Chapter 13
Ellen’s POV
Bumalik ang sakit at kirot sa aking puso nang makita ko si Gio. Mahal ko pala talaga anag lalaking ’to. He looked uncleaned, magulo ang buhok na parang dinaanan ng bagyo. Malungkot ang mga mata at kunot ang noo.
Naikuyom ko ang aking kamao. Ayaw kong makita siya.
“Dainty…” Bumuntonghininga siya. “... We need to talk. Please?” pagsusumamo niyang tanong.
I held my breath saka huminga nang malalim. Nauna akong naglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong maisip. Ayaw ko siyang makausap. Gusto ko ng lumayo pero nasasaktan akong makita siyang ganito.
Huminto ako nang mapansing nasa parking lot kami. Madilim at walang tao. Nilingon ko siya.
Nakapamulsa ang isang kamay habang sinusuklay ng kanyang kanang kamay ang kanyang buhok. Napapiksi siya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
“Anong pag-uusapan natin? Wala akong oras para mag-aksaya ng panahon,” maldita kong sabi. Ayaw kong makita niyang nasasaktan ako.
“You look good, Dainty.” Naipit ang aking dila dahil sa narinig. “Beautiful.” Namasa ang gilid ng aking mga mata.
“What do you want?” inis kong tanong. Gusto ko ng umalis sa harap niya.
“Forgive me, please.”
Natawa ako ng pagak. “Ha? Naririnig mo ba ang sarili mo?” pagalit ko ng tanong. “I’ve been waiting for you for ages! Wala akong natanggap kahit isang text o tawag mula sa sayo! Halos mabaliw ako kaiisip kung kamusta ka na, kung ano na ang ginagawa mo, o kung naiisip mo pa ba ako! Tapos pag-uwi mo, makikita kitang nakalingkis sa iba. Wow! Ang galing! Mukhang abala ka nga sa trabaho mo, Gio! Now, what? Manghihingi ka ng tawad?”
Pumalatak ako. “How dare you!” Dinuro-duro ko siya. Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha. Parang binibiyak ang puso ko na hindi ko maintindihan. “Ang kapal naman ng mukha mong manghiwi ng tawad sa akin!”
Marahas kong pinahid ang luha sa aking mga mata. “Ayaw na kitang makita. Iyon ang gusto kong gawin mo. Nagawa mo na ng ilang taon, gawin mo ulit ngayon,” mariin kong sabi.
Napayuko siya at bagsak ang mga balikat na bumuntonghininga. Hindi ko alam pero dumaan sa aking paningin ang isang butil ng luha na tumulo mula sa kanyang mga mata.
Tumango-tango siya at ngumiti sabay talikod bago tuluyang naglakad palayo.
Naiwan akong tulala, umiiyak, at hindi alam kung ano ang gagawin. Dumaan ang ilang minuto, may humintong sasakyan sa tabi ko.
“Ma’am Ellen, uuwi na po ba tayo?”
Gulat kong nilingon si Kuya Baji. “K-Kuya? Kanina ka pa po ba riyan?” taranta kong tanong.
Ngumiti siya sabay iling. “Ngayon lang po ako dumating.”
Nag-alala ako na baka nakita niya ang eksena namin ni Gio. Baka sabihin niya kina Kuya Nico at Ate Sam. Mapapgalitan ako pero nag-aalala rin ako para kay Gio dahil baka magalit si Kuya Nico sa kanya. Ayaw kong mangyari iyon.
“U-Uuwi na po ako,” dagli kong sabi sabay pasok sa sasakyan.
Nagtataka ang mga kasama ko sa bahay kung bakit mugto ang aking mga mata. Hindi sila nagtanong dahil kinausap sila ni Kuya Baji. Ramdam ko ang matatalas na paningin sa aking likuran at alam kong si Kuya Nico iyon. Nakita ko siya sa gilid ng aking mga mata pag-akyat ko sa hagdan.
Nagmukmok ako sa kwarto. Hindi ako lumabas ng maghapunan. Wala akong ganang kumain. Wala rin akong kinakausap. Nakatulog akong lutang ang isip.
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas na katok sa pinto. “Ellen! Ellen!” sigaw ni Ate Sam.
Pikit-mata akong naglakad palapit sa pinto at binuksan ito. “B-Bakit po?” utal kong tanong.
