Chapter 11
Ellen's POV
“Aalis ako.”
Nalulungkot kong tiningnan sa mga mata si Kuya Gio. Ilang buwan na rin mula nang magsimula ang sekreto naming relasyon. Alam ko namang aalis siya dahil sa klase ng kanyang trabaho pero… mami-miss ko siya.
“Don’t be sad, Love. Babalik din naman ako,” aniya habang inaayos ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa aking mukha.
Nakasimangot akong nag-iwas ng tingin saka bumuntonghininga. “Ayos lang. Trabaho naman ang ginagawa mo, eh.”
I feel st*pid with my remarks. Para tuloy akong bata.
“I’ll bring you some souvenirs when I come back,” sabi niya.
Tumango ako saka tumayo upang yakapin siya. “Mag-iingat ka,” emosyonal kong sabi. Napahigpit ang pagyakap ko sa kanya. Natatakot ako. Ewan ko, pakiramdam ko kasi ay hindi na siya babalik.
“Mabilis lang naman ’to. Don’t worry too much. Inutusan ako ni Nico.”
“Mmm. Naiintindihan ko,” sagot ko.
“Nagugutom ka ba?” tanong niya pagkakalas ng yakap ko.
Tumango ako. “Nagutom ako sa sinabi mo, eh,” nakanguso kong sagot sabay iwas ulit ng tingin.
Mapanukso siyang tumawa. “I’ll cook for you.” Kaagad siyang tumalima.
Unang beses niya akong dinala sa sarili niyang pamamahay. Ang sabi niya sa akin ay walang ibang nakakaalam sa bahay niya na ito.
Umupo ako sa sofa sa salas habang naghihintay na makapagluto siya. It’s our first monthsary as a couple. Ang gusto niya ay sa restaurant kami kakain pero hindi ako pumayag. Baka kasi may makakita sa amin. Natatakot akong husgahan ng nakararami.
Hindi pa ako handang malaman nina Kuya at Ate.
Buntonghininga akong sumandal dahil kinakabahan ako sa sinabi niya. Natatakot ako para sa kanya. Alam ko ring hindi niya masasagot ang mga tawag ko kapag nasa trabaho siya. Iniisip ko pa lang ang mangyayari ay nami-miss ko na siya.
“Bakit nakasimangot ang mahal ko?”
Napaigtad ako dahil sa gulat. Nakanguso akong nag-iwas ng paningin sa kanya. Mabilis akong umiling. “W-Wala, ah.”
“Hmm?” Lumapit siya sa akin. Napansin kong nakasuot siya ng apron na green. Bumagay ito sa suot niyang puting sando at itim na shorts. May suot din siyang headband sa ulo na may sungay.
Napangiti ako. “Ang guwapo niya,” bulong ko sa sarili sabay hagikgik.
“Alam kong guwapo ako, Love.”
Biglang nag-init ang aking pisngi. “N-Narinig mo?” Tumango siya. “Akala ko bulong na ’yon?”
Tumawa siya. “Ang lakas kaya ng pagkakasabi mo,” aniya. Naglahad siya ng kamay. “Come on. The table’s set.”
Tumayo ako sabay abot ng kanyang kamay. Hinatid niya ako sa mesa at inalalayang maupo. Kinikilig ako kahit na feeling ko ay para akong lumpo.
“Magbibihis lang ako, Love,” paalam niya. Tinanguan ko siya at pinanood ko ang bulto niyang papalayo.
God! Ano ba ang nagawa ko para mahalin ako ng ganito? Deserve ko ba ’to?
Napapiksi ako sa gulat ng bigla siyang nagsalita. “Ang lalim naman ng iniisip mo?”
“H-Huh?”
Nagulat ako nang maglahad siya ng isang bungkos ng pulang rosas sa harap ko. “Happy monthsary, Love.” Inilagay niya sa harap ko ang isang maliit at parihabang kahon. Sa hitsura pa lang ay alam kong mamahalin ito.
Nakamaang ko siyang pinagmasdan. “Seryoso ka ba?” nagugulat kong tanong bago tinanggap ang bulaklak.
Tumango siya. “You can open it,” suhestiyon niya pa.
