Chapter 16

1047 Words
Chapter 16 Ellen’s POV “Hi,” nahihiya kong bati kay Gio nang maabutan ko siyang nasa kusina. Ngumiti siya sa akin. “I’m cooking lunch. Sorry. Mukhang napagod ka yata,” may pilyong ngiti na wika niya. “Psh.” Umirap ako at nag-iwas ng tingin. Alas-dos na ng hapon at mamaya lang ay susunduin ko si Morri. “Maliligo lang ako.” “Sure. Malapit na rin naman ’to. Hintayin kita.” Pansin kong bagong ligo siya at bagong bihis. Nakalatag sa sala ang mga paper bags na mukhang may laman ng gamit niya. Lihim akong napangiti habang binabalikan sa aking isipan ang mga ginawa niya sa akin kanina. Gumaan ang aking pakiramdam na animo ay nawala ang matagal ng mabigat sa aking dibdib. He let me feel wanted, needed, and loved. Iyon ang naramdaman ko sa mga haplos at halik niya sa akin. Kinikilig ako habang naliligo. I feel energized. Ngayon ko lang napagtanto na matagal na pala akong nawalan ng s*x life. Nagbihis ako at nag-ayos ng sarili pagkatapos maligo. Bumalik ako sa kusina at naroon siya, naglalatag ng pagkain sa mesa. “Here.” Pinaghila niya ako ng upuan. “Let’s eat.” Dumiretso kami sa school ni Morri pagkatapos naming kumain. Ayaw ko sana siyang isama pero kinulit niya ako. I know he deserves it pero… I don’t know. Bumuntonghininga ako. Nagtataka niya akong nilingon. “What happened to you?” tanong niya habang nagmamaneho. Nagkibit-balikat ako. “H-Hindi ko alam. I just feel tired all of a sudden.” “Really? Should we head home? Do you need more rest? Rest day mo ngayon diba?” sunod-sunod niyang tanong. Umiling ako. “Ayos lang ako. I just want to see Morri.” Tumango siya. Naghintay kami sa isang waiting shed sa harap ng school ni Morri. Marami ang nakatingin sa kasama ko at hindi naman ito alintana ni Gio. Diretso siyang nakatingin sa harap ng gate at matamang tinitingnan ang lahat ng lumalabas na mga estudiyante. Biglang kumislap ang kanyang mata nang makita ang batang palabas ng gate. Hawak-hawak ang strap ng kanyang bag habang nagpalinga-linga sa paligid. Pansin ko ang pagkislap ng mga mata ni Morri nang mamataan kaming nakatayo habang kumakaway ang kanyang ama. Naunang lumapit si Gio kay Morri. Pinanood ko ang dalawa na magkahawak ang kamay habang naglalakad papalapit sa akin. “Mommy!” Humalik sa aking pisngi si Morri. “How are you?” “I’m fine. How’s school?” “Great!” “Saan tayo?” tanong ni Gio. “Can we go to the park, Daddy. It’s too early pa naman, eh,” sagot ni Morri. Nilingon ako ni Gio. “How about you?” tanong niya. Nagkibit-balikat ako. “Kung saan n’yo gusto, doon din ako,” sagot ko. “Yehey!” biglang nagtatalon sa tuwa si Morri. Naririnig ko ang bulungan ng kapwa ko magulang tungkol sa kasama namin ni Morri. May king anong mainit sa aking puso habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang naglalakad palapit sa itim na sasakyang nakaparada sa harap ng eskwelahan. God! I can’t believe we’re complete. Do I deserve this, Lord? Bumuntonghininga ako. Nilingon ako ng dalawa. “Come on, Mommy! Nahuhuli ka!” sigaw ni Morri. Kumaway si Gio. “Bilisan, Love. Our daughter can’t wait to be at the park.” Napapiksi ang aking puso dahil sa narinig. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa aking labi. I held my breath. Tinanggap ko ang kamay ni Gio na nakalahad. “Thank you for waiting,” saad ko. Nilaro namin lahat ng laruan sa park. Pagod kaming umupo sa isang bench sahil sa kakulitan ni Morri. Nasa swing siya, nakaupo at mukhang napagod na rin. “She looks like you,” rinig kong sabi ni Gio. Umiling ako habang nakangiti. “No. She looks like you,” tanggi ko. Ngumiti siya. “Do you want another one?” pilyo niyang tanong sa akin. Pinandilatan ko siya. “Hoy! Tumigil ka! Nakakahiya! Baka may makarinig sa ’yo!” gigil kong bulong sa kanya. Biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi. Seryoso siya tumitig sa aking mga mata. “Dainty, I want to ask you something.” Kumabog nang mabilis ang aking dibdib dahil sa kanyang sinabi. Natameme ako. Hindi ako handa sa kung ano man ang kanyang pakay. Ilalayo na ba niya sa akin si Morri? Mag-isa na naman ba ako? Dahan-dahan akong tumango. “Ano ’yon?” nanginginig ang labi na tanong ko. “Do you still want me in your life?” Nahinto sa pagtibok ang aking puso. Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig matapos marinig ang kanyang tanong. Biglang nawala ang lahat ng tanong sa aking isipan na para bang hinipan ng malakas na hangin. Tanging malakas na kabog ng aking dibdib ang naririnig ng aking tainga. Tumabingi siya. “Dainty, I’m waiting,” aniya na hindi makapaghintay sa aking sagot. Dahan-dahan akong tumango hanggang sa naging mabilis ito. “Oo. Gusto kita, Gio. Mahal pa rin kita. Gusto pa rin kitang manatili sa buhay ko.” Huminga ako nang malalim bago tumingala upang pigilan ang ilang butil ng luhang nagbabadyang tumulo mula sa gilid ng aking mga mata. Dahan-dahang kumurba ang sulok ng kanyang labi hanggang sa sumilay ang matamis na ngiti. Nahigit ko ang aking hininga nang tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahan-dahang lumuhod sa harap ko. He pulled a black box out of his pockets. “Marry me, Dainty.” Tinambol ang aking dibdib sa hindi ko maintindihan na emosyon. Namilog ang aking mga mata habang nakatitig sa nagsusumamo niyang mukha. I held my breath. “Yes, I will marry you, Gio,” sagot ko sa garalgal na boses. “Yehey! My mommy is getting married!” Napaigtad ako dahil sa biglaang pagsigaw. Tiningnan ko si Morri na tumatalon sa tuwa habang pumapalakpak at papalapit sa amin. Napahalakhak ako. Gio kissed my forehead. He leaned down again and held my hand. I felt a tingle run down my spine as our fingertips touched. Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay habang dahan-dahan niyang isinuot ang maliit na singsing sa aking palasingsingan. Kulay gold ito, may mga maliliit na bato na nakapalibot dito. It was simple yet elegant looking. I love it. I love him. I love my family. The End.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD