Chapter 15
Ellen's POV
“What the hell are you doing?” galit kong tanong kay Gio nang maabutan ko siyang nakaluhod pa rin sa labas ng bahay.
Nag-angat siya ng paningin. Ramdam ko at pansin ko ang pagod sa kanyang mukha. Napapangiwi rin siya.
“Tumayo ka,” giit ko. “Hay, naku! Bakit ka ba nakaluhod diyan? Tanga ka ba?”
“I’ve told you. Hindi ako tatayo rito kung hindi mo ako kakausapin,” pagod ngunit determinado niyang sabi.
“Goodness!” iritable kong sambit. “Fine! Now stand up!” inis kong singhal.
Inirapan ko siya. “Pumasok ka sa loob.”
Aligaga naman siyang sumunod. Inis na inis ako dahil sa ka-dramahang ginawa niya pero nakaramdam naman ako ng awa. Pinaupo ko siya sa sala. Pansin kong nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. Pinagtimpla ko siya ng kape.
Nilagyan ko rin siya ng sandwich sa maliit na plato at binigay ito sa kanya. “Magkape ka muna,” malamig kong sabi.
Tinanggap naman niya ito at kaagad na kinain. Mukhang gutom na gutom siya dahil tatlong kagat niya lang ang sandwich.
Nakaramdam ako ng kaunting awa.
“Gusto mo ba ng pangalawa?” tanong ko.
“Yes, please. I’m hungry.”
Ginawan ko siya ulit. Sakto namang lumabas ng kuwarto si Morri. Gulat siya nang makitang may bwisita-este-bisita kami.
“Daddy!” Kumaripas ng takbo ang bata palapit kay Gio.
Ngumiti naman ang huli at akmang yayakapin si Morri nang magsalita ako. “Don't hug my daughter.”
Nahinto siya at tumingin sa akin. “S-Sorry.”
Sinimangotan ako ni Morri at dumikit lalo kay Gio. “You’re grumpy, Mommy,” komento niya.
“I’m tired,” rason ko.
“Kaya I need Daddy to look after me para hindi ka ma-tired.”
Pinandilatan ko si Morri. “What are you saying? I can look after you, Anak. And besides, he’s not your father,” rason ko.
Pareho silang tumahimik. Lumabi si Morri at inirapan ako.
“What was that for?” seryoso kong tanong.
Saan ba ’to natutong mang-irap?
Nag-iwas si Morri ng tingin. “N-Nothing po,” sagot niya.
“I’m going to have a DNA test with her, Dainty.”
Napalunok ako sa narinig. Biglang kumabog ang dibdib ko. “No. I will not allow it.” Huminga ako nang malalim. “If you’ve freshen up, you can go,” pagtataboy ko sa kanya.
Tumayo aiya at may ibinulong kay Morri. Tumango naman ang huli na animo ay nagkakaintindihan ang dalawa.
“Morri, come here,” utos ko. Kaagad namang sumunod ang anak ko. “Pumasok ka sa kuwarto.”
Tiningnan ko si Gio. Tumayo siya at nag-ayos ng suot. “I will never allow you to come again here. Ayaw kong nakikita kang lumalapit sa anak ko, Gio. He’s not your daughter,” mariin kong sabi.
Seryoso niya lang akong tiningnan. “Hmm. We’ll see.”
Parang may banta ang huling sinabi ni Gio. Ilang minuto na siyang nakaalis pero hindi pa ako gumagalaw. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Kinakabahan ako at natatakot. Ayaw kong humantong sa puntong pag-aagawan namin si Morri.
I can’t deny that she looks like her father at hindi ko matanggap ang katotohanang anak siya ni Gio. Ayaw kong maranasan ulit na mawala sa akin ang mahal ko sa buhay.
Morri is my life, my strength, my everything.
And Gio is here to take her away from me. At hindi ko hahayaang mangyari iyon.
Napapitlag ako nang tumunog ang aking cellphone. Lumabas sa screen ang pangalan ni Ate Samantha.
“Ellen.”
“Ate Sam,” garalgal ang boses kong tawag sa kanya. “I’m scared,” pag-amin ko.
“Why? What happened?” nag-aalala niyang tanong.
“Gio’s here kasi. He was with Morri yesterday at hindi ko alam. I’m scared he might take her from me, Ate Sam. Ang sabi niya magpapa-DNA test silang dalawa.” Napahagulgol ako.
Bumuntonghininga siya. “Alam mo, Ellen. It’s your decision naman. If you think makakabuti sa inyo then go. But still, think about your daughter. Kung hindi siya naghahanap ng Daddy—”
“That’s the problem, Ate Sam. She's longing for a father and—”
“Then give it to her, Ellen,” putol ni Ate Sam sa sasabihin ko. I felt a lump on my throat. “Isipin mo palagi ang anak mo. Kung ano ang ikakasaya niya, ibigay mo sa kanya. Life is short. Don’t be too hard on yourself naman.”
Lalo akong napaiyak. Ibinaba ko ang tawag at nagmukmok sa sala. Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Morri.