Aligaga kong binuksan ang kahon at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata. “Ang mahal nito!” sambit ko nang makita ang nakapaloob sa kahon. Isang kuwentas na brilyante. May maliit na letrang D at G habang nakapagitna ang isang maliit na bilog na may kumikinang na bato.
“It’s for you.”
“Salamat,” utal kong sagot. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko yata kayang magsuot ng ganitong alahas. Baka atakihin ako sa puso kapag mawala ’to sa akin.
Sa kabila ng saya ay nanliit ako sa hiya. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang aking munting regalo. Palihim kong isinuksok sa aking bulsa ang hawak kong kahon na kinuha ko sa aking bag habang nagbibihis siya.
Inilagay niya sa katabi kong upuan ang bulaklak saka pinagsilbihan ako. Mas lalo akong nawalan ng panahon na ibigay sa kanya ang aking regalo dahil panay ang kuwento niya tungkol sa kanyang pag-alis. Lalo lang tuloy akong nalulungkot.
Kasalukuyan kaming nagpapahangin sa harap ng kanyang balkonahe. Pareho kaming lunod sa pag-iisip. Gulat kaming pareho ng sabay kaming nagsalita.
“Ikaw na ang mauna,” aniya.
Napayuko ako sabay hinga ng malalim. “A-Ano… kasi… ” Tumikhim ako. Kinuha ko ang maliit na kahon sa aking bulsa. “Alam kong marami ka ng gamit kaya wala akong maisip na ibigay sa ’yo. Alam ko ring hindi ka nagsusuot ng ganito kasi—” Naputol ang sasabihin ko ng kinuha niya sa akin ang kahon saka binuksan ito sa harap ko.
Nahigit ko ang aking hininga. Tinitigan niya ang laman. Bumagsak ang aking mga balikat. Hindi siya nagsalita. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
“P-Pangit ba?” nahihiya kong tanong.
“What? No! I love it!” Nagulat ako dahil sa reaksyon niya. Para siyang bata na nakangiti. “Paano ba ’to isuot?” tanong niya pa kaya tinulungan ko siya.
“Happy monthsary, Kuya Gio,” nakangiti kong sabi pero kumunot naman ang kanyang noo.
“Thank you, but don't call me that.”
“Sige. Mag-iisip ako.”
“I’ll cherish this, Love. Thank you.” Niyakap niya ako sabay halik sa akong noo. Magkahawak-kamay kaming nakatitig sa kalangitan.
Sa kanyang pag-alis ay naging matamlay ang mga araw ko. Hindi ako masyadong nagsasalita. Kahit sina Mika at Stella ay napapansin ang pagbabago sa akin. Pinipilit ko namang maging masigla pero nawawalan ako ng gana. Hindi ako mapakali. Hindi siya mawala sa isipan ko. Kinakabahan ako.
Isang buwan ang lumipas nang hindi ako nakakatanggap ng mensahe mula sa kanya. Lalo akong naging bugnutin. Wala akong kinakausap sa bahay. Wala namang nakakapansin dahil lahat ay abala sa kani-kanilang trabaho.
Kahit sa mga sumunod na buwan ay walang nangyayari kaya pakiramdam ko tuloy ay inabandona ako.
“Grabe naman ’yan, Girl! Talaga bang bawal mag-send ng pictures?” tanong ni Stella isang hapon. Nasa coffee shop kami, nagpapahinga. Katatapos lang kasi ng major exam namin.
“Diba?” sang-ayon ni Mika. “Imposible, Sis. You’re forgotten.”
Lalo akong napanguso. “Tigilan n’yo nga ako. It’s ridiculous,” sabi ko pero ang totoo ay ganoon na nga ang nararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi siya tumatawag. Hindi ko rin siya matawagan. Wala rin siyang social medias na pwede kong padalhan ng mensahe.
I feel st*pid waiting for him.
“Hay, naku! Ang bata mo pa. Maghanap ka ng iba riyan,” ani Mika.
Napangiwi ako. “I can’t.”
“Why not? Mag-party tayo,” sabi ni Stella na may mala-demonyong ngiti sa labi.
“Ewan ko sa inyo.”
“Oh, come on, Ellen! Tumatanda na tayo, Girl. Gumala ka naman. Perfect mo lahat ng quizzes at exams natin. Treat yourself naman. Saka hindi naman niya malalaman, duh!”
“I c-can't.”
“Sus! Ako ang bahala sa ’yo!” ani Stella kaya wala akong nagawa nang higitin nila ako. They even ask Kuya Nico para ipaalam ako na gagala. Pumayag naman si Kuya dahil alam naman niya ang grades ko sa school. Hindi na ako pinaghihigpitan ni Kuya. In fact, pinagtatabuyan pa nila ako ni Ate Sam.
“Come on, Girl. I’m sure makakahanap ka ngayon ng boylet.”
“Stop it. Ayaw ko,” nakangiwi kong tanggi.
“Duh! Kaya ka nga binigyan ng sarili mong condominium para maglakwatsa. Ano ka ba?”
“Ito naman si Stella. It’s not lakwatsa. Party, Girl. It’s to have fun,” sabat ni Mika na kasalukuyang inaayos ang aking buhok.
“Kayo talaga. Kung ano-ano na lang ang naiisip ninyo,” natatawa kong sabi. Si Stella kasi ang naglalagay ng kolorete sa aking mukha. “Ayusin mo, Stella. Baka demonyo ang mabingwit ko.”
Napasimangot siya sa sinabi ko. “Gaga! Don’t underestimate my makeup skills, Darling.”
“Oo na.”
Pinahiram pa ako ni Stella ng damit. Hindi pa naman daw niya ito nasusuot. May tag pa nga ng presyo kaya napanganga ako dahil mamahalin. Tapos na nila akong asikasuhin kaya sarili naman nila ang kanilang inaatupag. Nasa Condo kami ni Stella dahil mas pabor sa kanya ang pupuntahan naming bar daw.
“We’re done, Ellen! Kanina ka pa riyan sa banyo!” tawag sa akin ni Stella.
“Come on! Male-late tayo,” saad ni Mika kaya lalong humaba ang aking nguso. Hindi ko nagugustuhan ang repleksyon ko sa salamin.
Masyadong maikli ang damit na suot ko. Tanging maliit na strap ang nakasabit sa aking balikat. Pakiramdam ko ay hubad ako. My hair was in a messy bun kaya kitang-kita ang aking collarbones. Namamayat pala ako. Suot-suot ko pa rin ang bigay sa aking kuwentas pero ngayon parang wala na akong nararamdaman. Naiinis na ako. Lumabas akong nakanguso kaya gulat sila ng makita ako. Pareho silang nakanganga.
“Oh my God, Ellen! You looked so Dainty, b*tch!” sambit ni Stella.
“Erk! Para kang manika, Ellen! My goodness!” sabat ni Mika.
Namula ang aking mukha. “Stop teasing me,” anas ko.
“Hmp! Maglaway siya ngayon,” ani Stella sabay lapit sa akin. “Come on. Let’s take a picture!” nakangiti niyang sambit kaya lumapit din si Mika sa amin.
Itinaas niya ang kanyang cellphone kaya ngumiti ako sa camera. “Okay. I’ll post it. Total nagpaalam naman tayo kay Kuya Nico at Ate Sam. Hmm? Ano ba ang ica-caption ko?” tanong niya.
“You got it,” ani Mika habang inaayos ang kanyang hand bag.
“Hmm? Cheers to Ellen’s first party with the girls! Yikes!” Tawang-tawa si Stella. She tagged me dahil tumunog ang cellphone ko.
It’s almost 9 pm. Maaga raw kaming pupunta para mas maraming boys. Itong dalawang kasama ko, puro boys ang iniisip.
Nasilaw ako pagpasok namin sa sinasabing bar na madalas puntahan ni Stella. Akala ko bar, club pala dahil may sumasayaw sa gitna.
“I’ll ask them muna kasi maraming tao.” Tumango ako at pinanood si Stella na lumapit sa isang waiter. Naglakad ulit siya palapit sa amin. “May birthday party raw. The drinks are free. Suwerte natin,” aniya.
Nanlaki ang mata ni Mika. “Really?”
“Yeah. Come on. Let’s find some vacant table.” Hinila nila akong dalawa.
Wala pa man ay nahihilo na ako dahil sa ilaw na umiikot sa gitna. Maraming kulay kaya hindi makapag-focus ang mga mata ko. Malakas pa ang tugtog kaya parang s*sabog ang dibdib ko.
