Chapter 14

2021 Words
Chapter 14 Ellen's POV “Ayos na ba ang lahat ng gamit mo?” Hindi magkamayaw sa pagtatanong si Ate Samantha habang nag-aayos ako ng sarili. Today is my flight papuntang Italy. Kanina pa umiiyak ang mga dramatic kong kaibigan kasama sina Manang at Ate Dani, ang kasamang kasambahay ni Manang. Nasa labas na si Kuya Baji at kasalukuyang kinakarga ang mga gamit ko. “Ayos na lahat, Ate Sam. Pag-alis ko na lang ang kulang,” tumatawa kong saad. “Hay, Hindi ako makapaniwala na aalis ka. Bakit naman kasi?” nakasimangot niyang tanong. Kaagad siyang lumapit at sinuklay ang buhok ko. “Ate, naman. I’m fine. Saka gusto ko ’to. Supportive naman si Kuya Nico kaya huwag kang ma-drama, please,” sermon ko. “Mukha kang bata.” “Eh, kasi naman. Mami-miss ko ang kakulitan mo.” Tumawa ako. “Ikaw ang makulit sa ating dalawa, Ate.” Kinurot niya ang pisngi ko. “Aray! Katatapos ko lang lagyan ng blush 'yan,” reklamo ko. “Sus! Ayaw mo niyan, instant blush na. Hmp!” Tumawa kaming dalawa. Lumapit naman ang dalawa kong kaibigan. Ngumiti ako. “Stella, I’ll missed you surely. Mika, huwag ka ng umiyak. Nakakapangit ’yan.” Lalo lang siyang umiyak. “Piste ka talaga!” Nagyakapan kaming tatlo. “Gaga ka. Mami-miss ka namin,” iyak na wika ni Mika. “Hmp! Mami-miss mo ako kasi wala ka ng makopyahan,” sagot ko. Tumawa lang ang dalawa. We said our goodbyes and now, I’m heading to the airport. Syempre, ni-request ko na huwag akong ihatid. I don’t want to see their sad faces. Mas gusto ko masayang alaala ang babauin ko. I held my breath as I watched the citys beauty fading. The flight was smooth at halos hindi ko maramdaman ang pagod. I feel refreshed and somewhat, at peace. It’s my decision, and I’m living it. Dumaan ang ilang buwan at halos hindi na ako makapagpahinga. I felt pressured and stressed but happy. “Doctor D, how's patient Alvarez?” Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. It was Doc. Riva. A fellow filipino. “He’s doing great, Doctor. Tumatalab ang binibigay nating gamot sa kanya. I’m sure one of these days ay lalabas na siya ng hospital,” nakangiti at panatag kong sagot. Tinapik niya ako sa balikat. “Dahil iyon sa mga kamay mo, Doktora,” proud niyang sabi bago ako iniwan sa doctors lounge. Natahimik ako at umiling. I sipped my coffee as I fetch my phone. Nami-miss ko na ang pinakamakulit kong mahal sa buhay and I think I’ll go crazy kung hindi ko maririnig ang boses niya. Ilang ring lang ay sumagot kaagad ang mahal ko. “Hello, Mommy! How’s work?” kaagad niyang tanong sa akin. “Mahal ko. I’m doing fine. Medyo tired lang si Mommy. Huwag matigas ang ulo at makinig ka sa Nanny mo, okay,” pagpapaalala ko sa aking anak. Kaagad siyang tumango. “I know, Mommy. I’m done with my homework and everything.” She’s clever. “When are you coming back? I missed you,” nakanguso niyang sabi. Ngumiti ako. “Anak, may ilang rounds pa akong gagawin today. Are you good?” “Yes, Mommy. Binigyan ako ni Nanny Rica ng chocolate kanina kasi very good po ako,” kuwento niya pa. “Not too much, Anak, ha, at baka masira ang ngipin mo,” paalala ko. “I’m going now at kailangan na ako sa work.” “Bye, Mommy. I love you. Muah.” “I love you too, Sweetheart.” Kumaway muna ako bago ko ibinaba ang aking phone. Nahigit ko ang aking hininga nang tumama ang aking paningin sa taong nakaupo sa kaharap kong sofa. He was staring straight to my soul. I felt a sharp pang in my chest. Kinabahan ako. I don’t know how to react. “You’re married now.” Napapikit ako dahil sa kaba. It was ages ago since the last time I’ve had heard his deep and baritone voice. “It’s none of your business, Mister,” masungit ngunit may diin kong sagot. Tumayo ako at inayos ang aking white coat. “It is, Miss.” Napairap ako at nilingon siya. It just so happened na walang ibang tao kundi kami lang kaya hindi ako makalusot. “Tigilan mo ako.” Tumango-tango siya. “So, you're not married? You're not wearing a wedding ring.” I gasped. “Shut up!” Kaagad akong lumabas at nagmamadali na makaalis palayo mula sa kanya. I’m scared. Ayaw kong malaman niya ang tungkol kay Morri. I was occupied for a couple of hours. Hindi ko namalayan ang oras. Habang pauwi ako, I feel nervous. Hindi ko alam kung bakit. Bigla kong naalala ang seryosong mukha ni Gio kanina sa doctor's lounge. Napapikit ako dahil sa kaba. He looks different from the last time I saw him. Pumayat siya, at mas pumuti. Bumata siya dahil sa estilo ng gupit ng kanyang buhok. Ipinilig ko ang aking ulo. Simula nang umalis ako ay nawalan ako ng contact mula sa kanya. I even disabled my social medias dahil ayaw kong may malaman tungkol sa buhay niya. It was the lowest part of my life. Yet dahil sa pagdating ng anak ko, nabuo ulit ako. Unti-unti ay nakalimutan siya ng puso ko. Natanggap kong wala na kami at naputol ang komunikasyon sa pagitan namin. Araw-araw akong tinatawagan ni Ate Venice. Siya ang unang nakaalam sa sitwasyon namin ni Gio. But I rejected her. Sinabi kong ayaw ko dahil kailangan kong mag-focus sa aking sarili. I’m hurt and I wanted healing. Nagmakaawa siya, pero hindi niya ako pinilit. Ilang beses akong tinawagan ni Stella at Mika. Kinakamusta nila ako palagi at sila ang nagkukuwento sa akin ng mga bagay-bagay tungkol kay Gio. Sa isip-isip ko ay hindi ko kailangan ang mga chismis pero deep in my heart ay natutuwa akong malaman na nasa mabuti siyang kalagayan. And here he was. Yet I’m scared. Takot ako sa posibleng mangyari. Takot ako sa magiging ganti niya sa akin. I don’t want to risk my daughter. Gulat ako nang mapansin ang isang itim na kotse na nakaparada sa harap ng bahay ko. Kinapa ko ang aking dibdib. Parang dinamba ako dahil sa sobrang kaba. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at kumaripas papasok ng bahay. Patay na ang ilaw sa sala at kuwarto dahil hating-gabi na. “Shit.” Nakalimutan kong hanggang alas-singko lang pala ang Yaya ni Morri dahil uuwi ito ngayon. Mabilis akong pumasok sa kuwarto. Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos kong makita ang aking anak na himbing na sa pagkakatulog. Lumapit ako sa kama niya at tinitigan ang maamo niyang mukha. I can’t take it if she’ll be taken away from me. Baka mamatay ako sa sobrang sakit at lungkot. Hinalikan ko ang kanyang noo. Bigla siyang gumalaw. “Daddy?” Natigilan ako. Bigla siyang bumangon at pupungas-pungas na nagdilat ng mata. Pilit akong ngumiti. “Anak, si Mommy ito.” Biglang kumunot ang kanyang noo at nagpalinga-linga sa loob ng kuwarto. Sumilip pa siya sa likuran ko. “Where’s Daddy?” usisa niya. Kumunot ang akong noo. “H-Huh?” “Si Daddy. Nasaan siya?” Napakurap ako. Alam kong darating ang panahon na magtatanong siya tungkol sa kanyang ama pero hindi ko alam na ganito kaaga. Hindi ako handa at wala akong maisagot sa kanya. Umupo ako sa kama at tiningnan siya sa mga mata. “A-Anak, all this time tayo lang naman ang magkasama. Kaya hindi ko alam kung nasaan ang D-Daddy mo,” palusot ko. “What? Hindi po ba kayo nagkita, Mommy? He was here awhile ago. He tucked me to bed.” Biglang nalukot ang aking ilong. Kunot na kunot ang akong noo. “W-What?” “Yes po. He was here, Mommy,” masayang sabi ni Morri. “H-Huh? What do you mean he was here? Paano? I mean, what? I don’t understand.” Kinakabahan ako dahil sa mga pinagsasabi ng aking anak. Bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng kuwarto. Pumunta siya sa sala at sumilip doon. “Where’s