“M-Mommy, what's wrong?” nag-aalala niyang tanong. “S-Sorry po. Hindi na po ako lalapit kay Daddy, Mommy. Hindi na po ako matigas ang ulo,” nakanguso niyang sabi habang nangingilid din ang kanyang mga luha.
Mabilis akong umiling. Pinahiran ko ang kanyang pisngi. “No. It’s fine. If you're happy with him then…” Huminga ako nang malalim. “... Ibibigay kita sa kanya, Anak.”
Nag-iyakan kami hanggang sa hindi na lang ako pumasok. May iniwan na contact number si Gio. Tinitigan ko ang card na nakalatag sa center table. Malalim ang isip ko. Nasa school na si Morri kaya mag-isa akong nakatunganga sa bahay.
Limang taon na ang nakalipas noong umalis ako ng Pilipinas. Limang taon na ring hindi ko nakita si Gio.
Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko ay nalulunod ako dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko at hindi ko alam kung paano umahon.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang numerong nakasulat sa maliit na calling card. Dalawang ring lang ay may sumagot kaagad.
“Hello? Who’s this?”
Napapikit ako. Nanginginig ang labi ko. I know it’s too much for me. I’m having second thoughts pero naaalala ko ang sinabi sa akin ni Ate Samantha.
“I’m asking for Mr. Gio Alden Monterossi. Can I talk to him?”
“Who’s calling, Rissa?” rinig kong tanong noong nasa kabilang linya. It was Gio. Lalo akong nalugmok nang maalala ang pangalan ng babae.
“I don’t know, Sir. She’s asking for you.”
Magkasama pa rin pala talaga sila hanggang ngayon.
Mapait akong ngumiti. Umasa ako na magkakaroon kami ng pangalawang pagkakataon ni Gio pero hindi na pala talaga. Inis kong pinahid ang aking luha.
“Hello?”
Boses ni Gio ang narinig ko. “Ako ’to.” Hindi ko alam kung paano dugtungan ang sinabi ko. I’m torn between telling him and not telling him about the truth and my plans for Morri. Nakaramdam ako nang matinding selos and I can’t stop myself from hurting.
Napagtanto kong mahal ko pa rin pala si Gio. Ayaw kong may kasama siyang ibang babae at naiinis ako sa aking sarili dahil wala namang kami.
There’s no us.
I feel st*pid. This is not right. This feeling is not right. Hindi na tama ang nararamdaman ko dahil matagal ko ng pinutol ang kung ano man ang mayroon kami.
“Dainty?”
Nakagat ko ang aking labi. Naiiyak ako. Suminghot ako para matigil ang aking luha. “N-Nasaan ka?” Hindi ko napigilang umiyak.
“W-Why? May nangyari ba? I’m coming!”
Pinatay niya kaagad ang tawag kahit hindi pa ako nakakasagot. Napahagulgol ako. Hindi ko napigilan ang aking emosyon.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak dahil narinig ko na lamang ang malakas na katok sa pinto. “Dainty!”
I pressed the intercom. “Bukas ’yan,” sagot ko sa malamyang boses. I feel tired.
Parang wala na akong lakas para makipag-agawan sa kanya kaya hahayaan ko na lang ang agos ng buhay ko.
Kaagad siyang pumasok. Nag-aalala at nagtataka. “W-What happened? Where's Morri?”
Sa paraan nang pagkakasabi niya sa pangalan ng anak namin ay para bang ilang taon na niya itong kasama. Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko wala siyang karapatan na banggitin ang pangalan ni Morri.
Suminghot ako upang pakalmahin ang sarili. “S-She’s in school,” sagot ko. “And she’s your daughter,” dagdag kong sabi.
Hindi siya nagsalita at hindi ko siya tiningnan. I don’t want to see his face. Alam kong tuwang-tuwa siya at hindi ko kayang magsaya para sa kanya.
This time, he won.
“Kung kukunin mo si Morri sa akin, you have every right na ilayo siya sa akin. I’m not going to resent you. Kasalanan ko naman dahil inilayo ko siya sa 'yo, nilihim ko siya sa ’yo. Hindi kita p-pipigilan,” umiiyak kong sabi. Lumakas ang iyak ko nang hindi siya nagsalita.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. “Dainty, I'm not going to do that. Bakit mo ba naisip ang mga ’yon?” nagtataka niyang tanong. “Ganoon na ba kasama ang tingin mo sa akin para isipin mong ilalayo ko sa ’yo ang anak natin?”
Nahinto ako sa pag-iisip.
Anak natin.
It feels nice to hear it from him.
“I’m not a bad guy, Love.”
Tiningnan ko siya nang masama. “Eh, bakit magkasama pa rin kayo ng babae mo?” inis kong sumbat sa kanya.
Natigilan siya at hindi alam kung paano mag-react. Naroon sa kanyang mukha ang pagka-blanko. Dahan-dahan ay bigla siyang tumawa. Mahina hanggang sa palakas nang palakas.
“Oh, Love!” sambit pa niya na animo ay nakakatawa ang sinabi ko.