May lumapit sa aming waiter at binigyan kami ng drinks. “Wow!” manghang sambit ni Stella. “Mukhang mayaman ang birthday-human natin, ah.”
“Right? Ang mahal nito, Girl!”
Nagsisigawan ang dalawa dahil hindi kami magkakarinigan. “Ito, Ellen. It’s not hard,” ani Mika at ipinagsalin ako sa baso. “O-order ako ng food.”
Tumayo na siya at pumunta sa counter. Pagbalik niya ay may dala pa siyang isang bote ng wine. I can’t believe these girls. Ang alam ko kasi ay nagpa-party sila pero hindi ganito. Para silang nakawala sa hawla.
“Come on, Ellen. Let’s enjoy the party. At least hindi tayo magbabayad.”
Tumawa ako. I feel a little bit tipsy. “I’m quite enjoying it,” nakangiti kong sabi. Biglang huminto ang tugtog at umingay ang mikropono.
“Hello, Everyone! Let’s welcome our birthday girl!” Marami ang pumalakpak. “Rissa!”
Pumikit ako dahil sa sobrang ingay ng paligid. There’s wooos and cheers everywhere. Sa kabila ng ingay ay naririnig ko ang kabog ng aking dibdib. I don’t know why but I felt like something has strike me straight to the heart.
Diretsong tumama sa lalaking nakatayo sa harap pagdilat ko. Katabi niya ang babaeng una kong pinagseselosan.
“Oh no!” gulat na sambit ni Stella. Mabilis akong hinawakan ni Mika just to comfort me.
Napalunok ako nang magtama ang aming paningin. I held my breath. Hindi ako makahinga habang titig na titig sa mga matang matagal kong hinahanap. Titig sa taong laman ng aking puso. Diretso siyang nakatingin sa akin. Kunot ang kanyang noo na para bang hindi niya inaasahang makita ako sa ganitong sitwasyon.
I rolled my eyes and laughed.
“This is going to be fun,” I said. Hinawakan ko ang aking wine glass at itinaas ito just to tease him. May napagtanto ako. Hindi na ako si Dainty. I’m a wild girl living my life.
Mabilis akong umupo at uminom nang uminom. Nanatiling gulat ang dalawa kong kasama. Parang h*niwa ang aking puso. Hindi ako makapaniwala na sa tagal ng panahong nagkalayo kami, katabi niya ang ibang babae sa unang araw na pagkikita namin.
“Ellen, are you—alright?”
Hindi ako sumagot sa tanong ni Stella. Gumuho ang aking mundo. I don’t know how to function. Nakatitig lang ako sa chicken wings sa table namin. Gusto kong kumain lero nawalan ako ng gana.
“Goodness! It’s a disaster, Stella,” ani Mika.
“I can’t believe this! What now? Ano na ang gagawin natin?” tila namomroblema niyang tanong.
“Let’s party. Iyon ang ipinunta natin dito. Don’t mind them,” sabi ko.
“But—”
“It's free. Huwag nating sayangin ang grasya,” tumatawa kong sagot.
“Boang ay,” umiiling na wika ni Mika.
“Come one! Sumayaw rin tayo sa gitna.” Tumayo nang magsimula nang gumulo ang paligid. May nagsasayawan na. Hindi ko na muling tiningnan ang dalawa. Hindi ko na rin siya hinanap. Inalalayan ako ng dalawa kong kaibigan dahil muntikan na akong matumba.
They’re tense.
Hindi rin naman nila inaasahan ang madadatnan dito. They just want to have fun. Ayaw kong ako ang maging dahilan para hindi sila magsaya. I don’t want to ruin their happiness.
Lalo lang akong nahilo sa pagsasayaw kaya nagpaalam ako sa kanila na magpapahinga muna. I want to get sober dahil kailangan ko iyon para makauwi.
Umupo ako sa sofa at pumikit. Muntik na akong makatulog kung hindi dahil sa marahang tapik sa aking balikat. I saw a pair of dark eyes glinting in the lights.
“Hi?” Napaupo ako.
“I saw you alone. Are you okay?” tanong niya. May bahid ng pag-aalala sa kanyang boses.
Tumikhim ako. “I’m good, yes. And you?”