Daddy? Ang sabi po niya ay sa sala siya mag-sleep, Mommy,” aniya. Pansin ko sa kanyang mga mata ang pagtataka at pag-aalala. Umiling ako. “I think you're hallucinating, Morri. Wala kang Daddy,” seryoso kong sabi at nilapitan siya. “Matulog ka na at mukhang nagde-dream ka lang, Anak,” malumanay kong wika. Bigla siyang sumimangot. “No. I want him. I want to see him,” pagmamaktol ni Morri. Namaywang ako. “Morri, I’m tired. Huwag matigas ang ulo. Maaga pa ako bukas.” Humalukipkip siya at biglang umiyak. Parang kinurot ang puso ko. Nasasaktan ako para sa kanya. I know it’s my fault but I wamted to protect her. I wanted to protect what is mine. I don't want to share her. Naglakad siya palapit sa bintana at sumilip mula sa siwang ng blinds na nakasara na. Bigla siyang huminto sa pag-iyak at ngumiti. “That’s Daddy's car!” masaya niyang sambit. Ganoon na lamang ang panlalamig ng aking katawan nang biglang lumabas si Morri at tumakbo. “Morri!” “Daddy!” Kinatok niya ang bintana ng kotse. “Daddy?” “Morri, stop!” pigil ko sa kanya pero hindi siya nakinig. Lalo pa niya itong pinukpok gamit ang kanyang maliit na kamay. Napatuwid ako ng tayo nang biglang bumukas ang pinto sa driver's side. Lumabas ang isang bulto. Napahakbang ako paatras. Parang nahinto sa pagtibok ang aking puso. Napamaang ako nang tuluyan siyang humarap sa akin. Natakpan ko ang aking bibig. “G-Gio…” Napalunok ako. “... Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko. “Daddy.” Ibinaba ni Gio ang paningin kay Morri at ngumiti sa bata. Mabilis kong hinawakan ang aking anak. “Morri, he’s a stranger.” “Mommy, he’s my Daddy. He told me.” Nagugulat ko siyang nilingon. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Umiling-iling ako. “Let’s get inside, Anak. Hindi ka dapat lumalapit sa mga strangers.” Tumalikod ako habang buhat si Morri at naglakad papasok sa bahay. “But, Mommy—” “No buts. You didn't follow the rules. I’ll fire your Nanny Rica. Bakit siya nagpapasok ng taong hindi niya kilala!” galit kong sabi. “Dainty.” Nahinto ako sa paglakad. Hindi ko siya nilingon. “Wala tayong dapat pag-usapan, Gio. Umalis ka na.” Nakita ko sa mga mata ni Morri ang pagtataka. Naguguluhan siya. Hindi ko alam kung paano mag-react dahil sa mga nalaman ko. Habang abala ako sa trabaho ay inaahas na niya pala ang anak ko. How dare he? “Of course we have so much to talk about, Dainty. Lalo na at may anak ako sa 'yo.” Humigpit ang pagkakayakap ko kay Morri. Hindi ko kayang mawalay sa kanya. Siya lang ang lakas ko, ang buhay ko, ang nagbibigay ng saya sa buhay ko. “My lawyer will call you, Mr. Monterossi.” “L-Love, please… I’m begging you,” biglang wika ni Gio sa garalgal na boses. Biglang humina ang tuhod ko. Sumulyap ako sa kanya. He was kneeling on the ground. “W-What are you doing?” inis kong tanong. “Kung kinakailangan kong lumuhod sa harap mo, gagawin ko, Dainty. Makipag-usap ka lang sa akin.” “No.” “Then I won't t stand up.” I rolled my eyes. “Do whatever you want. I don’t care.” Mabilis akong pumasok sa loob at isinara ang pinto. Sinigurado kong naka-lock ito para panatag ang isip ko na hindi siya makakapasok. Pinatulog ko si Morri. Tinabihan ko siya sa kama niya dahil takot ako na baka isang araw ay mawala siya sa akin. Lalo na ngayong nagpakita ang kanyang ama. Alas-otso na ng umaga nang magising ako dahil sa pagod. Nine a.m naman ang call time ko ngayon. I stretch my arms. Humihikab pa ako habang nagtitimpla ng kape. Bitbit ang isang mug ng coffee latte, pumunta ako sa sala at binuksan ang blinds. Nabuga ko ang iniinom na kape nang makita kong nakaluhod pa rin si Gio habang nakayuko. “What the hell?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD