Chapter 12

2137 Words
Chapter 12 Ellen’s POV “Ate…” “O, ano ang nangyari sa ’yo?” nag-aalalang tanong sa akin ni Ate Sam nang tawagan ko siya. “H-Hindi ko alam,” umiiyak kong sagot. “Uuwi ako,” sabi ko pa. “Sandali lang! Ayos ka lang ba?” Humagulgol ako dahil sa kanyang tanong. Hindi ako maayos. Hindi ko alam kung kailan ako magiging maayos. Hindi ko rin alam kung magiging maayos pa ba ako. “Susunduin kita,” ani Ate Samantha kaya tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Ibinaba ko ang cellphone pero hindi ko pinatay ang tawag. Umiyak lang ako nang umiyak. Hindi ko binuksan ang ilaw ng aking condo kaya nagmistulang pugad ng paniki ang aking sala. Ilang minuto ay humahangos na pumasok sa condo si Ate Samantha. “Ellen!” Binuksan niya ang ilaw at nang makita ako ay kaagad siyang lumapit sa akin. “Diyos ko!” sambit niya habang yakap-yakap ako. “A-Ate…” Umiyak ulit ako. “... Ang sakit. Ang sakit, Ate.” “Tahan na.” Lalo lang akong napahagulgol dahil sa maamo niyang boses. Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong sitwasyon. Pinaupo niya ako sa sofa pagkatapos kong umiyak. Ipinagsalin niya ko ng tubig sa baso at ininom ko iyon. Walang imik kaming pareho. Nakayuko ako habang siya ay nag-aalalang nakatingin sa akin. “Ellen, hindi kita tatanungin kong ano ang nangyari. Uuwi ka ba sa bahay?” Tumango ako pero hindi ako nagsalita. “Umalis si Nico. May lakad siya.” “U-Uuwi ako,” tahimik kong sabi. Tumayo si Ate Samantha at iginiya ako palabas ng condo. Hindi na ako nagdala ng gamit dahil may mga gamit naman ako sa bahay. Tahimik ako buong biyahe hanggang pagdating sa bahay. Nagtataka pa si Manang nang makitaniya akong tulala at mugto ang mga mata. Hindi siya lumapit sa akin dahil sumenyas si Ate Samantha na huwag muna akong istorbuhin. I appreciate the gesture. Umakyat ako sa kuwarto at tahimik na umupo sa aking kama. I felt sober now. Mabuti na lang at kaunti lang ang nainom ko. Ramdam ko ang lungkot sa aking kuwarto. Ang bigat-bigat ng aking dibdib. Naglalayag ang aking isipan. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Tumunog ang aking cellphone at tumatak ang pangalan niya. Mapait akong ngumiti at dahan-dahang tumulo ang aking luha. “Ang kapal ng mukha niya,” ani ko saka pinatay ang tawag. Humiga ako at tuluyang umiyak. Panay ang pagtunog ng aking cellphone pero hindi ko ito sinasagot. Nanginginig ang mga kamay na pinatay ko ito at itinago sa drawer. Ayaw ko na muna ng kausap ngayon. Alam kung nag-aalala sa akin sina Stella at Mika pero hindi ko yata kayang magsalita sa harap nila ngayon. Dumaan ang mga araw na hindi ako pumapasok sa school. Tinatamad akong bumangon at kahit sa pagkain ay wala akong gana. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. I felt numb. Parang wala na akong maramdaman. Ilang beses din akong pilit na kinakausap ni Ate Samantha pero wala akong maisagot. Gusto ko ring magsalita pero parang may sariling isip ang aking bibig at ayaw bumuka. Ilang araw na rin akong pinipilit ni Manang Nuring na kumain at maligo pero hindi ko magawang ikilos ang aking katawan. Pakiramdam ko'y napakabigat nito. Hindi ko nilingon ang pinto nang marinig ko ang mahinang katok mula rito. “Ellen?” Boses ni Ate Sam ang aking narinig. Hindi ako kumilos. “Gising ka ba? Papasok ako, ha?” Narinig ko ang pagpihit ng seradura at ang iniluwa mula sa pinto ang bulto ni Ate. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin saka bumuntonghininga nang masilayan ang aking hitsura. “Diyos ko! Ang pangit-pangit mo na!” sambit niya. “Ew! Napakalagkit mong tingnan. Bumangon ka at maligo, Ellen. Nasa baba sina Stella at hinihintay ka. Baka mamaya ay lahat na ng propesor mo ang pupunta rito.” Kumunot ang aking noo nang marinig ang kanyang sinabi. Ayaw ko. Ayaw ko pang kumilos. Gusto ko na naman ulit umiyak. “Tama na ang pagmukmok mo rito sa bahay. Hayaan mo na ’yan kung sino man iyang iniiyakan mo,” nakasimangot niyang sabi na para bang naiinis na sa inaasta ko. “Lalabas na ako.” Tumalikod siya at naglakad na palabas ng kuwarto. Pilit akong bumangon saka bumuntonghininga. Ang bigat-bigat ng katawan ko. Nalulungkot na naman ako. Naiinis at nagagalit. Nakakagalit naman talaga ang ginawa niya. Pinaasa niya lang ako ng ilang taon. Tapos… Mabilis kong sinampal ang aking sarili. “Tumigil ka na.” Huminga ako nang malalim. “Kalimutan mo siya, Ellen. Hindi siya makakabuti para sa iyo.” Bigla akong nakaramdam ng kakaibang lakas. Hindi ko alam kung saan nagmumula. Tumayo ako at dahan-dahan na naglakad papasok sa banyo. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Napangiwi ako. Magulo ang buhok, malagkit ang mukha, amoy-isda ang kilikili, napakadungis kong tingnan. Napansin ko ang matalas na gamit sa gilid ng aking mga mata. Pinulot ko ito at tinitigan. I need to fix myself. …. Bumaba akong bagong ligo at bagong bihis. Sinusuklay ko ang aking basang buhok gamit ang aking daliri. I like it. It feels soft, smooth, and brand new. Narinig ko na lamang ang marahas na singhap sa sala. Tumaas ang sulok ng aking labi nang makita ang kanilang reaksyon pero hindi ako nagpahalata. “E-Ellen?” nagugulat na tanong ni Mika. “Oh my God! You looked different!” sambit ni Stella habang nakatakip ang kanyang bibig. Hindi ko sila pinansin. Dumeritso ako sa kusina. Naabutan kong naggagayak ng uulamin si Manang Nuring. Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ako. “Ellen!” Mabilis siyang lumapit sa akin. “Diyos ko! Ang payat mo na!” Hinila niya ako at pinaupo. “Ipaghahanda kita ng makakain.” Mabilis pa sa kidlat kung kumilos si Manang. Pinanood ko lang siya abala sa paghahanda. Pansin ko rin ang usyusong mga tingin nina Stella at Mika na nakasilip sa pinto. “Oh, Iha! Pumasok kayo rito. Bakit ba kayo nakasilip lang diyan?” tanong ni Manang sa dalawa na mabilis namang pumasok at umupo sa harap ko. Nanatiling diretso ang aking paningin na tila hindi ko sila nakikita. “Grabe! She looks different talaga,” rinig kong bulong ni Stella. “Diba? Parang hindi ’yan si Ellen. Pinasukan yata ng kakaibang espirito ang kaibigan natin, Stella.” “Gaga. Hinaan mo ang boses mo at naririnig tayo niyan.” “It doesn't matter. Mukhang wala naman siya sa sarili.” “Talaga bang pag-uusapan ninyo ako sa mismong harap ko?” tanong ko kaya bigla silang natigil. “Ah, eh?” Inilapag ni Manang ang pagkain sa harap namin. Tahimik akong sumandok at kumain. Hindi ko nararamdaman ang aking kinakain. Hindi ko rin maramdaman ang gutom. Para bang kumakain lang ako dahil kailangan ng katawan ko. Dalawang subo lang ay nawalan na ako ng gana. “Ahem.” Nag-angat ako ng paningin. “Ellen, ikaw ba talaga ’yan?” tanong ni Mika. Kumunot ang aking noo. “Bakit?” “Eh, kasi, parang iba ka ngayon,” rason niya. “Huh?” “Wala,” aniya saka sumuno ng ulam. “May exams ba tayo?” tanong ko. Sabay silang tumango at lalong inilapit sa akin ang kanilang sarili. “Marami. Pero alam ko namang matalino ka kaya ayos lang kung lumiban ka sa klase,” ani Mika. “Right,” pagsang-ayon ni Stella. “I know.” Sabay silang nagtingingan at sabay ring humagikhik. “Biglang yumabang ang beshy natin,” tumatawang wika ni Mika kay Stella. “Diba? Iba ang epekto ng—” “Hep! Hep! Hep!” biglang putol ni Mika sa sasabihin ng katabi. Kunot-noo ko lang silang pinagmasdan sa gilid ng aking mga mata. “What?” maarteng tanong ni Stella. Pansin ko ang pandidilat ni Mika sa kaibigan. “Hayaan mo siya, Mika. You can’t stop her big mouth,” sabi ko. “Wow, ha!” anas ni Stella. Mahinang bumungisngis si Mika. Pumasok ako sa school ng sumunod na araw. Saka ko lang napansin na naiwan ko pala ang aking cellphone. Ilang araw na rin itong nakapatay. Ayaw ko ring buksan dahil maiinis lang ako. Seryoso akong pumasok sa aming silid. Ganoon na lamang karami ang matang nakatingin sa akin. “Ellen?” “Hala!” “Wow! So chic!” “Grabe! Ang ganda!” “Bagay sa ’yo ang ganiyang hairstyle!” Iba-ibang reaksyon ang nakita ko sa aking mga kaklase. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanila at itinuon ko ang buong atensyon sa mga aaralin ko. Ilang araw rin akong hindi pumasok kaya tambak ako sa lahat ng subject. “Mabuti naman at pumasok ka na, Miss Monteverde,” anang Propesor na pumasok sa silid-aralan. Tumango lang ako. Mabait naman kasi ang gurong ito kaya panatag ang loob ko. Tumayo ako at pinakita sa kanya ang medical certificate na nakuha ko bago pumasok sa school. FLASHBACK “Kuya Baji, paki-drop muna ako sa opisina ni Kuya Mateo. May itatanong lang ako sa po kanya,” sabi ko kay Kuya Baji nang pasakay ako sa sasakyan. “Sige, Ma'am.” Pagpasok sa building ay kinausap ko ang sekretarya ni Kuya Mateo. “Nasa loob po si Doc, Ma’am,” magalang na wika ng sekretarya. “Thank you.” Tumalikod ako at naglakad palapit sa nakasaradong pinto. It has a name on it. “Doctor Mateo Enrile,” basa ko sa pangalang nakasulat sa gilid ng pinto bago kumatok. “Come in,” rinig kong sagot mula sa loob. Binuksan ko ng kaunti ang pinto saka sumilip sa loob. Nagulat pa siya nang makita ang aking ulo. “Good morning, Kuya,” nakangiti kong sabi bago pumasok sa loob. “Ellen, what are you doing here?” nagtataka niyang tanong habang kunot ang noo. “May sakot ka ba? Should I call Nico?” sunod-sunod niyang tanong. Sumimangot ako. “Kuya, naman. May ipapagawa lang ako sa ’yo, eh,” nakanguso kong sabi. Nilabas ko ang isang tinapay na tig-singko. Binili ko sa labas. “What is it at bakit parang susuhulan mo pa ako?” taas-kilay niyang tanong sa akin. Tumawa ako. “Gawan n’yo po ako ng medical certificate, Kuya, please! I need it. Baka hindi ako papasukin. Ilang araw na kasi akong absent sa klase namin,” nakanguso kong paliwanag. “Pretty please,” pagmamakaawa ko pa. Bumuntonghininga siya. “And please don’t tell Kuya Nico, hmm?” Lalo lang siyang bumuntonghininga. “Okay.” Pumalakpak ako. “Yes! Thank you po,” tuwang-tuwa kong sabi. Pagkatapos niyang gumawa ng certificate ay lumabas akong nakangiti. “I know you’re sick, Miss Monteverde. Tumawag sa akin ang guardian mo. Even Doctor Mateo informed me about your condition. You’re exempted.” Napanganga ako dahil sa gulat. “Po?” hindi makapaniwala kong tanong. Tumango si Ma’am. “You heard me. You can relax now. Mukhang ang dami mo pa namang inaral ano,” aniya na nakatingin pa sa ibabaw ng desk ko. Hilaw akong ngumiti. “Hehe. Opo,” sagot ko pa. “Your hair suits you better,” komento pa ni Ma’am kaya lalo akong natunaw. “Salamat po.” Shemay! Nag-effort pa akong pumunta kay Kuya Mateo. May pabigay-bigay pa ako ng tinapay tapos tumawag naman pala siya. Hmp! Napagod lang ako, ah. “Taray ng beshy natin, ah!” kantiyaw ni Mika pagbalik ko sa aking upuan. Mayabang akong ngumiti. “Syempre! Ako pa ba,” tumatawa kong sabi. “Hmp! Broken hearted naman,” pang-iinis sa akin ni Stella. Sabay namin siyang pinandilatan ni Mika. “Sorry naman,” sumusuko niyang wika. Akala ko ay mapapagod ako buong araw pero hindi. Wala kami masyadong ginagawa. Alam ko namang kailangan kong bumawi pero magre-relax muna ako ngayon. Nasa school ground kami. Sa gilid ay may mga nakatayong maliliit na waiting sheds. May mga upuan kaya doon kami nagpahinga. Sa harap ay ang malawak na soccer field at sa hindi kalayuan ay ang building ng nursing students. Panay ang kuwentuhan ng dalawa pero dahil wala ako sa mood ay pumikit ako. Ilang minuto lang ay nakaidlip ako. “s**t!” “Hala!” “OMG! Ano ang gagawin natin?” Naririnig ko ang bulungan ng dalawa pero hindi ko sila pinansin. Gusto kong matulog pero dahil sa ingay nilang dalawa ay nagdilat na lamang ako ng mata. “You’re so loud,” reklamo ko. Napalunok ako ng laway nang tumambad sa akin ang mukha ni Gio. Nakatingin siya sa akin ng diretso. I can’t read his thoughts. Walang emosyon ang kanyang mukha. “Errr, maiwan muna namin kayo, ha?” Sabay na umalis ang dalawa kog kaibigan kaya naiwan akong nakatayo sa harap ng taong ayaw kong makita. “We need to talk.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD