kailangan ko lang munang may maipakilalang boyfriend kina mommy at daddy.”
“Honey, maraming loop holes sa plano mong iyan. Ipapakilala ko ang sarili ko sa kanila. Of course, mag-iimbistiga sila kung sino ba ako o ang pamilyang pinagmulan ko. That I can guarantee I’ll pass. Pero after the show, baka sa akin bumagsak ang lahat. I mean, you can’t do anything shall a marriage between us is planned, can you?”
“Sasabihin ko sa kanila na nagbreak tayo, na—” bumuntong-hininga siya. Alam niyang lame excuse ang sinabi niya. Oo nga bakit nga ba hindi niya naisip ang mga bagay bagay na iyon?
“How about a groom for hire?”
Bumuka ang mga labi niya. Napatingin siya rito. Nakita niya ang kislap ng panunudyo sa mga mata nito. Sunod sunod na umiling siya. “Sinabi ko na, ‘di ba? Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking hindi ko mahal. Kung ganoon rin lang pala ang kaso eh di sana hindi ako naghahanap ngayon ng boyfriend for hire at sa halip ay pinatulan ko nalang ang arrange marriage na gagawin ng mga elders ko.”
“Ah, ang hirap naman ng sitwasyon mo,” anito bagama’t natatawa.
Inirapan niya ito. “Natatawa ka pa! Sige na please, tulungan mo naman ako. Pagkatapos noon ay ako na ang bahalang gumawa ng paraan kung papaano matatapos sa atin ang lahat. Tungkol naman sa bayad—”
“Money is not an issue here. Dapat alam mo na iyan ngayon.”
“I’m sorry.”
“Okay, Lorraine, payag ako.”
Nakadama siya ng tuwa sa pagpayag nito. “Payag ka talaga?”
Iniangat angat nito ang kilay nito bilang kompirmasyon. Gusto tuloy niyang mapahagikhik dahil roon. Why, he was so cute.
“Sinabi ko na ibibigay ko ang pabor na hihilingin mo ano man iyon, hindi ba? Actually, pasasalamat ko na rin iyon dahil hindi mo ako isinuplong sa management kagabi. Nakakahiya kung sakali…”
“Thank you! Huwag ka ring mag-alala dahil gagawa ako ng paraan para hindi ka makulit ni daddy.”
“So? We have a deal here?”
Tumango siya.
“Good. Now listen Lorraine, ayokong pumunta o pumasok sa isang laban na hindi ako handa. Ang gusto kong sabihin ay bigyan natin ng panahon ang isa’t isa ng sa gayon ay magkakilanlan tayo. Lumabas tayo para mag-date mula bukas hanggang sa dumating ang mga magulang mo.”
“D-date? Kailangan pa ba iyon? Puwede naman na gumawa nalang tayo ng kuwento para consistent ang sasabihin natin sa kanila.”
“Lorraine, aakto ako na boyfriend mo hindi ba? At ikaw naman, well siguro naman alam rin nila—ng parents mo—na romantic ka? Na hindi ka papasok sa isang relasyon kung hindi sangkot ang puso mo? You see, ang dalawang tao na in love ay nakikita sa aktuwasyon ng mga ito. Nakikita sa kislap ng mga mata. Therefore, kailangan mong maging komportable sa presence ko, sa tabi ko, sa hawak ko…” Kinabahan siya ng naging pilyo ang kislap ng mga mata nito. “…kailangan mo ring maging pamilyar sa halik ko.”
Napaunat siya ng upo. “H-hawak? H-halik? Hindi kasama ‘yon.” Pagtutol niya. Gustong mag-init ng buong mukha niya ng maalala ang insidente kung saan ay nahawakan ng binata ang kanyang dibdib. Sana lang ay totally pass-out na ito at hindi nito maalala ang bagay na iyon.
“Oh yeah? Eh ano pala ang ipapakita natin sa kanila? Magkasintahan na may matinding away kaya ni hindi manlang nagdidikit? And the kiss? Trust me malaking tulong iyon para makumbinsi sila. Raine, marahil nga ay iisa pa lang ang naging boyfriend and you two didn’t get any closer. Pero bukas naman siguro ang mga mata mo sa nangyayari sa kasalukuyang henerasyon. Couples today are passionate.”
Ngumiwi siya. “Kailangan ba talaga niyon?”
Hindi ito sumagot sa halip ay sumandok ito ng pagkain mula sa plato nito pagkatapos ay itinapat nito sa bibig niya ang kutsara nito na may lamang pagkain. Natilihan siya. Tatanggapin ba niya ang isinusubo nitong pagkain? Ang lawak pa naman ng pagkakangiti nito at hindi siya hinihiwalayan ng tingin. Kabado siya sa bawat tingin nito. Kasi naman ay may kakaiba siyang nababasa sa mga mata nito.
“See? That’s your answer. Papaano ka aakto kung sa simpleng bagay na iyon lamang ay natitilihan ka na? I’m a Valencia at dapat mong malaman na nasa dugo ng lahi ko ang pagiging malambing at mapagmahal. Sa gagawin mong palabas, you actually have the best actor in me. Bukod pa sa background ko na highly acceptable at—Wait, bakit ako pa yata ang lumalabas na nangungumbinsi sa’yo? Okay have it your way and i’m out.” Resign nitong wika.
Bigla siyang nag-panic sa pag-ayaw nito at kahit papaano ay aminado siya na may punto ito. “No, wait. Sige payag na ako.”
“Good. So ano we’ll start the date tomorrow? I’ll teach you a lot of things Lorraine…” anito na may kakaibang kislap sa mga mata.