“I’m great. I’m invited here but—I’m not a party-goer,” aniya.
Natawa ako. “Same here. It’s my first time. Why don’t you join me. I’m quite bored,” sabi ko pa just to initiate small talks dahil wala naman talaga akong makausap.
Gusto ko lang na may mahimatay sa selos diyan sa tabi-tabi. I felt a sharp eyes glaring at me pero hindi ko ito pinansin.
Dumaan ang isang oras at panay ang pagtawa ko dahil comedian pala itong kausap ko. He’s from Canada and he’s Rissas's acquaintance. Tinanong ko siya kung may boyfriend ba si Rissa and he said yes. Tinuro pa niya ang lalaking katabi ng dalaga kaya lalong sumakit ang dibdib ko.
“They’ve been together for so long. We’re college friends—pero ako masyadong close sa kanila,” nabubulol niya pang sabi.
“Right,” bored kong sagot. Tumayo ako. “Thank you for your time. Pupunta lang akong banyo,” paalam ko. Tumango naman siya. Binitbit ko ang aking handbag at naglakad na palayo.
I know I need to distance myself from them. Kailangan ko talaga dahil baka may masapak ulit ako.
Nagtanong ako kung saan ang banyo at pagkatapos ay lumabas na ako ng club. Nawala na ang alak sa aking sistema pero ang sakit na dulot ng pagta-traydor sa akin ay nanatili sa aking dibdib.
Mabilis akong naglakad. Alam kong mahihirapan akong maghanap ng taxi pero ayaw ko ng manatili sa iisang lugar kasama sila. I fetch my phone para tawagan si Stella pero hindi siya sumasagot pati si Mika.
Bumuntonghininga ako. I felt so alone. Sumandal muna ako sa pader habang nagtitipa. I open my socials at tiningnan ang comments sa post ni Stella. Puro heart at kung ano-anong pambobola ang nandoon.
I booked a cab at suwerte dahil may isang free. Tahimik akong naghintay. Pakiramdam ko ay iiyak ako. Hindi ko alam kung bakit hindi niya magawang tawagan ako noon, pero ngayon alam ko na kung bakit. He was busy with someone else.
I felt abandoned, unloved, and betrayed. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang tingnan sa mga mata after what happened.
“Dainty.”
Napapiksi ako nang marinig ang baritonong boses. It feels unfamiliar yet it was recognized by my heart. Hindi ako lumingon. I don’t want to talk to him. Apat na taon akong parang tangang naghintay sa wala. Apat na taon akong nagtiis na hindi siya makita. Kahit boses man lang ay hindi ko narinig. I thought he was out for work? Mukhang trabaho ang inatupag niya.
Napangisi ako. Masakit. Sobrang sakit. My heart was torn to peices.
“Sino ka?” Pansin ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata dahil sa tanong ko. “Huwah mo ako tawagin sa ganiyang pangalan.”
“L-Love—”
“Don’t call me that!” inis kong singhal. I saw my taxi in the corner of my eye. Ibinalik ko sa kanya ang aking paningin. “Ayaw kitang makita.” Mabilis akong pumasok sa sasakyan nang huminto ito sa aming harap.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Lalo akong napahagulgol nang tanungin ako ng driver kung ano ang nangyari sa akin.
“Nag-away ba kayo? Ay, ayos lang ’yan, Iha. Normal na iyan sa isang relasyon. Mag-usap kayo ng maayos. Huwag hayaang maghari ang galit sa puso.”
Pumikit ako. I don’t want his unsolicited advice pero he’s old. He knows what he’s saying. He experienced it first hand. Hinayaan ko na lang siyang magsalita dahil kahit papaano ay ramdam kong hindi ako nag-iisa.
“Salamat po,” sabi ko habang pababa ng sasakyan.
“Walang anuman, Iha. Mag-iingat ka,” nakangiti niyang sabi. Hinintay pa muna niya akong makapasok sa building bago siya umalis. The lights were dim in the hallway. Hanggang sa pag-akyat ko sa aking unit ay tahimik ang paligid.
Napaupo ako sa sahig pagpasok ko sa loob. Nanghina ang aking mga tuhod. Hindi ako makahinga. Naghahalo ang luha at sipon.
“I hate him! I hate him! I hate him!”