“Hmp! Ang baho ng hininga mo!” singhal niya. “Joke!” bawi niya sa sinabi. Itinulak niya ang pinto bago pumasok.
“A-Ate, bakit po?” nagtataka kong tanong dahil alas-singko pa lang ng umaga.
Nilingon niya ako. Bumuntonghininga siya bago nagsalita. “Ano ba talaga ang problema mo? Ginigisa na ako ni Nico at wala akong maisagot.”
Nanlaki ang aking mga mata. Ayaw kong malaman nila ang totoo lalo na si Kuya Nico. Baka i-prito niya ako.
“Ano, Ellen. Buntis ka ba? Hindi ka ba pananagutan ng lalaki?” Napalunok ako dahil sa sunod-sunod na tanong ni Ate. “Sumagot ka.” Pinandilatan niya ako kaya lalo akong napayuko.
Humalukipkip ako. “H-Hindi po ako buntis,” sagot ko. Takot na takot ako. “Brokenhearted lang po pero hindi po ako buntis,” pagsasabi ko ng totoo.
Nakahinga siya nang maluwag pero kumunot ulit ang kanyang noo. “A-Ano? Binasted ka?” Nanlalaki sa gulat ang kanyang mga mata.
“P-Po! Hindi po, Ate. Hiniwalayan ko po siya,” pag-amin ko.
Namaywang siya sa harap ko. “Ikaw ang nakipaghiwalay?” naninigurado niyang tanong. Tumango ako. “Aba! Eh, bakit ka umiiyak? Kasalanan mo pala, eh!” himutok ni Ate Sam.
Gulat akong nag-angat ng paningin sa kanya. “A-Ate,” hindi makapaniwala kong wika.
“Bakit ka nagmumukmok diyan, eh, kasalanan mo pala? Ikaw ang nakipaghiwalay dapat masaya ka.”
Natawa ako sa sinabi niya pero napaiyak din. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinasabi ni Ate Sam.
“M-Masakit po, eh,” nakangiwi kong sagot habang umiiyak.
“Talaga!” sambit niya. “Pero kasalanan mo pa rin. Hay, naku! Akala ko naman buntis ka. Ang sama ng tingin sa akin ni Nico. Tutusukin ko mamaya ang mata niya. Sa akin siya nagagalit, eh, hindi naman ako ang may kasalanan kung sakaling buntis ka nga.”
“Hindi nga po ako buntis, Ate Sam!” pilit kong sagot.
“Sinabi mo nga,” tumatango niyang wika. “Iyon lang ba? Baka naman may tinatago ka pa,” aniya.
Umiling ako. “Wala po.”
Mukha siyang may iniisip dahil walang pasabi siyang lumabas ng kwarto. Hindi pa niya sinara ang pinto. Napakabait naman talaga ng ate ko.
Nawalan ako ng ganang kumilos. Pati pagkain ay hindi ko magawa. Kahit nga paglilinis ng sarili ay nakakapagod. Para bang dumaan ang mga araw sa isang iglap lang.
“Ellen,” tawag-pansin sa akin ni Manang Nuring isang umaga. “Nag-aalala na kami sa ’yo. Ayusin mo ang iyong sarili, Iha.”
Bumuntonghininga ako. Nasa garden ako at nagpapahangin. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na lumabas sa aking kuwarto.
“H-Hindi ko po alam, Manang. Para bang pagod na pagod po ako palagi,” sagot ko.
“Hay, ganiyan talaga kapag nabiyak ang puso,” komento niya pero nakangiti. “Hayaan mo at malalampasan mo rin iyan.”
Tumango ako. “Hindi ko po alam kung kailan mangyayari ang sinasabi mo, Manang. Masyadong malalim ang naramdaman ko. Hindi ko nga alam kung makakalimutan ko ba siya,” mahabang paliwanag ko.
“Bakit? Gaano ba kalalim ang pinagsamahan ninyo? Mukhang wala ka namang pinakilala sa amin, ah,” nakangiting wika ni Manang.
Bumuntonghininga ulit ako. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero parang pagod ang bibig ko.
“Namomroblema si Nico ngayon. Ito kasing si Gio panay ang pag-inom nitong mga nagdaang araw.” Nahugot ko ang aking hininga nang marinig ang kanyang pangalan. “Ayaw ng pumasok sa trabaho. Ewan ko ba. Nakakaawa. Nagkukulong lang sa bahay niya.”
Kumunot ang aking noo at mapait na ngumiti. “Wala po akong pakialam sa kanya, Manang,” wika ko.
“Sana naman mag-usap kayo nang maayos, ha?” Tumayo na siya at tinapos ang ginagawang pagtanggal ng mga damo sa flower box.
Napabuntonghininga ulit ako. Ewan ko ba. Malapit na akong matapos sa pag-aaral pero nawalan naman ako ng ganang mabuhay. Parang lahat ng gusto kong gawin ay nawala sa akin.
I just feel tired.
“Argh! I can’t believe him!” rinig kong singhal ng isang boses. “Alam mo bang ilang beses akong kumatok bago niya ako pagbuksan ng pinto? My God! I can't believe him!”
Sumilip ako mula sa siwang sa pinto papasok sa kusina. Naroon si Ate Venice kasama si Ate Margo. Kaharap ng dalawa si Ate Sam.
“Bakit? Ano ba kasi ang nangyari?” usisa ni Ate Sam. Dahan-dahan akong tumayo para makinig sa usapan nila. Hindi ako nagpakita sa kanila.
“Hay, iyan ang hindi ko alam. Bigla na lang siyang nag-inom nang nag-inom. I've asked him several times pero wala siyang sinasabi. Do you think he was—dumped?” rinig kong tanong ni Ate Venice.
Napalunok ako.
“I think so,” ani Ate Margo.
“Hmm. Ganoon din ang iniisip ko,” pagsang-ayon ni Ate Sam. “Alam mo, namomroblema nga ako kay—”
Mabilis kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob upang pigilan si Ate Samantha na magsalita. “H-Hello po. Sorry po napalakas, hehe.” Tiningnan ko si Ate Samantha pero nakangisi ang bruha.
Ang lakas talaga mang-asar!
“Ellen? Oh my goodness! Ellen!” Nilapitan ako ni Ate Venice at mukhang nakalimutan niya kung bakit siya nandito sa bahay. “You look great—unlike my brother. Mukha siyang bisugo ngayon.” Niyakap niya ako. “Hindi ko alam kung sinong babae ang minahal noon at iyak nang iyak. Tsk!” mapang-asar niyang sabi.
Napalunok ako. “A-Ate, hindi po ako makahinga,” reklamo ko. Kaagad naman siyang bumitaw.
“Sorry,” aniya. Bumaling siya dalawang kasama na seryosong nakatingin sa amin. “Anyway, I don’t know what to do with him na. I’m worried. Hindi siya kumakain, ayaw niya ring makinig. His house is a mess,” pagkukuwento niya.
Dahan-dahan akong umakyat sa kuwarto. Naligo ako at nagbihis. Simpleng t-shirt at shorts lang ang suot ko. Mainit naman sa labas kaya ayos lang. I booked a cab. Ayaw kong magpahatid.
“Oh, Ellen! Aalis ka?” tanong sa akin ni Ate Sam nang makita akong pababa sa hagdan.
“Opo. Sa park lang po ako,” sagot ko. Tumango lang siya. Hindi naman siya magdududa dahil wala akong dalang bag. Nakapambahay rin ako. Sa park naman talaga ang punta ko dahil malapit ito sa amin.
Umupo muna ako sa isang bakanteng bench habang naghihintay ng sasakyan. Palingon-lingon ako at baka may nakabuntot sa akin. Kaagad akong sumakay nang may huminto sa kalsada.
“Sa Prince Town po, Manong,” sabi ko sa driver.
Alam kong magsisisi ako pero kailangan ko siyang makausap sa huling pagkakataon. Ayaw kong masisi sa mangyayari sa kanya. I want him to fulfill his life even without me. Nagawa na niya iyon, alam kong magagawa niya rin ito ngayon. Nakapagdesisyon na ako.
Kaagad akong kumatok sa bahay niya pagdating ko. Walang sumasagot. I know where his keys are. Tiningnan ko sa taguan at tama ako. Nandoon pa rin ito sa dating kinalalagyan.
Mukha akong kawatan dahil sa ginagawa ko. Wala namang makakakita except sa CCTV cameras na nakatutok sa puwesto ko.
Pagkabukas ng pinto ay sumalubong sa akin ang umaalingasaw na amoy.
Sumilip ako mula sa loob. May unting liwanag na nagmumula sa siwang ng kurtina. Pansin ko ang nakakalat na bote ng beer sa lamesa, mga damit na nasa sahig. Makalat.
Buntonghininga akong pumasok. Itinabi ko ang mga kurtina at binuksan ang mga bintana para lumabas ang mabahong amoy sa sala. Napangiwi ako nang makita kung gaano ito kakalat.
Napairap na lamang ako at nagsimulang maglinis. Inuna ko ang mga bote ng beer at mga lata ng inumin. Puro inumin ang nakita ko. Binuksan ko ang refrigerator at wala itong ibang laman kundi tubig at beer-in-can.
Napangiwi ulit ako at nagsimulang magpunas sa lahat ng sulok. Nagwalis ako, nag-vaccum, at nag-spray ng room scents.
Nakahinga ako nang maluwag at namaywang habang nakatingin sa sala. Malinis na siyang tingnan at naayos ko na ang kalat.
Nagulat ako nang marinig ang malakas na kalabog sa loob ng kuwarto at ang pagbukas-sara ng pinto sa banyo. I heard him p**e and cussed and p**e and cussed.
“My head…” rinig kong sabi niya kasabay ang mabagal na mga hakbang palabas ng kuwarto. “Bakit ba kasi ang ingay. Sino ba ang nagbukas ng pinto? Ito talagang si Venice pakialamera,” reklamo niya.
Tulala siya nang makita akong nakatayo sa kanyang sala. Hindi sa kanya ang paningin ko kundi ang litrato na nasa picture frame. Litrato naming dalawa. Ito yung araw na huli kaming magkasama bago siya nangibang bansa dahil sa trabaho.
Tsk! Trabaho kono.
“D-Dainty?” utal niyang tanong. Nilingon ko siya. “Oh my god! It’s you! Bumalik ka!” Lalapit sana siya pero huminto rin nang maalala niyang amoy-suka siya.
“Maliligo ako, Love! Don't go!” Taranta niyang sambit habang nagmamadali sa pagkilos.
Napangiwi ako. It stings. The word love stings.
Nag-order ako ng food delivery. Nagutom ako bigla. Sala lang naman ang nilisin ko pero pakiramdam ko buong bahay na.
Rinig ko siyang halos murahin ang kanyang shampoo dahil walang lumalabas dito. “God! Bakit ngayon pa naubos?”
Natatawa na lamang ako dahil sa ginagawa niya. May nakita akong wet wipes sa tabi ng tv niya kaya kinuha ko ito at nagpunas sa aking mukha. Naka-on naman ang aircon niya pero pinagpawisan pa rin ako.
Tapos na siyang maligo nang dumating ang pagkain kaya sakto lang at ayaw ko pang makipag-usap sa kanya.
“Kumain ka,” malamig kong sabi habang nasa pagkain ang paningin.
Aligaga siyang sumunod. “O-Oo.”
“Uminom ka ng maraming tubig.”
“I’ll do that.”
Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Natatakot ako sa desisyon ko. Hindi ko alam kung paano simulang magsalita. Pareho kaming tahimik pagkatapos at naghihintay lamang kung sino ang babasag ng katahimikan.
“I’m happy you're here.”
“Hindi ko pumunta rito para makipagbalikan sa ’yo,” malamig kong sagot.
Narinig ko siyang natigilan. “Ahmm.”
“I’m here to say goodbye. For good,” sabi ko at sinalubong ang kanyang mga mata.
I felt his pain and it breaks my heart seeing his sullen face. Pero mas doble niyon ang sakit na nararamdaman ko.
I know deep down that I love him. I still love him. Hindi madali ang gagawin ko.
“M-Mahal kita, Gio. Pero—pipiliin ko muna ang sarili ko,” humihikbi kong sabi. The tears stream down my cheeks. Nahihirapan akong huminga. “I’m going abroad. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo ulit pero hiling ko na sana hindi na. I wish you luck and goodness. Sana maging masaya ka.”
Tumayo ako at nagsimulang maglakad paalis. Nahinto ako nang higitin niya ang aking kamay at mabilis akong niyakap. Yakap na mahigpit. Yakap na nagsasabing huwag akong aalis. Yakap na nakakatunaw ng pader na ginawa ko para protektahan ang aking sarili at nangyari nga.
He cupped my face and suddenly, our lips met. My mind went into a blurr.