“Why are you laughing at me?” inis kong tanong habang nagpapahid ng luha. “Stop calling me that. Walang tayo,” naiinis kong dagdag.
Niyakap niya ako. “Of course there's us, Love. Hindi naman ako pumayag na maghiwalay tayo, eh. Hindi mo lang ako binigyan ng pagkakataong humindi kasi tinaboy mo na ako,” nagtatampo niyang wika.
Nagtataka ko siyang tiningnan. “H-Huh? Ano ba ang pinagsasabi mo?”
He planted a soft kiss on my forehead. “For me, we are still together. Kahit malayo ka, kahit itinakwil mo ako, para sa akin ay tayo pa rin. Hindi ko inisip na hiwalay tayo. Inisip ko lang na nagbakasyon ka kasama ang anak natin.”
Hindi ako makapagsalita. Natameme ako dahil sa mga sinabi niya.
“And, I wanted to make things clear for you. Walang kami ni Rissa. We’re just friends. In fact noong nagkita tayo sa bar—”
“Sige ipaalala mo pa,” inis kong putol sa sasabihin niya.
Tumawa siya. “Doon lang din kami nagkita sa mismong entrance ng bar. Wala kaming komunikasyon o kahit na anong namagitan sa amin. Nagkagulatan lang kami. Ikaw kasi ang sadya ko roon dahil nalaman ko kay Nico na pinayagan ka niyang mag-party. I was so mad at that time dahil hindi man lang kita naabutan sa condo mo.”
Lalo akong hindi makapagsalita. Naguguluhan ang isip ko. Umiling-iling ako at pilit na lumalayo sa kanya.
“W-What? You mean nagalit ako without even knowing the truth?”
“Well, it doesn't matter now.”
“Well, it is! I’m stu—”
Nilagay niya ang hintuturo sa aking labi. “Ssh. I don’t want to hear it, Love.”
“No! Nasaktan kita nang hindi ko alam. I did not even give you a chance to explain yourself! I was occupied with anger. Inisip ko lang ang sarili ko. Nakalimutan kong nasasaktan kita sa ginawa ko!” pilit kong sambit.
Tinakpan ko ang aking mukha dahil sa hiyang naramdaman. “Kung ano-ano ang inisip ko tungkol sa ’yo. I’m sorry, Gio. I’m sorry.”
Niyakap niya ako nang mahigpit. “I’m sorry, My Love. May kasalanan din ako sa ’yo. I was so focused on myself kaya halos hindi na kita nabigyan ng oras at panahon noong nasa ibang bansa ako. I’m sorry and I regretted it. Alam kong hindi mo ako mapapatawad pero hihingi pa rin ako ng tawad.”
Umiling ako. “Matagal na kitang pinatawad, Gio.” Malungkot akong ngumiti. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil pinangunahan ako ng galit at mas pinili kong pakinggan ang isip ko kaya ako umalis. Iniwan kita at nasaktan kita. I’m sorry. I’m really sorry. Ilang beses kung isigaw ng puso ko na mahal na mahal kita pero mas pinili kong pakinggan ang galit sa puso ko.”
“No, Love. Huwag mong sabihin iyan. Tama lang din ang ginawa mo dahil naging gago ako. Nakalimutan kita sa sobrang pokus ko sa trabaho at dahil doon ay nasaktan kita ng sobra. Hindi ko pa rin napapatawad ang aking sarili dahil sa nangyari.”
Pareho kaming natahimik at pawang nag-iisip. Somewhat, somehow, I feel at peace. Parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pag-uusap namin ni Gio.
Bigla na naman siyang bumungisngis kaya inis ko siyang tiningnan. “Pinagtatawanan mo na naman ba ako?”
Umiling siya pero tumango rin. “Kasi nagseselos ka, eh.”
“Huh?”
“Inisip mo ba na si Rissa ang sumagot sa ’yo kanina?” natatawa pa rin niyang tanong. “That’s not the Rissa na pinagseselosan mo, Love. It’s my secretary.”
Hinampas ko siya sa braso. “Huwag mo akong asarin,” inis kong sabi pero natawa rin ako dahil sa sarili kong katangahan.
Tumigil naman siya pero klaro pa rin sa kanyang mukha na inaasar niya ako. “Did you eat?” tanong niya.
Saka ko lang naramdaman ang gutom. “Hindi pa.”
“Let’s eat out.”
“Hindi pa ako naliligo,” nakanguso kong sabi.
“You can shower first. Puwede ngang sabay tayo, eh,” maloko niyang bulong. Kaagad ko siyang pinandilatan.
“Tigilan mo ako.”
“Hmm…” Mabilis ang kanyang kamay na gumapang papunta sa aking hita. “... I missed you so much, Love. Walang araw at gabi na hindi kita iniisip.”
Dahan-dahan na lumapit ang kanyang labi at sa isang iglap ay nasakop nito ang aking bibig. “Uhm.” Hindi ko napigilang mapaungol. May kuryente na dumaloy sa aking katawan. Napaigtad ako nang huminto ang kanyang hinlalaki sa aking p********e.
“Gio.”