DAHAN DAHANG nagmulat ng mga mata ang dalaga. “Great! So the tale about sleeping beauty was true after all. The prince kissed her princess and boom she wakes up!” Ang tinig na iyon ang nagpabalikwas sa kanya ng bangon. Pagtingin niya sa bandang kanan ay nakita niyang nakatayo roon ang binata. Magkasalikop ang mga braso nito sa tapat ng dibdib. He was half-smiling and half-teasing. “Dylan!” bulalas niya na napabangon bigla sa kama. Ibig ba nitong sabihin ay hinagkan siya nito? Hindi siya sigurado pero tila may dumampi nga sa labi niya. “What are you doing—” Hindi na niya naituloy ang nais sabihin ng mapansin niya ang kakaibang ngiti nito habang nakatingin sa katawan niya. Loose shirt ang pantulog niya at shorts pero

